You are on page 1of 3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

MAHABANG PAGSUSULIT

PANGALAN:_________________________ SECTION:___________________________

I- Isulat ang titik ng pinakatamang sagot.


_____1. Paano malalaman kung ang isang tao ay may pangarap?
a. May kahandaang kumilos upang maisakatuparan ito.
b. May pagnanais na kumilos upang maisakatuparan ito kung sa kanyang palagay ay madali lamang ito
maabot.
c. May matinding pagnanais na maabot ang pangarap subalit hindi ipinagpatuloy kung nahirapan na.
d. Naniniwalang ang mga pangarap ay maaaring maabot kahit walang ginagawa.

____2. Tunguhin na nais marating sa hinaharap. a.Panaginip b.Mithiin c.Layunin d.Pantasya

_____3. Espesyal na uri ng pangmadaliang mithiin na nakakatulong sa pagkamit ng pangmatagalang mithiin.


a. Enabling goal
b. Short-term goal
c. Long-term goal
d. Specific goal
_____4. Mithiing maaaring makamit sa maikling panahon.
a. Enabling goal
b. Short-term goal
c. Long-term goal
d. Specific goal
____5. Bakit mahalaga na may mithiin ang isang tao?
a. Dahil ito ang nais ng mga nakatatanda sa kanya.
b. Dahil ito ang itinakda ng pamayanan para sa kanya.
c. Dahil ito ang magiging gabay niya sa paggawa ng kanyang desisyon sa buhay.
d. Dahil ito ang kanyang patutunguhan bilang isang tao.
_____6. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gamitin ng tao upang maisakatuparan niya ang kanyang mga
mithiin sa buhay?
a. Determinasyon at lakas ng loob
b. Pagmamahal at pagsisikap
c. Kayamanan at talino
d.Talino at koneksiyon sa pulitika
____7. Ang pagtatakda ng mithiin ay may pamantayan. Kapag ang iyong nais ay siya mo talagang
gusto at hindi pabago-bago, ito ay :
a. Specific o Tiyak
b. Attainable o naaabot
c. Measurable o nasusukat
d. Relevant angkop
___8. Nais ni Gemma na maging doctor subalit hindi ito kaya ng kanyang mga magulang na nagtitinda
ng kakanin s apalengke. Ano ang maaaring magawa ni Gemma upang maisakatuparan ito?
a. Huwag na mag-aral at tumulong na lamang sa kanyang mga magulang
b. Sumulat sa isang mayamang kamag-anak at humingi ng tulong
c. Magtrabaho habang nag-aaral upang may maipantustos s apag-aaral
d. Maghanap ng scholarship para makapag aral nmg libre
____9. Tawag sa kalagayan o Gawain na
Naaayon sa plano ng Diyos para saatin.
a. Pangarap
b. Mithiin
c. Bokasyon
d. Propesyon
e.
____10. Maliit pang bata si Jose ay pangarap na niyang maging Engineer. Sa kasamaang palad siya ang
naaksidente at naputulan nang paa. Naka whwwlchair na siyang pumapasok sa paaralan. Kung ikaw
ang kaibigan ni Jose, ano ang ipapayo mo sa kanya?

a. Huwag nang kumuha ng kursong engineering dahil alam naman niya na mahihirapan lamang siya
dahil sa kanyang kapansanan
b. Mag-enrol sa online upang sa bahay na lamang mag-aral at nang hindi mapahiya sa iba dahil sa
anyang kapansanan
c. Ipagpatuloy ang pangarap dahil hindi naman hadlang ang kapansanan sa pagtupad ng pangarap

II-Suriin ang sitwasyon sa ibaba at tukuyin kung alin sa nasa kahon ang dapat na gawing batayan sa
pagpapasya. Isulat ang sagot sa patlang

Pagpapahalaga Pagsasaliksik

Paghingi ng payo sa nakatatanda Paghingi ng gabay ng Diyos

1. Gusto mong manood ng championship game ng paborito mong koponan, ngunit sumama ka sa pagsundo
sa lola mo na ilalabas sa ospital matapos maratay ng isang lingo dahil sa atake sa puso _______________
2. Nakita mo kung sino ang kumuha ng pitaka na hinahanap ng iyong guro subalit natatakot kang magsabi
sa kaniya sa pangambang baka ka paghigantihan ng kumuha. ____________
3. Nalalapit na ang pasahan ng iyong proyekto sa Science at kulang ka na sa panahon. Inalok ka ng iyong
kaibigan na kumopya na lang sa kanyang ginawang proyekto.____________
4. Naipagtapat sa iyo ng iyong matalik na kaibigan ang balak paglalayas dahil wala na siyang madamang
pagmamahal sa magulang. Pinagaralan mo siya subalit ayaw niyang makinig. Nangangamba ka para sa
kanya._____________
5. Naguguluhan ka kung sasama ka sa iyong tiyahin sa ibang bansa upang doon na mag aral. Kapalit nito,
malalayo ka sa iyong pamilya.________________

III-Isulat ang titik ng salik sa pagpili ng kurso na sinasalamin ng bawat sitwasyon


a. Personalidad
b. Kakayahan
c. Demand
d. Pananalapi
e. Pagpapahalaga

____1. Si Rebecca ay kukuha ng kurso sa pagka-inhenyero dahil sa husay niya sa matematika.

____2. Dahil sa kanyang misyon na palaganapin ang salita ng Diyos ay papasok sa pagpapari c Nestor.

____3. Nag-iipon si John Lloyd para may maipantustos sa kanyang pag-aaral.

____4. Alam ni Allan na maraming kompanya ang mag aagawan sa kanyang serbisyo kapag nakatapos siya sa
kursong Arkitektura.

____5. Dahil sa kanyang galling sa pagluluto ay kukuha si Judy ng Culinary Arts.

____6. Sa panin iwala ni Ben makatutulong ang kanyang tikas sa kukuning kurso sa pagkapulis.

___7. Ang kakapusan sa pondo ng pamilya ang nagtulak kay Aida na mag-iba ng kurso

___8. Hindi na kumuha ng nursing si LJ dahil nalaman niya na sobra na ang nagtapos nito

___9. Sanay sa pagsasalita ng Ingles si Nathan kaya madali sa kanya ang kursong Tourism.

____10. Misyon na ni Nina ang pagluluto.

You might also like