You are on page 1of 6

11

Filipino
Quarter 3 – Week 4:
Tekstong Nangangatwiran/
Argumentatibo
Mga Pangangatwirang Sulido
I. Panimula:

Pangngatwiran ang mga pahayag na nagtataglay ng paniniwala o


paninindigang maaaring tama o mali. Umiikot ito as pagdududa sa usapin ng isang
mananaysay o mananalumpati. Kailangan harapin niya ang paksa sa lahat ng
anggulo kahit pa nga sa simula pa lamang ay nailahad na niya ang kaniyang
pagkiling. Kailangan ding igalang ang opinyon ng kabilang panig habang
pinaninindigan ng manunulat ang kaniyang panig. Sa pamamagitan nito ay
makukumbinsi at mapaniniwala ang mga mambabasa o mga tagapakinig na
tanggapin ang ilalahad na mungkahi o saloobin.
Mahalagang matukoy kung para kanino ang isinusulat o kung sino ang target
ng mga mambabasa sa pagsulat ng isang tekstong nangangatuwiran. Isaisip na ang
layunin ng ganitong sulatin ay mahikayat ang iyong mga mambabasa sa iyong
paninindigan at mapaniwala ang kausap o mambabasa sa pamamagitan ng mga
kaisipan, paniniwala o kuro – kuro. Dapat isipin na neutral o walang pinapanigan ang
opinyon ng mga mambabasa o kaya nama’y hindi naniniwala sa iyong
pinaninindigan. Ibig sabihin ay maaaring magbago siya ng kaniyang posisyon at
sumang – ayon sa iyong panig.

Uri ng Pangangatwiran:
1. Pasaklaw ang pangangatwiran kung hinango mula sa iba’t ibang obserbasyon
ang nabuong kongklusyon. Ayon kay Trochin (2002), pasaklaw rin ang
pangangatwiran kung nagsisimula ito sa pangkalahatan patungo sa tiyak at
detalyado. Magsisimula ito sa isang teorya na tatapatan ng kaugnay na
hypothesis o ipotesis. Susundan ito ng mga obserbasyon at mga pagpapatunay.
Nabubuo ang mga pahayag na pasaklaw sa pamamagitan ng:
 Subjective generalization o pagbuo ng paglalahat mula sa personal na
preperensiya o pagtataya.
 Probable generalization o pagiging totoo ng pahayag sa maraming
pagkakataon ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon
 Categorical generalization o pagbubuo ng paglalahat batay lamang sa
isang umiiral na katotohanan
2. Pabuod ang pangangatwiran kung nagsisimula sa tiyak na obserbasyon o
pagmamasid hanggang sa maging paglalahat o pagbibigay ng
pangkalahatang kongklusyon o teorya. Layunin nitong makabuo ng partikula na
kongklusyon sa tulong ng isang opinyon na pumapanig o kabilang sa
pangkalahatang katotohanan. Tinatawag din itong indoksiyon kung saan
nagsisimula sa tiyak na pangyayari o ebidensiya bago gumawa ng kongklusyon
o pangkalahatang katotohanan.

Mga Paraan upang Makakuha ng mga Ebidensya o Katibayan


1. Sarbey – binubuo ng mga tanong na may kaugnayan sa paksang pag –
aaralan at kaalaman sa saloobin o pananaw ng mga partikular na tagatugon.

1
- Kailangang ipaliwanag ng sinumang mananaliksik ang metodolohiya
o pamamaraang gagamitin pati na ang estadistikang angkop sa
sulating pananaliksik bilang pagpapatunay sa resulta ng isang pag –
aaral
- Kadalasang ginagamit sa mga isyung pambansa, kung sang – ayon
o hindi ang mga tagatugon
2. Pagmamasid – panonood at pagtingin sa isang bagay
- Itinatala ang mga bagay na naobserbahan
- Tumitingin sa kasalukuyang gawi o kilos ng napiling paksa at
inihahambing ito sa dati nang kilos o gawi, saka itinatala ang
anomang naobserbahan
3. Paggamit ng Opinyon – personal ang paghuhusga, pagtataya, paniniwala,
sentimyento, idea, at kaisipan
- Paghatol ng mga argumento, pag-aangkin at pagpapatunay
- Obhetibo ang mga akademikong opinyon
- Gamitin ang opinyon ng isang eksperto sa pamamagitan ng
tuwirang sipi at paglalagay ng panipi (“”) para sa eksaktong sinabi
- Tiyaking hindi mag- iiba ang pakahulugan sa sinabi ng eksperto kung
babawasan ang pahayag nito.
4. Lohikal na Pangangatwiran – ito ang mga ibibigay na kadahilanan
- Lohika ang ginagamit sa pagbibigay ng makatwirang kongklusyon
sa proposisyong ipinahahayag ng isang manunulat
- Maaaring pasaklaw o pabuod

Mga Pag – apela sa Hindi Angkop na Pangangatwiran


1. Pag – apela sa tradisyon – isa itong paraan ng paglilipat ng totoong isyu sa
tradisyon, kaugalian o namamanang kaugalian ng mga tao
2. Walang kaugnayang ebidensya – hindi katanggap – tanggap kung gagamit ng
opinyon ng mga eksperto na wala namang kaugnayan sa paksa
3. Pagtuligsa sa tao o ad hominem (para sa tao) – personal ito na pambabatikos
sa pagkatao ng isang tao kaysa sa argumento. Ito ay kadalasang ginagamit sa
mga politiko na tinutuligsa ang kredibilidad ng mga katunggali
4. Pagsira sa posisyon o paninindigan ng oposisyon o straw man position –
tinutuligsa at masyadong pinalalaki o ginagawang eksaherado ang isa sa
pangangatwiran ng oposisyon na pinapalabas na kabuuan ng kanilang
pangangatwiran.
5. Taktika ng paglihis o red herring – nalilito ang mga mambabasa o mga
tagapakining sa tunay na isyung pinag – uusapan
6. Paggamit ng salitang may dalawang kahulugan o higit pa (ambiguity of
terms/equivocation) – dahil may dalawang kahulugan ang salita, nakalilito ito at
nakapagpapalabo ng katwiran
7. Pag–apela sa katanyagan o pag-apela sa damdamin – kadalasan itong
ginagamit sapag – eendorso ng mga produkto o ng isang politiko. Tanyag na
tao ang ginagamit na taga – endorse ng produkto tulad ng mga sikat na artista
sa kasalukuyan

2
Mga Pagputol sa Kadena ng Lohika
1. Pangangatwirang post hoc
2. Labis na pagpapadali ng sanhi o kadahilanan
3. Padalos – dalos na paglalahat
4. Maling analohiya
5. Ipinanlilimos ang tanong
6. Hindi sumunod o non sequitur

Mga Gabay sa Pagsulat ng Tekstong Nangangatuwiran


1. Pumili ng isang paksang malapit sa puso at interes mo. Alamin kung makatwiran
at mapangangatawanan ang mga opinyong maibibigay.
2. Tiyakin ang lawak ng kontrobersiya ng paksa at ang damdaming aasahan sa
mga mambabasa.
3. Isipin ang magiging panig ng mga mambabasa:papanig ba sila o sasalungat?
4. Ipayahag ang opinyon sa pangunahing kaisipan gamit ang mga pahayag na
maliwanag, makabuluhan at mapaninindigan.
5. Mangalap ng mga patunay, impormasyo, dahilan, at mga pangyayaring
maaaring gamiting sanligan ng pangangatwiran.
6. Ayusin nang lohikal ang ma pantulong na kaisipan.
7. Tiyaking ang mga gagamiting salita ay makatwiran at solido gayundin ang
lohikal na ugnayan ng mga idea.
8. Upang wakasan ang pangangatwiran ng sanaysay, maghanap ng mga
kahinaan ng pamamaraang ginamit sa panghihikayat at ayusin ang mga ito
nang may pagsaalang – alang sa angkop na tono.

Mga Cohesive Devices sa pagsulat ng tekstong nangangatwiran

Pagpapahayag Pagpapahayag Pagpapahayag Pagpapahayag Pagpapahayag


ng Taliwasan/ ng Kondisyon- ng Pagbibigay- ng pagsang- ng patunay
Salungatan/ Bunga/ linaw sa isang ayon/di
Kontrast Kinalabasan ideya pagsang-ayon
Sa madaling Bilang
Pero Maaari Kung gayon
sabi pagpapatunay
ngunit Puwede Bilang paglilinaw Kung ganoon Patunay nito
Sa halip posible Kung gayon Dahil dito
Kahit (na) marahil Samaktwid Samakatwid
siguro Kaya Kung kaya
Bilang Bilang
Sigurado/tiyak
pagwawakas pagpapatunay

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda:

 Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalgang salitang ginamit ng


iba’t ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIa-88)
 Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t – ibang tekstong binasa
(F11PS-IIIb-91)
3
 Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto (F11PU-IIIb-91)
 Nagagamit ang mga cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang
teksto (F11WG-IIIc-90)
 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig (F11PB-IIId-99)

II. Pamamaraan:

GAWAIN 1:
PANUTO: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.
1. Paano mangangalap ng ebidensya?
2. Kailan maituturing na lihis ang isang pangangatwiran?
3. Ano – ano ang mga katangian ng mabisang tekstong nangangantwiran?
4. Paano mapalalakas ang mga pangangatwirang pinapanigan?

GAWAIN 2:
PANUTO: Pumili ng isang paksa sa ibaba. Magsulat ng iyong pangangatuwiran, kung
ikaw ba ay sang- ayon o di sang – ayon, gamit ang silohismo sa isang malinis na papel.
1. Isang proseso ng pagbabagong-bihis ng local at rehiyonal na daloy sa pandaigdigang
pamilihan ang globalisasyon. Sa kasalukuyan, ginagamit ito upang tukuyin ang mga
globalisasyong pang-ekonomiya bilang ugnayan ng Pambansa at internasyonal na
ekonomiya. Sinasabi ng mga tagapagsulong ng globalisasyon na tinutulungan nito ang
mga lokal na ekonomiya at Negosyo sa pamamagitan ng pagatpat sa mga bago at
iba’t ibang internasyonal na pamilihan. Samantala, sinasabi naman ng mga kritiko ng
globalisasyon na namamanipula at naiimpluwensiyahan ng mga internasyonal na
kompanya ang maliliit na lokal na negosyo.

Sa iyong pananaw, natutulungan nga ba ng globalisasyon ang local na negosyo at


ekonomiya?

2. Nahihirapang manatiling nakatutok sa isang bagay gayundin sa pagkontrol ng mga


pag – uugali at kinapapalooban ng mga insidente ng hyperactivity ang Attention
Deficit Hyperactivity Disorder o ADHD. Madalas itong makikita sa mga bata subalit
tinatayang 2-5% ng matatanda ay nakikitaan din ng ganitong mga kondisyon.
Karaniwan nang tinitingnan ito ng mga healthcare provider bilang natatanging
kondisyon sa mga mayroong malalang sintomas, subalit para sa nagpapakita ng
bahagyang mangilan – ngilang sintomas, nakasentro ang debate kung paano sila
gagamutin o kung paano malalaman ang kanilang sakit. Naninindigan ang mga kritiko
na nararapat lamang ibigay ang mga stimulant bilang huling opsyon, samantalang
naniniwala naman ang iba na kailangan ang medikasyon upang tuluyang makontrol
ang mga sintomas ng ADHD.

Dapat bang gawing huling opsyon ang medikasyon sa paglunas sa ADHD para sa
nagpapakita ng mangilan – ngilang sintomas?

4
GAWAIN 3

PANUTO: Gumupit ng artikulong nagpapahayag ng mga pangangatwiran hinggil sa


isang paksa. Timbangin ang mga lohika at pangangatwirang ginamit. Punan ang tsart
ng paghahambing at salungatan upang masuri ang mga pangangatwirang ibinigay.
Ilahad na rin ang sariling paninindigan sa isyung napili.

PAKSA ANG PANIG NG ARTIKULO ANG IYONG PANIG


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
III. Paglalahat:

TANDAAN: Maaaring halawin o kunin ang mga patunay sa sariliing karanasan


(nagagamit dito ang pamilyaridad ng may-akda sa mga pangyayari) o karanasan ng
mga kakilala (maaaring eksperto o espesyalista o awtoridad sa pinag – uusapang
paksa).

IV. Sanggunian:

Bandril, Lolita T., et. al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik Batayang Aklat. pp. 64– 77.

V. Susi sa Pagwawasto:
Answers may vary.

You might also like