You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Dipolog City Schools Division
Zamboanga Del Norte National High School
General Luna Street, Estaka, Dipolog City
IKATLONG LAGUMANG PASUSULIT
Filipino 9
Linggo 5 at 6

Pangalan: Taon/Seksyon: Iskor:

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag .Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.

1. Ang tawag sa uri ng kuwento na nagbibigay-diin sa paglalarawan ng isang tiyak na pook,ang anyo ng kalikasan
doon; at ang uri ng pag-uugali, paniniwala, at pamumuhay ng mga taong naninirahan sa nasabing lugar.
A. Kuwento ng Pag-ibig C. Kuwento ng Tauhan
B. Kuwento ng Katutubong Kulay D. Kuwento ng Pakikipagsapalaran

2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwentong “Niyebeng Itim”?


A. Lou Xiaofen B. Li Huiquan C. Tiya Lou D. Tiyo Li

3. Ano ang suliraning kinakaharap ni Li Huiquan sa kuwentong “Niyebeng Itim”?


A. Kung paano siya makapagtitinda at ang matustusan ang kanyang pang-araw- araw na pangangailangan.
B. Ang makakuha ng lisensiya sa pagtitinda ng prutas at gulay.
C. Ang makalabas sa bilangguan at makapiling ang ina.
D. Kung paano niya makukuhang muli ang pinakamamahal niyang babae.

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na nasa kultura ng mga Tsino?
A. Hindi na sila nag-aasawa upang maituon ang atensyon sa pagnenegosyo.
B. Ang paghahanda at pagdiriwang ng bagong taon.
C. Ang pagsisipag at pagpupursige sa pagnenegosyo.
D. Ang pagtitiyaga sa pagnenegosyo kahit kaunti lang ang kinikita basta’t tuloy-tuloy ang kita.

5. Ano ang kaugaliang ipinakita ni Li Huiquan sa akdang binasa na masasalamin sa kultura ng mga Tsino?
A. may tiyaga sa ginagawa B. mapagkumbaba C. mapangarapin D. may kahinaan ang loob

6. Ano ang layunin ng kuwentong binasa?


A. magpaunawa B. mang-api C. manghikayat D. mangaral

7. Ito ay isang akdang pampanitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at nangingibabaw na


pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
A. Maikling Kuwento B. Tula C. Sanaysay D. Talumpati

8. Sa bahaging ito ay paaasahin ang mga mambabasa sa isang kawili-wili at kapana-panabik na akda;
karaniwang inilalalahad ang mga katangian ng pangunahing tauhan at ang kaniyang suliranin na siyang
magiging pokus ng tunggalian.
A. Panimula B. Tunggalian C. Kasukdulan D. Wakas

9. Dito makikita ang pakikipagtunggali ng mga tauhan na maaaring mula rin sa suliraning nailahad. Maaaring
kalaban ng tauhan ang kapwa tauhan, ang sarili, ang kalikasan o ang lipunang ginagalawan ng pangunahing
tauhan.
A. Panimula B. Tunggalian C. Kasukdulan D. Wakas

10. Ito ang katapusan ng akda na kung saan ay mapapayapa ang mga tauhan matapos malutas ang suliranin at
humupa ang tunggalian.
A. Panimula B. Wakas C. Kasukdulan D. Tunggalian
PERFORMANCE TASK
Panuto: Ipakita o ilarawan ang kaugalian, paniniwala, at tradisyon nating mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsulat
ng maikling kuwento . •Isulat ito sa loob ng kahon na nasa ibaba. (Maaaring gumamit ng ibang papel kung
kinakailangan)
Gamiting batayan sa pagsulat ang rubrik sa ibaba.

_________________________
(Pamagat)

Pamantayan sa Pagsulat ng Maikling Kuwento


Pamantayan 10 8 5

Orihinalidad Kakikitaan ng pagiging May ilang bahagi ang hindi Walang orihinalidad at
at orihinal at angkop ang paksa kakikitaan ng pagiging orihinal di gaanong angkop ang
Kaangkupan sa Paksa ng sinulat na kuwento ngunit angkop ang paksa ng sinulat paksa ng sinulat na
na kuwento kuwento
Gramatika Angkop ang paggamit at Mali ang paggamit at baybay ng Mali ang paggamit at
baybay ng mga salita. mga salita baybay ng mga salita
Kawastuhan at Malinaw,maayos at wasto ang May ilang detalye ang hindi Malabo at magulo ang
Kaayusan detalyeng isinaad gaanong malinaw at hindi gaanong detalyeng isinaad
maayos sa pagkakasaad

Inihanda ni:
SARILYN P. LARANJO
Teacher I

Sinuri ni:
MICHELLE P. ENERO
Master Teacher I Lagda ng Magulang: ______________

You might also like