You are on page 1of 11

8

Filipino
Ikatlong Markahan Sariling
Linangan Kit 6:
Kampanyang Panlipunan
Alamin Natin
Tayong mga Pilipino ay mapagmatyag sa mga pangyayari sa ating kapaligiran.
Likas na sa atin ang pagiging mapagmahal sa bayang sinilangan kung kaya’t anomang
mga bagay na magdudulot dito ng hindi maganda ay agad nating pinupuna.
Sa SLK na ito ay pag-aaralan mo ang tungkol sa Kampanyang Panlipunan kung
saan matututunan mo ang kahalagahan at ang paggawa sa sariling kampanyang
panlipunan. Kasabay ng pag-aaral tungkol dito ay ang paglinang ng kasanayang
pangwika tungkol sa mga salitang angkop na gamitin gayundin ang angkop na mga
komunikatibong pahayag sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan.
Madali lamang ang mga aralin kaya’t huwag kang mag-alala, gagabayan ka ng
SLK na ito upang maunawaan mo ang bawat paksa.
Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang
matatamo ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
1. nasusuri ang mga hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan ayon sa
binasang mga impormasyon;
2. naipaliliwanag ang mga salitang angkop na gamitin sa pagbuo ng isang
kampanyang panlipunan;
3. nagagamit ang angkop na mga komunikatibong pahayag sa pagbuo ng isang
social awareness campaign; at
4. nakasusulat ng isang malinaw na social awareness campaign tungkol sa isang paksa
na maisasagawa sa tulong ng multimedia.

Subukin Natin
Panuto: Suriin kung tama o mali ang sumusunod na pahayag. Isulat ang salitang TAMA
kung ito ay nagpapahayag ng kawastuhan at MALI kung ito ay hindi wasto. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang social awareness campaign ay isang kampanyang humi humihikayat sa
tao na maging mulat sa mga pangyayari sa paligid.
2. Ang paggamit ng multimedia ay napapanahon sa mga kampanya sapagkat
gumagamit ito ng maraming midyum ng pagpapahayag.
3. Mahalagang malaman ang interes ng iyong target audience sa para sa
iyong kampanyang panlipunan upang malaman ang istilo ng iyong
magiging presentasyon.
4. Ang tono ng pagsasalita ang tumitiyak ng mensaheng nais mong iparating.
5. Ang paggamit ng mga salitang naghihikayat para sa isang kampanyang
panlipunan ay dapat na maisaalang-alang upang lubos na matamo ang
layunin nito.
Aralin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang teksto.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Epektibong Kampanyang Panlipunan

1. Tiyakin ang target na audience upang maiangkop sa estilo ng kampanyang gagawin.


Bata ba, kabataan, o katandaan? Estudyante, propesyonal, anak, o magulang? Anong
sektor ng lipunan ang ibig mong kumilos o makinabang dito?
2. Alamin kung ang paksa ng kampanya ay magkakaroon ng epekto sa mas malaking
bilang ng populasyon ng target na audience. May pakialam ba sila rito?
3. Manood ng telebisyon, makinig sa radyo, magbasa ng magasin at pahayagan, at
gumamit ng Internet. Anong advertisement ang nakuha ng iyong atensiyon? Maaari
mo itong pagbatayan ng estilo at midyum na gagamitin sa pagbuo ng kampanya.
4. Tiyakin ang midyum na gagamitin. Poster ba, leaflet, islogan, video, awit,
broadcasting, mga larawan ba, o kumbinasyon ng multimedia?
5. Balikan ang iyong target na audience. Alamin kung ano ang kanilang interes.
Halimbawa, kung sila ba ay biswal, ibagay sa kanila ang disenyo at kulay kung ang
gagawin ay poster. Kung sila ay auditory, anong awit o paglalahad ang bagay sa
kanila? Maging masining at malikhain. May mga pagkakataong mas simple ang
presentasyon, mas epektibo. Sabi nga sa Ingles: Less is more!
6. Buoin ang kampanya at hingin ang opinyon ng iba upang higit na mapaghusay ang
gawain.

Mula sa Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan, Binagong Edisyon 8, ph. 403

Komunikatibong Pagpapahayag

Kadalasan sa pagpapahayag, ang tono ng pagsasalita ang tumitiyak ng


mensaheng nais mong iparating. Maaaring pareho ang mga salitang ginagamit ngunit
nagkakaiba ang pagpapakahulugan batay sa himig ng pagbigkas ng nagsasalita.

Narito ang iba pang uri ng komunikatibong pagpapahayag:

1. Paghanga at Pagpuri - Ito ay positibong pagkilala at pagmamalaki sa


isang partikular na gawain o di kaya’y pangyayari.
Halimbawa:
Napakahusay ng ginawa mong talumpati kanina tungkol sa paglilinis ng
kapaligiran.
2. Pasasalamat- pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
Halimbawa:
Mabuti na lamang at narito ka sa programa. Salamat sa iyong pagdalo.
3. Panghihikayat- ito ay paraan ng paghimok o pagpayo
Halimbawa:
Halika, sumama ka sa kampanya. Malaki ang maitutulong mo rito.
4. Panghihinayang - pagkaramdam ng pagsisisi, kapighatian o
kalungkutan mula sa isang bagay o pangyayari
Halimbawa:
Naku, sana naabutan mo ang palabas. Ang ganda pa naman!
5. Pagmamalaki - pangangalandakan sa isang bagay o gawain na
Ikinaaangat mo
Halimbawa:
Talagang iba ang Pinoy, katulad mo!

Mula sa: Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan, Binagong Edisyon 8, ph. 404-405

Gawin Natin
Panuto: Tukuyin ang damdaming ipinahiwatig ng mga siniping pahayag. Isulat ang sagot sa
loob ng parihaba.

1. Akala mo, wala siyang magagawa pero tingnan mo naman, lahat sila
napanganga.

2. Alam mo, hanga talaga ako sa’yo! Gusto kitang tularan!

3. Sayang, ang akala ko pa naman ay magkakaroon na ng pagbabago ngunit ngunit


nauwi lang pala sa wala ang lahat.

4. Kailangang maimulat natin ang ating mga kabataan kung ano mas bibigyan
ng pagpapahalaga. Sa panahon ngayon, tayong lahat ay kailangang
magsumikap.

5. Mabuti at napakiusapan mo siyang manatili dito. Ito’y lubos kong


tinatanaw sa iyo bilang utang na loob.
Sanayin Natin

Panuto: Sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan, mahalagang masiguro natin


ang pagiging epektibo nito. Sa ibaba ay nakalahad ang halimbawa ng social awareness
campaign sa pamamagitan ng isang islogan. Ito ay tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng
bansa ngayon (COVID-19 PANDEMIC). Basahin ang mga katanungan sa ibaba ng
kampanya at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

COVID-19:
SAMA-SAMANG PUKSAIN,
MATIWASAY NA BUHAY,
IBALIK NATIN
1. Batay sa nabasang kampanya, ano ang layunin ng may-akda nito?
A. Magtulungan ang lahat upang maibalik ang matiwasay na buhay na
nakasanayan.
B. Imulat ang lahat na makipaglaban upang hindi kumalat ang sakit.
C. Magtipon-tipon ang lahat upang bumuo ng lunas para matapos ang suliranin.
D. Tayo ay yayaman kapag tayo ay magtutulungan.
2. Ang paksang ipinahihiwatig sa kampanya ay .
A. masugpo ang karahasan dulot ng COVID-19
B. maging maayos na muli ang pamumuhay ng lahat
C. magtulungan upang maisaayos ang lahat
D. gawing matiwasay ang buhay sa pamamagitan ng pag-aaklas
3. Sino-sino ang inaasahang tutugon sa kampanyang nakasaad?
A. Mga mamamayan sa siyudad lalo na ang mga ngtatrabaho.
B. Mga kabataan at mga ina sapagkat mahirap magkasakit lalo na sa pamilya.
C. Lahat ng mamamayan sa ating bansa maging sa buong mundo.
D. Mga mag-aaral at matatanda dahil mapanganib sa kanila ang sitwasyon
ngayon.
4. Paano magiging mabisa ang binuong kampanya upang matugunan ang
suliranin sa lipunan?
A. Kapag ito ay ginamitan ng iba’t ibang pakulo gaya ng pa-kontes at at iba.
B. Kapag naipamahagi ito sa iba’t ibang panig ng mundo.
C. Kapag nagamit ang tamang midyum at angkop na pahayag sa
kampanya.
D. Kapag nakahanap ka ng sikat na mga personalidad upang mag- anunsiyo
ng kampanya.
5. Alin sa mga sumusunod ang tono ng pahayag sa kampanya?
A.paghanga at papuri C. panghihikayat
B. pasasalamat D. panghihinayang
Tandaan Natin

Bilang Pilipino, may katungkulan tayong maging bayani sa ating mga


payak na paraan. Kung nasaan kang larangan, iyon ang papel na gagampanan mo
nang buong husay! Digital Age ang isa sa mga tawag sa kasalukuyang panahon. Panahon
ng mabilis na pagsulong ng teknolohiya, isang klik lang sa kompyuter, nariyan na ang
gusto mong malaman o mapanood. Ang paggamit ng iba’t ibang daluyan ng
kumunikasyon tulad ng multimedia na maaaring sa pamamagitan ng paglalathala gaya
ng texting, hashtags, o paggamit imahen, video, awit na pinakikinggan, o maging ng
animation at komiks ay dapat na gamitin sa positibong paraan at pananaw lalo na sa
pagbuo ng Social Awareness Campaign. Dapat itong maglunsad, magtaguyod, at
magbigay ng inspirasyon sa lahat na maging mulat ang kamalayan sa sarili at paligid,
mapagbantay at kumilos tungo sa pagkakaroon ng kaayusan, kapayapaan, at kaunlaran
ng bansa at ng daigdig sa kabuoan.
Sa pagbuo ng Social Awareness Campaign, dapat mo ring isaalang-
alang ang wastong pagpapahayag ng mga ideya. Kadalasan sa pagpapahayag, ang tono
ng pagsasalita ang tumitiyak ng mensaheng nais mong iparating kaya’t nararapat na
gumamit ng akmang salita para rito.

Suriin Natin
Panuto: Suriin kung tama o mali ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang salitang
TAMA kung ito ay nagpapahayag ng kawastuhan at MALI kung ito ay hindi wasto. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang paggamit ng mga salitang nanghihikayat para sa isang kampanyang


panlipunan ay dapat na maisaalang-alang upang lubos na matamo ang
layunin nito.
2. Mahalagang malaman ang interes ng iyong target audience sa para sa
iyong kampanyang panlipunan upang malaman ang istilo ng iyong
magiging presentasyon.
3. Ang social awareness campaign ay isang kampanyang humihikayat sa tao
na maging mulat sa mga pangyayari sa paligid.
4. Ang tono ng pagsasalita ang tumitiyak ng mensaheng nais mong iparating.
5. Ang paggamit ng multimedia ay napapanahon sa mga kampanya sapagkat
gumagamit ito ng maraming midyum ng pagpapahayag.
Panuto: Basahin ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa
iyong sagutang papel.
6. Paano nakatutulong ang Social Awareness Campaign?
A. Naipaparating natin nang malinaw at maayos ang mga bagay na nais
nating mabigyan ng tugon.
B. Madali itong makapukaw sa interes ng mga kabataan.
C. Maraming mga kabataan ang mahilig sa social media.
D. Naipababatid natin ang lahat ng uri ng impormasyon maging sa ibang
bansa.
7. Paano nagiging epektibo ang paggamit ng social media para sa isang
social awareness campaign?
A. Sa pamamagitan ng social media, maraming mga Pilipino lalo na mga
kabataan ang mahihikayat dahil sa tinatawag na digital age.
B. Maraming mga kabataan ang nagtataglay ngayon ng iba’t ibang
social media account.
C. Madaling naipaparating ang mensahe sa masining na paraan.
D. Lahat ng nabanggit na mga kadahilanan.
8. Sa anong dahilan mas mabilis na naibabahagi natin ang iba’t ibang
kampanya para sa komunidad?
A. Dahil sa hikayat na nagagawa ng social media sa ating komunidad.
B. Dahil sa tinatawag na digital age at maraming kabataan ang
nahuhumaling sa paggamit ng social media.
C. Masyadong malikhain ang bagong henerasyon ngayon at taglay nila ang
makabagong kaalaman na maaaring magamit sa kampanya.
D. Lahat ng nabanggit.
9. Bilang mga Pilipino, paano tayo magiging bayani sa payak na paraan?
A. Sa pamamagitan ng pagtakbo sa pulitika.
B. Sa pamamagitan ng pagtulong na maimulat ang isipan ng kapwa natin
Pilipino sa mga bagay na nararapat bigyan ng tugon.
C. Sa pamamagitan ng pagpunta sa mga lugar na hindi pa naaabot ng
kabihasnan.
D. Sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga internet devices sa mga
malalayong paaralan.
10. Kanino mas magiging kapaki-pakinabang ang isang Social
Awareness Campaign?
A. Sa lahat ng mga mamamayang Pilipino.
B. Sa lahat ng mga taong may internet sa bahay.
C. Sa lahat ng mga mag-aaral na Pilipino lamang.
D. Sa mga Pilipinong may malasakit sa bayan.
Payabungin Natin

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na katanungan.


1. Alin sa mga sumusunod na hakbang sa pagsulat ng kampanyang panlipunan ang
makakatulong sa iyo para makakalap ng mga paraan upang maging mapanghikayat
ang iyong kampanya?
A. Manood ng telebisyon, makinig sa radyo, magbasa ng magasin, at
pahayagan, at gumamit ng Internet.
B. Balikan ang target na audience at alamin ang kanilang interes.
C. Tiyakin ang midyum na gagamitin.
D. Alamin kung ang paksa ng kampanya ay magkakaroon ng epekto sa mas malaking
bilang ng populasyon.

2. Paano makakatulong sa isang kampanyang panlipunan ang paggamit ng angkop na


mga salita? (3 puntos)
A. Sa pamamagitan ng paggamit sa wasto at angkop na mga salita,
marami ang mahihikayat.
B. Sa pamamagitan ng paggamit sa angkop na salita, marami ang matutuwa
sa kampanya.
C. Sa pamamagitan ng paggamit sa angkop na mga salita, natitiyak ang layunin ng
isang kampanya.
D. Sa pamamagitan ng paggamit sa angkop na mga salita, nagiging kaakit-akit ang
isang kampanya.

Piliin ang angkop na komunikatibong pahayag sa bawat sitwasyon.


3. Nais mong magkaroon ng Tree Planting Activity bilang bahagi ng inyong proyekto.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang higit na makapanghihikayat sa iyong mga
kamag-aral na makiisa sa iyong kampanya?
A. Mahalaga ang mga kabataan dahil nakakatuwa tayo.
B. Mahalaga ang bawat isa sapagkat sa atin nakasalalay ang kaayusan ng ating bayan
sa hinaharap.
C. Halika, sumama ka. Tiyak kong matutuwa ka.
D. Ikaw ang kailangan ko dahil malakas ka.

4. Nagtatalumpati ka upang pasalamatan ang mga taong nakiisa sa iyong kampanya.


A. Ako’y nagpapasalamat sa inyong lahat dahil sa walang sawang suporta
at pakikiisa sa aking mga adhikain.
B. Nagtataka ako sapagkat hindi ko inaasahan na marami ang tutugon sa aking
panawagan.
C. Marahil ay iniisip ninyo kung saan mapupunta ang mga ginagawa ko.
D. Samahan ninyo akong payabungin ang aking nasimulan dahil sa bandang huli, tayo
rin ang makikinabang.
5. Bumuo ng isang tagline batay sa sitwasyon:( 3puntos )

Hal: IT’S MORE FUN IN THE PHILIPPINES

Pagbubukas muli ng pasukan.

Pagnilayan Natin
Panuto: Mag-isip ng isang napapanahong isyu sa ating lipunan ngayon at
bumuo ng isang social awareness campaign o kampanyang panlipunan kung paano
malulutas ang suliraning ito, pumili lamang ng alin sa mga sumusunod na midyum na
gagamitin (islogan ba, poster, mga larawan, hugot line o tagline).

Mga Pamantayan sa Pagbuo ng Kampanyang Panlipunan

3 2 1 Puntos
Angkop na angkop Angkop ang paksa Hindi angkop ang
ang paksa sa sa temang paksa sa
temang kamalayang kamalayang
kamalayang panlipunan panlipunan
panlipunan.
Akmang-akma Akma ang Hindi akma ang
ang konsepto sa konsepto sa konsepto sa
kampanyang kampanyang kampanyang
inilulunsad inilulunsad inilulunsad
Lubos na Nakahikayat sa Hindi
nakahikayat ang mga manonood nakahikayat sa
kampanya sa mga ang kampanya na mga manonood
manonood na gumawa ng na gumawa ng
gumawa ng pagwawastong pagwawastong
pagwawastong panlipunan panlipunan
panlipunan.
Sa kabuoan Sa kabuoan Hindi nagpakita ng
naipakita nang naipakita ang orihinalidad at
lubos ang orihinalidad at ang kasiningan ng
orihinalidad at ang kasiningan ng presentasyon.
kasiningan presentasyon.
ng presentasyon.
Kabuoang Puntos:

You might also like