You are on page 1of 4

Ano ang mga Kagamitang Pampromosyon?

Kinakatawan ng mga kagamitang pampromosyon ang inyong negosyo o tatak ng produkto (trademark) ng kompanya. Dapat itong
isaalang-alang sa paggawa ng mga produkto para sa inyong target na awdyens. Nangangailangan ng sapat na panahon at masusing
paghahanda upang maging akma, malinaw at nakahihikayat ang mga kagamitang pampromosyon. Gamitin ang mga materyal na ito
upang makipag-usap at magkipag-ugnayan sa inyong mga target na mamimili ukol sa inyong produkto at serbisyo. Subukin at
paunlarin pa ito hanggang makagawa ng mga kagamitang angkop sa inyong negosyo.

10 Mahhalagang Prinsipyo sa Pagsulat ng mga Kagamitang


Pampromosyon
1. Tumpak. Tiyakin na ang mga impormasyon ay katotohanan. Lahat ng inyong isusulat ay tumpak at totoo. Huwag palalabisan –
huwag ring mangangako ng anumang bagay na hindi naman kakayaning ibigay.

2. Makatawag-pansin. Isaalang-alang ang positibo at negatibong epekto ng inyong kagamitang pampromosyon sa inyong target na
awdyens. Subukin muna ang bisa nito sa mga target na mamimili o awdyens bago ang maramihang pag-iimprenta. Naunawaan
ba ang nais iparating na mensahe? Natamo ba ang inaasahang epekto?

3. Kapakinabangan. Bigyang-tuon ang mga kapakinabangan. Banggitin kung ano ang makukuha o matatamo sa pagbili ng produkto
o serbisyo; paano ito makatutulong at kung ano ang pakinabang mula rito.

4. Maikli. Sa simula, sinusulyapan lamang ng mga mambabasa ang mga kagamitang pampromosyon, at kung sakaling may
nakakuha ng kanilang interes doon lamang nila ito babasahing mabuti. Gumamit ng maiikling pangungusap na makatawag-
pansin. Huwag gumamit ng mga mabubulaklak na pananalita.

5. Tuwiran/Tiyak. Mas epektibong gumamit ng mga payak o simpleng salita na madaling maintindihan. Iwasang gumamit ng mga
salitang palasak na ang pagkagamit. Iwasan din ang masyadong pormal na pananalita. Iwasang gumamit ng ikatlong panauhan
dahil ito ay masyadong pormal.

6. Tungo sa Isang Tiyak na Layunin. Sa pagsusulat, laging isaisip ang layunin. Tiyakin na ang nais sabihin ay malinaw na naiparating
at madaling maunawaan. Maipapahayag mo ba ito sa pinakapayak o simpleng paraan?

7. Mapanghimok. Ang mga kagamitang pampromosyon ay dapat na nakahihimok ng interes ng mga tao. Gumamit ng mga bago at
masisiglang pananalita na aakit sa interes ng mga mambabasa.

8. Mabalangkas. Nasa simula ang mahahalagang mensahe at dapat magkakasunod-sunod ang mga impormasyon ayon sa
kahalagahan.

9. Targeted. Laging isaalang-alang ang target na awdyens. Isipin/alamin Subukang ilagay ang sarili sa kaisipan ng target na awdyens
na isinasaalang-alang ang kanilang pangangailangan, kagustuhan, naisin, interes at panlasa.

10. Makatotohan/Tapat sa Imahe. Tiyakin na lalamanin o katatawanin ng kagamitang promosyonal ang kaugnay na mga kaasalan o
maiinam na katangian ng produkto o serbisyo ng kompanya o negosyo.

Hakbang sa Paggawa ng Kagamitang Pampromosyon


1. Gumawa ng Tema. Lumikha ng temang angkop sa layunin ng inyong promosyon at gamitin itong inspirasyon. Makatutulong ito
kapag may bagong produkto/serbisyo ang inyong kompanya na ipinakikilala.

2. Karaniwang Ayos ng Pangungusap. Sa pagsusulat ng kagamitang pampromosyon, gamitin ang karaniwang ayon ng
pangungusap. Halimbawa, sa halip na “Ang kasiyahan ay inihahatid sa inyong hapag-kainan ng aming bagong produkto.” dapat
ay “Maghahatid ng kasiyahan sa inyong hapag-kainan ang aming bagong produkto.” Basahing muli ang ginawa upang matiyak na
wala itong mali lalong lalo na sa pagkakabaybay o sa balarila.

3. Bigyang-diin ang Kapakinabangan. Gustong malaman ng inyong mamimili kung ano ang makukuha nila sa inyong produkto.
Isaalang-alang kung ano ang magiging epekto ng inyong produkto sa kanilang mga kagustuhan at pangangailangan. Sumulat
nang may panghihikayat habang ipinapaliwanag sa inyong mga mamimili ang pinakatampok na katangian ng produkto o
serbisyo ng inyong kompanya. Hangarin na tumatak sa kanilang mga isipan ang inyong produkto upang piliin at bilhin nila ang
inyong produkto.

4. Maging tapat sa Pagpapatotoo. Huwag gumawa ng di-kapani-paniwalang pahayag sa inyong kagamitang pampromosyon
kagaya ng paglalarawan dito bilang “pinakamagaling sa buong mundo” o “nangunguna sa buong bansa” ang inyong serbisyo.
Nawawalan ng gana ang mga mamimili kapag nakaririnig nila ang ganitong mga pahayag. Sa halip, sabihin ang katotohanan sa
pamamagitan ng detalyadong paglalarawan kung ano ang makukuha mula sa inyong produkto o serbisyo.
5. Bukas para sa suhestiyon. Hindi madali ang paggawa ng kagamitang pampromosyon. Sa kabutihang palad, hindi mo ito
kailangang gawing mag-isa. Maaari mong gamitin ang payo at ideya ng iba. Pwede kang humingi ng opinyon sa ibang mga tao na
may kaalaman kung paano pagagandahin pa ang iyong kagamitang pampromosyon. Kailangang handang tumanggap ng ideya ng
iba para mapabuti ang ginagawang kagamitang pampromosyon.

Iba’t Ibang Uri ng Kagamitang Pampromosyon at ang katangian


ng mga ito
May mga karaniwang anyo ng kagamitang pampromosyon na ginagamit ang mga tanggapan o kompanya at ilang mga paaralan
upang maipatid ang kanilang kakaiba at kagalingan na katulad ng iba pang paaralan.

Anunsyo/Patalastas
Karaniwang matatagpuan sa mga magasin at pahayagan, telebisyon, radyo o maging sa internet. Hindi ito tungkol lamang sa
pagbebenta ng produkto. Maaari rin nitong himukin ang publiko na baguhin ang kanilang mga ugali/asal o ang kanilang mga
paniniwala.

Ang matagumpay na patalastas ay nakaaakit sa publiko. Ang


Ang patalastas ay dapat ATENSYON pinakamatagumpay na paraan para makaakit ng atensyon ay sa
kaakit-akit sa publiko pamamagitan ng jingle, logo o slogan.
 Kapag nakuha na ang atensyon, ang pagpapanatili sa atensyong
ito ang mahirap gawin.
 Kailangang ipaunawa sa publiko na mahalaga ang iyong sinasabi
INTERES sa kanilang buhay.
 Maaaring umapela sa emosyon – kasiyahan, takot, galit.
Ang patalastas ay dapat  Maaari ring umapela sa kanilang kahinaan – pagseselos,
makapanatili ng interes ng kapalalulan, pagkamakasarili
publiko.  Maaari ring umapela sa kanilang problema – problema sa oras,
kahirapan, trabaho, o pandaidigang suliranin etc.
Karamihan sa mga tao ay magkakapareho ng kagustuhan at
Ang patalastas ay kailangang pangangailangan. Pukawin sila sa:
makalikha o makapag-pasigla KAGUSTUHAN  Kagustuhan nilang mapabilang sa pangkat
sa kagustuhan ng publiko  Kagustuhan nilang umunlad ang buhay
 Kagustuhan ng katahimikan o kapayapaan
 Kagustuhang mapabuti ang sarili
 Kagustuhang protektahan ang pamilya
Ang patalastas ay AKSYON/ PAGGAWA Ang matagumpay na patalastas ay nananawagan sa publiko na
nananawagan ng paggawa o gumawa ng aksyon. (bumili ng produkto/serbisyon, makilahok at iba
aksyon pa.)

Tandaan: Gamitin ang pangkasalukuyang anyo (imperpektibo) ng pandiwa upang maging agaran ang dating ng mga impormasyon.
Gumamit ng “emotive language”. Subukin na iparamdam sa mga tao ang iyong nais sabihin. Gumamit ng mga salitang nag-uutos
tulad ng “subukin”, “magmadali” at “gawin na”.

Anyo ng Patalastas
1. Print media advertising – anyo ng patalastas na gumagamit ng mga nakaimprentang kagamitan tulad ng mga magasin at
pahayagan para maiparating sa mambabasa ang nais iparating.
2. Patalastas sa Radyo – binabayarang patalastas na maririnig sa radyo para magbenta ng produkto o magbigay ng serbisyo.
3. Patalastas sa Telebisyon – binabayarang patalastas na napapanood sa telebisyon para ipakilala ang produkto o serbisyo at
ito’y maibenta. Maaari itong (1) anyong pasalaysay (2) pa-impormasyon o, at (3) kumbinasyon ng dalawa.

VIDYO AT PATALASTAS. Ang komersiyal ay isang uri ng patalastas na kilala sa paggamit ng boses at sa haba nito - kadalasang 10
hanggang 60 segundo. Ang komersiyal ay palasak ding napapanood sa mga gasolinahan, ospital at iba pang tanggapan kung saan
napapanood ito ng mga mamimili habang naghihintay.

INFOMERCIALS. Isang uri ng komersiyal na makikila sa kahabaan nito. Ayon sa Infomercial DRTV, ang kadalasang haba ng
infomercial ay 28 minuto at 30 segundo. Habang ang karaniwang komersiyal ay ipinapakilala lamang ang produkto, ginagamit ng
infomercial ang mas mahaba nitong oras para ilahad ang pangangailangan, ipakita kung paano tutugunan ng produkto ang
pangangailangang ito, ipakita ang mga kapakinabangan at manawagan na gumawa/ bumili ang mga mamimili. Ang infomercial ay
hindi lamang ipinalalabas sa telebisyon. Maaari ring ipalabas ang mga infomercial sa sariling website para maipakilala ang produkto.

Pagsasaalang-alang: Mapamaliit o malaking negosyo, isiping mabuti ang tema ng inyong patalastas bago maghanap ng gagawa
(kadalasan ng mga kompanya ay nagpapagawa ng mga patalastas sa mga advertising company) ng inyong patalastas para
makatipid sa oras. Sa dami ng inyong maaaring pagpilian, mas mapipili ninyo ang patalastas na pasok sa inyong budget. Maliban
sa makakatipid kayo, mas mapapanatili pa nito ang pagkakakilanlan at tatak ng inyong produkto/kompanya. Kung magpapasya
naman na gumawa ng sariling patalastas, maaari kayong pumili kung kaninong boses o kung sinong artista o tao ang
magpapakilala sa inyong produkto.
BROCHURES/LEAFLETS. Isa pang pinakamabisang paraan ng pagmemerkado o paglalako ay ang paggawa ng brochure. Ang brochure
na naglalaman ng naggagandahang larawan, nagtataglay ng mapanghimok na pananalita ay maaaring maging dahilan ng malakas na
benta ng isang produkto. Marami ang magagawa ng brochure: maaari nitong ipakilala ang inyong kompanya sa mga posibleng
mamimili o kliyente, maaari rin nitong ipakilala at ipaliwanag nang detalyado ang produkto ng kompanya. Narito ang proseso sa
paggawa ng maayos na brochure na magpapalakas sa benta/kita ng kompanya.
 Ang brochure ay nagpapaliwanag sa layunin at serbisyo ng isang kompanya. Banggitin ang mga pangunahing
impormasyon tungkol sa inyong kompanya/organisasyon – anong serbisyo ang inyong ibinibigay, sino ang mga lalapitan,
paano kayo kokontakin, paano nabuo ang kompanya ninyo at iba pa – sa dalawa o tatlong pangungusap.
 Ang brochure ay nakasasagot sa mga kadalasang katanungan tungkol sa kompanya/ organisasyon. Hindi mapipigilan na
maraming magtatanong tungkol sa serbisyo/produktong ibinibigay ng isang kompanya. Maaaring maging kasangkapan ang
brochure para masagot ang mga kadalasang katanungan ng mga posibleng kliyente o mamimili.
 Ang brochure ay nagbibigay ng tiyak na panuto kung ano ang tamang proseso. Maaaring turuan ang mga tao ng tamang
proseso sa paggawa ng mga bagay-bagay sa pamamagitan ng brochure.
 Ang brochure ay nagsasabi sa mga tao kung paano pa nila higit na makikilala ang inyong organisasyon. Kung ninanais mo
na makilahok ang mga tao o mag-ambag-ambagan sa isang particular na gawain – ang brochure ay mabisang kasangkapan
para maipakilala sa mga tao ang layunin ng inyong organisasyon.
 Ang brochure ay nakapagbibigay ng kaalaman sa mga tao tungkol sa isang programa o pagdiriwang/kaganapan.
Nakatutulong ang brochure para ipaalam sa mga tao ang layunin ng inyong programa o pagdiriwang. Halimbawa lamang
kung ang kompanya ay mangunguna para sa isang taunang kawang-gawa o palihan (conference) para sa mga isang
partikular na institusyon o samahan.

TIPS SA PAGGAWA NG SARILING BROCHURE


Ang karaniwang brochure ay binubuo ng anim na pahina, ngunit kahit ilang pahina pa ito ay di-gaanong mahalaga. Mas mahalaga na
pag-isipang mabuti kung ano ang isusulat o ilalagay sa bawat pahina. Sa harapang bahagi dapat ilagay ang pamagat (pagdiriwang, at
iba pa.), pangalan ng kompanya/organisasyon at logo, kung mayroon man, sa harap.

Heto ang karaniwang ayos o layout ng isang brochure. Paalala lamang na hindi kailangang sundin ang ganitong layout.
Maaaring magkaroon ka ng brochure na mahigit sa tatlong bahagi.

1 2
3
Contact Information Mailing Address
Front Cover
(Flap) (back cover)

 Contact Information – Ito ay kadalasang makikita sa takip(flap) o sa likuran ng brochure. Naglalaman ito ng mga paraan kung
paano makikipag-ugnayan sa inyo ang mga posibleng kliyente. (pangalan, numero ng telepono, email, web address)

 Mailing Address (Lokasyon ng Kompanya)– Isa sa mga panlabas na pahina ng inyong brochure ay kailangang mayroong return
address ng inyong negosyo at may blangkong bahagi para doon maidikit ang address ng padadalhan. Makatitipid ito sa paggamit
ng sobre.

 Front Cover (Pangharap na Pabalat)– Dapat maglaman ng pangalan ng kompanya/organisasyon, logo at slogan. Huwag itong
palalabisan. Iwasan din na mapuno ng disenyo o mga salita ang harapang bahagi, ngunit gawing makatawag-pansin upang
makahikayat ng mga tao na buksan at basahin ang brochure.

 Features/Benefits (Mga na Katangian at Kapakinabangan)– Ito ang nilalaman ng brochure. Ang bahaging ito ng inyong
brochure ang magpapaliwanag sa inyong negosyo at kung anong makukuhang kapakinabangan ng inyong target na mamimili.

 Action(Panghimok)– Ito ay nakatuon na sa panghihikayat sa mga tao na bilhin ang produkto o serbisyo. Mas magiging mabisa
kung gagamit ng propaganda upang mahikayat ang mga tao na gumawa ng aksyon.

 Elsewhere, if desired (Makabuluhang mga impormasyon) – Maaaring isali ang kasaysayan ng pagkabuo ng samahan, mapa
kung saan matatagpuan ang kompanya, saan nanggagaling ang pondo ng organisasyon o impormasyon tungkol sa mga
empleyado.
1. Gamitin ang harapang pahina para makakuha ng atensyon sa pamamagitan ng isang makatawag-pansing larawan o
graphic. Sa halip na punuin ng mga larawan, gamitin ang larawan ng pinakapopular na produkto ng kompanya at lagyan ng
mapang-akit na pahayag o katanungan. Sa madaling salita, alukin ang mga tao ng bagay na hindi nila matatanggihan.
2. Gamitin ang paksa, pamalit sa mahahabang pangungusap o talata. Limitado ang espasyo ng isang brochure kaya dapat
iwasan ang pagsulat ng mahahabang pangungusap, sa halip palitan ito ng bullet lists o numbered lists.
3. Bigyang-tuon ang kapakinabangan ng inyong produkto. Tampok dito ang mga katangian ng produkto o serbisyo at
kapakinabangan.
4. Gamitin ang “ikaw” o “kayo” sa pagtukoy sa mga mambabasa. Dapat tuwiran ang gagawing pakikipag-usap sa mga
mambabasa para mas kaiga-igaya ang kanilang pagbabasa. Iwasan ang paggamit ng maraming teknikal na terminolohiya na
maaaring maging dahilan na hindi ito mauunawaan ng mga mambabasa.
5. Nakatuon dapat sa nilalaman ang brochure. Lahat ng nakasulat sa loob ng brochure ay may kaugnayan sa isa’t isa. Kung
hindi na kailangang ay huwag na itong isama pa. Halimbawa, kung ang layunin ng inyong brochure ay magbenta ng mga
produkto, hindi na kailangang isama pa ang kasaysayan ng kompanyang.
6. Gumamit ng pahayag mula sa mga mamimili na nakabili na at nasiyahan sa paggamit ng produkto. Huwag kalimutang isali
ang pangalan at ang lugar na pinanggalingan ng nagbigay ng pahayag upang maging makatotohanan ang pahayag.
7. Tapusin ang brochure na may panghimok o panawagan na gumawa ng aksyon. Sabihin sa mga mambabasa kung ano ang
gusto mong gawin nila. Huwag ring kalimutan na mag-iwan ng numero o lokasyon ng kompanya at kung sino ang dapat
kontakin.

Tandaan: Ang leaflet at brochure ay magkapareho lamang ng element ngunit ang leaflet ay walang mga pahina. Isang papel lamang
ito na mayroong likuran at harapang bahagi.

POSTERS. Ang poster ay ginagamit sa pag-aanunsyo ng proyekto, produkto o serbisyo (kadalasang 3 ft. by 5ft.) Kumbinasyon ito ng
mga salita at larawan para mailahad ang proyekto nang kaakit-akit. Layunin nito na maipaalam sa inyong target na mamimili ang
inyong serbisyo o produkto at makatanggap ng tugon mula sa kanila.

Anong mga layunin na dapat isaisip sa paggawa ng poster?


1. Kalinawan ng nilalaman. Piliin kung anong mahahalagang punto ang inyong nais na makuha ng manonood o mambabasa
mula sa isang poster. Dapat itong ilahad nang tiyak at malinaw.
2. Kapansin-pansin at madaling maunawaan. Nakatatawag ng pansin sa mga manonood ang mga larawan sapat para
huminto sila at basahin ang poster. Isaalang-alang din ang disenyo na madali itong mapansin at maunawaan ng mga
manonood.

Ang mga elemento at bahagi ng isang poster ay halos magkatulad lamang sa brochure kaya lang ang poster ay binubuo lamang ng
isang pahinang-kagamitang pampromosyon.
1. Business Details (Detalye ng Negosyo/Kompanya). Lahat ng impormasyon tungkol sa negosyo/organisasyon (pangalan,
logo, slogan) at paano makokontak (pangalan, address, numero ng telepono, email, web address)
2. Features/Benefits (Tampok na Katangian/Kapakinabangan). Impormasyon kung anong magagawa ng produkto at kung
anong kapakinabangan ang makukuha ng mga mamimili mula rito.
3. Object/Matter (Produkto/Serbisyo). Ipinapakilala rito ang inyong produkto o serbisyo sa naiibang paraan.
4. Action (Panghimok). Mas mabuting gumamit ng propaganda upang mahikayat o mahimok ang mga mamimili na bumili ng
produkto.
5. Graphics. Mga larawang inayos para maakit ang pansin ng mga mamimili. Dapat ang mga larawan ay angkop sa produkto o
serbisyo na inyong ipinapakilala.

Etika sa Pagbuo/Paggawa ng mga Kagamitang


Pampromosyon
1. Legal – dapat ito ay naaayon sa batas (lokal man o pambansa)
2. Product Honesty – kailangang pawang katotohanan ang inilalahad sa mga kagamitang pampromosyon.
3. Substantiation – kailangang mapatotohanan ito ng mga tao na nakagamit na ng naturang produkto. Maaaring gumamit ng
mga pahayag (testimony).
4. Orihinalidad – hindi kinopya sa mula sa ibang kagamitang pampromosyon.
5. Hindi mapanira ng ibang produkto.

You might also like