You are on page 1of 4

DARAGA NATIONAL HIGH SCHOOL

DARAGA, ALBAY

IKATLONG KWARTER NG PAGSUSULIT


FILIPINO 11 - PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO

Pangalan:______________________________________ Grade/Seksyon:________________Petsa:_____________

PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot. Bilugan ang inyong sagot sa sagutang papel.

1. Bakit mahalaga ang pagbasa?


A. Natutulungan ang mga mag-aaral na mahasa at masanay sa kritikal na pag-iisip.
B. Lumalawak ang kaalaman sa mga bagay-bagay.
C. Instrumento sa pagtatamo ng tagumpay.
D. Lahat ng nabanggit

2. Ito ang kaisipang paulit-ulit at binigyang-pokus na pinag-iikutan ng mga pangungusap o bahagi ng teksto o akda.
A. Paksa B. Pamagat C. Paunlad na pangyayari D. Wala sa mga nabanggit

3. Ito ay implikasyong mahahango sa binasang teksto.


A. Lagom B. Pananaw C. Balangkas D. Konklusyon

4. Sakop sa antas na ito ang pagsasabi sa mga damdaming maaring nakapaloob sa teksto ayon sa kasiyahan, interes at
iba pa.
A. Pag-unawang integratibo C. Malikhaing pag-unawa
B. Pagbibigay interpretasyon D. Mapanuri na pagbasa

5. Ang isang akda ay may kalinawan kapag ang manunulat ay ___.


A. alam kung ano ang ihahaylayt C. gumamit ng eksakto o tamang salita
B. may sapat na datos D. lahat ng nabanggit

6. Tinatawag itong topic sentence sa Ingles. Alin sa sumusunod ang katumbas nito sa Filipino?
A. Pamaksang pangungusap C. Pangunahing kaisipan
B. Suportang detalye D. Wala sa mga nabanggit

7. May mga pagkakataong animo’y alam na natin ang ating binabasa subalit patuloy pa rin natin itong binabasa
upang patunayan kung ang ating hula o hinuha ay totoo o hindi. Ito ay ayon sa teoryang ___.
A. iskima B. bottom-up C. interaktibo D. top-down

8. Ang paksang pangungusap ay matatagpuan sa ___.


A. unahan B. gitna C. hulihan D. lahat ng nabanggit

9. Lahat ay lubhang abala sa pagpapaunlad sa kani-kanilang sarili subalit hindi nila naiisip na ang pagbasa
ay __
A. tulay sa kinabukasan C. tulay ng buhay
B. tulay sa pag-unlad D. lahat ng nabanggit

10. Alin sa sumusunod na tanong ang napapaloob sa pag-unawang literal?


A. Kung ikaw ang pangunahing tauhan sa kuwento, gagawin mo rin ba ang
ginawa niya?
B. Ano ang pamagat ng kuwento?
C. Ano ang pangunahing ideya o paksa sa kuwento?
D. Lahat ng nabanggit

II. Tukuyin ang Uri ng teksto na ginamit sa sumusunod na kaisipan/pahayag.


Isulat lang ang letra ng tamang sagot.
A. Naratibo C. Deskriptibo E. Prosidyural
B. Impormatibo D. Argumentatibo F. Persweysib

11. Ito’y naglalahad, nagpapaliwanag o nagbibigay ng impormasyon kaugnay ng isang bagay


o impormasyon. 11.____

12. Pagpapakita ito ng kabuuang anyo ng isang tao, bagay, lugar at iba pa. 12.____

13. Masayang ikinuwento ng bata ang ginawang paglalakbay. 1 3.____

14. Ipinaliwanag ng guro sa mga mag-aaral ang tungkol sa kagandahang - asal. 14.____

15. Tinatawag ding itong pagkukuwento. 15.____

16. Sinabi niya sa pulis ang deskripsyon ng taong nagnakaw ng kanyang cellphone. 16.____

17. Pinagtatalunan ng magkaibigan kung ano ang nauna, ang itlog o ang manok. 17.____

18. Pagpapahayag ito ng opinyon o saloobin kaugnay ng isang paksa o isyung pinapanigan. 18.____

19. Araw-araw marami ang bumibili ng kakanin kay Aling Nita sapagkat bukod sa masarap na
mura pa. 19.____

20. Ikinuwento ni Jessa ang magandang karanasan niya sa pagpunta ng Baguio. 20.____

21. Dapat sundin ang mga hakbang sa paggawa ng masarap na leche plan para maging masarap. 21.____

22. Dito na kayo mga suki dahil bukod sa bagong luto, subok na, masarap pa! 22.____

23. Ngayong Abril puspusan na ang paghahanda para sa pagsisimula ng face to face classes. 23.____

24. Ang kanyang mahal na ina ay matangkad, bilugan ang katawan at higit sa lahat may mabuting
puso. 24.____

25. Ang pagpunta kina Mike ay hindi madali dahil bukod sa masikip pa ang daanan ay bako-bako pa.
bako-bako pa. 25.____

III. PAGTATAPAT-TAPAT- Hanapin sa Hanay B ang kaisipang tinutukoy sa Hanay A. Letra lang ang isulat sa
nakalaang patlang.

HANAY A HANAY B

____26.Unang Panauhan A.Tumutukoy sa gamit ng emosyon upang makahikayat ang mambabasa.


____27.Limitadong Panauhan B. Pananaw na gumagamit ng panghalip na “Ako”.
____28.Ikatlong Panauhan C. Gumagamit ng panghalip na “Siya”.
____29. Ethos D. Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan ngunit hindi
____30. Pathos ang sa iba pang tauhan.
E. Tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat.
F. Hindi nya nababatid ang iniisip at damdamin ng mambabasa.
IV. Basahin ang tulang nasa ibaba at sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang inyong sagot sa likod nitong papel.

Digmaan ng mga Prutas

31. Hugis puso ako, 36. Sa tamis lang ba kayo nagtatalo?


Katakam-takam na’y pambansang prutas pa; Biglang naitanong nitong nakakunot -noo
Kahit hilaw ako’y masasarapan ka, Kahit dadalawa itong aking buto
Kung ako ay hinog, masisiyahan ka. Sa tamis ng bunga’y naiiba ako.

32. “Ang yabang mo… hiyaw niya! 37. Bakit yaong tamis ang pag-uusapan
Pang-asim din ako, baka ‘di mo talos; Gayong isang lasa lang ang matitikman?
Sa konting asin lang, tao’y mabubusog, Ako ito…na dapat nyong malaman’
Habang akong ito ay isinasaok. Ang tamis at asim ay akin ng taglay.

33. May biglang tumawa… 38-39. May dalawang nagkatinginan,


Pansinin ninyo ang aking korona, Tila ‘di matanggap ang naulinigan;
Di ba pagkahari ang ibinabadya? Kami rin sa tao’y lubhang kailangan
Sa lahat ng bagay ako’y nangunguna Sa Bitamina C ay napakayaman

34. Ang liit mong iyan, nagmamayabang ka? 40. Hindi nakatiis ang isa at ito’y sumagot
Baka ‘di mo alam, ako’y masustansya Na sa kanyang puno’y naglalambitin;
Itong katawan ko’y pagkatamis-tamis Kung prutas din lamang itong tutukuyin,
Kayat ang sikmura nila’y aking nililinis. Ako’y makakain anumang panahon.

35. Nalimutan yata ng kaibigan ko, Biglang napatigil yaong pagtatalo


Na tulad sa kanya’t matamis din ako, Nang biglang sumigaw isa pang katoto;
Kahit bukol-bukol ang aking katawan ‘Di dapat tuntunin ang nagagawa n’yo,
Ang dulot ko nama’y maraming mineral. Pagkat mga tao’y gusto lahat kayo.

31. Anong prutas ang tinutukoy sa unang saknong ng tula? Bakit iyon ang naging hinuha/palagay mo?
32. Ano namang prutas ang tinutukoy sa ikalawa? Bakit mo naman nahinuha iyon?
33. Ano naman kayang prutas ang tinutukoy sa ikatlo? Bakit mo naman iyon nahinuha?
34. Ano naman kayang prutas ang tinutukoy sa ikaapat? Bakit mo naman iyon nahinuha?
35. Ano naman kayang prutas ang tinutukoy sa ikalima? Bakit mo naman iyon nahinuha?
36. Ano naman kayang prutas ang tinutukoy sa ikaanim? Bakit mo naman iyon nahinuha?
37. Ano naman kayang prutas ang tinutukoy sa ikapito? Bakit mo naman iyon nahinuha?
38-39. Ano naman kaya ang dalawang prutas ang tinutukoy sa tatlumpu’t walo at tatlumpu’t siyam? Bakit mo naman
iyon nahinuha?
40. Ano naman kayang prutas ang tinutukoy sa ikaapatnapu? Bakit mo naman iyon nahinuha?

V. PAGPAPALIWANAG: Ipaliwanag sa Filipino ang sumusunod na kasabihan sa pagbasa. (5 puntos sa bawat bilang)
1. Be more, read more
2. The man who reads is the man who leads

PAMANTAYAN
Nilalaman = 3 puntos
Tamang paggamit ng mga salita at pangungusap = 2 puntos
____________________________________________________________________________________

You might also like