You are on page 1of 13

Batayang

Kaalaman sa
Mapanuring
Pagbasa
Aralin 1
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBAT IBANG
TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Crizel Sicat-De Laza
May-akda
Layunin ng Talakayan

Matukoy ang kahalagahan at kahulugan ng pagbasa


Makilala ang pagkakaiba ng intensibo at
ekstensibong Pagbasa
Malaman ang kahulugan at gamit ng scanning at
skimming sa pagbasa
Matukoy ang antas ng pagbasa
Daloy ng Talakayan

Kahalagahan at Kahulugan ng Pagbasa


Intensibo at Ekstensibong Pagbasa
Scanning at Skimming sa Pagbasa
Antas ng Pagbasa
Kahulugan at Kahalagahan ng
Pagbasa
Huwag kang
magbasa, gaya ng
mga bata, upang
libangin ang sarili, o
gaya ng mga
matatayog ang
pangarap, upang
matuto. Magbasa ka
upang mabuhay.
Kahulugan at Kahalagahan ng
Pagbasa
Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat
na Becoming a Nation of Readers, ang pagbasa
ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula
sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang
kompleks na kasanayan na nangangailangan ng
koordinasyon ng ibat iba at magkakaugnay na
pinagmumulan ng impormasyon
Kahulugan at Kahalagahan ng
Pagbasa
Ayon kina Wixson et al. (1987) sa artikulong
New Directions in Statewide Reading
Assessment ang pagbasa ay isang proseso ng
pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng
interaksiyon ng:
1) imbak o umiiral nang kaalaman ng
mambabasa;
2) impormasyong ibinibigay ng tekstong
binabasa; at
Kahulugan at Kahalagahan ng
Pagbasa
Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso
ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang
makakuha at makabuo ng kahulugan.
Intensibo at Ekstensibong
Pagbasa
Intensibo Ekstensibo
Kinapapalooban ng malalimang pagsusuri sa pagkakaugnay- Ayon kina Long at Richards (1987), nagaganap ang ekstensibong
ugnay, estruktura, at uri ng diskurso sa loob ng teksto, pagtukoy pagbabasa kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng
sa mahahalagang bokabularyong ginamit ng manunulat, at paulit- maramihang babasahin na ayon sa kaniyang interes, mga
ulit at maingat na paghahanap ng kahulugan. babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob ng klase o
itinatakda sa anomang asignatura.
Sa ganitong uri ng pagbasa, nakatutulong ang pagbabalangkas o
paggawa ng larawang konseptuwal upang lubos na maunawaan Kadalasan, ang layunin ng mambabasa sa ganitong uri ng
ng mag-aaral ang isang teksto. pagbasa ay upang makuha lamang ang gist o pinaka-esensya at
kahulugan ng binasa na hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga
salitang malabo o hindi alam ang kahulugan.
Scanning at Skimming sa
Pagbasa
Scanning Skimming
Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng
ispesipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa. Kinapapalooban kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang
ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat.
mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon.
Mas kompleks ang skimming kaysa scanning dahil nangangailangan ito
Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo, ng mabilisang paraan ng organisasyon at pag-alaala sa panig ng
larawan, o tiyak na sipi na makatutulong sa iyo, scanning ang angkop mambabasa upang maunawaan ang kabuuang teksto at hindi lamang
na paraan ng pagbasa na dapat gamitin. Ibig sabihin, may paunang upang matagpuan ang isang tiyak na impormasyon sa loob nito.
pag-alam o pagkaunawa na sa hinahanap na impormasyon at ang
layunin ay matiyak ang katumpakan nito na makikita sa mga libro o iba
pang sanggunian.
Antas ng Pagbasa
Ito ang pinakamababang antas
ng pagbasa at pantulong upang
makamit ang literasi sa pagbasa.
Primarya Kinapapalooban lamang ng
pagtukoy sa tiyak na datos at
ispesipikong impormasyon gaya
ng petsa, setting, lugar, o mga
Mapagsiyasat tauhan sa isang teksto.
Itinuturing na magkakahiwalay
ang mga impormasyong ito, na
mahirap para sa bagong
Analitikal mambabasa upang makabuo ng
kabuuang hinuha at pag-unawa
sa teksto.
Nauunawaan lamang ang hiwa-
Sintopikal hiwalay na impormasyon sa
literal na antas at hindi
nakabubuo ng interpretasyon
mula sa pagkakaugnay-ugnay ng
mga nito
Antas ng Pagbasa
Sa antas na ito, nauunawaan na ng
mambabasa ang kabuuang teksto at
nakapagbibigay ng mga hinuha o
Primarya impresyon tungkol dito.
Sa pamamagitan nito,
nakapagbibigay ng mabilisan ngunit
makabuluhang paunang rebyu sa
Mapagsiyasat isang teksto ang mambabasa upang
matukoy kung kakailanganin niya
ito at kung maaari itong basahin
nang mas malaliman.
Analitikal Paimbabaw ang katangian ng
pagbasang ito sapagkat halos
panlabas na bahagi lamang ng
teksto ang tinitingnan. Hindi ito
Sintopikal pinagiisipan nang malalim para
magbigay ng interpretasyon o
pinag-uukulan ng pansin ang ilang
bahaging hindi maunawaan sa
teksto.
Antas ng Pagbasa
Sa antas na ito ng pagbasa,
ginagamit ang mapanuri o
Primarya kritikal na pag-iisip upang
malalimang maunawan ang
kahulugan ng teksto at ang
Mapagsiyasat layunin o pananaw ng
manunulat.
Bahagi ng antas na ito ang
pagtatasa sa katumpakan,
Analitikal kaangkupan, at kung
katotohanan o opinyon ang
nilalaman ng teksto.
Sintopikal Malalim at mapanuri na ang
antas na ito, ngunit hindi rito
nagtatapos ang layunin ng
pagbasa.
Antas ng Pagbasa
Sa sintopikal na pagbasa, nakabubuo ng
sariling perspektiba o pananaw sa isang
tiyak na larangan mula sa paghahambing
ng mga akdang inunawa.
Primarya Ito ay hindi lamang pag-unawa sa mga
nariyan nang mga eksperto sa isang
larangan o disiplina, kundi ang pagbuo
ng sariling sistema ng kaalaman at pag-
Mapagsiyasat unawa mula sa pagbasa sa mga
ekspertong ito. Ang mga aklat na binasa
mo ay mga kasangkapan lamang upang
Analitikal maunawaan mo ang mga kaalaman na
naipundar na ng mga naunang iskolar.
Sa pamamagitan ng sistematikong

Sintopikal paraan, pinaghahalo ang mga


impormasyon mula sa aklat at ang mga
sariling karanasan at kaalaman upang
makabuo ng ugnayan at bagong mga
pananaw at kaalaman. Ibig sabihin, sa
antas na ito ng pagbasa, itinuturing mo

You might also like