You are on page 1of 16

Tekstong

Persuweysib
Propaganda Devices
1. Name-Calling - Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o
katunggaling politiko upang hindi tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng
politika.
Halimbawa: “ang pekeng sabon”
“bagitong kandidato”
“trapo” (traditional politician)

2. Glittering Generalities - Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang


produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.
Mga Halimbawa: Mas makatitipid sa bagong ______.
Ang inyong damit ay mas magiging maputi sa______.
Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian.
3. Transfer - Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto
o tao ang kasikatan.

Halimbawa: “Ipagpapatuloy ko ang sinimulan ni FPJ.” -Grace Poe.

Manny Pacquiao gumamit ng________ kapag nasasaktan.

4. Testimonial - Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang


tao o produkto.

5. Plain Folks - Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga
kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto o
serbisyo.

6. Card Stacking - Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto


ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.

Halimbawa: “Ang instant noodles na ito ay makapagbubuklod ng pamilya, nakatitipid sa


oras, mura na masarap pa!”
7. Bandwagon - Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na
gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay
sumali na.
Halimbawa: “Buong bayan ay nag-e-LBC peso padala na!”
Kahulugan ng tekstong persuweysib o nanghihikayat
• Ito ay isang uri ng teksto na nakatuon sa pagpapaliwanag at
panghihikayat sa mambabasa na maniwala o sumang-ayon sa
pagsusuri o opinyon na kanyang inilalahad. Madalas itong makita sa
mga kritikal na sanaysay, kolum, editoryal pananaliksik o bahagi ng
tesis.
• Ang nilalaman nito ay ang problema o isyu, ang posisyon ng may
akda sa problema o isyu at ang kanyang mga katwiran.
• Maaari itong gumamit ng paraang argumentatibo kung saan
hinihikayat ang mambabasa na maniwala at kumilos ayon sa pananaw
na inilalahad ng may akda.

• Maaari rin itong magbahagi sa pamamamagitan ng pagtalakay ng mga


perspektiba tungkol sa isang partikular na isyu na binibigyan ng
rekomendasyon at kongklusyon.

• Ito ay isang uri ng di-piksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga


mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.
Mga Elemento ng isang Tekstong Nanghihikayat
Ayon kay Aristotle, isang Griyegong pilosopo, mayroong tatlong elemento
ang panghihikayat:

1. Ethos – ang salitang ethos ay galing sa MGA HALIMBAWA:


salitang Griyego na nauugnay sa salitang  Paghahanap ng impormasyon
etika ngunit higit na itong angkop ngayon sa Internet
sa salitang “imahe”.  Kredibilidad ng endorser para
– tumutukoy sa kredibilidad na makapanghikayat ng
maghain ng argumento o ng katototohanan mamimili
2. Logos – ang salitang Griyego na logos ay HALIMBAWA:

tumutukoy sa pangangatwiran. ✘ “Ang mga kabataan ay di kontento sa


demokrasya sa Pilipinas ngayon”
– nangangahulugan din itong
panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman. ✔ “Ayon sa SWS Survey noong 1996, 55
porsiyento ng kabataan noon ang
– Ang mga argumentong pang-akademiko nagsasabi na sila ay kontento sa lagay ng
ay nakasalalay sa logos. demokrasya sa Pilipinas, samantalang 45
porsiyento ang hindi kontento.”

3. Pathos – tumutukoy sa impluwensiya sa MGA HALIMBAWA:


damdamin ng awdyens • “Sige na, pumayag ka na. Tingnan mo na lang
– ito ay humihikayat sa awdyens sa ang kaawa-awang kalagayan nila. Mas
mainam na ikaw ang nagbibigay kaysa ikaw
pamamagitan ng emosyon ang binibigyan.”
– madalas na ginagamit ito sa mga
• Pakikipanayam sa mga sinalanta ng isang
personal na panghihikayat matinding bagyo sa bansa.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Nanghihikayat

1.) Magsimula sa paglalahad ng isyung tatalakayin.

2.) Ilahad ang iyong panig tungkol sa nasabing isyu.

3.) Talakayin ang mga argumentong naghahain ng mga dahilan at ebidensiya


sa katawan ng teksto.

4.) Gumamit ng mga nakahihikayat na parirala.


Mga halimbawa:
 Maraming naniniwala na…
 Siguradong…
 Nakasisiguro akong…
5.) Pag-ugnayin ang mga teksto gamit ang mga kataga.
Mga halimbawa:
 Kung gayon, …
 Sa kabilang banda, …
 Dahil dito, …

6.) Magtapos sa isang pagbubuod.


Mga Estratehiya sa Tekstong Nanghihikayat
• Malalim na pananaliksik.
Kailangang alam ng isang manunulat ang pasikot-sikot ng isyung tatalakayin sa
pamamagitan ng pananaliksik tungkol dito. Hindi sapat na sabihing tama ang isang paninindigan
kung walang tiyak na mga datos na susuporta rito.

• Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa.


Kailangang mulat at maalam ang manunulat ng tekstong persuweysib sa iba’t-ibang
laganap na persepsiyon at paniniwala tungkol sa isyu.

• Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu.


Ito ay upang epektibong masagot ang laganap na paniniwala ng mga mambabasa.
Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Nanghihikayat

1. Kredibilidad ng may akda

2. Nilalaman ng teksto

3. Pagtukoy sa mga elemento ng panghihikayat

4. Bisa ng panghihikayat ng teksto


Narito naman ang maaaring maging batayan upang i-kritik ang tekstong binasa:

 Ano ang layunin ng teksto?

 Saang paniniwala ng may-akda gusto niyang hikayatin ang


mga mambabasa?

 Ano ang mga binanggit ng may-akda upang mahikayat ang


mga mambabasa na tanggapin ang kanyang paniniwala?

 Epektibo ba ang teksto bilang isang tekstong persuweysib?


Nahikayat ka ba ng paniniwala niya tungkol sa paksa?
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga halimbawa na maaaring mapagkunan ng
tekstong persuweysib:

Adbertisment
Editoryal

Sanaysay
na
pulitikal Brochure

You might also like