You are on page 1of 9

Mga Bahagi at Proseso ng

Pananaliksik
Aralin 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Crizel Sicat-De Laza
May-akda
Layunin ng Talakayan
• Maisa-isa at maipaliwanag ang mga bahagi at proseso
ng pananaliksik tulad ng:
• Pamimili at pagpapaunlad ng paksa ng pananaliksik
• Pagdidisenyo ng pananaliksik
• Pangangalap ng datos
• Pagsusuri ng datos
• Pagbabahagi ng pananaliksik
Daloy ng Talakayan
• Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
• Pamimili at Pagpapaunlad ng paksa ng Pananaliksik
• Pagdidisenyo ng Pananaliksik
• Pangangalap ng Datos
• Pagsusuri ng Datos
• Pagbabahagi ng Pananaliksik
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
• Makabubuti kung sa unang bahagi pa lamang ng pananaliksik ay may malawak nang
pagkaunawa sa paksa ang mananaliksik upang maging madali sa kaniya ang mga susunod na
bahagi.
• Kung minsan, kapag masyado pang malawak ang paksang nais saliksikin, nakatutulong ang
pagbabasa tungkol sa paksa upang makahanap ng ispesipikong anggulo at mapaliit ang saklaw
nito.
• Gayundin, makapagbibigay ng ideya sa mananaliksik ang pagbabasa ng mga kaugnay na
literatura kung ang pinaplanong paksa ay may kahalintulad na o kaya naman ay wala pang sapat
na batayan o sanggunian.
• Mahalaga rin ang masinop na pagtatala ng makabuluhang impormasyon, konsepto, at teorya
na maaaring gumabay sa pananaliksik at kalaunan ay sa pagsusuri at interpretasyon ng datos.
• Sa antas na ito, may sapat nang kahandaan ang mananaliksik na isulat ang mga sumusunod na
mga preliminaryong bahagi ng pananaliksik: Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral, Paglalahad ng
Suliranin, Layunin at Kahalagahan ng Pagaaral, at Rebyu ng Kaugnay na Literatura.
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Pagdidisenyo ng Pananaliksik
• Ang bahaging ito ay mas nagbibigay ng katiyakan sa tatakbuhin ng pananaliksik. Sa
antas na ito, kinakailangang natukoy na ng mananaliksik ang tiyak na suliranin ng
pananaliksik upang malapatan ng tiyak na disenyo.
• Sa bahaging ito, inaakda na ng mananaliksik ang teoretikal na gabay ng pananaliksik na
resulta ng naunang pagbabasa. Pagkatapos ay bubuuin ang konseptuwal na balangkas
na maglalatag ng kabuuang lawak ng pananaliksik at paraan ng magiging pagsusuri.
• Kapag natukoy na ang suliranin at lawak ng pananaliksik, itatakda ng mananaliksik ang
disenyo ng pag-aaral at kaukulang pamamaraan kung paanong matatamo ito.
Gayundin, tutukuyin na ang mga kalahok o populasyon ng pananaliksik.
• Sa antas na ito, maaari na ring iakda ang iba pang bahagi ng pananaliksik: Teoretikal na
Gabay at Konseptuwal na Balangkas, Sakop at Delimitasyon ng Pagaaral, at Daloy ng
Pag-aaral.
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Pangangalap ng Datos
• Sa bahaging ito nangyayari ang produksiyon ng bagong datos na pagbabatayan
ng kalalabasan ng pananaliksik kung kaya’t mahalagang maging masinop,
matiyaga, at matapat ang mananaliksik.
• Pagkatapos tukuyin ang disenyo at pamamaraan sa nakaraang bahagi, kailangan
nang ihanda ang instrumento o kasangkapang gagamitin upang mangalap ng
datos. Sa bahaging ito, isasagawa na ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o
pagsusuri ng dokumento depende sa itinakdang pamamaraan ng pag-aaral.
Pagkatapos mangalap ng datos mula sa mga nabanggit na pamamaraan,
isasaayos at ihahanda ng mananaliksik ang datos para sa presentasyon at
pagsusuri.
• Sa antas na ito, handa na ang mananaliksik na iakda ang Metodolohiya at
Pamamaraan sa Pananaliksik.
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Pagsusuri ng Datos
• Sa bahagi namang ito ginagawa ang isa sa pinakamahalagang tungkulin ng mananaliksik,
ang lumikha ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng pagsusuri at interpretasyon ng mga
datos na nakalap.
• Tandaan na ang sistematikong presentasyon ng datos ang magtatakda sa husay ng
panunuri at interpretasyon kung kaya’t kailangang pag-isipang mabuti ng isang
mananaliksik ang pinakamabisa at angkop na presentasyon.
• Pagkatapos ng paglalatag ng resulta at pagtalakay nito, mahalaga rin na lagumin ng
mananaliksik ang pangkalahatan at mahahalagang natuklasan ng pananaliksik mula sa
datos at bumuo ng mga kongklusyon mula rito. Ang rekomendasyon ng pananaliksik ay
binubuo batay sa mga natukoy na kongklusyon ng pag-aaral. Maaari ding maging
rekomendasyon ang mga suhestiyon ng pagpapalawak o pagpapalalim sa susunod na
mananaliksik.
• Handa na ang mananaliksik na isulat ang Resulta at Diskusyon sa bahaging ito kasunod
ang Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon ng pananaliksik.
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Pagbabahagi ng Pananaliksik
• Ang huling bahagi ng proseso ng pananaliksik ay labas na sa mismong pagsulat ng papel-
pananaliksik kaya’t madalas na nakaliligtaan o napagwawalangbahala ito. Gayunpaman,
kailangan bigyang-pansin at paunlarin ang bahaging ito upang maipalaganap ang resulta ng
pananaliksik.
• Kapag natatapos ang isang semestre sa klase sa pananaliksik o kaya ay nakatapos ng tesis o
disertasyon sa isang programa, kadalasang inilalagak na lamang sa silid-aklatan ang mga
natatapos na pananaliksik. Madalas na hindi na ito nababasa o nabubuklat man lang liban
na lamang kung may susunod na mananaliksik na magiging interesado rin sa paksa ng
pananaliksik.
• Sa kalakhan ay bansot ang kultura ng pagbabahagi ng kaalaman sa mga paaralan o
unibersidad sa kasalukuyan. Sa pinakahuling antas ng pananaliksik na ito, titiyakin na
maibabahagi ng mananaliksik ang mahahalagang naging kongklusyon ng pananaliksik.

You might also like