You are on page 1of 8

SOCORRO NATIONAL HIGH SCHOOL

Socorro, Surigao del Norte

Mala- Masusing Banghay Aralin sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t- Ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik
Senior High 11

Guro : MARITCHU G. DULGUIME


Baitang Pangkat : Grade 11 KAWASI- Senior High
Petsa at oras ng panuro : Pebrero 20, 2023- 1:00pm - 3:00pm
Asignatura : Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang teksto Tungo sa
Pananaliksik
Kuwarter :Tatlo(3)
Araw. : Una (1)

I- Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Nakikilala at naitala ang mahalagang bahagi ng kasanayan


sa tekstong deskriptibo
 Naipaliwanag ang bawat bahagi ng kasanayan sa tekstong
deskriptibo, at
 Nakapagsusuri at nakapagbibigay ng sariling opinyon batay
sa binasang teksto.
A. Pamantayang Pangnilalaman:

 Nasusuri ang iba’t- ibang uri ng binasang teksto ayon sa


kaugnayan nila sa sarili, pamilya, kumunidad, bansa at daigdig

B. Pamantayang Pangganap:

 Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga


penomenang kultural at panlipunan sa bansa.

C. Kasanayang Pampagkatuto sa bawat Domain/Layunin:


 Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t- ibang tekstong binasa
 Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang
salitang ginamit ng iba’t- ibang uri ng tekstong binasa
 Naibabahagi ang katangian
 F11PB-IIIa-98, F11PT-IIIa-98, F11PS-IIIb-91

II- PAKSANG ARALIN


Paksa. : Mga Kasanayan ng Mapanuring Pagbasa
Sanggunian : Filipino 11,(Module 1 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik)
: Ibañez, T.,et al. (2012) Tekstong Deskriptiv.
Kagamitan : Handout, Kagamitang biswal, larawan, tsok, pambura
Integrasyon : Araling Panlipunan, Mapeh- (Dance, Song)

III- Pamamaraan
Gawain ng Guro

Pagtala ng Liham (Checking of Attendance)


Pagpapakilala
A. Pangunahing Gawain
a. Pagbabalik aral (Oral Recitation)
Panuto: Suriin at ilarawan ang imahe na hindi bababa sa limang
pangungusap.

B. Panlinang na Gawain (4As)


1. MGA GAWAIN ( Activity)
Panuto: Magmuni-muni, saglit na magbalik-tanaw sa iyong nakaraan. Lingunin ang
bawat yugto ng iyong buhay mula pagkabata hanggang sa ikaw ay makatuntong ng
hayskol. Gamit ang mga hugis sa ibaba, sumulat ng maikling tekstong naglalarawan
sa mga pangyayaring hindi mo makakalimutan at pagkatapos nito ay sagutin ang
mga katanungan sa susunod na pahina. Isulat mo ang oyong sagot sa sagutang
papel.
2.PAGSUSURI (Analysis)

Katanungan:

1. Sang-ayon ka ba na ang bawat karanasan ay may positibo at negatibong epekto sa iyong


buhay? Patunayan
2. Bakit mahalagang balikan ang mga karanasan sa buhay?
3. Ano ang pakiramdam sa bawat gunita ng mga karanasan?

3. PAGHAHALAW (Abstraction)

Patuloy na tatalakayin ng guro ang kanyang mga mag-aaral tungkol sa wastong aralin at nag
bawar mag-aaral ay magkakaroon ng aktibidad upang basahin ang talakayan.

KAHULUGAN NG TEKSTONG DESKRIPTIBO

Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tai, lugar, karanasan,
sitwasyon, at iba pa. Ang uri ng tekstong ito sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at
maglarawan ng isang partikular na karanasan at masining na pagpapahayag. Ito ay may
layuning mahpinta ng matingkad at detalyadong imahen na makapupukaw sa isip at
damdamin ng mga mambabasa.

Mga Uri ng Tekstong Deskriptibo


1. Karaniwan- ito ay nagbibigay ng impormasyom ayon sa panglalahatang pagtingin o
pangmalas.
2. Masining- Ito ay nagpapahayag ng isanh buhay sa larawan batay sa damdamin at
pangmalas ng may-akla.

Katangian ng Tekstong Deskriptibo

1. Ito ay may usang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga mambabasa.


2. Ito ay magbibigay ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba’t ibang tono at
paraan sa paglalarawan.
a. Obhetibo- may direktang pagpapakita ng katamgiang makatotohanan at hindi
mapasusubalian.
b. Subhetibo- maaaring kapalooban ng matatalinghagang paglalarawan at
naglalaman ng personal na persepsiyon o kung ano ang nararamdaman ng
manunulat sa inilalarawan.

Karagdagang kahulugan sa Tekstong Deskriptibo

 Ang isang teksto ay tinatawag na deskriptibo kung ito ay nagpapahayag ng mga impresyon o
kakintalang likha ng pandama. Layunin ng isang may akda sa pagsusulat ng tekstong ito ang
paglalarawan ng mga detalyeng kanyang nakaraan. Ito ay nagbibigay ng buong konseptong
larawan na mabibiswal ng mga bagay-bagay, pook, tao o pangyayari.

Ito ay may apat na mahahalagang kasangkapang ginagamit sa malinaw na paglalarawan.


1. Wika- ito ay ginagamit upang maging malinaw at mabisang paglalarawan ng karaniwang
ginagamit ng pang-uri at pang-abay.
2. Detalye-ito ay ginagamit upang maging malinaw ang paglalarawan sa mga supprtang
detalye na magpapatibay ng pagpapahayag.
3. Pananaw- magkakaiba-iba ang paglalarawan subalit kailangang pinakaangkop sa lahat
ng paglalarawN ang gamitin para ibahagi ang malawak na pananaw ng manunulat na
nasasaklaw at nailalagay ang sarili sa lugar ng mambabasa.
4. Impresyon- layunin ng paglalarawan ang makabuo ng malinaw na larawan sa
imahinasyon ng mambabasa, kaya mahalaga na ang manunulat ay makabubuo ng
imahen sa imahenasyon ng mambabasa mula sa paraang paglalarawan.

4.PAGTATAYA (Application)

Halina at ating aralin ang mga tekstong deskriptibo. Pansinin ang dalawang maikling teksto sa ibaba.
At pagkatapos, sagutin sa sagutang papel ang mga katanungan sa ibaba ng mga teksto.

Teksto 1:

Maganda si Matet. Maamo ang mukha na lalo pang pinatitingkad ng mamula-


mula niyang mga pisngi. Mahaba ang kanyang buhok na umaabot hnaggang sa
baywang. Balingkinitan ang kanyang katawan na binagayan naman ng kanyang
taas.

Teksto 2:

Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo niyang mukhang


tila anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan. Alon-alon ang
kanyang buhok na bumagay naman sa kainggit-inggit niyang katawan at taas.

Panuto:
Ipaliwanag ng 1-2 pangungusap kung aling teksto ang tinutukoy nito. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Karaniwang
paglalarawan________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Masining na
paglalarawan________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

IV- PAGSUSURI (Evaluation)


Panuto: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na tanong.. Isulat sa iyong sagutang papel ang
letra ng tamang sagot.

1.Ito ay katangian ng tekstong deskriptibo kung ikaw ay maglalarawan ng isang tao ayon sa kanyang
tangkad o kulay ng balat.

a. Karaniwan b. Masining c. Obhetibo d. Subhetibo

2.Anong katangian ng tekstong deskriptibo kapag ilalarawan mo ang iyong kaibigan bilang hingahan
ng sama ng loob, madalas na nakapagpapagaan ng mga suliranin.

a. Karaniwan b. Masining c. Obhetibo d. Subhetibo

3.Ito ay uri ng tekstong deskriptibo na nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang


pagtingin o pangmalas.

a. Karaniwan b. Masining c. Obhetibo d. Subhetibo

4.Ito ay uri tekstong deskriptibo na nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at
pangmalas ng may-akda.

a. Karaniwan b. Masining c. Obhetibo d. Subhetibo

5.Ito ay isa sa mga kasangkapan ng tekstong deskriptibo na ang layunin ay makabuo ng malinaw na
larawan sa imahinasyon ng mambabasa.

a. Detalye b. Impresyon c. Pananaw d. Wika

6.Alin sa mga sumusunod ang paglalarawan tungkol kay Venus na mayroon silang pagkakatulad kay
Matet. (Balikan ang mga teksto sa Gawain 2).

a. Balingkinitan b. Kulot c. Maamo d. Matangkad

7.Alin sa mga sumusunod ang inilalarawan na “dambuhala” sa tulang pinamagang “Ang Kamandag ni
Covid-19”.

a. Bata b. Mayayaman c. Maralita d. Matangkad

8.Sa nobelang “Dugo”sa Bukang-Liwayway”, ilarawan si Tano, ang pangunahing tauhan sa kwento.

a. Mahirap b. Masungit c. Matangkad d. Mayaman

9.Ang tekstong deskriptibo ay nagbibigay ng_______ sa mga mambabasa.

a. Hakbang b. Hikayat c. Impormasyon d. Larawan

10.Basahin: “Ako ay may-alaga. Asong mataba, buntot ayahaba, maamo ang mukha. Mahal niya ako,
at mahal ko rin siya. Kaya kaming dalawa ay nagmamahalan na. “Sino sa palagay mo anh
nahlalarawan sa aso?

a. Amo b. Apo c. Kapwa aso d. Lolo

Takdang Aralin:

Paunang pag-aaral para sa susunod na paksa.

Inihanda ni:
MARITCHU G. DULGUIME
Practice Teacher
Iniwasto ni:

GELLA C. ROSILLO
Cooperating Teacher

You might also like