You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X
Division of Misamis Oriental
Salay National High School
Salay Senior High

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 12
Quarter 2, Modyul 3, Aralin 1
Ang Akademikong Pagsulat: Pagsulat ng Talumpati
I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.) Nauunawaan at naiipaliwanag ang talumpati at mga layunin nito;
2.) Nakakapagbigay ng sariling repleksyon sa napapanahong isyu batay sa napakinggang
talumpati; at
3.) Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa (CS_FA11/12PN-Og-i-91)
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Pagsulat ng Talumpati
b. Pahina: Filipino sa Piling Larangan, LDM Modyul 3, pahina 1
c. Mga Kagamitan: Laptop, projector at speaker

III. Proseso ng Pagkatuto


A. Aktibiti
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid
4. Pagtatala ng Liban
5. Pagbabalik-aral
6. Motibasyon o Pangganyak

4 NA LARAWAN 1 SALITA
Apat na larawan isang salita .Magpapakita ang guro ng 4 na larawan
nanagpapakita ng larawan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte,
Mikropono, Entablado at mga Awdyens. Magtatanonng ang guro sa
kanyang mga mag-aaral kung ano ba ang kanilang nakikita sa mga
larawan at kung ano ang isang salitang mabubuo sa apat na larawan
na iyon na may kaugnayan sa kanilang tatalakayin. Ang mga
larawang ito ang magbubukas sa kanilang talakayan tunngkol sa
paksang “Ang talumpati”. Ang larawan ng ating pangulo ay
sumisimbolo sa kanyang pagtatalumpati , kaugnay rito ang
mikropono na kanyang ginagamit upang lubusang marinig ang
kanyang talumpati, samantalang ang entablado naman ay
sumisimbolo sa lugar na pinangyayarihan ng pagtatalumpati at ang
awdyens naman ay naglalarawan sa mga taong nakikinig sa
talumpati.

Sagot: TALUMPATI
B. Analisis
Pangkatin ang klase sa dalawa
Magpakita ng isang Bidyo ng maikling talumpati. Sa bawat pangkat. Magkaroon ng
Pangkatang diskusyon,.Gumawa ng pangkatang repleksyon tungkol sa Talumpati
napanuod at ibahagi ito sa klase.

1. Pagtatalakay
Sabihin: Pag-aaralan natin ngayon ang tungkol sa Pagtatalumpati.
 Bibigyang kahulugan ng guro ang talumpati

Talumpati– isang komunikasyong pampubliko


na nagpapaliwanag hinggil sa isang mahalagang paksa. Ang talumpati ay
binibigkas sa harap ng publiko.

Mga uri ng Talumpati


1. Biglaang Talumpati -Ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda, kaagad na
ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.
2. Maluwag na talumpati –Isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda. Nagbibigay ng
ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan.
3. Manuskrito-Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbesyon seminar o programa sa
pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat.
4. Isinaulong Talumpati-Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding
pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.

Paghahanda ng Talumpati

Pamimili Pagtitipon Pagbabalangkas ng mga


ng paksa. Ng materyales ideya o kaisipan para sa
katawan ng talumpati

Paglinang ng kaisipan o ideya sa balangkas.

C. Abstraksyon
Mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa talumpati dahil ______________ .

D. Aplikasyon
Batay sa napapanahong isyu, Pasulatin ang mga mag-aaral ng isang talumpati.
 Covid 19
 Bakuna
 Pandemya at Ekonomiya
 Halalan 2022
IV.Ebalwasyon/Pagtataya

Panuto: Ibahagi sa klase ang Talumpating nagawa, irekord ito gamit ang celpon pwedeng adyo lang
o bidyo. Gumawa ng pagtataya gamit ang kasunod na krayterya sa ibaba. Ipasa ito sa panahon ng pasahan
ng modyul.

I. Takdang Aralin:
PAGSULAT NG DYORNAL
Bakit kailangang matutuhan ang pagsusulat ng talumpati?

Inihanda ni :
Erwin Mark G. Poblete
Teacher- I

Isinumite kay:
Beverly Hazel T. Saligumba
School Principal II

You might also like