You are on page 1of 3

STO.

DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


Baloc Sto. Domingo Nueva Ecija

Pangalan: _________________________________ Petsa:_____________________


Baitang at Pangkat: __________________________ Iskor:______________________

SHEET NG PAMPAGKATUTONG GAWAIN SA FILIPINO BAITANG-11


Unang Semestre: Linggo 4

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino


Mga Kasanayang Pampagkatuto
a. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa
telebisyon at pelikula (Halimbawa: Be Careful with My Heart, Got to Believe, Ekstra, On The Job, Word of
the Lourd (http://lourddeveyra.blogspot.com) F11PD – Id – 87
b. Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga pagbibigay
halimbawa F11PS – Id – 87

Pangkalahatang Panuto:
Gumamit ng bond paper (long) para sa inyong mga kasagutan. Lagyan ng pamagat, panuto at mga sagot
lamang sa bawat Gawain. Maaring lagyan ng mga disenyo ayon sa iyong kagustuhan (optional).
Gawain 1 (26 pts.)
Panuto: Tukuyin kung anong gamit ng wika sa lipunan ang mga sumusunod. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel. (HEURISTIKO, IMPORMATIBO, IMAHINATIBO, REGULATORYO,
PERSONAL, INTERAKSYUNAL)

1. Roman: Yes! Nanalo ako sa lotto!


Lito: Ang swerte mo! Balato naman! PERSONAL
2. Sino ang ama ng wikang Pambansa? HEURISTIKO
3. Naanyayahan si Atty. Acopra na magsalita sa harap ng lahat ng magsisipagtapos sa Araullo College.
Tinalakay niya ang mga pangangailangan at hakbang tungo sa tagumpay. INTERAKSYUNAL
4. “Friend tulungan mo nga naman akong maghanap ng trabaho please!” REGULATORYO
5. Basahing mabuti ang pangungusap bago mangatwiran. REGULATORYO
6. Mahusay na ipinaliwanag ng aming guro ang mga aralin sa aming modyul.- Instrumental
7. “Slow Down School Zone” REGULATORYO
8. “Lalo kang gumaganda ah!” INTERAKSYUNAL
9. “ Ayon sa aming surbey, mas marami ang pabor na ipagpatuloy ang edukasyon sa kabila ng
pandemya.” -IMPORMATIBO
10. Ayon sa aking pagsaliksik may pitong (7) gamit ng wika sa lipunan. -IMPORMATIBO
11. “Kailangan mong umuwi nang maaga kundi sa labas ka matutulog!” -REGULATORYO
12. Siya ay may nangungusap na mga mata at mala rosas na labi. - IMAHINATIBO
13. Tuwing kalian ang selebrasyon ng pambansang wika? -HEURISTIKO
14. Bagaman unang subok ni Mika na magluto ng cake naging masarap ang kinalabasan ng kanyang luto
dahil matamang sinunod niya ang pamaraan ng pagluto nito. -PERSONAL
15. Nanood kami kagabi ng pag-uulat sa telebisyon tungkol sa paparating nabagyo sa ating bansa.
-Heuristiko
16. Nahirapan si Caeli sa pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay kaya naman nagsimula siyang
magsulat ng mga saloobin niya sa kanyang talaarawan. -personal
17. Ituro mo sa kanya ang kung paano ang papunta sa palengke. -REGULATORYO
18. Nagpadala ng Chistmas card si Lanie sa kanyang matalik na kaibigan sa New Zealand. -interaksyunal
19. “Para sa akin, hindi ako sang-ayon sa mga madalas magpost ng impormasyon sa inyong mga facebook.”
PERSONAL
20. Pakilakasan mo ang iyong boses upang marinig ng lahat ang iyong sinasabi. REGULATORYO
21. “Magandang umaga po.” INTERAKSYUNAL
22. Si Carlos ay mahusay na manlalaro ng basketbol. Dahil kilala siya sa kanilang eskwelahan bilang
varsitarian marami ang humahanga sa kaniyang husay at galing sa paglalaro. Umuwi siya ng mag-hating
gabi na dahil sa pag-eensayo, napagsabihan siya ng kaniyang ama dahil delikado na ang panahon.
Instrumental
23. Nagtungo si Jovie sa kanyang gurong tagapayo upang magtanong kung ano ang mga kinakailangang
dalhin para sa seminar bukas.- HEURISTIKO

24. Nagkasalubong ang magkaibigang Ashey at Romar at sila’y nag batian. -INSTRUMENTAL
25. Balik-bayan si Gng. Rosie sa kanilang probinsya. Marami sa kaniya ang bumibisita dahil sa tagal na
hindi sila nagkita.- INTERAKSYUNAL
26. Anu-ano ang mga sintomas ng sakit na covid-19? HEURISTIKO

Gawain 2 (14 pts)


Panuto: Mag-isip at magbigay ng tig-dalawang (2) halimbawa para sa 7 na gamit ng wika sa lipunan.
Ipaliwanag kung ano ang gamit ng wika sa bawat halimbawa na iyong isinulat. Isulat ang mga sagot sa
papel.
Halimbawa:

INSTRUMENTAL:
“Bumangon ka na at mamalengke. Bumili ka ng buhay na manok para sa salusalo mamaya.”
Paliwanag: Ang pahayag ay isang utos …“bumangon ka na..bumili ka ng…” Ang wika ay ginamit
para utusan ang kausap na bumili ng manok para sa salusalo mamaya.

Gawain 3: Repleksiyon (10pts.)


Panuto: Sumulat ng maikling repleksiyon tungkol sa binasang aralin. Lagyan ng pamagat.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
_________________________________________________.

_______________________________________
Pangalan at lagda ng magulang/guardian

Inihanda nina:

MARTINA M. HILARIO CRISTEL M. VALDEZ


Master Teacher I Teacher III

MARY GRACE N. WALAWALA KRISTINE G. MEAH


Teacher III Teacher II
Noted:

ARMAND L. MACASAKIT
Assistant School Principal II

You might also like