You are on page 1of 7

WORKSHEET

ARALING PANLIPUNAN 7
( KWARTER 1 – UNANG LINGGO)
READING TEXT

Ang kontinente ng Asya


Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Kontinente ang tawag sa
pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig. Isa sa mga paraan nang pagkuha ng lokasyon
ng isang kontinente at bansa ay sa pamamagitan ng pagtukoy ng latitude (distansiyang
angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator/ekwador) at longhitude (mga distansiyang
angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng prime meridian) nito. Ang equator/ekwador
ay ang zero-degree latitude at humahati sa globo sa hilaga at timog na hemisphere nito, at
ang prime meridian naman ay ang zero-degree longhitude. Ang nasasakop ng Asya ay mula
sa 10° Timog hanggang 90° Hilagang latitude at mula sa 11°hanggang 175°Silangang
longhitude.
Pinakamalaki ang kontinente ng Asya kung ihahambing sa ibang mga kontinente sa
daigdig. Sa kabuuang sukat nitong humigit kumulang na 44,486,104 kilometro kuwadrado,
halos katumbas nito ang pinagsama-samang lupain ng North America, South America at
Australia, at halos sangkapat (¼) lamang nito ang Europe. Tinatayang sangkatlong (1/3)
bahagi ng kabuuang lupain ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya. Parang isang saranggola
ang hugis ng Asya. Magiging ulo at katawan ng pormang saranggola ang bahaging hilaga,
silangan, kanluran at timog. Buntot naman nito ang nagkalat na mga pulo sa timog silangan.

https://mapswire.com/asia/political-maps/
Bilang pantulong na impormasyon tunghayan ang talahanayan sa ibaba para makita ang
kabuuang sukat ng mga kontinente sa mundo.
Kontinente Kabuuang Sukat (Kilometro kwadrado)
1. Asya 44,486,104
2. Africa 30,269,817
3. North America 24,210,000
4. South America 17,820,852
5. Antartica 13,209,060
6. Europe 10,530,789
7. Australia 7, 862,336
Kabuuan 143,389,336
Katangian ng mga Rehiyon sa Asya

1
Dahil sa lawak ng Asya, kinakailangan itong hatiin sa limang pangunahing rehiyon.
Heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito sapagkat isinaalang-alang sa
paghahating ito ang pisikal, historikal at kultural na aspekto.
https://www.ifri.org/en/publications/editoriaux/chroniques- Hilagang Asya/ Central Asia
americaines/us-engagement-towards-central-asia-no-great- ( 17,030,504 km kwad)
game
Ang rehiyong ito ay may
pinakamahabang panahon ng taglamig na
karaniwang tumatagal ng 6 na buwan at
maigsing tag-init ngunit may ilang lugar
na nagtataglay ng matabang lupa. Hindi
kayang tirahan ng tao ang malaking
bahagi ng rehiyon dahil sa sobrang lamig.
Sa ilang bahagi ng rehiyong ito ay may
malawak na damuhan tulad ng steppe,
prairie at savanna at may kaunting bahagi
ng boreal forest o taiga na may
kagubatang coniferous. Binubuo ito ng
mga bansang Armenia, Georgia, Siberia,
Azerbaijan, Kazakhstan, Kyrgyztan,
Tajikistan, Turkmenistan at Uzbekistan.
Timog Asya ( 4,379,055 km kwad)
https://www.freepik.com/premium- May anyong hugis tatsulok. Ang
vector/mao-south-asia_4670630.htm topograpiya ng rehiyong ito ay mabundok.
Matatagpuan dito ang Karakoram Range
sa Pakistan at China at ang Himalayas sa
Nepal. Sa katimugan ng Hindu Kush
nakalatag ang Indo Gangetic Plain na
katatagpuan naman ng Thar Desert sa
kanlurang bahagi nito at ang Deccan
Plateau sa bandang Timog. Sa Kanluran at
silangan naman ng talampas na ito ay ang
kabundukan ng Ghats. Ang Indus, Ganges
at Brahmaputra na ilan sa malalaking ilog
sa daigdig ay matatagpuan sa rehiyon. Iba
iba ang klima sa loob ng isang taon.
Mahalumigmig kung Hunyo hanggang
Setyembre, taglamig kung buwan ng
Disyembre hanggang Pebrero at kung
Marso hanggang Mayo, tag-init at
tagtuyot. Nanatiling malamig dahil sa
niyebe o yelo ang Himalayas at ibang
bahagi ng rehiyon. Binubuo ito ng mga
bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri
Lanka, Bhutan, Nepal at Maldives.

2
Kanlurang Asya/Middle East
https://www.pinterest.ph/pin/38238
(6,273,036 km kwad)
3824590396604/
Mabuhangin at mabato ang karaniwang lugar,
madalas ang pagkatuyo ng mga ilog at lawa dahil
sa sobrang init. Bihira at halos hindi nakararanas
ng ulan ang malaking bahagi ng rehiyon.Kung
umulan man, ito ay kadalasang bumabagsak
lamang sa mga pook na malapit sa dagat. Nahahti
ito sa tatlong rehiyong pisikal: Northern Tier na
lupain ng kabundukan at talampas, Arabian
Peninsula na isang malawak na tangway na
pinaliligiran ng iba’t ibang anyong tubig ngunit
ang loob na bahagi ay salat sa tubig dahil disyerto
ang malaking bahagi nito, at ang Fertile
Crescent na nagtataglay naman ng matabang lupa
at masaganang suplay ng tubig. Dito nakalatag
ang mga bansang Arabo (Saudi Arabia,
Afghanistan, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq at
Kuwait) Gulf States (Yemen, Oman, United Arab
Emirates, Qatar at Bahrain) Iran, Israel, Cyprus at
Turkey.

Silangang Asya (12,953,558 km kwad)


detail-separated-all-countries-
Malaking bahagi ng kalupaan ng Asya ay sakop
vector-illustration-gm687889428- ng Silangang Asya partikular ang China na
126682253 sumasakop sa 20% sukat ng kontinente. Ang mga
bansang Japan at Korea ay halos 5% ng lupain ng
Silangang Asya. Ang rehiyong ito ay may mga
pisikal na hangganan tulad ng Gobi Desert,
Mongolian-Tibetan Plateaus at ang Himalayas.
Nasa silangan naman nito ang Pacific Ocean. Sa
pangkalahatan, matataba ang mga kapatagan dito,
malalalim ang mga lambak at matataas ang mga
bundok. Monsoon climate ang klima ng rehiyon.
Dahil sa lawak nito, ang mga bansa rito ay
nakararanas ng iba ibang panahon: mainit na
panahon para sa mga bansang nasa mababang
latitude, malamig at nababalutan naman ng yelo
ang ilang bahagi ng rehiyon. Matatagpuan din
dito ang mga Ilog ng Huang Ho, Yangtze at Xi
Jiang na pinakamahahalagang ilog sa pamumuhay
ng mga Tsino. Kabilang ang mga bansang China,
Japan, Mongolia, South Korea, North Korea at
Taiwan sa rehiyong ito.

Timog Silangang Asya/Farther India/Little


https://www.vectorstock.com/royalt China (4,433,065 km kwad)
y-free-vector/southeast-asia-map-
with-country-icons-and-location- 3
vector-15738463
Nauuri sa dalawa ang rehiyong ito: Ang
Pankontinenteng Timog Silangang Asya o
Mainland Southeast Asia (Myanmar, Thailand,
Vietnam, Laos at Cambodia) isang tangway na
nasa pagitan ng South China Sea at Indian Ocean.
Ang malaking bahagi ng lupain ay kabundukan at
manaka-nakang nagtataasang talamapas mula sa
Himalayas hanggang sa katimugang bahagi ng
China. Ang lupaing ito ay dinadaluyan ng mga
ilog ng Irrawady, Salween, Chao Phraya,
Mekong at Red River. Ang Pangkapuluang
Timog Silangang o Insular Southeast Asia naman
ay binubuo ng mga kapuluang nakalatag sa
karagatan kabilang ang mga isla ng Pilipinas,
Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore at East
Timor. Ang ilan sa mga kapuluang ito ay
kabilang sa rehiyong Pacific Ring of Fire dahil sa
hitik sa mga bulkan ang lugar na maaaring
magdulot ng paglindol dulot ng kanilang
pagsabog. Halos lahat ng bansa sa rehiyong ito ay
may klimang tropical.Nakararanas ang mga ito
ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan. Dahil
sa kaaya-ayang klima ng rehiyon magubat na
kabundukan ang nasa hilaga ng rehiyon at mga
lambak-ilog sa timog. May matabang lupa ang
mga kapatagan hanbang ang ibang lugar ay
karaniwang latian at matubig.

Mga Uri ng Anyong Lupa at Tubig sa Asya


Ang pagkakaroon ng napakaraming uri ng kapaligirang likas ay kakaniyahan ng Asya.
Mahalagang maunawaan mo na ang kontinente ay biniyayaan at nagtataglay ng iba ibang
anyong lupa at anyong tubig na lubos na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga Asyano. Ang
mga anyong lupa bukod sa pinakapangunahing lugar panirahan ng tao, ito ay nagsisilbing
likas na tanggulan o depensa laban sa malalakas na bagyo at sigwa, mapagkukunan ito ng
samu’t saring yamang mineral, makakakuha din ng mga bungang kahoy, herbal na gamot at
mga hilaw na materyales, ang mga kapatagan at lambak ay nililinang para sa mga pananim at
ang mga damuhan at burol ay ginagawang pastulan. Bukod sa iba’t ibang anyong lupa
mapapansin na ang Asya ay napapaligiran ng mga ilog, karagatan at dagat. Katulad ng mga
anyong lupa ang mga anyong tubig ay may malaking pakinabang din sa pamumuhay ng mga
Asyano. Ang mga ilog ay nagsilbing lundayan ng mga sinaunang kabihasnan, ang mga lawa
at ilog ang siyang pinagkukunan ng tubig bilang inumin at ginagamit sa pang-araw-araw na
gawain,ito ay pinagmumulan ng Sistema ng irigasyon sa mga palayan at pananiman, daanan
ng mga transportasyong pangtubig at pinagkukunan ng mga pagkain at palamuti.
Handa ka na ba na ito ay tuklasin? Simulan mo na!
Talahanayan 1.1 Mga Anyong Lupa

4
Anyong Lupa Katangian Lokasyon
Himalayas Pinakatanyag na Bulubundukin sa Asya na may Timog asya
habang umaabot sa 2,415 kilometro
Mt. Everest Pinakamataas na bundok sa mundo na may taas Nepal/Tibet
na halos 8,850 metro
Mt. K2 Pangalawang pinakamataas na bundok sa mundo. Pakistan/China
(8,611 metro)
Mt. Kanchenjunga Pangatlong pinakamataas na bundok sa mundo. Nepal/India
(8,586 metro)
Semeru Pinakamataas na bulkan sa Indonesia at isa sa Indonesia
pinakaaktibo (3,676 metro)
Krakatoa Pangalawang pinakamataas na bulkan sa Indonesia
Indonesia (867 metro)
“ The World’s Infamous Volcano”
Fuji Pinakamataas na bundok sa Japan at tanyag sa Japan
buong mundo dahil sa natural nitong ganda at
pan-gespiritwal na kahalagahan nito sa mga
Hapones.
Mayon Kilala sa kahanga-hangang halos perpektong Pilipinas
hugis apa/kono. (2,462 metro)
Taal Pinakamaliit na bulkan sa Pilipinas at isa sa Pilipinas
pinakaaktibong bulkan sa ating bansa. (311
metro)
Pinatubo Isang aktibo ngunit matagal na natulog na bulkan Pilipinas
nan ang pumutok ay yumanig sa buong mundo
noong 1991. (1,486)
Tibetan Plateau Itinuturing na pinakamataas na talampas sa Timog Asya
mundo (16,000 talampakan) at tinaguriang “Roof
of the World”/Bubong ng Mundo
Gobi Desert Pinakamalaki sa Asya at pang-apat sa mundo. Mongolia at
(1,295,000 kilometro kwadrado) Hilagang China
Indonesia Pinakamalaking kapuluan/archipelagic state sa Indonesia
mundo. (Humigit kumulang sa 13,000 na pulo)
Indo-Gangetic Isa sa mga kapatagan sa Asya. Timog Asya
Plain

Talahanayan 1.2 Mga Anyong Tubig


Anyong Tubig Katangian Lokasyon
Ilog Tigris at Nagsilbing lundayan ng kauna-unahang Iraq
Euphrates kabihasnan ang Sumer
Ilog Indus Nagsilbing lundayan ng kabihasnang India/Pakistan
Indus
Ilog Huang Ho Dito sumibol ang kabihasnang Shang sa China
China
Caspian Sea Pinakamalaking lawa sa mundo Hilagang Iran,
(371,000 kilometro kuwadrado Kazakhstan,
Turkmenistan,
Azrerbaijan,
Armenia at Georgia

5
Lake Baikal Pinakamalalim na lawa sa mundo(31,500 Timog Silangang
kilometro kuwadrado) Siberia
Dead Sea Pangalawa sa pinakamaalat na lawa sa Israel at Jordan
mundo (1,049 kilometro kuwadrado)
Aral Sea Pang-apat na pinakamalaking lawa sa Uzbekistan at
mundo (64,750 kilometro kuwadrado) Kazakhstan
Ang Mga Vegetation Cover ng Asya
Bukod sa mga nakuha mong impormasyon ukol sa kinaroroonan, sukat, hugis,
paghahating pangrehiyon at mga anyong lupa at tubig, mahalaga ring matukoy mo ang iba’t
ibang Vegetation Cover sa Asya bilang bahagi ng pisikal na katangian nito.
Halika na! Simulan na natin itong tuklasin.
Ang Vegetation/Behetasyon ay uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng
pagkakaroon ng kagubatan o damuhan ay epekto ng klima nito. Binubuo ang behetasyon ng
Asya ng mga sumusunod: steppe, prairie, savanna, taiga, tundra at tropical rainforest.
Mga Uri ng Behetasyon/Vegetation
Uri Larawan Katangian Lugar/Rehiy
on
Steppe
uri ng damuhang may Mongolia
ugat na mabababaw o Manchuria
shallow-rooted short Ordos Desert
grasses sa Silangang
Asya
https://www.flickr.com/photos/
bdearth/4881182877
Prairie
ang lupaing may Hilagang
damuhang matataas na Asya
malalalim na ugat o
deeply-rooted tall
grasses.
https://www.needpix.com/photo
/1538993/vegetation-prairies-grass-
plants
Savanna
lupain ng pinagsamang Timog
mga damuhan at Silangang
kagubatan Asya
(Thailand at
Myanmar)

https://commons.wikimedia.org/
wiki/File:Kiang_West_savanna.jpg

6
Taiga/ https:// Coniferous ang mga
Boreal www.px kagubatang ito bunsod Hilagang
Forest fuel.com ng malamig na klima Asya
/en/free- dahil sa presipitasyon (Siberia)
photo- na maaaring nasa
xtafz anyong yelo o ulan.

Tundra/ Kakaunti ang halamang


Treeless tumatakip at halos Hilagang
Mountai walang puno sa lupaing Asya
n Tract ito dahil sa malamig na Russia at
klima. Siberia

https://pixabay.com/photos/mountai
n-tundra-mountains-ranges-
2761668/
Tropical Biniyayaan ng Timog
Rainfore mayayabong na mga Silangang
st punongkahoy dahil sa Asya
mainam na klima at Timog Asya
halos pantay na Silangang
panahon ng tag-ulan at Asya
tag-araw.
https://www.nasa.gov/topics/earth/fe
atures/earth20110531.html

You might also like