You are on page 1of 2

Saint Mary’s Academy of Caraga,Inc.

Caraga, Davao Oriental


Unang Pagtataya sa Filipino
GRADE 7

PANGALAN:___________________________ BAITANG AT SEKSIYON:__________________ ISKOR:_____________

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain ang mga tanong at piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik
lamang sa sagutang papel.
I. Maramihang Pagpipilian
1. Ito’y isang maikling katha ng madulang pangyayari na naganap sa buhay ng isang partikular na tauhan.
A. Sanaysay B. Talumpati C. Maikling kuwento D. Nobela
2. Ito’y elemento ng maikling kuwento na kung saan ay siyang nagpapatingkad sa kaganapan sa maikling
kuwento dahil nagpapakita ng katangian at gumaganap sa kuwento.
A. Tauhan B. Tagpuan C. Banghay D. Tema
3. Elemento ng maikling kuwento na makikita ang suliraning kinankailangang solusyunan o bigyan ng
kasagutan ng tauhan sa maikling kuwento.
A. Kakalasan B. Tunggalian C. Kaukdulan D. Tema
4. Elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa lugar na ginagalawan ng mga tauhan at pinaggaganapan ng
kuwento.
A. Banghay B. Tanghalan C. Tunggalian D. Tagpuan
5. Elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa maikling kuwento.
A. Banghay B. Tanghalan C. Tunggalian D. Tagpuan
6. Elemento ng maikling kuwento na tinatawag ding paksang-diwa na tumutukoy sa kaisipang iniikutan ng mga
pangyayari sa katha.
A. Kakalasan B. Tunggalian C. Kaukdulan D. Tema
7. Ang maikling kuwento ay sinasabing isang anyo ng __________?
A. Panitikan B. Gramatika C. Sulatin D. Sanaysay
8. Tinagurian itong maikling kuwento sapagkat kapag babasahin ito ay____________?
A. kayang matapos sa iisang upuan lamang C. May iisang tauhan lamang
B. Nagtataglay ng iisang suliranin D. Kayang unawain ng bata
9. Sa tunggalian, kapag ang tauhan sa kuwento ay nagpapahayag ng suliranin sa kanyang pamilya, ito’y
masasabing___________.
A. Tao laban sa tao B. Tao laban sa sarili C. Tao laban sa kultura D. Tao laban sa kapaligiran
10. Sa tunggalian, kapag ang tauhan sa kuwento ay nagpapahayag ng suliranin sa kanyang pangarap, ito’y
masasabing___________.
A. Tao laban sa tao B. Tao laban sa sarili C. Tao laban sa kultura D. Tao laban sa kapaligiran
II. TAMA O MALI
PANUTO: Tukuyin kung ang pahayag at pangungusap ay nagsasaad ng kawastuhan, isulat ang TAMA kung ito’y
wasto. Isulat naman ang MALI kung ito’y nagpapahiwatig ng di-wastong salaysay.
_______11. Ang Noli Mi Tangere ay masasabing isang halimbawa ng isang maikling kuwento.
_______12. Sa banghay ng maikling kuwento, sa kakalasan makikita ang unti-unting pagkamit ng solusyon sa
naging suliranin sa kuwento.
_______13. Sa saglit na kasiglahan ng kuwento ay ipinakikilala ang mga tauhan, lugar na pinangyarihan sa
maikling kuwento.
_______14. Sa kasukdulan ay makikita sa bahaging ito ang kapana-panabik na pangyayari sa maikling
kuwento.
_______15. Naisasalaysay sa kuwento ang unang pagtatagpo ng mga tauhan at maipapakilala ang tunggaliang
kinakaharap ng mga ito ay makikita sa bahaging simula.
_______16. Sa bahaging wakas matutunghayan ang kahihinatnan ng pagbibigay solusyon sa tunggalian sa
maikling kuwento.
_______17. Ang wika ay nahahati sa tatlong antas; Pormal, Impormal at Balbal.
_______18. Ang Balbal ay ang antas ng wika na karaniwan, palasak, pang-araw-araw, at madalas gamitin sa
pakikipagtalastasan.
_______19. Ang salitang gay lingo ay masasabing lalawiganin.
_______20. Kapag nagsusulat ng mga sulating pang-edukasyon ay gumagamit tayo ng pormal na wika.

III. PAGTUKOY
PANUTO: Tukuyin ang salitang naangkop batay sa hinihingi ng Antas ng Wika. Isulat sa sagutang papel ang
iyong kasagutan. 2 puntos bawat bilang.

LALAWIGANIN BALBAL PAMBANSA PAMPANITIKAN


INAHAN 21. INA 22.

MAG-UYAB 23. MAGKASINTAHAN 24.


KWARTA 25. 26. SALAPI
POBRE PURITA SOK 27. 28.

29. GURANG 30. ALOG NA ANG BABA

IV. SANAYSAY
PANUTO: Magbigay ng sariling pananaw batay sa iyong mga naging kaalaman at pagkatuto ayon sa paksang
tinalakay batay sa Maikling Kuwento.
31-40. Lumikha ng sariling pamagat na magkukuwento ng buhay ng isang Ignacian Marian at kasasalaminan ng
bawat mambabasa. Ipaliwag kung bakit ito ang iyong pamagat. 10 puntos.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
NILALAMAN (kaisipan, 5 PUNTOS
kaangkopan ng mga ideya at
kasiningan)
Estruktura/Organisasyon ng 5 PUNTOS
pagkakalahad
KABUUAN 10 PUNTOS

You might also like