You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

PAMANTASAN NG SILANGANING PILIPINAS


Pamantasang Bayan, Hilagang Samar
Web: uep.edu.ph; Email: uepnsofficial@gmail.com

KOLEHIYO NG SINING AT KOMUNIKASYON

PANGGITNANG PAGSUSULIT
MASINING NA PAGPAPAHAYAG/ RETORIKA
(1st Semester, SY 2020-2021)

Pangalan: _______________________________ Kurso/seksiyon: ____________Petsa: _________ Iskor: ___________


I-PAGPIPILI: Basahing mabuti ang mga katanungan at piliin ang wastong sagot mula sa pagpipilian. Bilugan ang
MALAKING TITIK ng napiling tamang sagot.
1. Ang isa sa saklaw ng retorika na gumagamit ng simbolo , imahinasyon upang bigyang buhay ang ideya at akitin ang mga
tagapakinig o mambabasa.
A. Pilosopiya C. Lipunan
B. Sining D. Wika
2. Ang isa sa saklaw ng retorika na maipakita ang paninindigan at katwiran
A. Pilosopiya C. Lipunan
B. Sining D. Wika
3. Ang isa sa saklaw ng retorika na nakikisangkot sa anumang usapin sa lipunan.
A. Pilosopiya C. Lipunan
B. Sining D. Wika
4. Ang isa sa saklaw ng retorika na pangunahing kasangkapan na ginagamit sa pagpapahayag ng nararamdaman at iniisip.
A. Pilosopiya C. Lipunan
B. Sining D. Wika
5. Ang sa salitang galing Griyego na "rhetor" na nangangahulugang guro o isang mahusay na mananalumpati.
A. Gramatika C. Retorika
B. Barayti D. Wika
6. Ako’y hilong talilong na sa mga bagay na gustong gawin sa buhay.
A. Nabibigla C. Galit na galit
B. Litung lito D. Nanghihinayang
7. Hindi mahulugang karayom nang dumaan kami sa Intramuros.
A. Magulo C. Trapik
B. Maraming tao D. Maingay
8. Ang pamilya ni Ruth ay isang kahig isang tuka.
A. Mayaman C. Naghihirap
B. Matapobre D. Masagana ang pamumuhay
9. ‘Di maliparang uwak ang lupain ng Pilipinas.
A. Makipot C. Malawak
B. Masikip D. Malayo
10. Ang isa sa wastong gamit ng salita na ginagamit sa pang-abay na pamanahon at ginagamit sa Ingles bilang katumbas
ng “when”.
A. Ng C. Kung
B. Nang D. Kong
II-PAGKILALA: Kilalanin ang tinutukoy ng mga pahayag at isulat ang wastong sagot sa patlang na nakalaan.
1. Ito’y ang agham sa paggamit ng salita at pagkakaugnay-ugnay. Isinaalang-alang nito ang
mga bahagi at tungkulin ng mga salita sa isang pangungusap; ang kawastuhan ng
pangungusap na gagamitin pasalita man o pasulat.
2. Ito’y ang mahalagang karunungan sa pagpapahayag na tumutukoy sa kasiningan ng kaakit-
akit na pagsasalita, pagsulat upang maunawaan, makahikayat at kaluguran ng mga
nakikinig o bumabasa.
3. Ayon sa kanya,”ang retorika ay sining ng maayos na pagsasalita”
4. Ito’y ang ayos ng pangungusap na nauuna ang simuno kaysa sa panaguri.
5. Ang salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong diwa o kaisipan.
6. Ito ay binubuo ng mga talata, mayroong panimula, gitna at wakas.
7. Ito’y komposisyong pampanitikan na may natatanging paksa.
8. Ito ay isang maikling pahayag na nagbibigay impormasyon ukol sa isang bagay.
9. Ito ay maikling pahayag na tiyak ang paksa o isyu na maaaring nakasulat sa anyong patula.
10. Ito’y ang isa sa wastong gamit ng salita na tumutukoy upang maipakita ang kilos na paggilid
mula sa labas patungo sa loob.
III-PAGSUSURI: Basahin nang mabuti at suriin ang mga pahayag.
A. Tukuyin kung anong ayos ng pangungusap kung karaniwang ayos o di karaniwang ayos ng pangungusap ang isinaad
ng mga pahayag. Isulat sa patlang DKA o Di Karaniwang Ayos at KA o Karaniwang Ayos ang tamang sagot.
1. Ang matanda ay pumunta sa bukid kaninang umaga.
2. Tumalon sa bangin ang kriminal.
3. Bibili ng kotse si Edgar.
4. Siya ay naglakbay aral sa Bukidnon.
5. Nawala ang kalupi ni Eda.
B. Panuto: Tukuyin kung anong barayti ng ang tinutukoy sa pahayag. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan.
6. Tsok, lesson plan, klas (titser)
7. Aba, ang ganda eh! (Batangas)
8. Na Toms Jones sa mamang!
9. Halika kaibigan! Usap tayo. (Boy Abunda)
10. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!
C. Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang isinasaad ng pahayag.Isulat ang sagot sa patlang.
11. Ang sanggol ay anghel sa tahanan.
12. Ang katamaran ng tao ang sanhi ng kaunlaran sa daigdig.
13. Bayan ko! Nasaan ka, ako ngayo’y nagdurusa.
14. Ang buhay ng tao ay parang kandila habang umiikli’y nanatak ng luha.
15. Ang malamig na simoy ng hangin ay humahalik sa kaniyang pisngi.
16. Puputok ang kanyang dibdib sa sama ng loob.
17. Ikaw ang hulog ng langit
Ikaw ang aking pag ibig
Ikaw ang katuparan dito sa daigdig.
18. Hindi ko sinasabing maganda ka, sadyang iba lang talaga ang iyong postura.
19. Sadyang kay bango ng iyong hininga kaya pala nagsialisan sila.
20. Ako ang daigdig
Ang daigdig ng tula
IV-PAGLALAPAT: Sumalat ng pangungusap batay sa wastong gamit ng salita na isinasaad sa pahayag. Bago sumulat o
gumawa ng isang halimbawa ng pangungusap suriin nang mabuti ang isinasaad sa pahayag. Sa bawat wastong gamit ng
salita na nakasulat sa pahayag, pumili lamang ng isang angkop na salita na isinasaad sa pahayag. Isulat ang sagot sa
patlang na nakalaan.

a. Gumawa/sumulat ng isang halimbawa ng pangungusap na ginagamitan ng salitang mayroon/may, na ginagamit kapag


sinusundan ng isang kataga o ingklitik.
______________________________________________________________________________________

b. Gumawa/sumulat ng isang halimbawa ng pangungusap na ginagamitan ng salitang nang/ng, na tumutukoy bilang


katumbas ng so that o in order to sa Ingles.
______________________________________________________________________________________

c. Gumawa/sumulat ng isang halimbawa ng pangungusap na ginagamitan ng salitang pahirin/pahiran,


nangangahulugang alisin o tanggalin.
______________________________________________________________________________________

d. Gumawa/sumulat ng isang halimbawa ng pangungusap na ginagamitan ng salitang ikot/ikit, na tumutukoy mula sa loob
patungo sa labas.
______________________________________________________________________________________

e. Gumawa/sumulat ng isang halimbawa ng pangungusap na ginagamitan ng salitang nabasag/binasag,


nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o di ginusto.
______________________________________________________________________________________

Inihanda:

Bb. MARGIE D. VICARIO MICHELLYN B. NUEVA


Guro sa Filipino Guro sa Filipino

Itinala :

ANATOLIA B. BASISTA, DALL


Tagapangulo, Departamento ng Wika

Pinagtibay:

MARIA ALFE G. BANAWIS, DALL


Dekana, Kolehiyo ng Sining at Komunikasyon

You might also like