You are on page 1of 2

2nd Quarter-Aralin 9- Pagpapaunlad ng Pamayanan- Pariralang Pang-abay

I.

II.

III.

Layunin
Nagagamit ang pariralang pang-abay sa paglalarawan ng kilos. F4WGlld-g-5
Paksa
Aralin 9-Pagpapaunlad ng Pamayanan
Paksa- Paggamit nang Pariralang Pang-abay sa Paglalarawan ng KilosF4WG-lld-g-5
Kagamitan: powerpoint presentation
Kuwento: Ang Hardinerong Tipaklong ni Dr. Rose Torres -Yu
Sanggunian:Yaman ng Lahi TG,pp150-153. KM,p.82
Pamamaraan
A. Pagbabaybay
B. Paghawan ng Balakid
-walang mintis
-nagdadadamba
-patibong
C. Pagganyak
Sino ang may hardin sa bakuran ng inyong bahay?
Kung wala kayo sa inyong bakuran, nakapasyal na ba kayo sa ating
gulayan sa paaralan?
Ano-ano ang inyong makikita dito?
D. Paglalahad
Basahing muli ang kwentongAng Hardinerong Tipaklong
E. Pagtatalakay
Ano ang ginawa ng tauhan sa pahinang ito?
Ilarawan ang kilos na isinagawa sa ipinakitang pahina.
Ano ang salitang kilos ang binanggit dito?
Paano inilalarawan ang bawat kilos?
Basahin muli ang mga sumusunod na salita
dahan-dahang naglakad
pausad-usad na gumapang
Ano ang napapansin nyo sa mga salitang may salungguhit?
Anong tanong ang sinasagot ng mga ito?
F. Paglinang na Kasanayan
Basahin ang mga pangungusap na hinango buhat sa kwento..
Bilugan ang pariralang pang-abay na naglalarawan ng kilos.
1. Mahusay na nag-isip si Mang Atong kung paano niya mahuhuli ang
mga tipaklong.
2. Habang kumakain ng kangkong si Tipaklong mabilis itong nahuli ni
Mang Atong.
3. Paluhod na nagmamakaawa si Tipaklong na siya ay pakawalan.
4. Matiyagang binungkal ni Tipaklong ang lupa at tumulong siya sa
pagdidilig ng mga halaman.
5. Patalon-talong sumasayaw si Talong habang kumakanta si Okra.

G. Paglalahat

Ano ang pang-abay?


(Pang-abay ang tawag sa mga salitang nagbibigay-turing o
naglalarawan sa pandiwa)
Anong tanong ang sinasagot nito?
(Paano)

IV.

V.

H. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Pagtataya
Basahin ang mga pangungusap.Bilugan ang mga pariralang pang-abay
na naglalarawan ng kilos.
1. Mahusay sumayaw si Karen.
2. Taimtim na nagdasal ang mga tao upang tumigil na ang ulan.
3. Masayang nagkikita-kita sila tuwing Linggo.
4. Ang bata ay pagapang na kinuha ang kanyang gatas.
5. Maingat na ibinalik ni Jose ang hiniram na aklat.
Takdang Aralin
Gumawa ng isang talata tungkol sa kahalagahan ng pagtutulungan
upang maging maunlad ang lahat. Gumamit ng mga pariralang pangabay na naglalarawan ng kilos.

You might also like