You are on page 1of 24

KAGAWARAN NG EDUKASYON

SANGAY NG LUNGSOD NG JOSE DEL MONTE


San Ignacio St., Poblacion, City of San Jose del Monte 3023
8
Filipino
Kwarter 2– Modyul: 4
Nakapaglalahad sa Paraang
Pagsulat ng Pagsang-ayon at
Pagsalungat sa Isang Argumento
(F8PU-IIc-d-25)
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Nakapaglalahad sa Paraang Pagsulat ng
Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Isang Argumento

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas


8

Filipino
Kwarter 2 – Modyul :4
Nakapaglalahad sa Paraang
Pagsulat ng Pagsang-ayon at
Pagsalungat sa Isang Argumento
(F8PU-IIc-d-25)

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas


PAUNANG SALITA
Isang malugod na pagbati ang ipinaabot sa iyo ng mga tagapagtaguyod
ng edukasyon. Bahagi ng hakbanging maging mapanuri, malikhain, may
katatasan sa pakikipagtalastasan at ganap ang pagkatao ng isang mag-aaral,
inihanda ang kagamitang pampagkatutong ito upang makaagapay ka sa ika-
21 siglong kasanayan.
Maingat na inihanda at sinuri ng mga guro at tagapagtaguyod ng
edukasyon sa pampublikong paaralan ng Sangay ng Lungsod ng San Jose del
Monte ang mga gawain/pagsasanay sa kagamitang pampagkatutong ito
upang malinang ang kritikal na kaalaman na magagamit sa aktuwal na
buhay at matamo ang konkretong pagkatuto na maghahatid sa isang
tematikong pagtanaw hinggil sa paggamit ng natutuhan.
Ang bawat gawain na inilahad sa modyul ito ay ibinatay sa
pamantayang pangkasanayan upang sanayin ang mag-aaral na tulad mo na
makalikha ng isang produktibong bunga ng iyong mga natutuhan. Bawat
gawain ay iniuugnay batay sa kakanyahang mailapat at mailipat ang mga
natutuhan sa isang kapaki-pakinabang na literasi.
Hangad ng mga tagapagtaguyod na maikintal sa iyong isipan ang
kapakinabangang matutuhan mo mula sa kagamitang ito upang maging
handa ka sa pagharap sa hamon ng buhay.
Handa ka na bang harapin ang pakikipagsapalaran sa pagbungkal ng
mga karunungan at kaalaman. Kung handa ka na, halika sabayan mo ako sa
pag-aaral ng mga aralin sa Asignaturang Filipino 8 upang sabay tayong
matuto. Maligayang Pag-aaral!
Naglalahad ang modyul na ito ng mga bahagi na may katumbas na icon
upang maunawaan mo ang araling iyong pag-aaralan at ang mga gawain o
pagsasanay na lubos na magpapatatag sa iyong kasanayan.

Alamin Mababasa at mauunawaan mo sa bahaging ito ang kasanayang


bibigyang diin sa modyul na ito upang mapaunlad.
Ito ay naglalaman ng pagsasanay na susukat ng iyong
Subukin natatagong kaalaman na may kaugnayan sa iyong karanasan.

Binibigyang pansin dito ang mga impormasyong napag-aralan


Balikan mo na mag-uugnay sa araling pag-aaralan mo sa modyul na ito.

Tuklasin Ipakikilala sa iyo sa bahaging ito ang bagong aralin sa tulong ng


lunsarang akdang pampanitikan.
Ang mga impormasyong dapat mong maunawaan at malinawan
Suriin ay nasa bahaging ito upang mapalawak at mapalalim mo ang
iyong pagkatuto sa aralin.

ii
Ang pagpoproseso sa mga kaalamang nailagak mo sa iyong
Isaisip isipan ay matutunghayan mo dito upang malaman mo ang
natamong kaalaman.
Ang pagtitiyak sa kasanayang nalinang ay masusukat sa
Isagawa bahaging ito sa pamamagitan ng paglilipat ng iyong natutuhan
upang magamit mo sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Titiyakin sa bahaging ito ang iyong mga natutuhan bilang
Tayahin pagtatasa upang mabigyan nang ibayong pansin ang mga
bahagi ng aralin na dapat pang paunlarin

Karagdagang Ang gawaing inihanda sa bahaging ito ay lalo pang


Gawain magpapaunlad ng mga natutuhan mula sa araling nakapaloob
sa modyul na ito
Malalaman mo ang iyong mga kamalian at wastong kasagutan
Susi sa sa tulong ng bahaging ito upang mapagnilayan ang iyong
Pagwawasto kalakasan at kahinaan sa pagtuklas ng kaalaman

Paalala
Nais kong ipaalala na ang modyul na ito ay isang mahalagang pamana
sa iyo ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na dapat mong pakaingatan.
Narito ang ilang tagubilin na iyong gagawin upang ito ay maingatan.
1. Panatilihing malinis at maayos ang modyul. Sagutin ang mga gawain na
inihanda sa modyul na ito.
2. Ugaliing basahin at unawain ang bawat panuto sa mga gawain bago
sagutan. Huwag iiwan ang gawain o pagsasanay na hindi natapos sagutan.
3. Itabi ang modyul sa isang maayos na lalagyan kapag hindi na ginagamit o
gagamitin. Isauli sa guro ang modyul matapos na masagutan ang mga gawain
o pagsasanay kasabay ang inihanda mong portfolio. Gawin mo itong
malikhain at maayos ang paghahanay ng mga sinagutang
gawain/pagsasanay.
4. Iwasan na mabahiran ng anumang mantsa, dumi o mabasa na magiging
sanhi ng pagkupas ng kulay nito.
5. Balikan ang mga naging kasagutan sa bawat pagsasanay o gawain. Itama
ito sa tulong ng susi sa pagwawasto. Pagnilayan ang mga maling sagot.
6. Maghanda ng hiwalay na sagutang papel para sa mga pagsasanay at
gawain na iyong sasagutan sa bawat bahagi ng paketeng ito. Ipunin ang mga
sagutang papel at ilagak mo sa iyong portfolio.

iii
Narito ang iyong gabay sa paghahanda ng Portfolio:

Portfolio para sa Filipino

Pangalan:
Baitang at Pangkat:
Petsa ng Pagpasa:
Guro:
Paaralan:
Punong guro:

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay binuo upang mahasa at mapaunlad ang iyong


mga kaalaman at mga kasanayan sa asignaturang Filipino. Sa pagtatapos ng
araling ito, inaasahang makakapaglalahad ka sa paraang pasulat ng
pagsang-ayon at pagsalungat sa isang argumento. (F8PU-IIc-d-25)

Pagkatapos ng mga gawain ay inaasahang makamit mo ang sumusunod na


mga layunin:
1. Natutukoy ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat.
2. Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang mga
salitang naghahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat.
3. Nakasusulat ng pahayag na may pagsang-ayon at pahayag na
pagsalungat.

Kumusta? Ako ang iyong makakasama sa


modyul na ito. Ikinagagalak kong ikaw ay
makilala!

1
Subukin

Halina’t ating subukin ang iyo nang nalalaman sa


araling ating tatalakayin ngayon.

Panuto: Basahin at pillin ang angkop na hudyat ng pagsang-ayon at


pagsalungat upang makumpleto ang pangungusap. Isulat mo ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. __________ ka, ang mga kabataaan ngayon ay higit na mulat sa mga


nangyayari sa kapaligiran.

a. oo c. tama
b. tunay d. talaga
2. Maaaring mas Malaya nga sila ngayon __________ makikita sa kanilang
mga kilos ang pag-unawa sa responsibilidad nila sa pamayanan.

a. bagamat c. datapwat
b. subalit d. tunay
3. __________, Ginoong Pangulo panig po ako sa inyong pala-palagay
tungkol sa mga kabataan.

a. oo c. tunay
b. opo d. talaga
4. __________ maraming dinaranas na pagubok ang bayan, lagi silang
umaagapay sa sinumang nangangailangan.
a. bagamat c. subalit
b. talaga d. oo
5. __________ ngang, handa nilang isakripisyo ang pansariling
kaginhawaan para lamang makatulong.
a. oo c. tunay
b. talaga d. tama
6. __________ sinubok ng pandemyang ito ng katatagan nating mga
Pilipino.
a. tunay c. oo nga
b. talagang d. taman

2
7. Mahigpit na nagpapatupad ang IATF ng mga patakaran upang
masugpo natin ang pagkalat ng Covid19 virus _________ marami pa rin
ang lumalabag dito.
a. tunay na c. bagamat
b. ngunit d. datapwat
8. Ang social media ay isang mabilis na paraan na ginagamit para sa
komunikasyon __________ ito rin ay ginagamit upang maipakalat ang
mga pekeng impormasyon.
a. ngunit c. datapwat
b. bagamat d. tunay ngang
9. __________ pa lang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay.
Huwag natin silang tularaan.
a. tunay c. totoo
b. tama d. talaga
10. __________ madali ang trabaho ng mga nagsisilbing frontliners ng ating
bansa
a. oo c. hindi
b. talagang d. hindi totoong
11. __________ na kalunos-lunos ang sinapit ng mga biktima ng bagyo.
a. oo c. tunay
b. talagang d. totoo
12. __________ akong nananalig na may plano ang Diyos sa ating lahat sa
kinakaharap na pandemyang ito.
a. tunay c. lubos
b. totoo d. talaga
13. __________ kailangan ng pagbabago, kaya’t gawin natin ito sa
tamang paraan.
a. tunay c. lubos
b. totoong d. talaga
14. __________ , hindi madali ang sistema ng edukasyon ngayon pero
kung gusto mong maakatapos ay maraming paraan upang matupad
ito.
a. tunay c. totoo
b. oo d. talaga
15. __________ ang paniniwalang iyan, napakahirap mabuhay sa mundo.

a. tunay c. totoo
b. hindi totoo d. tam

Mahusay ang iyong ipinamalas! Mukhang


magiging madali lamang sa iyo ang iba pang mga
gawain sa aralin na ito.

3
Balikan

Sa nakaraang aralin, iyong natutuhan ang pagbibigay


ng opinyon at katwiran tungkol sa paksa ng isang
balagtasan. Atin ngayon itong iugnay sa kasanayang
ating huhubugin sa modyul na ito, narito ang isang
gawain na makatutulong sa iyo.

Panuto: Magbigay ng iyong opinyon o katwiran tungkol sa paksa na nasa loob


ng kahon. Isulat sa iyong sagutang papel.

Bagong mukha ng Manila Bay

4
Tuklasin

Basahin ang dayalogo sa ibaba.

Isang umaga ay nag-uusap sina Aling Fe at Mang Teban…..


Aling Fe: Naniniwala ako na sa susunod na taon ay babalik na sa normal
ang ating pamumuhay.
Mang Teban: Sang-ayon ako sa iyong sinabi, ngunit kapag nagpatuloy pa
ang kawalan ng disiplina ng mga Pilipino ay ba tumagal pa na bumalik sa
normal ang lahat.
Aling Fe: Hindi ba’t tumutuklas na sila ng bakuna para sa virus?
Mang Teban: Oo, ngunit dadaan pa ito sa maraming proseso kaya’t hind
pa tayo nakatitiyak kung kalian magkakaroon ng gamot.
Aling Fe: naku, ganoon pala iyon. Akala ko ay madali lang gawin ang
gamot. Hindi pala.
Mang Teban: Tama, hindi talaga madaling gawin iyon, kahit nga ang mga
tanyag na bansa ay hindi pa nakagagawa ng gamot eh.
Aling Fe: Nauunawaan kita subalit sa panahon ngayon ay dapat maging
positibo tayo. Hindi positibo sa virus bagkus positibong pananaw.
Mang Teban: Iyan ang nararapat na gawin nating lahat. Maging positibo
sa lahat ng bagay at talagang magtiwala sa Poong Maykapal.

5
Suriin

Lubos mo bang naunawaan ang diyalogong binasa?


Ngayon ating alamin ang paksang tatalakayin.

ALAM MO BA?
Gaya ng binasang dayalogo bahagi ng araw-araw na diskurso ng tao ang pagsang-
ayon o pagsalungat sa paksang pinag-uusapan. Hindi lahat ng mga detalye o
mensahe ng pahayag ng kausap ay sinasang-ayunan o tinututulan. Sa
pagpapahayag ng pagsang-ayon o pagtutol, mahalagang maunawaan nang lubos
ang pahayag upang makapagbigay ng katuwiran na magpapatibay sa ginawang
pagtutol o pagsang-ayon.
Mahalagang malaman natin ang mga pananalita o hudyat na dapat gamitin sa
pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat.
 Pahayag na pagsang-ayon- Ito ay nangangahulugang pagtanggap,
pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag.
Halimbawa:
Sang-ayon ako, Iyan ang nararapat, Pareho tayo ng iniisip, Ganyan din ang
palagay ko, Oo, Tunay na, Tumpak, Talaga, Tama, Sumasang-ayon, Bilib
ako sa iyong sinabi, Kaisa mo ako sa bahaging iyan, Ganoon nga,
Maaasahan mo ako riyan, Sige, Talagang kailangan, Lubos akong
nananalig, Tama ang sinasabi mo, at iba pa.
 Pahayag na pagsalungat- Ito ay pahayag na nangangahulugang pagtanggi,
pataliwas, pagtutol, at pakontra sa isang pahayag o ideya.
Halimbawa:
Hindi ako sang-ayon, Mabuti sana ngunit, Ikinalulungkot ko ngunit,
Nauunawaan kita subalit, Bakit ‘di natin, Ayaw, Hindi, Ngunit, Subalit, ali,
Walang katotohanan, Hindi ko matatanggap ang iyong sinabi, Ayaw ko ang
pahayag na, at iba pa.

Naunawaan mo ba ang mga pang-ugnay na ginagamit


sa pagsasalaysay o pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento? Kung gayon ay iyong sagutan
ang gawaing nasa ibaba.

6
Pagyamanin

Sagutan mo ang mga sumusunod na gawain


upang mapaunlad ang mga bagong kasanayang
iyong natutuhan.

Gawain 1

Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Iguhit ang mukhang nakangit
 kung ito’y nagpapahayag ng pagsang-ayon at mukhang malungkot  kung
pagsalungat. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

___ 1. Lubos akong nananalig na babalik na sa normal ang ating buhay.


___ 2. Ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda ang
buhay ngayon sa noon.
___ 3. Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa
mundo.
___ 4. May mga taong negatibo ang pananaw sa buhay. Huwag natin silang
tularan.
___ 5. Talagang kailangan nating sumunod sa mga patakarang iniuutos ng
ating pamahalaan.
___ 6. Kaisa ako sa lahat ng mga patakarang ipnag-uutos ng pamahalaan
upang mapangalagaan ang sarili sa virus.
___ 7. Maling-mali talaga ang mga pagbabago kung ito’y hindi maakabubuti
sa lahat.
___ 8. Hindi ko matanggap ang mga taong nanloloko ng iba para lang
pansariling kagustuhan.
___ 9. Tunay na dakila ang mga maituturing din natin bayani na mga
frontliners.
___ 10. Sadyang mahirap ang bagong sistema ng edukasyon ngayon, ngunit
kung tayo ay may pagsisikap at nais na makatapos ay walang mahirap.

7
Gawain 2

Panuto: Salungguhitan ang ginamit na hudyat ng pagsang-ayon o


pagsalungat sa bawat pangungusap. Isulat din kung ito ba ay pagsang-ayon
o pagsalungat. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Hindi kailanman malulutas ang suliranin ng bagong suliranin.


2. Dapat lamang na kilalanin natin ang kadakilaan ng mga frontliners sa
panahon ng pandemya.
3. Walang mangyayari kung paiiralin ang diskrriminasyon sa ating
lipunan.
4. Kaisa ako sa programang gagawin nila para sa ating Baranggay.
5. Ang relihiyon ay totoong nakatutulong sa pagbabagong buhay ng isang
tao.
6. Naniniwala akong ang sagot sa lahat ng problema ko ay ang panalangin
sa Diyos.
7. Iyan ang nararapat nating gawin, ang sumunod sa ipinaguutos ng
pamahalaan.
8. Mahirap ang buhay, ngunit hindi solusyon ang paggawa ng masama.
9. Tunay ngang patuloy na tumataang ang bilang ng nagkakaroon ng
sakit.
10. Pareho tayo ng iniisip na walang disiplina ang kaaramihan sa mga
Pilipino.

8
Gawain 3

Panuto: Punan ng naaangkop na hudyat ng pagsang-ayon o pagsalungat ang


mga patlang upang mabuo ang diwa ng talata. Piliin ang sagot sa kahon sa
ibaba.
Katarungan Laban sa Karahasan
Mary Grace O. Isorena
Ang Kalahi – Mataas na Paaralang Torres
Enero, 2003
(1)__________ isang makabuluhang tugon ang muling pagpapatupad ni
Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa parusang kamatayan bunga ng
lumulubhang paglaganap ng kriminalidad sa mga Tsinoy sa bansa.

(2)__________, magkahalong damdamin ang ibinubunga ng deklarasyong ito:


pag-asa para sa mga pamilyang nabiktima ng pandurukot na makamit ang
katarungan at malaking pagtutol sa panig ng simbahan dahil taliwas ito sa
banal na kautusan ng Diyos habang kalungkutan naman ang bumalot sa puso
ng karamihan sapagkat kinakailangan pang kumitil ng buhay ala-alang sa
katiwasayan ng bansa.

Isinasaad sa Saligang Batas ng 1987 ang pagsasawalang-bisa ng parusang


kamatayan (3)__________ muli itong ipinatupad ni Pangulong Fidel V. Ramos
noong 1994 kung saan si Leo Echegaray ang pinatawan ng parusang kamatayan
sa salang panghahalay sa kanyang sariling anak.

Sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Joseph E. Estrada ay


muling inalis ang death penalty dahil (4)__________siya naniniwalang sapat ito
upang mabawasan ang karahasan sa bansa subalit ngayon sa pamumuno ni
Pangulong Arroyo (5)__________ niyang ipagpaliban sa taong 2004 ang
pagpapataw ng nasabing parusa kung saan tinatayang 191 ng death convicts
ang nakahanay sa death row – patunay lamang na laganap pa rin ang
kriminalidad sa bansa.

Samantala, dalawang bagay lamang ang maaaring dahilan kung bakit


ipatutupad ang batas sa death penalty. Ang una’y (6)__________ na ninanais ng
pamahalaan na mabigyang katarungan ang mga nabiktima ng pandurukot
habang ang ikalawa’y naniniwala ang ating Pangulo na sa pamamagitan nito’y
mababawasan ang kriminalidad sa bansa.

(7)__________, ang pag-aalis sa moratorium ng parusang kamatayan ay ang


nalalabing paraan upang maitaguyod ang matahimik, maunlad at matatag na
republika. Gayundin naman, tungkulin natin bilang mga mamamayan na
pangalagaan ang ating mga sarili at makiisa sa mga kampanyang inilulunsad
ng pamahalaan laban sa kriminalidad at karahasan.

Mula sa https://kapitolyohs.files.wordpress.com/2011/09/modyul-9.pdf
Pagpipilian:

9
tunay subalit
oo ayaw
opo talagang
hindi

Magaling! Ngayon ay natitiyak kong magagamit mo


sa pang-araw-araw na pamumuhay ang kasanayang
iyong natutuhan sa araling ito!

Isaisip

Tayo nang magkaroon ng repleksiyon


hinggil sa ating natutunan sa paksa.

Panuto: Pagnilayan at ipaliwanag ang iyong sagot sa tanong na nasa ibaba.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Halaga ng Wika. Bakit mahalagang matutuhan mo ang tamang paraan ng


paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat?
Pangatuwiranan.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

10
Isagawa

Ngayon naman, gawin mo ang inihandang gawain


para sa iyo upang ikaw ay makapag-isip-isip ng mga
nangyayari sa panahon natin ngayong mayroong
pandemya.

Panuto: Bumuo ng isang sanaysay tungkol sa paksang “Dapat bang mag-


uniporme ang mga mag-aaral tuwing online class” gamit ang mga hudyat ng
pagsang-ayon at pagsalungat. Isulat sa isang buong papel.

Pamantayan Iskor
a. Nillaman 10
puntos

b. Kaugnayan sa paksa 10
puntos

c. Orihinalidad 5 puntos
d. Gumamit ng hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat 5 puntos
Kabuuan: 30
puntos

11
Tayahin

Atin ngayong tayahin ang lahat ng


iyong natutuhan sa araling ito.

Panuto: Basahin at piliin ang angkop na hudyat ng pagsang-ayon at


pagsalungat upang makumpleto ang pangungusap. Isulat mo ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1.Ang social media ay isang mabilis na paraan na ginagamit para sa


komunikasyon __________ ito rin ay ginagamit upang maipakalat ang mga
pekeng impormasyon.
a. ngunit c. datapwat
b. bagamat d. tunay ngang

2. __________, Ginoong Bartolome panig po ako sa inyong pala-palagay


tungkol sa mga kabataan.
a. oo c. tunay
b. opo d. talaga
3.__________ sinubok ng pandemyang ito ang katatagan nating lahat.
a. tunay c. oo nga
b. talagang d. tama
4.__________ ka, ang mga kabataaan ngayon ay higit na mulat sa mga
nangyayari sa kapaligiran.
a. oo c. tama
b. tunay d. talaga
5.__________ ang paniniwalang iyan, napakahirap mabuhay sa mundo.
a. tunay c. totoo
b. hindi totoo d. tama
6.__________ kailangan ng pagbabago, kaya’t gawin natin ito sa tamang
paraan.
a. tunay c. lubos
b. totoong d. talaga
7. Mahigpit na nagpapatupad ang IATF ng mga patakaran upang masugpo
natin ang pagkalat ng Covid19 virus _________ marami pa rin ang lumalabag
dito.
a. tunay na c. bagamat
b. ngunit d. datapwat

12
8.__________ madali ang trabaho ng mga nagsisilbing frontliners ng ating
bansa
a oo c. hindi
b. talagang d. hindi totoong
9.__________ , hindi madali ang sistema ng edukasyon ngayon pero kung
gusto mong maakatapos ay maraming paraan upang matupad ito.
a. tunay c. totoo
b. oo d. talaga
10.__________ na kalunos-lunos ang sinapit ng mga biktima ng bagyo.
a. oo c. tunay
b. talagang d. totoo
11.Maaaring mas malaya nga sila ngayon __________ makikita sa kanilang
mga kilos ang pag-unawa sa responsibilidad nila sa pamayanan.
a. bagamat c. subalit
b. datapwat d. tunay
12.__________ akong nananalig na may plano ang Diyos sa ating lahat sa
kinakaharap na pandemyang ito.
a. tunay c. lubos
b. totoo d. talaga

13.__________ maraming dinaranas na pagubok ang bayan, lagi silang


umaagapay sa sinumang nangangailangan.
a. bagamat c. subalit
b. talaga d. oo
14.__________ ngang, handa nilang isakripisyo ang pansariling kaginhawaan
para lamang makatulong.
a. oo c. tunay
b. talaga d. tama

15.__________ pa lang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay.


Huwag natin silang tularaan.
a. tunay c. totoo
b. tama d. talaga

Binabati kita! Isang karagdagang


gawain na lamang ay tapos mo na
ang modyul na ito. Ipagpatuloy mo
lang ang iyong paghahangad na
matuto at tiyak na ikaw ay
magiging matagumpay!

13
Karagdagang Gawain

A. Panuto: Magbigay ng 3 bagay na sinasang-ayunan mo sa bagong


sistema ng edukasyon sa panahong ng pandemya o ang Distance
Learning Modality. Gumamit ng mga hudyat ng pagsang-ayon at isulat
sa sagutang papel ang iyong sagot.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_________________________________________

B. Panuto: Magbigay ng 3 bagay na hindi mo sinasang-ayunan tungkol


sa panuntunan sa paggamit ng motorcycle barriers bilang proteksyon
sa Covid 19. Gumamit ng mga hudyat sa pagsalungat at isulat sa
sagutang papel ang iyong sagot.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_________________________________________

13
13
Subukin Balikan
1. C 11. C Malayang sagot ng mag-aaral
2. B 12. C
3. B 13. B
4. A 14. B
5. C 15. B
6. B
7. B
8. A Pagyamanin
9. C Gawain 1
10.C 1. 
2. 
3. 
Isaisip
4. 
Malayang sagot ng 5. 
mag-aaral 6. 
7. 
Isagawa 8. 
Malayang sagot ng 9. 
mag-aaral 10.
Gawain 2
Tayahin 1. Hindi- Pagsalungat
1. A 2. Dapat- Pagsang-ayon
2. B 3. Walang- Pagsalungat
3. B 4. Kaissa ako- Pagsang-ayon
4. C 5. Totoong- Pagsang-ayon
5. D 6. Naniniwala akong-
6. B Pagsang-ayon
7. B 7. Iyana ng nararapat-
8. D Pagsang-ayon
9. B 8. Ngunit-Pagsalungat
10.C 9. Tunay ngang-Passang-ayon
11.C 10.Pareho tayo- Pagsang-ayon
12.C 11.
13.A Gawain 3
14.C 1. Talagang 6. Tunay
15.D 2. Oo 7. Opo
Karagdagang gawain 3. Subalit
4. Hindi
Malayang sagot ng
5. Ayaw
mag-aaral
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Agnes Wilma D., Ruiz Florian L., Tiongson Pat C et al., Ang Batikan Baitang 8,
Cubao, Quezon City: Educational Resources Corporation, 2015, pp. 154-155

Internet

https://prezi.com/nmb9mc1rmynu/pagsang-ayon-at-pagsalungat-sa-pagpapahayag-ng-
opinyon/

https://www.slideshare.net/kathy_mac/pagsang-ayon-at-pagsalungat-sa-pagpapahayag-
ng-opinyon
This material was contextualized and localized by the
Learning Resource Management Section (LRMS)
SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE

MERLINA P. CRUZ PhD, CESO VI


Officer-in-Charge
Office of the Schools Division Superintendent

ERICSON S. SABACAN EdD, CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

ROLANDO T. SOTELO DEM


Chief Education Curriculum
Curriculum and Implementation Division

ANNALYN L. GERMAN EdD


Education Program Supervisor, LRMS

AMELITA A. CAMPO
Education Program Supervisor, Filipino

KAMILLE C. DE GUZMAN
Kaypian National High School
Writer

TRINI D. STA. MARIA


Kaypian National High School
Writer/Illustrator

ANA CARA C. MANALO


Bagong Buhay G Elementary School
Layout Artist

MICHAEL L. SANTOS
Bagong Buhay G Elementary School
Cover Art Designer

JOANNA H. POLICARPIO
Kaypian National High School
Content Editor

WILMA P. BASILIO
Kaypian National High School
Language Reviewer
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of San Jose Del Monte City –


Learning Resource Management and Development Section (LRMDS)

San Ignacio Street, Poblacion, City of San Jose Del Monte, Bulacan

Email Address: lrmssdosjdmc@gmail.com

You might also like