You are on page 1of 16

11

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Paggamit ng Angkop na mga Salita at
Pangungusap sa Pagbuo ng Isang Sulatin
Asignatura – Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino - Baitang 11
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Paggamit ng Angkop na mga Salita at Pangungusap
sa Pagbuo ng Isang Sulatin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


SDO - Science City of Muñoz
Dante G. Parungao, CESO VI
Zurex T. Bacay Ph.D.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marjorie B. Valentino, Angelita S. Zapatero
Editor: Jocelyn Regpala, Baby Liza L. Ciencia
Tagasuri: Bennedick T. Viola, Augusto A. Mateo
Tagalapat: Bennedick T. Viola
Tagapamahala: Larry B. Espiritu
Augusto A. Mateo
Rodolfo T. Dizon
Mercedita D. Saldero
Elenita R. Romagosa

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


SDO – Science City of Muñoz
Curriculum Implementation Division-Learning Resource Management Section
(CID-LRMS)
Office Address: Brgy. Rizal, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
E-mail Address: muñoz.science.city@deped.gov.ph
Alamin

Ayon kay Lalunio, ang pagsulat ay isang prosesong sosyal o


panlipunan, ang bunga ng interaksyong proseso ng mga mag-aaral at
produkto sa sosyo-kultural na konteksto na nakaaapekto sa pagkatuto. Sa
kahulugang ito, masasasabing ang tao ay sumusulat batay sa pang-araw-
araw niyang gawain sa pamilya, lipunan at pakikisalamuha sa pamayanan.

Sa mga kagaya mong nasa Senior High School na, mahalaga na mahasa
ang iyong kakayahan sa pagsulat sapagkat hinahasa nito hindi lamang ang
iyong kakayahang mag-isip kundi maging ang iyong pagiging matiyaga at
mapagtimpi.

Kaya naman, ang modyul na ito ay inihanda upang malinang ang


kasanayan ng mag-aaral sa mga sumusunod na layunin:

1. Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-


ugnay-ugnay ang mga ideya sa isang sulatin. (F11WG-IIh-89)
2. Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang
kultural at panlipunan sa bansa. (F11EP- IIij-35)

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. “Lipunang sagana, lipunang payapa, lipunang maunlad, lipunang


nagkakaisa, at lipunang makadiyos. Ito ang lipunang nais kong
pamahayan habang ako ay nabubuhay.” Ang pangungusap ay ________.
a. Nagsasalaysay
b. Naglalarawan
c. Nagpapaliwanag
d. Nangangatwiran

1
2. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang angkop sa ibig sabihin
nito?
a. Ang sumpaan sa harap ng altar ay panalanging bumibigkis sa
mag-asawa.
b. Kitang-kita sa larawan ang laki ng bibig ng bulkan nang
pumutok ito.
c. Ang kasal ay tanikalang bumibigkis sa mag-asawa.
d. Malaki ang bunganga ng bata kaya malakas itong kumain.

3. Alin sa mga sumusunod na salitang magkapares ang nasa parehong


aspekto ng pandiwa?
a. Kumain at uminom
b. Sumusulat at bumasa
c. Gumuhit at nagkukulay
d. Nagkuwento at nagsasalaysay

4. Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng paggamit ng angkop na


salita sa pagbuo ng isang sulatin maliban sa _________?
a. Nakapagbibigay-linaw sa ideya ng sulatin.
b. Pampahaba sa iyong sulatin.
c. Nagbibigay katumpakan sa kaisipan ng sulatin
d. Nagkakaroon ng organisayon ang isang sulatin.

5. Paano mo maiiwasan ang labis na panghihiram ng salitang Ingles sa


iyong sulatin?
a. Saliksikin ang mga katumbas na salita sa diksyunaryo o sa
konteksto.
b. Mangopya sa hnj
c. Magtanong sa kaklase at mga kakilala.
d. Lahat ng nabanggit ay maaaring gawin.

2
Aralin Paggamit ng Angkop na mga

1 Salita at Pangungusap sa Pagbuo


ng Isang Sulatin

Nagiging malinaw ang pahayag kapag gumagamit ng mga angkop na


salita sa kaisipang ipinapahayag. Kung minsan, may mga salitang tama na
ang kahulugan sa loob ng pangungusap ngunit hindi naman ito angkop
gamitin sa pahayag.

Iyan ang aalamin natin sa kabuuan ng modyul na ito. Handa ka na ba?


Kung gayon, simulan mo na!

Balikan

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Bakit mas nakatuon ang kakayahang pangwika ng nagsusulat?


a. Upang magbigay ng malinaw na damdamin.
b. Upang matiyak na malinaw niyang maipahayag ang kanyang
isinusulat.
c. Upang mas mapadali ang pagsusulat.
d. Upang maging bihasa siya sa pagsusulat.

2. Ilan sa mga paraan upang makuha ang kahulugan ng salita


habang nagbabasa ay ang mga sumusunod maliban sa ______.
a. Pag-unawa sa kahulugan ng salita ayon sa konteksto.
b. Pagtukoy sa layunin at tono.
c. Pagbalewala sa salita kung hindi naman ito maintidihan.
d. Pagtukoy sa pagkakaugnay-ugnay ng mga salita.

3
3. “Nag-panic ang buong bansa nang magkaroon ng pandemya.
Nagdulot ito ng malaking pagbabago sa larangan ng edukasyon.”
Anong uri ito ng pangungusap?
a. Pasalaysay
b. Palarawan
c. Paglalahad
d. Pangangatwiran

4. “Tumaas ang kaso ng CoViD 19 sa bansa dahil sa kawalan ng pag-


iingat ng mga mamamayan.” Ang pangungusap ay ____________.
a. Tambalan
b. Langkapan
c. Payak
d. Hugnayan

5. Bawat tao ay may kani-kaniyang paraang ng pagpapahayag at may


kakayahan sa pakikipag-interaksyon.
a. Pragmatiks
b. Semantics
c. Diskurso
d. Extralinguistics

Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang bahaging abstrak ng isang pananaliksik na


may pamagat na “Kalagayan ng Wikang Filipino sa Panahon ng
Teknolohiya.” Pagkatapos ay isulat sa ibaba ang mga di-angkop na
pahayag mula sa abstrak at itama ito. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
,

ABSTRAK

Ang gusto ng pananaliksik na ito ay upang matutunan ang kalagayan ng


wikang Filipino sa makabagong panahon ng mga estudyante ng ikalabing-isang
taon ng St. Timothy.

Ang mga baryabol na ginamit dito upang malaman kung ano na ang totoong
kalagayan ng wikang Filipino sa kasalukuyang panahon. Ang pag-aaral na ito ay
ginamitan ng kwestyuner upang makita ang layunin ng pananaliksik. Sa kabuuan,
ang pananaliksik ay gumamit ng tatlumpung (30) respondente na may labinlimang
(15) lalaki at labinlimang (15) babae.
Hinango sa: “Kalagayan ng Wikang Filipino sa Panahon ng
Teknolohiya”https://www.slideshare.net
4
Di angkop na salita /pahayag Angkop na salita /pahayag

Suriin

Upang lubos mong maunawaan kung paano magiging malinaw ang


iyong mga pahayag, narito ang limang tuntunin na ibinigay nina Tumangan
et.al (2001) na maaaring sundin sa pagpili ng tumpak na salita o pahayag
sa isang sulatin.
1. Tiyaking ang salita ay angkop sa ibig sabihin nito.
Halimbawa:
 Ang sumpaan ng mag-asawa sa harap ng altar ay tanikalang
bumibigkis sa kanilang pagsasama.

Mas mainam na gamitin ang salitang tanikala kaysa panali


sapagkat mas angkop ito sa gustong ipahiwatig ng pangungusap.

2. Tiyakin na angkop ang panlapi sa salitang ginamit.


Halimbawa:
 Kinapanayam niya ang Brgy. Chairman para sa kanyang
pananaliksik.

Mas angkop na gamitin ang salitang kinapanayam kaysa


nakapanayam sa ideya ng pangungusap.

5
3. Tiyakin na timbang ang mga ideya ng salitang ginamit.
Halimbawa:
 Nagsisugod ang mga mamamayan nang dumating ang trak
ng relief goods, kaya naman nagsitakbuhan din ang mga
pulis upang awatin ang mga tao.

Pansinin na pareho ang panlaping ginamit sa mga salitang


nagsisugod at nagsitakbuhan upang maging timbang ang ideya ng
pangungusap.

4. Tiyakin na nagkakaisa ang aspekto ng mga pandiwang ginamit.


Halimbawa:
 Nagtungo ang mga mananaliksik sa bahay-pamahalaan sa
pagkalap ng mga datos.

Ang mga pandiwang nagtungo at pagkalap ay parehong nasa


iisang aspekto.

5. Iwasan ang labis na panghihiram ng salitang Ingles lalo na kung


ang salita ay mayroon namang katumbas na salita sa Filipino.
Halimbawa:
 Lumabas sa pag-aaral na ang mga estudyante ng Senior High
School ay walang tiyaga sa paggawa ng assignment.

Pansinin na ginamit ang salitang Senior High School sa Ingles


sapagkat ito ay walang katumbas na salin sa Filipino. Subalit ang
salitang assignment ay maaari naman tumbasan ng takdang-
aralin bilang angkop na salin nito sa Filipino.

Kaisahan ng mga Pangungusap


Kailangan ang kaisahan ng mga pangungusap upang
maging mas epektibo ang ideya nito. Kung ang bawat bahagi ng
pangungusap ay tumutulong para maipahayag ang pangunahing
diwa nito, masasabing may kaisahan ang pangungusap.

1. Huwag pagsamahin sa pangungusap ang hindi magkaugnay na


kaisipan.
Halimbawa:
 Hindi makabubuti sa pag-aaral ang paglalaro ng online
games at pagsuway sa magulang.

6
Pansinin na walang kaugnayan ang paglalaro ng online
games at pagsuway sa magulang kung kaya’t hindi maaaring
pagsamahin sa pangungusap.

2. Ang pagtataglay ng maraming kaisipan sa pangungusap ay


labag sa kaisahan ng pangungusap dahil lumalabo ang
pangunahing kaisipang ipinapahayag.
Halimbawa:
 Ang pagkalat ng CoViD19 sa buong bansa na nakaapekto
nang malaki sa ekonomiya ng bansa ay wala pang
naiimbentong bakuna na inaaasahan ng tao.

Pansinin na ang pangungusap ay nagtataglay ng


maraming kaisipan. Upang maging mas mabisa ito, maaaring
ilagay sa ikalawang pangungusap ang mga salita o pahayag na
walang kinalaman sa unang pahayag.

3. Gamitin ang karaniwang ayos ng pangungusap.


Halimbawa:
 Pinahahalagahan at iniingatan ng mga Pilipino ang wika at
kultura ng Pilipinas.

Sa karaniwang ayos ng pangungusap ay nauuna ang


panaguri kaysa simuno. Sa halimbawang nasa itaas, ang mga
salitang pinahahalagahan at iniingatan ay ang panaguri ng
pangungusap samantalang ang salitang Pilipino ang simuno ng
pangungusap.

7
Pagyamanin

Gawain 1

Panuto: Gamitin ang mga sumusunod na salita sa mabisa at angkop


na pangungusap. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Inabandona -

2. Kinansela -

3. Nagsigawan -

Gawain 2

Panuto: Sumulat ng mabisang pangungusap na maiuugnay mo sa


larawan. Gamitin ang mga natutuhan mo sa kaisahan ng
pangungusap. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

8
Isaisip

Panuto: Punan ng angkop na salita o pahayag ang mga patlang upang mabuo
ang diwa ng talata. Piliin ang sagot sa kahon at isulat ito sa iyong sagutang
papel.

Ang pagpili at paggamit ng angkop na salita sa pangungusap ay


nakatutulong nang malaki upang maging mas malinaw ang anumang
pahayag. Bilang isang mag-aaral, mahalaga na
___________________________________________________________________________
_____________________________.

Sisikapin ko na ______________________________ upang


___________________________________________________________________________
_____________________________________.

Pahahalagahan ko at iisiping mabuti ang


____________________________________________________________________ nang
__________________________.

 marunong akong pumili ng mga salitang aking bibitawan

 magkaroon ng malalim at mapanuring pag-iisip

 mapag-aralan kong mabuti ang mga nakikita at sinasabi ng iba

 mga sinasabi at suhestyon ng iba

 kami ay magkaunawaan nang mabuti

9
Isagawa
Panuto: Batay sa mga natutuhan mong mga alituntunin sa paggamit ng
angkop na mga salita /pahayag at pangungusap ay maaari ka nang sumulat
ng isang balangkas ng pananaliksik. Gamitin mo ang format sa pagsulat ng
iyong panimulang pananaliksik.

Titulo /Pamagat ng Pananaliksik

Bahagi ng Pananaliksik Nilalaman ng mga Bahagi

Kaligiran ng Paksa

Paglalahad ng Suliranin

Layunin at Kahalagahan
ng Pag-aaral

Rebyu ng mga Kaugnay na


Literatura at Pag-aaral

Teoretikal na Gabay at
Konseptwal na Balangkas

Saklaw at Delimitasyon

Daloy at Disenyo ng Pag-


aaral

10
Tayahin

Panuto: Gamit ang mga natutunan mo sa pagpili at paggamit ng angkop na


salita /pahayag sa pangungusap, isulat nang wasto at angkop ang mga
sumusunod na pangungusap. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Di-wasto/Di-angkop Wasto/Angkop

1. Umusok ang kanyang tainga


sa inis na naramdaman.

2. Naabandona na ang bahay na


iyon ng pamilya Cruz kung
kaya’t marami nang sira.

3. Nagsitaasan ang presyo ng


mga bilihin subalit bumaba
naman ang kita ng mga tao.

4. Mawawalan ng hanapbuhay
ang maraming tao, kaya
tumumal ang bentahan ng
karneng baboy.

5. Marami sa mga mag-aaral ay


niri-research na lamang ang
assignment sa internet.

11
12
Tayahin
1. Umusok ang kanyang
tainga sag alit na
naramdaman.
2. Inabandona na ang
bahay ng pamilya Cruz
kung kaya’t marami nang
sira.
3. Nagsitaasan ang presyo
ng mga bilihin subalit
nagsibaba naman ang
kita ng mga tao.
4. Mawawalan ng
hanapbuhay ang
maraming tao, kaya
tumumal ang bentahan
ng karneng baboy.
5. Marami sa mga mag-
aaral ay sinasaliksik na
lamang ang takdang-
aralin sa internet.
Isaisip Pagyamanin Tuklasin
 marunong akong pumili Depende sa tugon/sagot DI-ANGKOP
ng mga salitang aking ng mag-aaral
bibitawan  Gusto
 magkaroon ng malalim  Matutunan
at mapanuring pag-iisip  Makita
 mapag-aralan kong
mabuti ang mga nakikita
at sinasabi ng iba ANGKOP
 mga sinasabi at
suhestyon ng iba  Layunin
 kami ay magkaunawaan  Malaman
nang mabuti
 Matugunan
Subukin Balikan Tayahin
1. B 1. B 1. A
2. C 2. C 2. D
3. A 3. A 3. A
4. B 4. D 4. C
5. A 5. A 5. B
Susi sa Pagwawasto
13
Sanggunian
Borlasa, Liezl Radin. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Cronica BookHaus
De Laza, Crizel S. and Batnag, Aurora E. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik. Rex Book Store, Inc.

https://www.slideshare.net/mobile/jaszh12/pananaliksik-sa-filipino
https://www.scribd.com/doc/234173917/Pagpili-Ng-Angkop-Na-Salita-Ng-Pangungusap

14

You might also like