You are on page 1of 3

Unang Markahang Pagsusulit sa FILIPINO 8

S/Y 2022-2023
===================================================

Pangalan:____________________________________ Antas:_________________________
Basahin ang ilan sa mga karunungang-bayang ipinamana sa atin ng ating mga ninuno. Tukuyin kung anong
mahalagang kaisipan at wastong sagot ang nais ipahiwatig nito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong
sagutang papel.
1. Pag may isinuksok, may madudukot.
a. Tiyak na may magagastos sa oras ng pangangailangan ang taong marunong mag-impok.
b. Madalas ay inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansya para pagdating ng oras ay may
magagasta.
c. Umuunlad ang mga bangko dahil sa perang iniipon ng mga tao.
2. Ang tumatakbo nang matulin, ‘pag nasusugat ay malalim.
a. Matutong pag-isipan at intindihin ang kalalabasan ng iyong desisyon.
b. Ang pagdedesisyon ay kinakailangan na madaliin, upang makamit ito sa lalong madaling panahon.
c. Masusugatan ka kapag tumakbo ka nang walang sapin ang iyong mga paa.
3. Kung anong pagtaas ng paglipad, siyang lakas ng pagbagsak.
a. Madalas bumabagsak sa buhay ang taong sobrang taas ang pangarap.
b. Ang taong mapagmataas ay kadalasang siyang nakararanas ng matinding pagbagsak.
c. Hindi masamang mangarap nang mataas, huwag lamang sa paraang pag-isipan ng masama ang
kapwa.
4. Pag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
a. Kung may kakulangan ka sa iyong pamumuhay kinakailangan mo itong itago upang ‘di ka layuan
ng iba.
b. Ang pagkakaroon ng kumot na maikli ay ibig sabihin lamang niyan na tumangkad ka na.
c. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay. Mamuhay nang naaayon sa iyong kakayahan.
5. Kung anong bukambibig, siyang laman ng dibdib.
a. Kung ano ang palagiang sinasambit ay tunay at lihim na iniibig.
b. May nagugustuhan na siya ‘pag tumitibok nang mabilis ang iyong puso.
c. Ang pagsasalita ng nararamdaman ay bukal sa kalooban.

6. Tinuktok ko ang bangka, naglapitan ang mga isda.


a. Kampana b. Saging c. Ilaw
7. Nang hinawakan ko ay namatay, nang iniwan ko ay nabuhay.
a. Kandila b. Makahiya c. Mantika
8. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo.
a. Payong b. Puno c. Aso
9. Si Ana ay isang taong balat-sibuyas.
a. maramdamin b. maarte c.maganda
10. Ang bawat tao ay nagtataglay ng ginintuang puso.
A.mabait at maawain B.mapera at galante C. mabuting kalooban ?

Panuto: Tukuyin o sabihin kung anong hakbang sa pananaliksik ang binabanggit sa pahayag: Isulat ang titik na
tamang sagot sa inyong sagutang papel.

A.Pumili at maglimita ng Paksa. B.Magsagawa ng pansamantalang balangkas.


C.Magtala ng Sanggunian D.Mangalap ng Datos
E.Bumuo ng konseptong Papel F.Gumawa ng Dokumentasyon
G. Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik/ manuskrito

______11. Ito ang mga pinagbatayang aklat at iba pa upang mas maging makatotohanan
ang pananaliksik.
______12. Ang pangunahing elemento sa pananaliksik.
______13. Paraan ng pagsasaayos ng mga datos upang ang mga ito’y may wastong
organisyon ng mga ideya.
______14. Pagwawasto ng mga gramatika, nilalaman at iba pa upang maging pinal ang
pag-aaral.
______15. Ang kabuoan ng pananaliksik.
______16.Kapag narebisa na ang nilalaman ng pananaliksik, iyo ay maaari nang isulat
nang pinal.
______17.Ayusin ang mga datos, gumamit ng parentetikal na paglalahad ng sanggunian
at obserbahan ang paggamit ng wastong pagbabantas.

Panuto: Salungguhitan ang salita o mga salita sa loob ng pangungusap na kasingkahulugan ng salitang nasa
loob ng panaklong.
(kawal) 18.Si Sultana Lila Sari ay nagpadala sa lahat ng dako ng mga batyaw
upang malaman kung may babaeng nakahihigit ng ganda sa kanya.
(pinag-interesan) 19. Pinagnasaang pasukin ni Sultan Mogindra ang palasyong nakatayo
sa loob ng kagubatan.
(pinuri) 20. Lubhang hinangaan ng sultan ang kagandahan at kabutihang loob
ni Bidasari.
(kinamulatan) 21. Ang batang Bidasari ay lubos na minahal at inaruga ng kanyang
kinagisnang magulang.

Tukuyin at isulat sa patlang kung ang sumusunod na pangungusap ay PM kung Pahambing na Magkatulad at
PDM kung Pahambing na Di-Magkatulad.
_______22.Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim.
_______23.Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila.
_______24.Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak.
_______25.Gumawa nang mabuti sa kapwa, higit ang balik sayong ginhawa.
_______26.Parehong kaliwa ang paa niya kaya hindi siya makasunod sa musika ng sayaw.
_______27.Mas makabuluhan pa rin magpahanggang ngayon ang mga aral na mula sa ating
mga ninuo.
_______28.Di-gaanong nakakabalewala ang pag-agpang nito sa makabagong takbo ng panahon

Panuto: Isulat ang A kung ang ginamit na paraan sa pagpapalawak ng paksa ay pagbibigay-depinisyon. B kung
paghahawig o pagtutulad at C kung pagsusuri. Isulat ang sagot sa patlang.
_____ 29. Walang mabuting maibubunga ang pagliliban sa klase.
_____ 30. Ang pagliliban ay isang gawain ng mag-aaral na nagdudulot ng pagbaba ng marka dahil sa
di-pagkatuto.
_____ 31. May mga mag-aaral na pumapasok lamang kung panahon ng pagsusulit habang ang iba
ay nagkukumahog kung malapit nang magsara ang klase.
_____ 32. Tulad ni Tadeo, nay estudyante rin na mahilig magbulakbol. Labis na ikinatutuwa kapag
pista opisyal, biglang walang pasok dahil sa kalamidad.
_____ 33. Hindi nila batid na ang hindi pagpasok ay nangangahulugang kabawasan ng karunungan na
dapat sana ay matutunan.

Isulat ang sa patlang kung angkop ang hudyat na ginamit sa pagpapahayag ng sanhi at kung bunga sa
pangungusap.

dahil sa sapagkat bunga nito kaya


palibhasa tuloy dahilan sa

__________34. Hindi inaalagaan ng mga tao ang kalikasan kaya naman patuloy itong nasisira.
__________35. Nababawasan na ang suplay ng pagkain sapagkat maraming lupang taniman
ang tinatayuan na ng mga pabrika at tirahan.
__________36. Mabuting pagpapalaki ng magulang kay Arlene, bunga nito lumaki siyang may
magandang kalooban.
__________37. Nabulag siya dahil sa pagliligtas sa anak na muntik nang masunog.
__________38. Lumalala ang suliranin sa trapiko palibhasa’y kulang sa disiplina ang ilang tsuper.

Piliin sa loob ng kahon ang angkop na hudyat ng sanhi at bunga upang mabuo ang pangungusap.
39. Malakas ang buhos ng ulan ____________ siya nabasa.
40. Naiwang bukas ni Paolo ang kulungan ng alagang manok __________ nakawala
ang kanyang mga alaga.
41. Ipinatigil ang operasyon ng ABS-CBN __________marami ang nawalan ng trabaho.
42. __________ilegal na pagtotroso, nakakalbo na ang kagubatan.
43. __________ kumain ng marami, sumakit tuloy ang kaniyang tiyan.
Panuto: Sumulat ng isang maikling talata gamit ang paksang Ang Edukasyon. Gamitin ang iba’t ibang teknik sa
pagpapalawak ng paksa.

You might also like