You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Mother Tongue

I. Layunin:
Natutukoy ang mga salitang magkasalungat
MT1VCD-IIIa-i-3.1

II. Paksang Aralin


Pagtukoy ss mga salitang magkasalungat
Sanggunian: K to 12 Curriculum T.G. p. 293 – 297 C.G. pp.
Kagamitan: Tsart, larawan, pocket tsart
Integrasyon: ESP, P.E, Health
Valyus: Pagpapahalag sa pag-aaral
Mga Stratehiya: Guided Interaction, Vocabulary, Visuals, Universal Themes

III. Pamamaraan
1. Upo, Tayo,Upo(Leron,leron Sinta)

2.Balik aral:
Kasingkahulugan ko, Itambal mo!
Pagtambalin ang mga salitang magkasingkahulugan.

3.Paghahabi sa layunin ng Aralin


A. Laro Tayo! The Boat is Sinking
Magsasama sama ang mga bata ayon sa sinasabi ng guro.(hal.igrupo ang
sarili ayon sa ( haba at ikli ng buhok)
4.Pag-uugnay ng halimbawa sa bagong aralin
A. Kwento ko, Pakinggan mo!
Si Mang Jose ay isang mahirap na mangingisda, meron siyang
dalawang anak . Isa si Roy sa kanyang mga anak masipag at matulungin palagi
niyang tinutulungan ang kanyang ama sa pangingisda kapag walang pasok sa
eskwelahan. Mahilig siyang kumain ng gulay kaya siya ay malusog at di sakitin.
Matalino at mabait na bata si Roy kaya tuwang tuwa sa kanya si Mang Jose.
Samantalang si Edwin na kapatid niya ay tamad at hindi pumapasok sa paaralan.
Matapang na bata si Edwin palagi siyang napapalaban ng away sa ibang bata sa
kanilang lugar . Nalulungkot si mang Jose kapag iniisip niya ang magiging
kinabukasan ni Edwin.
Sino ang mga tauhan sa kwento?
Ilan Ang anak ni Mang Jose?
Sino si Roy?
Sino si Edwin?
Anong uri ng pamumuhay meron sina Mang Jose?
Sino sa palagay ninyo sa magkapatid ang magiging maayos ang buhay Si
Roy ba o si Edwin? Bakit?
Ano ang mabuting naidudulot sa ating katawan ng pagkain natin ng gulay ?
Mahalaga ba nag-aaral ang isang batang katulad ninyo bakit?
Ano ang mangyayari kung ang isang batang katulad nyo ay hindi pumapasok sa
paaralan.?
Sino sa dalawang bata ang dapat ninyong tularan ? Bakit?

B.Tukuyin mo! (Realia)


Pagpapakita ng mga tunay na bagay, hayaan ang mga bata na tukuyin ang
mga ito gamit ang salitang naglalarawan.(Pahawakan sa bata )
1 (yelo at tubig na mainit)
2. (bulak at bato)
3. (stick at ruler)
4.. (asukal at asin)
5. (mansanas –lansones)

5 .Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


.
A. Kasalungat ko, Pitasin mo!
Pitasin sa puno ang bunga na kasalungat ng salitang ipakikita ng guro.

6. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Pangkatang Gawain
Ano-ano ang dapat tandaan kapag gagawin ang pangkatang
gawain?

Pangkat I : kasalungat ko kulayan mo.


Kulayan ang salitang kasalungat ng salitang nasa loob ng kahon

1 masipag marikit tamad maganda

malusog matamlay mataba payat

magulo tahimik payapa maingay

makipot malawak maluwang malapad

mabuti masama mataba payat

Pangkat II: Iugnay Mo. Kasalungat ko!


Pagtambalin ng guhit ang mga salita sa Hanay A sa kanilang
kasalungat sa Hanay B.
A B
Malinis mataas
Mahaba magaspang
Maputi madumi
Makinis maikli
Mababa maitim
Pangkat III: Tukuyin mo,!
Basahin ang pares ng mga salita. Lagyan ng kung magkasalungat
ang pares ng mga salita at . kung hindi
____1. magulo - tahimik
____2. tuwid - diretso
____3. masaya - malungkot
____4. malakas – mahina
____5. matamlay - sakitin
7.Paglinang sa kabihasaan
(Tungo sa Formative Assessment)
Paikutin mo!
Paikutin ang roleta, Ibigay ang kasalungat na salita ng salitang
matatapatan nito.
8.Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay
Sagutin mo! Tanong ko
Kung kayo ay pumapasok sa paaralan , ano ang ginagawa ninyo?
naglalakad ba kayo o nagsasakay? Bakit?
Ang paglalakad ba ay isang paraan ng pag eehersisyo? Bakit?
May mabuti bang naidudulot ang paglalakad sa ating katawan?Bakit?

9. Paglalahat ng aralin

Ano ang ibig sabihin ng salitang magkasalungat?

IV. Panuto:
Ano ang salitang kasalungat ng mga sumusunod.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Malusog A. masaya B. matamlay C. maligaya
2. Matamis A malinamnam B. maasim C, masarap
3. Mataba A. matangkad B. mataas C. payat
4. Si Louis ay masipag mag-aral kaya matataas ang nakukuha niyang marka
.Ano ang kasalungat ng masipag?
A. Magaling B. tamad C. matalino
5. Maganda ang damit ni Hayya. Ito ay bigay ng kanyang lola kaya siya ay
masayang masaya. Ano ang kasalungat ng masaya?
A. Malungkot B. maganda C.maiba

V. Takdang-Aralin:
Sumulat ng 5 salita na magkasalungat

Table Of Specification
Mother Tongue

code Learning No. Cognitive No. Percentage


Competencies of Domain of
days and Item Items
Placement

easy Ave. Diff.


MT1VCD Natutukoy ang 1 Remeberin 5 3
-IIIa-i-
3.1 salitang g 1
Magkasalaunga
t 1

You might also like