You are on page 1of 21

Filipino 8

Ikatlong Markahan – Modyul 8.2:


Mga Komunikatibong Pahayag sa
Pagbuo
ng Kampanyang Panlipunan
(Social Awareness Campaign)

Self-Learning Module
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 8.2 Mga Komunikatibong pahayag sa pagbuo ng
Kampanyang Panlipunan (Social Awareness Campaign)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Paaralang Pansangay ng Gapan


Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rona T. Vendivel
Editor: Everlyn S. Pascual
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Ann C. Ligsay, PhD Dulce M. Esteban,
Jocelyn M. Mateo
Tagasuri ng Wika: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Jocelyn S. Pablo,
Bernadeth D. Magat, Everlyn S. Pascual
Tagasuri ng Disenyo at Balangkas: Emmanuel DG. Castro
Tagaguhit: Marlon D. De Guzman
Tagalapat: Glen Mark A. Jarlego
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD
Alexander F. Angeles, PhD
Rublita L. San Pedro

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan
Office Address: Don Simeon St., San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telefax: (044) 486-7910
E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph
Alamin

Kumusta ka, mahal kong mag-aaral? Handa ka na ba sa huling yugto


ng iyong pag-aaral sa markahang ito? Binabati na kita sapagkat batid kong
may sapat ka ng kaalaman upang mapagtagumpayan ang mga inihanda kong
gawain para sa iyo. Natitiyak ko ring mapalalalim mo ang iyong pagkatuto at
pagkaunawa sa kahalagahan nito sa tunay na buhay.

Inaasahan sa pagtatapos ng araling ito ay matagumpay mong


maisasagawa ang mga sumusunod na kasanayan:
1. nakabubuo ng isang malinaw na social awareness campaign
tungkol sa isang paksa na maisasagawa sa tulong ng multimedia
(F8PU-IIIi-j-34); at
2. nagagamit ang angkop na mga komunikatibong pahayag sa pagbuo
ng isang social awareness campaign (F8WG-IIIi-j-34).

Subukin

Nasasabik ka na ba sa mga gawaing aking inihanda para sa iyo? Kung


ganoon halika’t subukan mong sagutan ang inihanda kong gawain upang
matukoy ko ang mga dati mong mga kaalaman at ang mga kinakailangan mo
pang malaman sa araling ating tatalakayin sa linggong ito.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Piliin at


isulat sa hiwalay na papel ang letra ng iyong sagot.

1. Ang kampanyang panlipunan (social awareness campaign) ay isang


instrumento sa pagpapalaganap ng bagong upang
magkaroon ng kamulatan ang publiko sa lipunang kanilang ginagalawan.
A. Impormasyon C. kaisipan
B. Kasanayan D. pahayag

2. LINDOL! Ito ay isang halimbawa ng


A. Balloon C. simbolo
B. Salita D. salitang naghuhumiyaw

1
3. Ang sumusunod ay ang mga paraan upang maging mabisa at makatawag-
pansin sa publiko ang isang kampanyang panlipunan (social awareness
campaign) maliban sa isa…
A. paggamit ng salita
B. paggamit ng salawikain/kasabihan
C. paggamit ng mga salitang naghuhumiyaw
D. paggamit ng iba’t ibang anyo at uri ng pangungusap

4. “Huwag mo ng subukan, iligal na droga’y iwasan”, anong damdamin ang


maaaring ilapat sa pahayag na ito?
A. nagpapaalala
B. nagbibigay ng payo
C. nagbibigay ng utos
D. nagbibigay ng babala

5. Sa pagbuo ng kampanyang panlipunan (social awareness campaign)


tungkol sa COVID-19, anong pinakaangkop na komunikatibong pahayag
ang maaari mong gamitin?
A. salita at simbolo
B. larawan at simbolo
C. salawikain o kasabihan
D. salitang naghuhumiyaw

6. Ang pagbuo ng kampanyang panlipunan (social awareness campaign)


ay maituturing na isang pampublikong komunikasyon dahil
.
A. sa publiko ito ginagawa
B. para ito sa mga ordinaryong mamamayan
C. mahalaga ito sa pagpapaganda ng lipunan
D. nagpapalawak ito ng kaalaman sa pamamagitan ng pagbibigay-
impormasyon sa publiko

7. “Huwag maging piping saksi, karahasan ay iwaksi”, anong angkop na


pahayag sa pagbuo ng kampanyang panlipunan (social awareness
campaign) ang ginamit dito?
A. paggamit ng salawikain/kasabihan
B. paggamit ng salitang naghuhumiyaw
C. paglalapat ng iba’t ibang uri ng pangungusap
D. paggamit ng iba’t ibang anyo ng pangungusap

2
8. Ang paggamit ng mga ay nakatutulong upang mapansin
ng mga mambabasa ang mensaheng nais mong ipabatid.
A. salita at simbolo
B. salawikain o kasabihan
C. salitang naghuhumiyaw
D. paglalapat ng damdamin sa pahayag

9. Mahalaga ang paggamit ng angkop na komunikatibong pahayag sa


pagbuo ng isang social awareness campaign dahil .
A. nakapagbibigay ito ng tiyak na mensahe sa kabataan
B. nakatutulong ito sa pagpapalawak ng mga positibong
impormasyon
C. napaiigting nito ang kaalaman ng publiko sa lipunang kanyang
kinabibilangan
D. nakatutulong ito upang maging mabisa at makatawag-pansin
sa publiko ang isang adbokasiyang ipinaglalaban

10. Ang paglalapat ng damdamin sa pagbuo ng pahayag ay naaangkop


gamitin sa mga kampanya tungkol sa sakuna o kalamidad dahil .
A. binabalita ito sa telebisyon at sa radyo
B. nagbibigay ito ng damdamin o emosyon sa publiko
C. maraming nasasalanta ang mga kalamidad tulad ng bagyo
D. mabisang pamamaraan ito upang maging tawag-pansin sa
publiko

3
Mga
Aralin Komunikatibong Pahayag

8.2 sa Pagbuo ng Kampanyang


Panlipunan (Social
Awareness Campaign)
Alam mo ba na ang pagbuo ng isang kampanyang panlipunan (social
awareness campaign) ay isang instrumento upang maihatid sa publiko ang
mahahalagang impormasyon na maaaring magpalawak sa kaalaman o di
kaya’y magligtas sa iyo mula sa kapahamakan o sakuna.

Balikan

Bago ka tuluyang maglakbay sa araling ito, nais kong magbalik-tanaw


ka muna sa mga araling iyong natutuhan sa mga nakaraang modyul upang
matiyak ko kung talagang handang-handa ka nang harapin ang huling yugto
ng iyong pag-aaral sa markahang ito.

Panuto: Basahin mong mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Isulat ang
TAMA kung ang pahayag ay wasto at isulat ang MALI kung ito ay ‘di wasto.
Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

1. Ang kampanyang panlipunan. (social awareness


campaign) ay isang instrumento sa pagpapalaganap ng bagong
impormasyon o adbokasiya upang magkaroon ng kamulatan ang
publiko sa lipunang kanilang ginagalawan.
2. Sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan (social
awareness campaign), nararapat lamang na pagplanuhan nang
mabuti ang mga ibibigay na impormasyon, ang epekto nito sa publiko
at hindi ang magiging panganib na dulot nito dahil magbubunga
lamang ito ng pangamba sa mga tao.

4
3. Sa pagbuo ng kampanyang panlipunan (social
awareness campaign), hindi mahalagang magkaroon ng malawak na
suporta sa iba’t ibang sektor sapagkat magbubunga lamang ito ng
kawalang-saysay o kabuluhan sa adbokasiyang iyong ipinaglalaban.
4. Ang paggamit ng mga salita sa pagbuo ng kampanyang
panlipuan (social awareness campaign) ay higit na mas malakas ang
hatak sa publiko kaysa sa mga larawan at simbolo.
5. Kinakailangang maikli, malinaw, at malakas ang dating
ng mensahe upang mapakilos ang publiko sa kampanyang
ipinaglalaban (social awareness campaign).

Tuklasin

Magaling! Nagagalak ako sa iyong ipinamalas na husay sa pagsagot,


patunay lamang ito na handa ka nang tuklasin ang mga bagong kaalaman sa
araling ito.

Panuto: Suriin ang kampanyang panlipunan (social awareness


campaign) tungkol sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagsagot ng gabay na
tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

PANDEMYA!

Protektahanangsariliat
magingang iba sa banta ng

Itapon agad
Kapag
angtissuesa
bumabahing at
basurahang
umuubo, takpan ang maytakip
ilong at bibig gamit pagkatapos
ang tissue, gamitin.
panyo o siko.

5
Linisin ang kamay gamit ang
Iwasang hawakan angmata,
alcohol o hugasan ng
sabon sa loob ng 20 ilongat bibig.
segundo tuwing:

 pagkatapos umubo o bumahing; kapag nag-


 aalaga ng may sakit;
 bago, habang at pagkatapos maghanda ng
pagkain;

pagkatapos gumamit ng palikuran; at
 kapagnakiitang marumi na ang
kamay.

Ikaw, Ako, Tayo ay may pananagutan sa bawat isa.

Mga Tanong:

1. Tungkol saan ang nabasang kampanyang panlipunan (social


awareness campaign)?
2. Ano-ano ang iyong napansin sa anyo ng social awareness campaign
na ito? Ilarawan.
3. Mabisa at naaangkop ba ang ginamit ng mga pahayag sa kampanyang
ito? Bakit?
4. Paano mo gagawing mabisa at makatawag-pansin ang isang
kampanyang panlipunan (social awareness campaign) kung ikaw
ang gagawa nito?
5. Bilang mag-aaral, paano ka makikiisa sa kampanyang ito?

Magaling! Binabati kita dahil nasuri mo nang mahusay ang


kampanyang panlipunan (social awareness campaign)na ito at naipahayag
mo nang buong-puso ang iyong gagawing pakikiisa dito. Kaya naman,
natitiyak kong mapagtatagumpayan mo ang mga susunod na gawain at mga
pagsasanay sa araling naghihintay sa iyo.

6
Suriin

Ang kampanyang panlipunan (social awareness campaign) ay may


mahalagang gampanin sa kamalayang panlipunan ng bawat mamamayan,
lalong-lalo na ngayong panahon ng pandemya, kung saan kailangang-
kailangan natin ng mga tamang impormasyon.

Kaya naman, inaanyayahan kitang ipagpatuloy pa ang iyong pag-aaral


upang matutuhan mo ang mga dapat tandaan sa pagbuo at pagsasagawa ng
isang kampanyang panlipunan (social awareness campaign).

Handa ka na ba? Simulan mo nang basahin at alamin ang kasunod


na talakayan.

Paggamit ng angkop na mga komunikatibong pahayag sa pagbuo ng isang


social awareness campaign

Ang pagbuo ng kampanyang panlipunan (social awareness


campaign) ay maituturing na isang pampublikong komunikasyon dahil
nagpapalawak ito ng mga kaalaman sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
impormasyon sa publiko.

Bukod dito, pinipili ang mga salitang ginagamit na angkop sa pagbuo


ng kampanyang panlipunan (social awareness campaign). Inaayos din ang
tamang pagkakasunod-sunod ng mga kaisipang ipinahahayag sa pagbuo ng
kampanyang panlipunan (social awareness campaign). Dito pumapasok
ang sinasabing angkop na mga komunikatibong pahayag.

1. Paggamit ng salawikain/kasabihang makikita sa poster

Halimbawa:
 “Sumunod ka sa konsensya mo, ngunit gamitin mo rin ang utak
mo.”
 “Droga ay iwasan, salot ito sa bayan.”
 “Lingapin ang kapaligiran nang dengue ay maiwasan.”

7
2. Paggamit ng iba’t ibang anyo ng pangungusap (payak, tambalan,
hugnayan, at langkapan)

Halimbawa:
a. Payak – may isang diwa at binubuo ng simuno (paksa o pinag-
uusapan sa pangungusap) at panaguri (naglalarawan sa paksa o
nagbibigay-impormasyon sa simuno).
 Ang basurang itinapon mo ay babalik din sa iyo.
b. Tambalan – binubuo ng dalawang kaisipan na pinag-uugnay ng
mga pangatnig na: at, o, ngunit, habang, samantala, o pero.
 Alamin ang matataas na lugar sa inyong paligid at piliin
ang mga ligtas na daan patungo doon.
c. Hugnayan- binubuo ng sugnay na makapag-iisa at hindi
makapag-iisa. Ginagamitan ito ng mga pang-ugnay na kung,
kapag, upang, dahil sa, spagkat
 Kung nagmamaneho, itabi at ihinto ang sasakyan.
 Huwag lumabas sa dalampasigan upang panoorin ang
tsunami.
d. Langkapan – binubuo ng isa o higit pang sugnay na makapag-
iisa o sugnay na di makapag-iisa.
 Ang biglang pag-urong ng tubig sa dagat at ang paglitaw ng
mga isdang naiwan sa buhangin ay isang senyales ng
tsunami.

3. Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap (paturol, pasalaysay,


pautos, padamdam at patanong)

Halimbawa:
a. Paturol/Pasalaysay – pangungusap na nagkukuwento
o nagsasalaysay. Nagtatapos ito sa tuldok. (.)
 Ang mga mabibigat na kagamitan ay dapat nakalagay sa
ilalim na bahagi ng mga estante.
b. Pautos – panungusap na nag-uutos. Nagtatapos ito sa tuldok. (.)
 Lumayo sa mga posteng may kuryente, pader at iba pang
estruktura na maaaring bumagsak o matumba.
c. Padamdam – pangungusap na nagsasaad ng matinding
damdamin. Nagtatapos ito sa tandang padamdam. (!)
 Mga paghahanda sa The Big One!
d. Patanong – pangugusap na nagsisiyasat o naghahanap ng sagot.
Nagtatapos ito sa tandang pananong. (?)
 Handa ka ba sa anumang sakuna?

8
4. Gumamit ng mga salitang naghuhumiyaw na kailangang mapansin
ng mga mambabasa.

Halimbawa:
a. Huwag magpauna sa takot…
b. LINDOL!

5. Maglapat ng damdamin sa mga pahayag na binuo.

Halimbawa:
 Paggamit ng balloon upang maipahayag ang damdamin ng
pagkatakot at babala

Lindol!

Binabati kita kaibigan, ngayon ay batid ko nang malinaw na para sa iyo


ang mga iba’t ibang paraan upang maging mabisa at makatawag-pansin ang
kampanyang panlipunan (social awareness campaign) na iyong bubuuin
gamit ang angkop na komunikatibong pahayag sa pagbuo nito. Ngayon,
subukan mo namang ilapat ang iyong mga natutuhan sa mga sumusunod na
gawaing inihanda ko para sa iyo.

Pagyamanin

Gawain 1: Mag-isip at Lumikha

Panuto: Mula sa mga paksa sa bawat bilang, bumuo ng komunikatibong


pahayag gamit ang mga angkop na paraan sa pagbuo nito. Gayahin ang
pormat sa ibaba. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

1. Pang-aabuso sa mga kababaihan (Paggamit ng salawikain/kasabihan)

9
2. New normal sa edukasyon (Paggamit ng alinman sa anyo ng
pangungusap)

3. Kahalagahan ng bakuna kontra COVID-19 (Paggamit ng alinman sa uri


ng pangungusap)

4. Pagputok ng bulkan (Paggamit ng salitang naghuhumiyaw)

5. Paghahanda sa paparating na bagyo (Paglalapat ng damdamin sa mga


pahayag na binuo)

Gawain 2: Alamin Mo

Panuto: Pumili ng isang kampanyang panlipunan (social awareness


campaign) mula sa mga napanood, napakinggan o nabasang balita mula sa
multimedia tulad ng telebisyon, radyo, pahayagan o internet at tukuyin ang
mga ginamit na komunikatibong pahayag dito. Isulat ang sagot sa hiwalay na
papel.

Pahayag Komunikatibong Pahayag


Halimbawa. “Lingapin ang Paggamit ng salawikain/kasabihan
kapaligiran nang dengue ay
maiwasan.”

10
Gawain 3: Panayamin (Panayam at Pagyamanin)

Panuto: Kapanayamin ang isa sa nakatatandang miyembro ng inyong


pamilya na nakaranas na ng matinding kalamidad. Mula sa mga
impormasyong nakalap, bumuo ng isang kampanyang panlipunan (social
awareness campaign) gamit ang mga komunikatibong pahayag sa pagbuo
nito. Gayahin ang pormat ng pagtatanong sa ibaba. Isulat ang iyong awtput
sa hiwalay na papel.

Pangalan: Edad: _
Relasyon mo sa kakapanayamin: _
Kalamidad na naranasan:
Taon kung kailan ito nangyari:

Mga Tanong sa magulang:

1. Ano-ano po ang mga pangyayaring hindi ninyo malilimutan sa naganap


na kalamidad?

2. Ano po ang naramdaman ninyo sa mga oras na iyon?

3. Ano po ang naging epekto nito sa inyong buhay?

4. Paano po kayo muling bumangon mula sa naranasang kalamidad?

5. Ano pong aral ang natutuhan ninyo sa karanasang iyon?

Pamantayan sa Pagmamarka

Paglalahad ng mensahe-----------------------------------5 puntos


Paggamit ng komunikatibong pahayag------------------5 puntos
Kalinawan sa pag-uulat---------------------------------5 puntos
Pagkamalikhain 5 puntos
Lakas ng dating sa publiko 5 puntos
Kabuuan-------------------------------------------------------------25 puntos

11
Isaisip

Mahusay! Binabati kita dahil napagtagumpayan mo ang mga inihanda


kong mga gawain na huhubog at magpapalalim sa iyong kaalaman. Ngayon
naman, nais kong malaman ang naging lawak ng iyong kaalaman sa pagbuo
ng kampanyang panlipunan (social awareness campaign). Pagtibayin mo
ang iyong mga natutuhang mahalagang konsepto tungkol sa aralin sa
bahaging ito.

Panuto: Dugtungan ng angkop na kaisipan o ideya ang bawat patlang upang


mabuo ang diwa ng pahayag. Isulat sa hiwalay na papel ang sagot.

1. Naniniwala akong mahalaga ang gampanin ng kampanyang panlipuan


(social awareness campaign) sa lipunan sapagkat
.

2. Ang pagbuo ng kampanyang panlipunan (social awareness


campaign) ay angkop pag-aralan at
isabuhay sa panahon ngayon dahil
.

3. Sa tulong ng mga natutuhan ko sa pagbuo ng kampanyang panlipunan


(social awareness campaign), naging malinaw sa akin ang
.

4. Natutuhan ko sa araling ito na .

5. Kaya ipinangangako ko sa aking sarili na .

Isagawa

Nagagalak ako at tunay na malalim ang iyong kaalaman sa


kahalagahan ng pagsasagawa ng kampanyang panlipunan (social
awareness campaign) sa kamalayan ng publiko. Kaya naman, nasisiguro

12
kong mapagtatagumpayan mo ring isabuhay ang mga kaalamang ito.

13
Bayan Ko, Mahal Ko

Panuto: Pumili ng isang paksa sa ibaba upang makabuo ng isang malinaw


na kampanyang panlipunan (social awareness campaign) at isagawa ito sa
tulong ng multimedia tulad ng pag-post sa Facebook, Messanger, o
pagrerekord gamit ang cellphone. Gumamit ng mga angkop na
komunikatibong pahayag sa pagbuo nito. Maaaring gamitin ang kartolina,
bond paper o makukulay na papel at iba pa sa pagsasagawa nito.

Paksang pamimilian:

 Kampanya laban sa cyber bullying


 Kampanya laban sa iligal na droga
 Kampanya sa pagsugpo sa COVID-19
 Kampanya laban sa pang-aabuso sa mga kababaihan
 Kampanya laban sa pang-aabuso sa kapaligiran/likas
na yaman

Pamantayan sa Pagmamarka:

Paglalahad ng mensahe-----------------------------------15 puntos


Paggamit ng komunikatibong pahayag------------------10 puntos
Kalinawan sa pag-uulat------------------------------------10 puntos
Pagkamalikhain 5 puntos
Lakas ng dating sa publiko -5 puntos
Kabuuan------------------------------------------------------------50 puntos

(Paalala: Malaya ang guro na pumili ng iba’t ibang pamamaraan gamit ang
multimedia na angkop sa kakayahan ng mag-aaral.)

Tayahin

Binabati kita sa matiyaga mong pagbabasa at pagsagot sa mga


inihanda kong gawain upang linangin ang iyong kaalaman sa araling ito.
Ngayon naman, dumako tayo sa pinakatampok ng yugtong ito, upang
masukat ko ang iyong naging pagkatuto sa kahalagahan ng pagsasagawa ng
social awareness campaign. Handa ka na ba? Kung gayon ay simulan mo
nang sagutan ang mga sumusunod na tanong.

14
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag at tanong sa bawat
bilang. Piliin at isulat sa hiwalay na papel ang letra ng iyong sagot.

1. Anong uri ng pangungusap ang ginamit sa pahayag na ito na hango sa


isang kampanyang panlipunan (social awareness campaign) patungkol sa
lindol? “Lumayo sa mga posteng may kuryente, pader, at iba pang
estruktura na maaaring bumagsak o matumba.”
A. Padamdam C. paturol
B. Patanong D. pautos

2. Anong anyo ng pangungusap ang ginamit sa kampanyang panlipunan


(social awareness campaign) na ito “Kung nagmamaneho, itabi at
ihinto ang sasakyan”?
A. Hugnayan C. payak
B. Langkapan D. tambalan

3. Anong damdamin ang maaaring ilapat sa pahayag na ito, “Huwag


pumasok sa mga gusaling may nasirang bahagi”?
A. nagpapayo sa publiko
B. nagpapaalala sa publiko
C. nagbibigay utos sa publiko
D. nagbibigay-babala sa publiko

4. Anong komunikatibong pahayag ang ginamit sa kampanyang


panlipunang (social awareness campaign) ito, “Droga ay iwasan, salot
ito sa bayan”?
A. paggamit ng malawak na suporta
B. paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap
C. paggamit ng iba’t ibang anyo ng pangungsap
D. paggamit ng salawikain/kasabihan na makikita sa poster

5. Anong komunikatibong pahayag ang ginamit sa kampanyang panlipunan


(social awareness campaign) na ito mula sa DOH, “Buhay ay ingatan,
paputok ay iwasan.”
A. paggamit ng salawikain/kasabihan
B. paggamit ng salitang naghuhumiyaw
C. paggamit ng iba’t ibang anyo ng pangungusap
D. paglalapat ng damdamin sa mga pahayag na binuo

6. Maituturing na isang pampublikong komunikasyon ang pagbuo ng


kampanyang panlipunan (social awareness campaign) dahil .
A. para ito sa publiko
B. isinasagawa ito ng mga pulitiko
C. sa pampublikong lugar ito isinasagawa
D. nagpapalawak ito ng kamalayang panlipunan ng publiko

15
7. Anong paraan ng komunikatibong pahayag ang pinakaangkop gamitin
upang maging kapansin-pansin sa mga mambabasa ang bubuing
kampanyang panlipunan (social awareness campaign) tungkol sa
mga dapat gawin kapag may banta ng pagputok ng bulkan?
A. paggamit ng salawikain/kasabihan
B. paggamit ng salitang naghuhumiyaw
C. paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap
D. paggamit ng iba’t ibang anyo ng pangungusap

8. Ito ang pinakaangkop gamitin na komunikatibong pahayag tungkol sa


mga dapat gawin kapag may banta ng pagputok ng bulkan dahil
.
A. madali itong maunawaan ng mga mambabasa
B. maging kaakit-akit ang poster o flyer na gagawin
C. mailapat ang damdamin sa mga pahayag na binuo
D. mapansin at maihatid agad sa mga mambabasa ang mensahe
nito

9. Mahalaga ang paggamit ng angkop na komunikatibong pahayag sa


pagbuo ng isang kampanyang panlipunan (social awareness
campaign) dahil .
A. nakapagbibigay ito ng tiyak na mensahe sa kabataan
B. nakatutulong ito sa pagpapalawak ng mga positibong
impormasyon
C. napaiigting nito ang kaalaman ng publiko sa lipunang
kanyang kinabibilangan
D. nakatutulong ito upang maging mabisa at makatawag-pansin
sa publiko ang isang adbokasiyang ipinaglalaban

10. Ano pa ang maaaring gamiting kasanayan sa pagbuo ng kampanyang


panlipunan (social awareness campaign) maliban sa paggamit ng mga
angkop na salita?
A. paggamit ng mga estratehiya tulad ng polyeto, poster at iba pa
B. paggamit ng mga larawan o simbolo dahil minsan mas mabisa
ito kaysa sa paggamit ng mga salita
C. paglalagay ng makukulay na disenyo dahil nakaaakit sa
mambabasa ang magandang ayos at layout nito
D. pag-aayos ng tamang pagkakasunod-sunod ng mga kaisipang
ipinapahayag sa pagbuo ng kampanyang panlipunan

16
Karagdagang Gawain

Mahusay! Ngayon ay nasa huling yugto ka na ng araling ito. Nasisiguro


ko ang lalim at lawak ng iyong pagkatuto ay hindi lamang sa aralin sa
paggawa ng kampanyag panlipunan (social awareness campaign) kung
hindi maging sa kabuuan ng ikatlong markahan. Kaugnay nito, naghanda pa
ako ng isang gawain upang mapanatili mo sa iyong isip at puso ang
kabuluhan ng mga aral na natutuhan mo.

Panuto: Bumuo ng isang maikling pahayag na ginagamitan ng angkop na


kumunikatibong pahayag sa pagbuo ng kampanyang panlipunan (social
awareness campaign) gamit ang isa sa mga paksang nasa ibaba. Isulat ang
iyong sagot sa hiwalay na papel.

1. Pag-iwas sa sunog
2. Paghahanda sa bagyo
3. Labis na paninigarilyo
4. Paglaban sa karahasan
5. Kahalagahan ng edukasyon

17
Susi sa Pagwawasto

ng mga mag-
aaral)ang
(maaaring iba-iba 10
sagot .
9. Gawain 3 6. D
10 D Panayamin D
. ng mga mag-
D aaral)ang
(maaaring iba-iba 9.
sagot D
8 Mak 8.
7. D . Gawain 2 Magmasidiisa 7. C
B 6 at A
D . ng mga mag- 5
5. 4 aaral)ang
(maaaring iba-iba C .
D 4.
3. D . sagot B 3
D Lumi A .
2. 1. kha
Gawain 1: Mag-isip 2. 1.
A D at D A
Taya Pagyama Subu
hin nin kin

18
Sanggunian
Guimarie, Aida M. 2018. Pinagyamang Wika at Panitikan Batayang Aklat sa
Filipino 8. Vibal Group Inc. 1253 G. Araneta Avenue cor Maria
Clara St., Quezon City: Rex Book Store, Inc.

19

You might also like