You are on page 1of 4

I.

Hanapin sa kahon ang wastong kasagutan sa mga sumusunod na


katanungan. Isulat sa patlang ang sagot.

 Salawikain ▪ Sawikain o Idyoma


 Kasabihan ▪ Epiko
 Karunungang-bayan ▪ Bugtong

____________1. Tinatawag din ito bilang kaalamang-bayan


____________2. Ito ay ang mga salitang o pahayag na nagtataglay ng talinghaga.
Karaniwang hindi tiyak ang kahulugang ibinibigay nito sapagkat may tagong
kahulugan ito patungkol sa iba’t-ibang bagay\
____________3. Karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang
tao. Katumbas ito ng Mother Goose Rhymes sa wikang Ingles
____________4. Ito ay mga palaisipan o tanong na may doble o nakatagong
kahulugan. Ginagamit ito upang mahasa ang mga isip ng tao
____________5. Uri ng panitikan na nasa anyong patula, nagsasalaysay ng mga
pangyayaring di kapani-paniwala; ang mga tauhan ay nagtataglay ng
kapangyarihang higit sa karaniwang tao at nagpapakita ng kabayanihan
II. A Panuto: Piliin sa kahon ang kahulugan ng mga matatalinghagang pahayag na
ginamit sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang bago ang bilang ang wastong
kasagutan.
 madaling makaunawa ▪ mahirap
 pagkilala sa gawang mabuti ng iba
 sakit sa ulo ▪ matapang

________6. Mahirap ang maging anak-dalita.


________7. Mabuting kasama ang taong marunong tumanaw ng utang na loob.
________8. Malayo sa gulo ang may malawak na isip.
________ 9. May mga anak na hanggang tumanda ay pasang-krus ng magulang.
________10. Mahirap pigilan ang taong buo ang loob.
B. Tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod na salawikain. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
____11. Kung anong taas ng paglipad, siyang lakas ng pagbagsak.
a. Madalas bumabagsak sa buhay ang taong sobrang taas ang pangarap.
b.Ang taong mapagmataas ang siyang kadalasang nakararanas ng matinding
pagbagsak.
c. Hindi masamang mangarap nang mataas, huwag lamang sa paraang pagiisipan
ng masama ang kapwa.
d.Ang taong mapagmalaki ay mabilis makarma.
____12. Ang mahirap kunin ay masarap kainin.
a. Mas masarap lasapin at makamtan ang isang bagay na pinaghirapan.
b. Masarap kumain ng isang pagkaing mamahalin at mahirap kunin.
c. Ang masarap na kanin ay mahirap kainin.
d. Ang pagkaing ikaw ang naghirap magtanim ay masarap anihin at kainin.
____13. Ngayon kakahigin, ngayon tutukain.
a. Maagang magtrabaho upang buhay ay umasenso.
b.Kung kailan lamang kailangan ang isang bagay ay doon lamang kikilos upang
makamit ito.
c. Kailangang magtrabaho upang may makain.
d.Hindi tinatapos ang gawaing nasimulan na
____14. Kapag maaga ang lusong ay maaga ang ahon.
a. Lumusong nang maaga upang makaahon sa buhay at matamo ang tagumpay.
b. Matutong umahon sa anumang pagsubok na iyong sinimulan.
c. Kapag maagang nagsimula sa isang gawain ay maaga ring matatapos.
d. Ang gawing nasimulan ay kailangang tapusin.
____15. Pag may isinuksok, may madudukot.
a. Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok.
b. Madalas ay inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansiya para pag dumating
ang oras ng pangangailangan ay may magagasta.
c. Umuunlad ang mga bangko dahil sa mga perang iniipon ng mga tao.
d. Ang taong nag-iipon ay madaling yumayaman
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa loob ng
pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.
____16. Halos hindi kita makilala para kang hinipang lobo.
a. maganda b. mataba c. matanda d. mapangit
____17. Oo nga eh, napabayaan kasi sa kusina.
a. Namimilog ang katawan c. matambok ang tiyan
b. malaki ang pisngi d. namimilog ang mukha
____18. Ang lakas ng dating mo.
a. may hindi kanais-nais na amoy b. walang katinuan sa pag-iisip
c. walang itsura na maganda d. may dating na ibang klase sa tao
___19. Heto nga’t patuloy akong nagsusunog ng kilay para matapos ko ang
kursong noon pa’y hinahangad ko.
a. Sinunog ang kilay sa apoy b. Walang itsura na maganda
c. nagtiyaga sa pag-aaral d. ubos na ang kilay dahil sa sunog
___20. Ang tingin ko ngayon, tila ka ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.
a. Mahirap b. may kaya c. dukha d. mayaman
____21. Bago mo makamtan ang iyong pangarap kailangan mong dumaan sa
butas ng karayom.
a. Matinding pagsubok ang haharapin b. Natitiyaga sa paghahanapbuhay
c. positibong mag-isip d. may ambisyon sa buhay
____22. Ikaw ang may utak sa klase noong High School.
a. mapanlamang b. matalino c. matiyaga d. may kalokohan
___23. Matamis ang bunga kapag pinaghirapan.
a. masarap at maganda ang resulta ng isang bagay na pinaghihirapan
b. ang buhay ay puno ng hangarin
c. hinog ang bungang kahoy na matamis
d. masarap ang may pagsubok sa buhay
___24. Ano ang kahulugan ng salawikain, “Anuman ang tibay ng piling abaka,
wala ring lakas kapag nag-iisa”.
a. pakikisama b. pagtitiis c. pagkakaisa d. pakikipagkapwa
___25. Magkahiramang-suklay sina Ana at Rose kaya lagi silang nagkakasundo
sa anumang bagay.
a. magkaaway b. magkaibigan c. magkapatid d. mag-ina
III. Salungguhitan ang mga hudyat ng sanhi at bunga na ginamit sa pangungusap.

26. Masayahin si Jonas kaya naman marami siyang kaibigan.


27. Dahil sa pandemya halos dalawang taong natigil ang face to face classes ng
mga mag-aaral.
28. Tamad siyang pumasok at mag-aral bunga nito siya ay bumagsak.
29. Hindi siya marunong magbayad ng utang tuloy wala nang nagtitiwala sa
kanyang magpahiram.
30. Nahilo at nawalan ng malay si Paul sapagkat hindi sapat ang kanyang kinakain
at madalas nalilipasan ng gutom.
31. Dahil sa sipag at tiyaga ay umunlad siya sa buhay.
32. Palibhasa siya ay laki sa layaw, hindi siya marunong magpahalaga sa perang
pinaghihirapan ng kanyang magulang.
33. Mabilis bumaha sa aming bayan dahil sa wala nang mga punong pumipigil sa
malakas na ulan.
34. Masayahing bata si Nina kaya kinagigiliwan ng marami.
35. Mabilis siyang maniwala sa matatamis na salita ng lalaki tuloy lagi siyang
naloloko.
IV. Salungguhitan ang ginamit na salitang pahambing at tukuyin kung ito ay
Pahambing na Magkatulad o Pahambing na Di-magkatulad.
_________36-37. Higit na maraming mag-aaral ang nakilahok sa paligsahan
ngayon kaysa nakalipas na taon.
_________38-39. Si Rene ay di-gasinong masipag na gaya ni Ramil.
_________40-41. Si Chester ay kasinggaling ni Danilo sa pagsayaw.
_________42-43. Ang nakita naming buwaya sa lawa ay kasinlaki ng bangka.
_________44-45. Ang pagsusulit natin ay di-lubhang mahirap na tulad ng
nakaraang pagsusulit.
_________46-47. Si John at Paul ay kapwa mahusay sa pamamalakad ng negosyo
kaya sila ay naging matagumpay.
_________48-49.Singhusay niya ang kanyang kapatid sa pagsulat ng tula.
_________50-51. Mas makabubuti sa mga anak kung palalakihin silang may
disiplina kaysa palakihin sila sa layaw.
_________52-53. Magsinghalaga ang ama at ina sa buhay ng kanilang mga anak.
_________54-55. Di-masyadong maanghang ang laing na ito kung ihahambing sa
laing na luto ng mga bikolano.

You might also like