You are on page 1of 24

KAGAWARAN NG EDUKASYON

SANGAY NG LUNGSOD NG JOSE DEL MONTE

San Ignacio St., Poblacion, City of San Jose del Monte 3023
8
Filipino
Kwarter 2 – Modyul: 3
Naibibigay ang Opinyon at
Katuwiran Tungkol sa Paksa ng
Balagtasan
(F8PB-IIc-d-25)
Filipino – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Kwarter 2 – Modyul: 3: Naibibigay ang Opinyon at Katuwiran Tungkol sa
Paksa ng Balagtasan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng

produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o

ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas

8

Filipino
Kwarter 2 – Modyul: 3
Naibibigay ang Opinyon at
Katuwiran Tungkol sa Paksa ng
Balagtasan
(F8PB-IIc-d-25)

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas

PAUNANG SALITA
Isang malugod na pagbati ang ipinaabot sa iyo ng mga tagapagtaguyod
ng edukasyon. Bahagi ng hakbanging maging mapanuri, malikhain, may
katatasan sa pakikipagtalastasan at ganap ang pagkatao ng isang mag-aaral,
inihanda ang kagamitang pampagkatutong ito upang makaagapay ka sa ika-
21 siglong kasanayan.
Maingat na inihanda at sinuri ng mga guro at tagapagtaguyod ng
edukasyon sa pampublikong paaralan ng Sangay ng Lungsod ng San Jose del
Monte ang mga gawain/pagsasanay sa kagamitang pampagkatutong ito
upang malinang ang kritikal na kaalaman na magagamit sa aktuwal na
buhay at matamo ang konkretong pagkatuto na maghahatid sa isang
tematikong pagtanaw hinggil sa paggamit ng natutuhan.
Ang bawat gawain na inilahad sa modyul ito ay ibinatay sa
pamantayang pangkasanayan upang sanayin ang mag-aaral na tulad mo na
makalikha ng isang produktibong bunga ng iyong mga natutuhan. Bawat
gawain ay iniuugnay batay sa kakanyahang mailapat at mailipat ang mga
natutuhan sa isang kapaki-pakinabang na literasi.
Hangad ng mga tagapagtaguyod na maikintal sa iyong isipan ang
kapakinabangang matutuhan mo mula sa kagamitang ito upang maging
handa ka sa pagharap sa hamon ng buhay.
Handa ka na bang harapin ang pakikipagsapalaran sa pagbungkal ng
mga karunungan at kaalaman? Kung handa ka na, halika sabayan mo ako
sa pag-aaral ng mga aralin sa Asignaturang Filipino 8 upang sabay tayong
matuto. Maligayang Pag-aaral!
Naglalahad ang modyul na ito ng mga bahagi na may katumbas na icon
upang maunawaan mo ang araling iyong pag-aaralan at ang mga gawain o
pagsasanay na lubos na magpapatatag sa iyong kasanayan.

Alamin Mababasa at mauunawaan mo sa bahaging ito ang

kasanayang bibigyang diin sa modyul na ito upang
mapaunlad.
Ito ay naglalaman ng pagsasanay na susukat ng
Subukin iyong natatagong kaalaman na may kaugnayan sa
iyong karanasan.
Binibigyang pansin dito ang mga impormasyong
Balikan napag-aralan mo na mag-uugnay sa araling pag-
aaralan mo sa modyul na ito.

Tuklasin Ipakikilala sa iyo sa bahaging ito ang bagong aralin

sa tulong ng lunsarang akdang pampanitikan.
Ang mga impormasyong dapat mong maunawaan at
Suriin malinawan ay nasa bahaging ito upang mapalawak at
mapalalim mo ang iyong pagkatuto sa aralin.

ii
Ang pagpoproseso sa mga kaalamang nailagak mo sa
Isaisip iyong isipan ay matutunghayan mo dito upang
malaman mo ang natamong kaalaman.
Ang pagtitiyak sa kasanayang nalinang ay
Isagawa masusukat sa bahaging ito sa pamamagitan ng
paglilipat ng iyong natutuhan upang magamit mo sa
pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Titiyakin sa bahaging ito ang iyong mga natutuhan
Tayahin bilang pagtatasa upang mabigyan nang ibayong
pansin ang mga bahagi ng aralin na dapat pang
paunlarin

Karagdagang Ang gawaing inihanda sa bahaging ito ay lalo pang

Gawain magpapaunlad ng mga natutuhan mula sa araling
nakapaloob sa modyul na ito
Malalaman mo ang iyong mga kamalian at wastong
Susi sa kasagutan sa tulong ng bahaging ito upang
Pagwawasto mapagnilayan ang iyong kalakasan at kahinaan sa
pagtuklas ng kaalaman

Paalala
Nais kong ipaalala na ang modyul na ito ay isang mahalagang pamana
sa iyo ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na dapat mong pakaingatan.
Narito ang ilang tagubilin na iyong gagawin upang ito ay maingatan.
1. Panatilihing malinis at maayos ang modyul. Sagutin ang mga gawain na
inihanda sa modyul na ito.
2. Ugaliing basahin at unawain ang bawat panuto sa mga gawain bago
sagutan. Huwag iiwan ang gawain o pagsasanay na hindi natapos sagutan.
3. Itabi ang modyul sa isang maayos na lalagyan kapag hindi na ginagamit o
gagamitin. Isauli sa guro ang modyul matapos na masagutan ang mga gawain
o pagsasanay kasabay ang inihanda mong portfolio. Gawin mo itong
malikhain at maayos ang paghahanay ng mga sinagutang
gawain/pagsasanay.
4. Iwasan na mabahiran ng anumang mantsa, dumi o mabasa na magiging
sanhi ng pagkupas ng kulay nito.
5. Balikan ang mga naging kasagutan sa bawat pagsasanay o gawain. Itama
ito sa tulong ng susi sa pagwawasto. Pagnilayan ang mga maling sagot.
6. Maghanda ng hiwalay na sagutang papel para sa mga pagsasanay at
gawain na iyong sasagutan sa bawat bahagi ng paketeng ito. Ipunin ang mga
sagutang papel at ilagak mo sa iyong portfolio

iii
Narito ang iyong gabay sa paghahanda ng Portfolio:

Portfolio para sa Filipino

Pangalan:
Baitang at Pangkat:
Petsa ng Pagpasa:
Guro:
Paaralan:
Punong guro:

iv
Alamin

Ang mundo ay nababatay sa iyong pagpapasya sa kung ano ang tama

at mali, ang dapat at hindi dapat. Ang araling ito ang isa sa magbibigay
linaw sa mga kaisipang nais mong ibulalas. Ang tutulong upang
mailahad ang mga nakatagong kalaman pampanitikan sa larangan ng
pagtatalo sa paraang patula bilang balagtasan.

Kaya naman sa pagtatapos ng madyul na ito naibibigay mo na ang

iyong opinyon at katuwiran tungkol sa paksa ng balagtasan. (F8PB –
llc – d – 25)

Ikaw rin at ay inaasahang:

1. nailalahad ang kaisipan, katwiran, opinyon ukol sa paksa;
2. nasusuri ang gampanin ng ilang mga tauhan na bumubuo sa
balagtasan; at
3. nakabubuo ng sariling akdang pambalagatasan batay sa
hinihingi ng pamantayan.

1
Subukin

A. Sa pamamagitan ng KWHL sagutin ang mga tanong sa bawat hanay

ukol sa paksang balagtasan. Paunang sagutin ang una hanggang
ikatlong hanay. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito
muli balikan at sagutin ang huling hanay.

K-KNOW- W-WANT- H-HOW- L-LEARNED-

Ano ang alam Ano ang nais Paano m Ano ang
mo na? mong makikita ang naunawaan
malaman? nais mong mo?
maunawaan?

Sa Gawain na ito ay nasubok na ang iyong kaalaman. Mahusay

mong nailahad ang iyong dating kaalaman at ang iyong nais pang
maunawaan. Ngayon naman ay ipagpatuloy natin ang pag-aaral
tungkol sa Balagtasan.

B. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Sa

iyong sagutang papel piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

a. lakandiwa b. balagtasan c. mambabalagtas

d. manonood e. Francisco Balagtas f. Juan Luna
g. duplo

1. Isang uri ng pagtatalong patula na nakilala noong Panahon ng

mga Amerikano. Itinuturing itong higit na sopistikado kaysa
karaniwang debate.
2. Siya ang nagpapakilala ng paksang pagtatalunan.
3. Sa kanya ipinangalan ang balagtasan bilang pagpaparangal sa
kaniyang ambag sa panulaang Tagalog.
4. Sila ang tagapakinig at maaaring maging hurado sa balagtasan.
5. Sila ang mga makatang nagtutunggali sa balagtasan.

2
Balikan

Sa bahaging ito muli mong alalahanin ang mga kaalaman na iyong

taglay. Halika’t iyong ilahad ang nangingibabaw na kaisipan ukol sa
paksang mababasa. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Alin ang mas mahalaga ang kalusugan o karunungan?
_____________________________________________________________________

Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang Balagtasan na pinamagatang “Ang

Nakaraan ang Salamin ng Kasalukuyan; Noon o Ngayon?” Suriin at
alamin ang kahalagahan ng akdang ito.

“Ang Nakaraan ang Salamin ng Kasalukuyan; Noon o Ngayon?”

Lakandiwa: Sa madlang naririto halina’t ating pakinggan,

Pagtatalo ng dalawang panig ating tunghayan,
Paksang itatanghal noon o ngayon,
Nang dalawang mandirigma sa larangan ng panulaan,
Palitan ng sambitan dala ay karunungan,
Sino nga ba ang mananatili sa entablado ng
paninindigan?

3
Si Noon na salamin ng kasalukuyan?
o si Ngayon na ating pinanghihinayangan.
Atin nang simulan ang tapatan sa balagtasan,
Bilang inyong lakandiwa ninanais ko’y marangal na
labanan.

Noon: Malugod na pagbati sa lahat ng madla,

Nasa harapan ninyong lahat noon ang itatakda,
Ako ang salamin ng kasalukuyan at batayan ng
pagpapasya,
Mariin kong ipagmamayabang kasaganaan na aking
natamasa,
Kalayaan, kapayapaan, kaunlaran na kanyang biyaya
Masayang huni ng ibon, malinis na hangin,
Kalmadong tubig, masaganang lupa’t magandang
tanawin,
Akin ring bibigyan ng pansin ang masaganang
pamumuhay,
Maayos na pangangatawan, kahabaan ng buhay,
Na malayong malayo sa kasalukuyan.

Lakandiwa: Ang makatang si Noon ay kaginhawaan ang batid,

Kay sarap sariwain nakaraang niyang hatid,
Kaya naman atin ng pakinggan ang hirit
ni Ngayon ating isa-isip.

Ngayon: Mapagpalang araw para sa ating lahat!

Ako’y magpapatuloy hindi man sasapat,
Ngunit makasisiguradong ako’y magiging tapat,
Ako’y kasalukuyan ang resulta ng nakaraan,
Hindi itatanggi kalagayan ko ngayo’y hindi masukat,
Salamat sa iyo Noon,
Natatamasa mong kalayaan, kapayapaan, kaunlaran
nasaan ngayon?
Ako’y naghihinanakit, nagagalit, pagka’t ako’y nagdurusa,
Lumalalang sakit sa lipunan aking natatamasa.

Lakandiwa: Sa dalawang makata ako’y natutuwa,

Si Ngayon na binigyang linaw
ang katagang “kasalukuyan ang resulta ng nakaraan”
Atin nang ipagpatuloy palitan ng katwiran.

4
Noon: Iyong pagdurusa huwag sa akin isisi,
Pagka’t iyan ay parusa sa tulad mong walang bait sa
sarili,
Ang iyong kinahinatnan ay wag ibuntong sa iba,
Desisyon ay ginawa panindigan ng tama.

Ngayon: Huwag sayong isisi? Tunay ngang ika’y bulag,

Winiwika mong ika’y salamin ng kasalukuyan,
bakit di mo tanggap ngayon ang resulta,
Na ikaw ang dahilan ng paghihirap ng iba.

Noon: Problema mo’y, problema mo!

Problema ko’y, problema ko!
Mahirap tanggapin,
Ikaw ay alipin,
Nang pagdurusa ng kahapon,
Sa iyo’y pilit ibinabaon.

Ngayon: Basurang mula sayo,

Sa akin ibinabato,
Ako ngayo’y lugmok,
Sa mga bagay na ikaw ang tumutok,
Tapos sasabihin mong sayo’y huwag isisi?
Ang hinagpis ko’y ikaw ang sanhi.

Noon: Ikaw nga ay may punto,

Maari ngang ako ang dahilan ng sakit ng ulo,
Kaya ako ay humihingi ng pasensya,
Pagkat ako’y nakokonsensya,
Sa pasya na ginawa,
Ikaw ang namroblema.

Ngayon: Ako may hihingi rin ng paumanhin,

Sa kinasadlakan ko’y sayo ibinaling,
Karapatdapat ka sa aking paghanga,
Pagkat ikaw parin ang dahilan ng ilang ginhawa,
Hindi man lahat ay maganda,
Pero ako’y ikaw rin sa susunod na pahina.

5
Lakandiwa: Ako’y binigyan ng kapangyarihan upang wakasan ang
balagtasan,
Ang hatol ko ngayon ay inyo ng pakinggan,
Kapwa magkaakibat si Noon at Ngayon,
Bilang aking pasya maging aral ang nakaraan sa
kasalukuyan,
Pagkat ang nagdaan ay parte ng kasalukuyan,
At ang Ngayon ay magiging Noon kinabukasan.

Matapos mong basahin ng may kaunawaan ang akdang ito, sa iyong

sagutang papel sagutin ang mga sumusunod:

1. Bakit hindi sangayon ang makatang panig sa dunong na higit na

mahalaga ang NOON kaysa NGAYON? Sumasang-ayon ka ba sa
kanyang pangangatwiran? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng Lakandiwa sa kanyang pahuling mga
salita na “Kapwa magkaakibat ang Noon at Ngayon”
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon, nais mo bang balikan ang
nakaraan? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

6
Suriin

Alam mo na ba?

Ang balagtasan ay isang pagtatalong patula na isinilang noong

Panahon ng mga Amerikano. Maituturing itong higit na
sopistikado kaysa karaniwang debate. Sa karaniwang pagtatalo,
madaling nakakapagsalita ang isang kalahok dahil tuloy-tuloy
na pangungusap lamang ang kaniyang gamit. Inaasahan din na
ang mga lalahok dito ay gagamit ng piling salita na masining at
matalinghaga at hinanay ng patula (sukat, tugma, at indayog).
Ang mga sumusunod naman ay ang mga mahahalagang tauhan
na bumubuo sa isang balagtasan:
. 1. Lakandiwa – siya ang nagpapakilala ng paksang
pagtatalunan. Siya rin ang namamagitan sa
magkatunggaling panig at nagbibigay ng hatol kung sino
ang nagwagi.
2. Mga Mambabalagtas – sila ang mga makatang nagtatalo sa
balagtasan. Layunin ng mambabalagtas na mag-isip at
sumulat ng mga makabuluhang argumento at higit sa
lahat ay mahikayat ang mga manonood.
3. Mga Manonood – sila ang sumasaksi sa balagtasan.
Inaasahan na sila ay makikinig ng may panuring pag-iisip
upang kanilang mapalalim ang kanilang kamulatan ukol
sa isyu na pinagtatalunan. Sukatan din ang kanilang
palakpak at hiyawan upang malaman kung sino ang
kanilang pinapanigan.

Ngayong nabasa mo na ang kahulugan ng balagtasan at ang

mahahalagang tauhan nito, nais kong malaman kung ano ang iyong nauwaan
ukol dito.

BALAGTASAN

7
Pagyamanin

Sa bahaging ito ng modyul ating paunlarin ang mga kaalaman na iyong

taglay. Bilang panuto bigyan mo ng opinyon o katwiran ang ilang mga
saknong mula sa pahayag ng mga tauhan sa balagtasan sa akdang “Ang
nakaraan ang salamin ng kasalukuyan; Noon o Ngayon?”

1. Mula sa pahayag ni Ngayon

Basurang mula sayo

Sa akin ibinabato
Ako ngayo’y lugmok
Sa mga bagay na ikaw ang tumutok
Tapos sasabihin mong sayo’y wag isisi?
Ang hinagpis ko’y ikaw ang sanhi.
________________________________________________________________________

2. Mula sa Pahayag ni Noon

Iyong pagdurusa huwag sa akin isisi,

Pagka’t iyan ay parusa sa tulad mong walang bait sa sarili,
Ang iyong kinahinatnan ay wag ibuntong sa iba,
Desisyon ay ginawa panindigan ng tama.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

8
3. Mula sa pahayag ni Ngayon

Huwag sayong isisi? Tunay ngang ika’y bulag,

Winiwika mong ika’y salamin ng kasalukuyan,
bakit di mo tanggap ngayon ang resulta,
Na ikaw ang dahilan ng paghihirap ng iba.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Mahusay! Ngayong nasagutan mo na ang tungkol sa akdang iyong

binasa. Tayo’y magpatuloy upang ang kahusayan ay iyon matamo.

9
Isaisip

Malawak na ang iyong nalalaman, ngayon naman subukan mong

sagutIn ang gawain sa ibaba sa tulong ng crossword puzzle subukin
ang iyong kaalamang nahasa. Sagutan ito sa iyong sagutang papel.

Pahalang Pababa

2. Tumutukoy sa bilang ng pantig 1. Bagay na pinag-uusupan o

sa bawat taludtod. tatalakayin upang ganap na
maipaliwanag at maunawaan ang
5. Tawag sa taong konteksto nito.
nakikipagbalatasan o makatang
lumalahok dito na karaniwang 3. Tinatawag ding aliw-iw .Ito ay
sumusulat ng pyesa ng tumutukoy sa tono kung paano
balagtasan. binibigkas ang mga taludturan ang
pagtaas at pagbaba ng bigkas ng mga
7. Ang tawag sa pagkakapareho patinig ng mga salita sa isang
ng tunog ng dulo ng mga taludtod taludtod.
sa panulaan.
4. Siya ang tagapakilala ng paksa ng
8. Sila ang mga tagapakinig sa paglalabanan sa tulaan ng dalawang
isang pagtatanghal ng balagtasan. mambabalagtas.

6. Ito ang kaisipang nais ipabatid sa

mga nakikinig ng balagtasan kaakibat
ng paksang tinatalakay ang
mensaheng nais iparating.

10
Isagawa

Panuto: Sa iyong sagutang papel sumulat ng isang maikling

balagtasan. Pumili sa loob ng kahon ng paksa na nais mong talakayin.
Sundin ang pamantayan sa ibaba upang mabigyan ng wastong marka
ang iyong awtput.

Sipag o talino Pag-ibig o pag-aaral

Dunong o Salapi Kalusugan o kasiyahan

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Naglalahad ng 25 %
makabuluhang diyalogo
Kaayusan ng mga ideya 25 %
Masining ang pagkasulat ng 25 %
akda

Angkop at wasto ang mga 25 %

salitang ginamit
Kabuuan 100 %

11
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat

ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Sino ang tinaguriang “Ama ng Balagtasan”?

a.Florante Collantes b. Francisco Balagtas

c. Jose Corazon De Jesus d. Severino Reyes

2. Siya ang taga pamagitan sa dalawang nagtatalo.

a. lakandiwa b. mambabalagtas
c. mambibigkas d. banonood

3. Ito ay tulad ng ibang akdang pampanitikan na nagtataglay ng

mahahalagang elemento ngunit isinusulat at binibigkas sa paraang
patula.

a. balagtasan b. maikling kwento

c. nobela d. tula

4. Ilan ang mga tauhang bumubuo sa balagtasan?

a. 2 b. 3
c. 4 d. 5

5. Ito ay kalimitang napapanahong isyu na nagdudulot ng malaking

katanungan sa mga mamayan.

a. mensahe b. layunin
c. paksang pagtatalunan d. pinagkaugalian

6. Siya ang nagpapakilala ng paksang pagtatalunan.

a. lakandiwa b. manonood
c. tagapagsalita d. taga pamayapa

12
7. Sila ang mga makatang magtutunggali sa balagtasan.

a. lakandiwa b. manonood
c. mambabalagtas d. taga pamayapa

8. Ito tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.

a. indayog b. sukat
c. taludtod d. tugma

9. Ito ang kaisipang nais ipabatid sa mga nakikinig ng balagtasan

kaakibat ng paksang tinatalakay ang mensaheng nais iparating.

a. mensahe b. paksa
c. pamagat d. suka

10. Tinatawag ding aliw-iw .Ito ay tumutukoy sa tono kung paano

binibigkas ang mga taludturan ang pagtaas at pagbaba ng bigkas
ng mga patinig ng mga salita sa isang taludtod.

a. indayog b. sukat
c. taludtod d. tugma

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng mga makabuluhang tanong na maaaring

pagtalunan o gawing paksa ng balagtasan sa kasalukuyan. Sundan
ang grapiko sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong papel.

Alin ang mas dapat gamitin

Teknolohiya ngayon? Aklat o kompyuter?
o kompyuter? mas dapat nating
________________________
Pag-ibig

________________________
Edukasyon

________________________
Politika

_________________________
Kultura

14
15
Tayahin, Tuklasin, Subukin
1. B 6. A Nakadepende ang A. Nakadepende
2. A 7. C kasagutan sa bata. ang kasagutan sa
3. A 8. B Malayang pagsagot. bata. Malayang
4. B 9. A Suriin, pagsagot
5. C 10. A Nakadepende ang B
kasagutan sa bata. 1. B
Karagdagang
Malayang pagsagot. 2. A
Gawain,
Pagyamanin, 3. E
Nakadepende ang
Nakadepende ang 4. D
kasagutan sa bata.
kasagutan sa bata. 5. C
Malayang pagsagot.
Malayang pagsagot. Balikan,
Isagawa, Nakadepende ang
Nakadepende ang kasagutan sa bata.
kasagutan sa bata. Malayang pagsagot.
Malayang pagsagot.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Dayag, Alma, Julian, Ailene, Del Rosario, Mary Grace and Lontoc, Nestor. 2015.
Pinagyamang Pluma 8, 927 Quezon Ave. Quezon City: Phoenix Publishing House
Inc.

Reyes, Alvin, Santos, Nadia. 2016. Pinagyamang Wika at Panitikan 8,. 4/F SEDCCO Bldg.
120 Thailand corner Legaspi Village, Makati City, Philippines: Diwa Learning
Systems Inc.
This material was contextualized and localized by the
Learning Resource Management Section (LRMS)
SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE

MERLINA P. CRUZ PhD, CESO VI

Officer-in-Charge
Office of the Schools Division Superintendent

ERICSON S. SABACAN EdD, CESO VI

Assistant Schools Division Superintendent

ROLANDO T. SOTELO DEM

Chief Education Curriculum
Curriculum and Implementation Division

ANNALYN L. GERMAN EdD

Education Program Supervisor, LRMS

AMELITA A. CAMPO
Education Program Supervisor, Filipino

MARINEL CABUGA/SHIELA MAE I. LIBRADO

Towerville National High School
Writers

ANA CARA C. MANALO

Bagong Buhay G Elementary School
Layout Artist

MICHAEL L. SANTOS
Bagong Buhay G Elementary School
Cover Art Designer

ABEGAILE P. PAJANEL
Towerville National High School
Content Editor

ROWELYN P. GARADO
Towerville National High School
Language Reviewer

PAULA XAVIERA C. GONZALES

Towerville National High School
Layout Evaluator
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of San Jose Del Monte City –

Learning Resource Management and Development Section (LRMDS)

San Ignacio Street, Poblacion, City of San Jose Del Monte, Bulacan

Email Address: lrmssdosjdmc@gmail.com

You might also like