You are on page 1of 7

Filipino

Quarter 2 – Week 6:
Kakayahang Diskorsal
I. Panimula:
Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalasatasan ay nangangahulugan ng
pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga pangungusap upang makabuo ng
makabuluhang pahayag. Maaaring ang mga pahayag ay naipamalas sa ugnayan
ng dalawa o higit pang taong nag-uusap. Maaaring magpahayag din nang mag-
isa, gaya sa mga interbyu, talumpati o pagkukuwento. Samakatuwid, ang matas
na kasanayan ng isang tao sa wika ay pinatunayan din sa kaniyang kapasidad
na makilahok sa mga kumbersasyon at makalikha ng mga naratibo.

Ang Kakayahang Diskorsal ay nakatuon koneksiyon ng magkakasunod


na pangungusap tungo sa isang makabuluhang kabuuan (Savignon,2007) at
hindi sa interpretasyon ng mga indibidwal na pangungusap. Pagtiyak sa
kahulugang ipinahahayag ng mga teksto o sitwasyon ayon sa konsteksto.
Saklaw nito ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na
bumubuo ng isang makabuluhang teksto.

Dalawang bagay na isinasaalang-alang

1. Cohesion o pagkakaisa
2. Coherence o pagkakaugnay-ugnay

Halimbawa:
Ang kaugnayan ay tumutukoy sa kung napagdidikit ang kahulugan
ng mga pangungusap o pahayag sa paraang pasalita o pasulat.
A: Sobrang kalat naman dito!
B: Huhugasan ko na lang ang mga plato.
Pagpapahaba ng Pangungusap

1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga—napahahaba ang pangungusap sa


pamamagitan ng mga katagang gaya ng pa, ba, naman, nga, pala at iba pa.
Halimbawa: May ulam pa? May ulam ba?
2. Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring---- napapahaba ang
pangungusap sa tulong ng mga panuring na na at ng.
Halimbawa: Siya ay anak. Siya ay anak na babae. Siya ay anak na
bunsong babae.
a. Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento--- napapahaba ang
pangungusap sa pamamagitan ng komplemento o ang Bahagi ng panaguri
na nagbibigay ng Kahulugan sa pandiwa. Ang iba’t ibang uri ng
komplemento ng pandiwa ay tagaganap, tagatanggap, ganapan, dahilan o
sanhi, layon at kagamitan.
b. Komplementong tagaganap--- isinasaad ang gumagawa ng kilos.
Pinangungunahan ng panandang ng, ni, at panghalip.
Halimbawa: Ibinalot ni Jay ang mga tiring pagkain.

1
c. Komplementong tagatanggap—isinasaad kung sino ang nakinabang sa
kilos, Pinangunahan ng mga pang-ukol na para sa, para kay, at para kina.
Halimbawa: Naghahanda ng regalo si Thea para sa kaniyang kapatid.
d. Komplementong ganapan--- isinasaad ang pinangyarihan ng kilos.
Pinangunahan ng panandang sa at mga panghalili nito.
Halimbawa: Namalagi sila sa evacuation area.
e. Komplementomg sanhi—isinasaad ang dahilan ng pangyayari o ng kilos.
Pinangunahan ng panandang dahil sa o kay at mga panghalili niyo.
Halimbawa: Nabaon sa utang si Delia dahil sa pagkakalulong sa sugal.
f. Komplementong layon--- isinasaad ang bagay na ipinahahayag ng
pandiwa. Pinangungunahan ng panandang ng.
Halimbawa: Regular na umiinom ng gamot ang aking lola.
g. Komplementong Kagamitan—isinasaad nito ang instrumentong ginamit
upang maisakatuparan ang kilos. Pinangungunahan ng pariralang sa
pamamagitan ng at mga panghalili nito.
Halimbawa: Sa pamamagitan ng Internet, napapabilis ang pagkuha ng
impormasyon.
3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal--- napagtatambal ang
dalawang payak na pangungusap sapamamagitan ng mga pangatnig na at,
ngunit, datapwat, subalit, saka, at iba pa. Ang mabubuong pangungusap ay
Tinatawag na tambalang pangungusap.
Halimbawa: Nagtatrabaho sa pabrika ang kaniyang tatay at nagtitinda sa
palengke ang kaniyang nanay.

Anim na Pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo

Ang kakayahang komunikatibo ay sinusukat nang sama-sama at hindi


isa-isa. Hindi maaaring sabihing ikaw ay may kakayahang pragmatic ngunit
walang kakayahang sosyolingguwistiko o kaya naman may kakayahang
diskorsal pero walang kakayahang lingguwistiko. Dapat tandaan na ang isang
taong may kakayahan sa wika ay dapat magtaglay hindi lang ng kaalaman
tungkol dito kundi ng kahusayan, kasanayan, at galing sa paggamit ng wikang
angkop sa mga sitwasyong pangkomunikatibo (Bagari, et. al. 2007).
Anim na pamantayan ayon kina Canary at Cody (2000)
1. Pakikibagay (Adaptability)
• Kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang
maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan. Makikita ang kakayahang
ito sa sumusunod:
a. pagsali sa iba’t ibang interaksiyong sosyal
b. pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba
c. kakayahang ipakita ang kaalaman sa pamamagitan ng wika
d. kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha sa iba

2
2. Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)
• Kakayahan ng isang taong gamitin ang kaalaman tungkol sa
anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba. Makikita ito kung taglay
ang sumusunod:
a. kakayahang tumugon
b. kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang
tao
c. kakayahang making at mag-pokus sa kausap
3. Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management)
• Kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap, nakokontrol
nito ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay
nagpapatuloy at naiiba.
4. Pagkapukaw-damdamin (Empathy)
• Pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng
ibang tao at pag-iisip ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw
ay nasa kalagayan ng isang tao o samahan.
5. Bisa (Effectiveness)
• Kakayahang mag-isip kung ang kanyang pakikipag-usap ay epektibo
at nauunawan.
6. Kaangkupan (Appropriateness)
• Kakayahan ng isang taong maiangkop ang wika sa sitwasyon, sa
lugar ng pinagyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.
Sipi mula kay: Dayag, A.M., Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Phoenix Publishing House (2016)

II. Kasanayang Pampagkatuto at Koda:


• Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita
at paraan ng pagsasalita (F11WG-IIf-88)
• Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t – ibang paraan ng
paggamit ng wika ng iba’t – ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas
(F11EP-IIf-34)

III. Pamamaraan:
GAWAIN 1

Panuto: Pahabain ang sumusunod na pahayag gamit ang mga paraan sa


pagpapahaba ng pangungusap ayon sa mga nakalahad at mga halimbawa.

1. Maganda ang Pilipinas……


2. Ihanda mo ang iyong sarili…..
3. Nakikita na ang kaunlaran sa timog Silangang Asya…
4. Dumating ang Pangulo….
5. Mahuhusay ang mga Pilipino….

3
6. Suportahan ang isapang pangkapayapaan….
7. Paglingkuran ang sambayanan…..
8. Bumili ang pamahalaan….
9. Mamumuhunan ang mga dayuhang negosyante…..
10. Ipaglaban ang kalayaan…..

GAWAIN 2:
Panuto: Pumili ng isang premis sa ibaba. Sumulat ng sanaysay batay sa napiling
premis. Isulat ang sanaysay sa isang buong papel. Buoin ang sanaysay ng hindi
bababa sa dalawampong (20) pangungusap.

1. “Ang kahulgan ng sinasabi ng tao ay hindi lamang nakabatay sa mga


salitang kaniyang binibigkas kundi nasa kung paano niya ito binigkas.
Ngareresulta sa pagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan o interpretasyon
ang binitawang salita dahil sa paraan ng pagbibitaw ng salita”.
2. “Ang Kahulugan ng sinasabi ng tao—berbal man o di-berbal—ay nakaayon
sa kulturang kaniyang kinabibilangan”.
3. “Ang Kahulugan ng sinasabi ng tao ay nabubuo sa pamamagitan ng
pakikipagnegosasyon o pakikipagtalaban ng Kahulugan sa kausap”.

Gamitin ang rubrik sa ibaba sa pagtatasa sa sanaysay.

Pamantayan Puntos Iskor


Organisasyon
• Malinaw na naipaliliwanag ang tinutukoy
ng premis 40
• Lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga
ideya
Estilo
• Sapat ang mga patunay at detalye na ginamit 30
• Maayos at mabisa ang paggamti sa wika
Anyo
• Angkop ang Pormat na ginamit 40
• Wasto ang pagkakasulat ng mga
pangungusap
Kabuuan 100

4
GAWAIN 3:
A. Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay Tama o Mali.
Ipaliwanag sa isa hanggang dalawang pangungusap kung bakit ito ang iyong
kasagutan. Isulat ang iyong kasagutan sa hiwalay na papel, o notbuk.

_____ 1. Nakakahawng sakit ang ebola virus.


_____ 2. Maaaring mahawa ng Ebola kung gagamitin ang unan na ginamit ng
may sintomas nito.
_____ 3. Ang mga sintomas ng Ebola gaya ng pamumula ng mata at pagdurugo
ng ilong ay posibleng maranasan ng isang taong nahawa nito
kalahating buwan matapos makasalamuha ang maysakit.
_____ 4. Talamak ang Ebola sa kontinente ng Asya.
_____ 5. Wala pang lunas sa Ebola bagama’t makatutulong n panatilihing malinis
ang katawan.
_____ 6. Kung nakaramdam ng pagkahilo matapos ang paglalakbay sa
apektadong bansa, agad na makipag-ugnayan sa mga airport
quarantine officer.
_____ 7. Mahalagang maibigay ang helath information checklist ng mga
pasaherong bumiyahe sa loob ng Pilipinas.
_____ 8. Nararapat na kaagad maibukod sa ibang tao ang sinumang kakikitaan
ng sintomas ng Ebola.
_____ 9. Susi sa paggaling sa Ebola ang pagsasalin ng dugo sa maysakit.
_____10. Nakikipag-ugnayan ang Kagawaran ng Kalusugan sa Kagawaran ng
Ugnayang Panlabas (Department of Foreign Affairs) upang maiwasan
ang Ebola.

Panuto: Tukuyin ang pamantayang ipinahihiwatig sa bawat bilang at isulat ang


sagot sa notbuk o sagutang papel. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

1. Tumutukoy sa kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap.


Nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay
nagpapatuloy at naiiba.
2. Ang pamantayang ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong mailagay
ang damdamin sa katauhan ng ibang tao.
3. Ito ang pamantayang tumutukoy sa kakayahan ng isang taong mabago ang
pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan.
4. Kakayahan ng isang taong maiangkop ang wika sa sitwasyon, sa lugar ng
pinagyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.

5
5. Sinusukat ng pamantayang ito kung may kakayahan ang isang taong
gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.

Pamamahala sa Bisa Pamamahala sa Pag-


Pag-uusap uusap

Pagkapukaw- Pakikibagay Pagkapukaw-


damdamin damdamin

IV. Paglalahat:

Mahalagang malaman ang anim na pamantayan ayon kina Canary at Cody (2000)

1. Pakikibagay (Adaptability)
Kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan.

2. Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)


Kakayahan ng isang taong gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha
sa iba.

3. Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management)


Kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap, nakokontrol nito ang daloy ng usapan at
kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.

4. Pagkapukaw-damdamin (Empathy)
Pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao at pag-iisip ng
posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan ng isang tao o samahan.

5. Bisa (Effectiveness)
Kakayahang mag-isip kung ang kanyang pakikipag-usap ay epektibo at nauunawan.

6. Kaangkupan (Appropriateness)
Kakayahan ng isang taong maiangkop ang wika sa sitwasyon, sa lugar ng pinagyayarihan ng pag-
uusap, o sa taong kausap

V. Susi sa Pagwawasto:
GAWAIN 1 & 2: Nasa guro ang pagpapasya ng angkop na marka o iskor
Gawain 3: 1. T 2. T 3. T 4. M 5. T 6. T 7. T 8. M 9. T 10. T

VI. Sanggunian:
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House,
2016.

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 1253


Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016

Marquez, Servillano, T. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon


Ave.., Quezon City: SIBS Publishing House, INC. 2016

Petalver, Piolen C.,et.al. ADM, DepEd Misamis Oriental

You might also like