You are on page 1of 1

PROPAGANDA DEVICES

Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto o iboboto ang isang


kandidato ay isang bagay na dapat ay masusing pinag-iisipan. Kung
mapapansin, ang mga patalastas sa telebisyon, sa mga diyaryo, at magasin ay
kinakailangang makapukaw ng atensiyon upang mapansin. Ang mga eksperto sa
likod ng mga propagandang ito ay may mga ginamit na propaganda device. Ating
alamain kung ano-ano ito:
1. Name-Calling- Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri sa
isang produkto o katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang ginagamit
ito sa mundo ng politika.
Halimbawa: Ang pekeng sabon, bagitong kandidato
2. Glittering Generalities- Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag
ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng
mambabasa.
Halimbawa: Mas nakakatipid sa bagong Tide. Ang iyong damit ay mas magiging
maputi. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian.
3. Transfer- Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa
isang produkto o tao ang kasikatan.
Halimbawa: Pagpromote ng isang artista sa isang hindi sikat na brand
4. Testimonial- Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nagendorso
ng isang tao o produkto.
Halimbawa: Ang isang taong nagpapatunay na siya ay pumuti dahil sa ginamit
niyang sabon sa pamamagitan ng pagpapakita ng ebidensiya. Kapag eleksyon,
sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang kandidato na huwag ding kakalimutan
ng sambayanan ang kanyang kapartido.
5. Plain Folks- Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan
ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong
nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.
Halimbawa: Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong
damit at pinapakita nila na nagmula at galing rin sila sa hirap.
6. Card Stacking- Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng
produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian. Halimbawa:
Lucky Me, Pinapakita dito ang magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis
na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI.
7. Bandwagon- Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang
isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.
Halimbawa: Buong bayan ay nag-e- LBC peso padala na.

You might also like