You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Departamento ng Edukasyon
Sangay ng Samar
Rehiyon VIII
Purok ng Talalora
Mataas na Paaralan ng Talalora

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10


(Unang Markahan)

Test I. Maramihang Pamimili


Panuto: Basahin nang maigi ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sa sagutang papel.

1. Isa sa mga kayarian ng salita na binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng iisang salita.
A. Payak B. Inuulit C. Tambalan D. Maylapi
2. Ang tawag sa isang akdang pampanitikang nagtuturo ng kinkilalang pamantayang moral na
karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan.
A. Banghay B. Kuwento C. Parabula D. Tula
3. Ano ang tawag sa isang natatanging kuwento na tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang
kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao?
A. Sanaysay B. Maikling kuwento C. Parabula D. Mitolohiya
4. Ito ay mga kuwentong madalas hango sa Banal na Kasulatan at umaakay sa matuwid na landas ng buhay.
A. Pabula B. Sanaysay C. Parabula D. Nobela
5. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa?
A. Mitolohiya B. Maikling kuwento C. Parabula D. Sanaysay
6. Ipinaliliwanag ang natural na mga pangyayari, pinagmulan ng buhay sa daigdig, pag-uugali ng tao, mga
paniniwalang panrelihiyon at katangian at kahinaan ng tauhan.
A. Tauhan B. Tema C. Tono D. Banghay
7. Ano ang tawag sa estilo ng pagpapahayag na may layuning magkuwento o magpahayag sa sunod-sunod na
mga pangyayari?
A. Pagkukuwento B. Pagsasalaysay C. Paglalahad D. Pag-uunawa
8. Ano ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita,
dalawang parirala o dalawang sugnay.
A. Paglalahad B. Pang-ugnay C. Pang-ukol D. Pangatnig
9. Hinintay niyang magtakip-silim, pauwi na ang mga tupa at nakakuha na siya ng gintong balahibo nitong
nasabit sa mga sanga. Anong kayarian ng salita ang nakasalungguhit?
A. Payak B. Maylapi C. Tambalan D. Inuulit
10. Gumawa ng paraan si Cupid upang mailigtas si Psyche. Anong pokus ng pandiwa ang pangungusap na ito?
A. Layon B. Tagatanggap C. Tagaganap D. Kagamitan
11. Sa kuwentong Mensahe ng Butil ng Kape, Ano ang naging tugon ng anak sa kanyang ama?
A. ako ay magiging carrots C. ko ay magiging saging
B. ako ay magiging itlog D. ako ay magiging kape
12. Alin sa sumusunod ang HINDI kaugnay sa pahayag ni Cupid na “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang
tiwala”.
A. walang pag-ibig kung walang tiwala C. hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala
B. titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala D. ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay
13. Alin sa sumusunod ang TOTOO hinggil sa Alegorya?
A. nagsasalaysay ng mga pangyayari sa tauhan
B. may mga talinghaga o nakatagong mensahe
C. nagpapahayag ng damdamin
D. nagpapahayag ng kabayanihan
14. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar. ___________, karapat-dapat lamang siya
na mahalal bilang susunod na punong barangay. Ano ang angkop na pang-ungnay na dapat gamitin upang
mabuo ang pangungusap?
A. Tiyak B. tuloy C. dahil sa D. kung gayon
15. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang kaniyang ari-arian
___________ ipinatawag niya ang katiwala at tinanong. Ano ang angkop na pang-ungnay na dapat gamitin
upang mabuo ang pangungusap?
A. kaya B. saka C. upang D. dahil
Test II. Punan ang mga Patlang
Panuto: Piliin sa kahon ang tamang pangatnig na nawawala sa pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.

Kaya Samantala Ngunit Upang Habang


At Kaya Dahil Para

1. Ang mga mag-aaral ay nag-aaral nang mabuti ____makapasa sa kanilang pagsusulit.


2. Nakikinig sila sa paliwanag ng guro _____ naiintindihan nila ang paksa.
3. Tuwang-tuwa ang kanyang magulang _____ mataas ang kanyang marka sa Filipino.
4. Ang mga Pilipino ay umaasa _____ nananalig na uunlad ang Pilipinas.
5. Si Ana ay nagsusulat _____ si Dex ay nagbabasa.

Test III. Pagtatapat-tapat


Panuto: Basahin at piliin mo sa Kolum B ang tamang kahulugan ng mga elemento at bahagi ng sanaysay na nasa
Kolum A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong papel.

KOLUM A KOLUM B
_____ 1. Himig A. saloobin ng isang may-akda
_____ 2. Larawan ng Buhay B. nagpapagiwatig ng kulay o kalikasan
_____ 3. Wika at Estilo C. matatalinghagang pahayag
_____ 4. Tema D. inilalahad ang pangunahing kaisipan
_____ 5. Panimula E. sinusuportahan nito ang unang kaisipan
_____ 6. Gitna F. nakapaloob ang kabuoan ng sanaysay
_____ 7. Anyo at Estruktura G. nagsasabi ng tungkol sa isang paksa
_____ 8. Kaisipan H. maayos na pagkakasunod-sunod
_____ 9. Damdamin I. kaugnay o nagpapaliwanag sa tema
_____ 10. Wakas J. paggamit ng simple at payak na salita
K. nailalarawan ang buhay

You might also like