You are on page 1of 19

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 8
Ikatlong Markahan – Modyul 8.1:
Mga Hakbang sa Pagsasagawa
ng Kampanyang Panlipunan

Self-Learning Module
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 8: Hakbang sa Pagsasagawa ng Kampanyang Panlipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Paaralang Pansangay ng Lungsod Gapan


Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rona T. Vendivel
Editor: Everlyn S. Pascual
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Ann C. Ligsay, PhD Dulce M. Esteban,
Jocelyn M. Mateo
Tagasuri ng Wika: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Jocelyn S.
Pablo, Bernadeth D. Magat, Everlyn S.
Pascual
Tagasuri ng Disenyo at Balangkas: Emmanuel DG. Castro
Tagaguhit: Marlon D. De Guzman
Tagalapat: Glen Mark A. Jarlego
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD
Alexander F. Angeles,
PhD Rublita L. San Pedro
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –
Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan
Office Address: Don Simeon St., San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telefax: (044) 486-7910
E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph
Alamin

Kumusta ka, mahal kong mag-aaral? Handa ka na bang alamin ang


panibagong yugtong ito ng iyong pag-aaral? Binabati na kita sapagkat batid
kong may sapat kang kaalaman upang mapagtagumpayan ang mga inihanda
kong gawain para sa iyo. Kaya naman, inaasahan sa pagtatapos ng araling
ito ay matagumpay mong maisasagawa ang mga sumusunod na kasanayan:

1. nasusuri ang hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan


ayon sa binasang mga impormasyon (F8PB-IIIi-j-33); at
2. naipapaliwanag ang mga salitang angkop na gamitin sa pagbuo ng
isang kampanyang panlipunan (F8PT-IIIi-j-33);

Subukin

Nasasabik ka na ba sa mga gawaing aking inihanda para sa iyo?


Sandali! Kaunting hinay lang minamahal na mag-aaral, subukin mo munang
sagutan ang mga inihanda kong katanungan upang masukat ang iyong
kaalaman sa tatalakaying aralin.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Piliin at


isulat sa hiwalay na papel ang letra ng iyong sagot.

1. Ano ang angkop na salita sa pahayag na, “Ang susi sa mabisang


pagpaplano laban sa kalamidad ay ang ”?
A. Kahandaan C. pakikinig
B. pagdarasal D. pagtitipid

2. Ano ang angkop na salita upang mabuo ang pahayag na ito “Kung

kinakailangang lisanin ang tahanan, mag-iwan ng kung


saan nakasaad ang lugar na patutunguhan”?
A. emergency kit C. pagkain
B. mensahe D. palatandaan

1
3. Mahalagang mag-iwan nito kung sakaling kinakailangan mong lisanin
ang inyong tahanan sa oras ng kalamidad upang .
A. hindi magutom ang mga taong iiwanan sa bahay
B. madaling matukoy ng iyong mga kasama sa bahay ang iyong
mga kaibigan
C. maging handa sa posible o maaaring mangyari sa oras ng
kalamidad
D. madaling matukoy ng iyong pamilya o kamag-anak ang iyong
kinaroroonan at mabawasan ang kanilang pag-aalala

4. Nakatutulong nang malaki ang paglalagay ng simbolo o larawan sa


pagbuo ng isang kampanyang panlipunan (social awareness
campaign) dahil .
A. mas madali itong gawin
B. nakagaganda ito sa paningin
C. mas malakas ang dating nito sa publiko
D. nakatutulong ito sa pagpapaganda ng paligid

5. Ano-ano ang dapat taglayin ng isang mabisang kampanyang panlipunan


(social awareness campaign)?
A. Maikli, tiyak, at puno ng iba’t ibang detalye.
B. Maikli, malinaw, at malakas ang dating ng mensahe sa
publiko.
C. Maikli, malinaw, at may makukulay na mga larawan at
simbolo.
D. Makatawag-pansin, tiyak at nagtataglay ng makukulay at iba’t
ibang disenyo.

6. Alin sa mga sumusunod na estratehiya ang hindi maaaring gamitin sa


pangangampanya?
A. paglikha ng flyer at poster
B. pagpili ng mahusay na tagapagsalita
C. paggamit ng salawikain at kasabihan
D. pag-aanunsyo sa radyo, telebisyon at internet

7. Alin sa mga sumusunod ang dapat tandaan upang maging mabisa at


matagumpay ang isang kampanyang panlipunan (social awareness
campaign) na iyong gagawin?
A. Pagkakaroon ng kawastuan at kalinawan ng mensahe.
B. Pagpasiyahan ang adbokasiyang ipaglalaban o ikakampanya.
C. Pumili ng mahusay na tagapagsalita na magbibigay ng mga
impormasyon.
D. Paghingi ng permiso sa may-ari o nangangasiwa ng lugar na
pagkakabitan ng poster.

2
8. Mahalagang isaalang-alang ang tamang panahon sa pagsasagawa ng
kampanyang panlipunan (social awareness campaign) upang .
A. maging maganda ito sa paningin ng publiko
B. makasunod sa uso at sa hilig ng mga mambabasa
C. makatutulong ito upang maging kaakit-akit sa mga
mambabasa
D. makatutulong ito sa pagpapalawak ng kamalayang panlipunan
ng mga mamamayan

9. Ano ang kahalagahan ng pagbuo ng isang kampanyang panlipunan


(social awareness campaign) sa kamalayan ng mga mamamayan?
A. Pinaiigting nito ang imahinasyon ng mga mambabasa.
B. Nakatutulong ito sa pagbibigay-kamulatan sa mga kabataan.
C. Nakababawas ito sa pagkakaroon ng negatibong kaisipan sa
publiko.
D. Nakatutulong ito sa mga tao na maging handa at
responsableng mamamayan ng lipunang kanilang
kinabibilangan.

10. Naaangkop ang pahayag na, “Huwag Magpauna sa Takot...” sa pagbuo ng


kampanyang panlipunan (social awareness campaign) tungkol sa
lindol dahil .
A. nakatutulong ito upang mataranta ang mga tao sa oras ng
lindol
B. binibigyang-kulay nito ang pahayag kung kaya nagiging
kaakit-akit ito sa mga mambabasa
C. nakadadagdag ito ng damdamin sa pahayag kung kaya mas
malakas ang nagiging hatak nito sa publiko
D. nakatutulong ito upang maging kalmado at makapag-isip ng
mga dapat gawin sa oras ng pagyanig ang mga tao

3
Mga Hakbang sa
Aralin
Pagsasagawa ng
8.1 Kampanyang
Panlipunan

Alam mo ba na ang kampanyang panlipunan (social awareness


campaign) ay isang mabisang pamamaraan ng pakikipagkomunikasyon sa
publiko dahil nagbibigay at nagpapahayag ito ng mahahalagang
impormasyon, kaalaman, at maging babala para sa lahat?

Maraming mga estratehiyang maaaring gamitin upang mas mapadali


ang pagpapalaganap ng mga impormasyon tulad ng paggawa ng poster,
paggamit ng flyer, maaari ring gamitin ang telebisyon, radyo, pahayagan,
magasin at maging ang social media.

Kaya naman, napapanahon ang tatalakayin nating aralin sa linggong


ito dahil sa sitwasyong kinakaharap natin ngayon kung saan mahalagang
maging maalam tayo sa mga nangyayari sa ating paligid.

Balikan

Bago ka tuluyang maglakbay sa araling ito, nais kong magbalik-tanaw


ka muna sa iyong natutuhan sa nakaraang modyul upang matiyak ko kung
talagang handang-handa ka na sa ating tatalakayin. Simulan mo na!

4
Panuto: Punan ang grapikong pantulong sa ibaba ng iyong mga natutuhan
ukol sa Kontemporaryong Panitikan. Gayahin ang pormat at isulat ang iyong
sagot sa hiwalay na papel.

Kontemporaryong Panitikan Natutuhan Mo

1. Balita
2. Kontemporaryong dagli
3. Komentaryong panradyo
4. Dokumentaryong pantelebisyon
5. Dokumentaryong pampelikula

Tuklasin

Mahusay! Binabati kita dahil


matagumpay mong nasagutan ang
katanungang inihanda ko para sa iyo, patunay
lamang ito na handa ka nang tuklasin ang mga
bagong kaalaman sa araling ito.

Panuto: Basahin ang kampanyang panlipunan


(social awareness campaign) tungkol sa lindol
at sagutin ang mga tanong na kaugnay nito.
Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.
unsure

THE BIG ONE!... HANDA KA BA?


Mga gabay sa paghahanda sa LINDOL

Bago

 Ayusin at pagtibayin ang mga estante sa inyong tahanan upang


maiwasan ang pagbagsak nito sa oras ng lindol.
 Alisin ang maaaring sagabal sa emergency exit.
 Alamin at gumawa ng listahan ng mga numero ng mga awtoridad, mga
kamag-anak o mga kaibigan na maaaring hingan ng tulong.
 Ayusin at ihanda ang emergency kit.

5
Habang

 Huwag mataranta, manatiling kalmado upang makapag-isip ng


mabuting gagawin kung sakaling nagsisimula na ang lindol.
 Humanap ng lugar na maaaring pagtaguan upang isagawa ang drop
cover and hold.
 Huwag dumikit sa mga babasaging bagay tulad ng bintana na
maaaring masira, malalaki o nakasabit na bagay na maaaring
bumagsak sa oras ng pagyanig.

Pagkatapos

 Magdadahan-dahan at maging kalmado sa paglabas sa mga


emergency exit ng gusali o ng inyong tahanan.
 Maging alerto sa maaaring pagsimulan ng sunog tulad ng gas leak, o
kaya anumang electrical system.
 Magsagawa ng head count ng mga kasamahan sa opisina, sa paaralan
o sa tahanan.
 Magtipon-tipon sa isang open space kung saan walang maaaring
bumagsak na puno o poste o di kaya’y maaaring gumuhong gusali.

Mga Tanong:

1. Ano ang paksang tinalakay sa kampanyang panlipunang (social


awreness campaign) nabasa?
2. Ano ang reaksyon mo tungkol sa kampanyang panlipunang (social
awareness campaign) nabasa?
3. Paano makatutulong ang kampanyang ito sa publiko?
4. Napapanahon ba ang kampanyang panlipunan (social awareness
campaign) na nabasa? Bakit?
5. Bilang mag-aaral, paano ka makikiisa sa ganitong uri ng kampanyang
panlipunan (social awareness campaign)?

Magaling! Binabati kita dahil mahusay mong naitala ang mga dapat
gawin bago, habang at pagkatapos ng lindol. Dahil dito, natitiyak kong
mapagtatagumpayan mo ang mga susunod na gawain at mga pagsasanay na
naghihintay sa iyo.

6
Suriin

Ang kampanyang panlipunan ay may mahalagang gampanin sa


kamalayang panlipunan ng bawat mamamayan, lalong-lalo na ngayong
panahon ng pandemya, kung saan kailangang-kailangan natin ng mga
tamang impormasyon. Kaya naman, inaanyayahan kitang ipagpatuloy pa ang
iyong pag-aaral upang matutuhan mo ang mga dapat tandaan sa pagbuo at
pagsasagawa ng isang kampanyang panlipunan (social awareness campaign).
Handa ka na ba? Simulan mo nang basahin at alamin ang kasunod
na talakayan.

Kampanyang Panlipunan (Social Awareness Campaign)

Ang pagsasagawa ng isang kampanyang panlipunan o social


awareness campaign ay isang instrumento sa pagpapalaganap ng bagong
impormasyon o adbokasiya ng pamahalaan sa pribadong institusyon, at sa
iba‘t ibang samahan o organisasyon. Isa sa hangarin ng kampanyang
panlipunan (social awareness campaign) ay magkaroon ng kamulatan ang
publiko sa anomang produkto at adbokasiya ng iba’t ibang organisasyon.

Upang maging mabisa at matagumpay ang isang kampanyang panlipunan


(social awareness campaign), narito ang ilang paalala:

1. Pagkakaroon ng malawak na suporta

Kailangang magkaroon ng sistema sa pakikipag-ugnayan sa iba’t


ibang sektor ng lipunan tulad ng grupo ng mga iskolar, mambabatas,
propesyonal, media, estudyante, opisyal ng mga komunidad at iba
pang organisasyon upang maging matagumpay ang isasagawang
pangangampanya sa isyung panlipunang ipinaglalaban. Kung walang
suportang manggagaling sa iba’t ibang sektor ng lipunan, mawawalan
ng saysay o kabuluhan ang kampanyang panlipunan (social
awareness campaign).

2. Pagsasagawa ng iba’t ibang gawain

Kailangang maiparating sa publiko ang mensaheng kampanya sa


pamamagitan ng iba’t ibang paraan. Maaaring isagawa ito sa
pamamagitan ng paggawa ng poster, postcard, at iba pang kampanya

7
sa media, pagsasagawa ng protesta, paggawa ng petisyon, pagbigkas
ng talumpati, paglikha ng informational flyers, pagtatanghal ng
konsiyerto, dulang panlansangan, pagsasagawa ng pananaliksik at
personal na testimonya.

3. Kawastuan at kalinawan ng mensahe

Kailangang maikli, malinaw, angkop ang mga salitang ginamit at


malakas ang dating ng mensahe upang mapakilos ang publiko sa
adbokasiyang ipinaglalaban. Kailangang maging malikhain din sa
pagpapahayag ng mensahe upang makatawag-pansin ang kampanyang
panlipunan (social awareness campaign) sa publiko.

Narito ang ilang hakbang kung paano sisimulan o gagawin ang


kampanyang panlipunan.

1. Pagpasiyahan muna ang adbokasiyang ipaglalaban o ikakampanya.


2. Pagplanuhan kung paano ipahahayag ang mensahe ng kampanya na
ipapahatid sa publiko, ang pagbibigay ng impormasyon, epekto nito, at
ang panganib na dulot nito sa tao.
3. Magsaliksik ng sinabi ng mga eksperto o mga salawikain na magagamit
sa pagbibigay ng mensahe.
4. Makatutulong nang malaki ang paglalagay ng larawan o simbolo dahil
kung minsan, mas malakas ang dating nito sa publiko kaysa paggamit
ng mga salita.
5. Pag-aralang mabuti ang disenyo ng kampanyang panlipunan (social
awareness campaign) dahil nakaaakit sa mambabasa ang
magandang ayos o layout nito.
6. Gumamit ng iba’t ibang estratehiya sa pangangampanya tulad ng
pamumudmod ng maliliit na polyeto, paggawa ng malaki at makulay
na poster, paglikha ng mga flyer, at iba pa.
7. Isaalang-alang ang tamang panahon sa pagsasagawa ng kampanyang
panlipunan (social awareness campaign).
Halimbawa:
a. Pangangampanya sa pagpapalaganap ng wikang Filipino –
buwan ng Agosto
b. Pangangampanya sa pag-iwas sa sunog – buwan ng Marso
c. Pangangampanya sa pagdating ng bagyo – buwan ng Hunyo at
Hulyo

8. Humingi ng permiso sa may-ari o nangangasiwa ng lugar o


pampublikong lugar na pagkakabitan ng poster, babala o paunawa sa
kampanyang panlipunan (social awareness campaign).

8
9. Pumili ng mahusay na tagapagsalitang magbibigay ng mga
impormasyon, epekto at sanhi na dulot ng isyung ipinaglalaban kung
mangangampanya sa iba’t ibang lugar
10. Makatutulong din ang paggamit ng mga angkop na mga
komunikatibong pahayag sa pagbuo ng kampanyang panlipunan
(social awareness campaign).

Binabati kita kaibigan, ngayon ay batid ko nang malinaw na para sa


iyo ang kahalagahan ng kampanyang panlipunan (social awareness
campaign), maging ang mga hakbang at pamamaraan sa pagbuo nito.

Ngayon, subukin mo namang ilapat ang iyong mga natutuhan sa


mga sumusunod na gawaing inihanda ko para sa iyo.

Pagyamanin

Gawain 1: Tukuyin at Ipaliwanag Mo

Panuto: Ipaliwanag ang mga salitang angkop na gamitin sa pagbuo ng isang


kampanyang panlipunan (social awareness campaign) sa mga
pangungusap na may salungguhit. Piliin sa loob ng kahon ang sagot at isulat
ito sa hiwalay na papel.

tagtuyot /El Niño pagsabog ng bulkan tsunami


sunog pagbaha bagyo

1. Kung makapansin ng kakaiba sa dagat tulad ng biglang


pagbaba ng tubig, kaagad lumikas patungo sa mataas
na lugar.
Paliwanag:
.

2. Itago ang posporo o lighter sa lugar na hindi maaabot ng


mga bata.
Paliwanag: _
.

9
3. Ayusin ang mga sirang bahagi ng inyong tahanan tulad ng
bubong upang hindi ito liparin ng malakas na hangin.
Paliwanag: _
.

4. “Magtipid ng Tubig … Bawat Patak ay Mahalaga”


Paliwanag:

_
.

5. “Huwag matapon ng basura sa ilog, dahil ang basurang


itinapon mo ay babalik din sa iyo.”
Paliwanag: _
.

Gawain 2: Siyasatin Mo
Panuto: Suriin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan (social awareness
sa hiwalay na papel.

PANDEMYA
6Ms Mga Dapat Tandaan upang COVID-19 ay Maiwasan

1. Magsuot ng face mask at face shield sa mga pampublikong lugar.


2. Maghugas ng kamay gamit ang sabon, sanitizer, o alcohol.
3. Mag-disinfect ng mga gamit na madalas hawakan.
4. Mukha’y iwasang hawakan lalo na ang mata, ilong at bibig.
5. Manatili sa bahay kung may sakit, kung wala sa age bracket ang edad
sa mga maaaring lumabas ng bahay at kung walang importanteng
gagawin sa labas.
6. Manatiling hindi kukulang sa 1 metro ang distansya mula sa iba
tuwing nasa labas ng bahay.

“Pagmamalasakit ay Kailangan upang COVID-19 ay Maiwasan”

Mga Tanong:
1. Anong impormasyon ang ibinibigay ng kampanyang ito?
2. Batay sa anyo ng kapamyang panlipunan (social awareness
campaign) sa itaas, ano-anong pamamaraan ang ginamit sa pagbuo
nito?
1
3. Ano ang iyong puna o reaksyon tungkol sa paksang tinalakay?

1
4. Naaangkop ba ang mga salitang ginamit sa pagbuo ng kampanyang
panlipunan (social awareness campaign) na ito?
5. Paano makatutulong ang kampanyang panlipunang (social
awareness campaign) tulad nito sa mga tao?

Gawain 3: Talaisipan

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang angkop na gamitin sa


pagbuo ng isang kampanyang panlipunan (social awareness campaign)
tungkol sa pagpapalaganap ng maling impormasyon o fake news. Gamit
ang mga napiling salita, gumawa ka ng mga hakbang tungkol sa paksa at
bigyan mo ito ng maikling paliwanag. Gawin ito sa hiwalay na papel .

pangamba kalituhan suriin magsaliksik


pigilin alerto takot panganib
impormasyon tiwali tumakbo lehitimo

Isaisip

Mahusay! Talagang pinapahanga mo ako. Ngayon naman, nais kong


malaman ang naging lawak ng iyong kaalaman sa mga hakbang sa
pagsasagawa ng kampanyang panlipunan (social awareness campaign).
Pagtibayin mo ang iyong mga natutuhang mahalagang konsepto tungkol sa
aralin sa bahaging ito.

Panuto: Dugtungan mo ang mga ideyang nasa loob ng kahon upang maging
gabay mo sa pagsagot ng iyong repleksyon tungkol sa iyong natutuhan at
naging karanasan sa paglalakbay sa araling ito. Isulat ang iyong sagot sa
hiwalay na papel.

Naimulat ng araling ito ang aking kaisipan sa

.
Napatunayan ko na mahalagang nauunawaan ko ang mga salitang
angkop na gamitin sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan (social
awareness campaign) upang

1
Isagawa

Nagagalak ako at tunay na malalim na ang iyong kaalaman sa mga


hakbang sa pagsasagawa ng kampanyang panlipunan (social awareness
campaign) upang ito ay maging malinaw, mabisa at maging malakas ang
hatak sa publiko. Kaya naman, nasisiguro kong mapagtatagumpayan mo ring
isabuhay ang mga kaalamang ito.

Panuto: Humingi ng ano mang pagkukunan ng impormasyon tungkol sa


kampanyang panlipunan (social awareness campaign) na isinusulong sa
inyong barangay tulad ng posters, flyers at iba pa. Suriin ang mga hakbang
sa pagbuo nito at ipaliwanag ang mga angkop na salitang ginamit sa
kampanyang ito. Sagutin ang mga tanong sa ibaba upang maging gabay mo
sa pagsusuring iyong gagawin. Gawin ito sa hiwalay na papel.

1. Ano ang paksa at layunin ng kampanyang panlipunang (social


awareness campaign) iyong nabasa?
2. Anong estratehiya ang ginamit sa kampanyang panlipunang (social
awareness campaign) ito?
3. Naging malinaw ba ang mensaheng nais ipabatid nito sa publiko?
Pangatwiranan.
4. Napapanahon ba ang paksa ng kampanyang panlipunang (social
awareness campaign) ito? Ipaliwanag.
5. Naaang-angkop ba ang mga salitang ginamit dito? Ipaliwanag.

Tayahin

Binabati kita sa matiyaga mong pagbabasa at pagsagot sa mga


inihanda kong gawain upang linangin ang iyong kaalaman sa araling ito.

Ngayon naman, dumako tayo sa pinakatampok ng yugtong ito, upang


masukat ko ang iyong naging pagkatuto sa kahalagahan ng pagsasagawa ng
kampanyang panlipunan (social awareness campaign). Handa ka na ba?
Kung gayon ay simulan mo nang sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag at tanong sa bawat
bilang. Piliin at isulat sa hiwalay na papel ang letra ng iyong sagot.

1. Ang kampanyang panlipunan (social awareness campaign) ay isang


instrumento sa pagpapalaganap ng bagong upang
magkaroon ng kamulatan ang publiko sa lipunang kanilang ginagalawan.
A. Impormasyon C. kaisipan
B. Kasanayan D. pahayag

2. Higit na magiging mabisa ang kampanya tungkol sa pag-iwas ng sunog


kung ito ay isasagawa sa buwan ng .
A. Agosto C. Hunyo
B. Hulyo D. Marso

3. Makatutulong nang malaki ang paglalagay ng , dahil kung


minsan, mas malakas ang dating nito sa publiko kaysa paggamit ng mga
salita.
A. larawan o simbolo C. makukulay na papel
B. lobo ng usapan D. salitang naghuhumiyaw

4. “Alamin ang batas at ang inyong karapatan”, anong adbokasiya ang


ipinaglalaban ng kampanyang panlipunang (social awareness
campaign) ito?
A. kampanya laban sa karahasan
B. kampanya laban sa ilegal na droga
C. kampanya laban sa pang-aabuso ng kalikasan
D. kampanya laban sa pang-aabuso sa kababaihan

5. Ang mga sumusunod ay ilang paalala upang maging mabisa at


matagumpay ang isang kampanyang panlipuan (social awareness
campaign) maliban sa isa.
A. pagsasagawa ng iba’t ibang gawain
B. pagkakaroon ng malawak na suporta
C. kawastuan at kalinawan ng mensahe
D. pagpasiyahan muna ang adbokasiyang ipaglalaban

6. “Hugasan agad ang sugat na mula sa kagat ng hayop tulad ng aso at


pusa”, Ang paksa ng kampanyang panlipunang (social awareness
campaign) na ito ay tungkol sa
A. pag-aalaga ng aso at pusa
B. pag-iwas sa banta ng rabies
C. paunang lunas sa paggamot ng sugat
D. tamang pamamaraan ng pagpapaligo sa alagang aso at pusa

1
7. Sa pagbuo ng kampanyang panlipunan (social awareness campaign),
mahalagang magkaroon ng sapagkat kung
wala nito, mawawalan ng saysay o kabuluhan ang adbokasiyang iyong
ipinaglalaban.
A. angkop na disenyo
B. iba’t ibang estratehiya sa pangangampanya
C. suportang manggagaling sa iba’t ibang sektor ng lipunan
D. salawikain at kasabihang magagamit sa pagbibigay ng
mensahe

8. Kinakailangang maikli, malinaw, at malakas ang dating ng mensahe ng


iyong kampanyang panlipunang (social awareness campaign)
ipinaglalaban dahil .
A. makatitipid sa papel na gagamitin
B. mapakikilos ang publiko sa adbokasiyang ipinaglalaban
C. madali itong mabasa ng mga ordinayong mga mamamayan
D. mababasa ito nang mabuti ng mga taong may problema sa
paningin

9. “Paninigarilyo… Huwag mong gawing abo ang buhay mo”, naaangkop ba


ang salitang nakasalungguhit sa kampanyang panlipunang (social
awareness campaign) ito?
A. Hindi, dahil hindi lahat ng namamatay ay nagiging abo.
B. Oo, dahil maaaring umikli ang iyong buhay dulot ng labis na
paninigarilyo.
C. Hindi, dahil sa pahayag na ito, sigarilyo lang ang maaaring
maabo at hindi ang buhay.
D. Oo, dahil maaaring magkaroon ng abo ang iyong baga sa labis
na paninigarilyo.

10. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga hakbang sa pagbuo ng isang


kampanyang panlipunan (social awareness campaign) maliban sa
isa.
A. Maglapat ng damdamin sa mga pahayag na binuo.
B. Pagpasiyahan muna ang adbokasiyang ipaglalaban o
ikakampanya.
C. Pagplanuhan kung paano ipapahayag ang mensahe ng
kampanya na ipinapahatid sa publiko.
D. Pag-aralang mabuti ang disenyo ng kampanyang panlipunan
(social awareness campaign) dahil nakaaakit sa mambabasa
ang magandang ayos at layout nito.

1
Karagdagang Gawain

Mahusay! Ngayon ay nasa huling yugto ka na ng araling ito at


nasisiguro ko ang lalim at lawak ng iyong pagkatuto tungkol sa mga hakbang
sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan (social awareness campaign)
at maging sa pagpapaliwanag ng mga salitang angkop gamitin sa pagbuo
nito. Kaya naman, naghanda pa ako ng isang gawain upang mapanatili mo sa
iyong isip at puso ang kabuluhan ng araling ito.

Panuto: Suriin ang sitwasyon sa loob ng kahon at gumawa ng mga hakbang


sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan (social awareness campaign)
gamit ang mga angkop na salita. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Bilang kabataan, paano ka makikiisa sa kampanya ng inyong barangay kontra COVID – 19?

1
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
Guimarie, Aida M. 2018. Pinagyamang Wika at Panitikan Batayang Aklat sa
Filipino 8. Vibal Group Inc. 1253 G. Araneta Avenue cor Maria
Clara St., Quezon City: Rex Book Store, Inc.

You might also like