You are on page 1of 6

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 8

Petsa: Marso 20, 2024


Baitang/Seksyon: Grade 8- Molave
Oras: 9:45 – 10:45 am

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng diskusyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala ang mga hakbang sa pagsasagawa ng kampanyang
panlipunan.
2. Nakapagbibigay ng kahalagahan at sariling halimbawa tungkol sa mga
isyung panlipunan na kinakailangan ng kampanya para makapaglaganap
ng kaalaman, at
3. Nagagamit ang mga wastong hakbang sa paggawa ng kampanyang
panlipunan sa pamamagitan ng role playing at poster slogan.
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Kampanyang Panlipunan
MELC- Nasusuri ang mga hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang
panlipunan ayon sa binasang impormasyon. (F8PB-IIIi-j-33)
Sanggunian: Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma- Wika at Panitikan
para sa Mataas na Paaralan, pahina 458-478
Kagamitan: Powerpoint, Laptop, TV, Pentelpen, Illustration Board

III. PAMAMARAAN
Panimulang Gawain (5 minuto)
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagbabalik-Aral
 Drill
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang.
Piliin at isulat sa hiwalay na papel ang letra ng iyong sagot.

1. Ano ang angkop na salita sa pahayag na, “Ang susi sa mabisang


pagpaplano laban sa kalamidad ay ang _____________”?
A. Kahandaan B. pakikinig C. pagdarasal D. pagtitipid
2. Ano ang angkop na salita upang mabuo ang pahayag na ito “Kung
kinakailangang lisanin ang tahanan, mag-iwan ng ______________
kung saan nakasaad ang lugar na patutunguhan”?
A. emergency kit B. pagkain C. mensahe D. palatandaan
3. Alin sa mga sumusunod na estratehiya ang hindi maaaring gamitin
sa
pangangampanya?
A. paglikha ng flyer at poster
B. pagpili ng mahusay na tagapagsalita
C. paggamit ng salawikain at kasabihan
D. pag-aanunsyo sa radyo, telebisyon at internet
4. Nakatutulong nang malaki ang paglalagay ng simbolo o larawan sa
pagbuo ng isang kampanyang panlipunan (social awareness
campaign)
dahil _________.
A. mas madali itong gawin
B. nakagaganda ito sa paningin
C. mas malakas ang dating nito sa publiko
D. nakatutulong ito sa pagpapaganda ng paligid
5. Ano-ano ang dapat taglayin ng isang mabisang kampanyang
panlipunan (social awareness campaign)?
A. Maikli, tiyak, at puno ng iba’t ibang detalye.
B. Maikli, malinaw, at malakas ang dating ng mensahe sa
publiko.
C. Maikli, malinaw, at may makukulay na mga larawan at
simbolo.
D. Makatawag-pansin, tiyak at nagtataglay ng makukulay at iba’t
ibang disenyo.

A. Pagganyak/Motibasyon (5 minuto)
MYSTERY BOX- Keep/Give
Panuto: Ang klase ay ipapangkat sa tatlo. Sa loob ng mystery box ay
may mga letra bawat letra ay may katanungan. Kailangan sagutin ng
mga grupo ang katanungan at kapag tumpak ang kanilang sagot ay
pipili sila sa KEEP or GIVE sa puntos na kanilang makukuha. Kapag
mali naman ang kanilang sagot ay mabibigyan ng pagkakataon ang
ibang grupo para sa pagsagot.

B. Panlinang na Gawain (20 minuto)


Panuto: Bawat bilang ay may nakasaad na letra. Upang mabuo ang salita
kinakailangan punuin ang patlang sa tamang letra basi sa bilang na
nakalagay. May mga kahulugan rin para may mapagkukunan ng sagot.

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z
1 2 3 4 5 6 7 8 9 1 11 12 1 14 1 16 17 1 19 2 21 22 2 24 2 26
0 3 5 8 0 3 5

1. __ __ __ __ __ __ __-
16 21 2 12 9 11 15
PUBLIKO
ay ang
grupomga
ng mga indibiduwal
kandidato at na tao at
mga ito rin ay nito ay
tagasunod
2. __ __ __ __ __ __ __ __-kabuuan ng nasabing
nagsasagawa ngpagpapangkat.
pangangampanya na isang
11 1 13 16 1 14 25 1 pakikipaligsahan sa ibang mga katunggaling
KAMPANYA kandidato para sa mga boto ng mga konsituente.

ay isang salitang Tagalog na nangangahulugang


3. __ __ __ __ __ __ __-
8 1 11 2 1 14 7 "step" sa Ingles.
HAKBANG

ay isang salitang Tagalog na tumutukoy sa


4. __ __ __ __ __ __ __ __ __ __-
16 1 14 12 9 16 21 14 1 14 mga bagay, pangyayari, o aspeto ng lipunan.
PANLIPUNAN

umutukoy sa kakayahan ng isang tao na


5. __ __ __ __ __ __ __ __ __ -
maunawaan, makilala, o magkaroon ng kaalaman
1 23 1 18 5 14 5 19 19
sa isang partikular na bagay, isyu, o sitwasyon.
AWARENESS

C. Pagsusuri/Analisis (5 minuto)
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano- ano ang mga salitang inyong napansin?
2. Paano nagkakaugnay ang mga salita?
3. Sa tingin niyo ba may kaugnayan ang gawaing ito sa paksang ating
tatalakayin ngayon?

D. Paglalahat/Abstraksyon (5 minuto)
1. Ano- ano ang mga hakbang sa pagsasagawa ng kampanyang
panlipunan?
2. Bakit mahalagang malaman at makilala ang mga hakbang sa
pagsasagawa ng kampanyang panlipunan?
3. Paano ito nakakatulong sa ating pangaraw-araw na buhay?

E. Paglalapat/Aplikasyon (10 minuto)


Panuto: Sa parehong grupo, magkakaroon ng iba’t ibang gawain na may
kaugnayan sa mga hakbang sa pagsasagawa ng kampanyang panlipunan.
Bubunot ang bawat pangkat kung ano ang kanilang mga gawain. Ang
pagpipilian nila ay role playing patungkol sa patalastas, hakbang sa
pagbibigay impormasyon at paggawa ng poster slogan para sa
pagbibigay ng kampanyang panlipunan.

IV. PAGTATAYA (5 minuto)


Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang talata.

Ang susi sa mabisang pagpaplano laban sa kalamidad ay ang


_______ (pagdarasal, kahandaan). Kinakailangan na ang bawat
mamamayan ay may __________ (kaalaman, kagustuhan) dahil ito ang
magiging sandata sa anumang kaganapan. Mahalagang makilala ang bawat
________ (hakbang, tunguhin) sa pangampanyang palipunan ng sa gayon
ang lahat ay hindi mangmang sa kaalaman. At sa pagsasagawa ng
kampanyang panlipunan mas mabuting lagyan ng _________ (anggulo,
larawan) para mas maintindihan at magkainteres ang mga mambabasa o
tagapakinig. Mahalaga ang mga hakbang na ito sa __________
(pagpapaunlad, pagtago) ng kamalayan lalo na’t ang tunguhin nito ay para
sa lipunan.
V. KASUNDUAN (5 minuto)
Panuto: Panuto: Ipaliwanag ang mga salitang angkop na gamitin sa pagbuo
ng isang kampanyang panlipunan (social awareness campaign) sa mga
pangungusap na may salungguhit. Piliin sa loob ng kahon ang sagot at isulat
ito sa hiwalay na papel.

tagtuyot /El Niño pagsabog ng bulkan tsunami


sunog pagbaha bagyo

_____________1. Kung makapansin ng kakaiba sa dagat tulad ng biglang


pagbaba ng tubig, kaagad lumikas patungo sa mataas na lugar.
Paliwanag:_______________________________________________
_________________________________________________________.
_____________2. Itago ang posporo o lighter sa lugar na hindi maaabot ng mga
bata.
Paliwanag:_______________________________________________
_________________________________________________________.
_____________3. Ayusin ang mga sirang bahagi ng inyong tahanan tulad ng
bubong upang hindi ito liparin ng malakas na hangin.
Paliwanag:_______________________________________________
_________________________________________________________.
_____________4. “Magtipid ng Tubig … Bawat Patak ay Mahalaga”
Paliwanag:_______________________________________________
_________________________________________________________.
_____________5. “Huwag matapon ng basura sa ilog, dahil ang basurang
itinapon mo ay babalik din sa iyo.”
Paliwanag:_______________________________________________
_________________________________________________________.
Inihanda ni: Ipinasa kay:
CYRYLL KATE C. JURADA CARLINE JANE
DUSAL
Student-Teacher Cooperating Teacher

You might also like