You are on page 1of 38

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-BAITANG 8

Kwarter: 4 Linggo: 2 Petsa: Mayo 2-5, 2023

I. Layunin

 Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanata at nailalahad ang mahahalagang
pangyayari, damdamin o saloobin namamayani sa tauhan at ng may- akda gamit ang wika ng
kabataan batay sa napakinggan
(F8PB-IVa-b-33 F8WG-IVa-b-35, F8PN-IVc-d-34, F8PB-IVc-d-34,F8PN-IVg-h-37)

II. Paksang Aralin

 Paksa: Florante at Laura (Pag-aalay at Tagubilin)


 Mga Sanggunian: ADM sa Filipino 8, Pinagyamang Pluma 8, aklat ng Florante at Laura
 Kagamitang Pampagtuturo: aklat, modyul, activity sheets

III. Pamamaraan

A. Panimulang Pagtataya

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na pahayag. Piliin lamang ang letra ng tamang sagot at
isulat ito sa hiwalay na papel.

1. Ang sumusunod ay mga ilog na pinangyarihan ng suyuan nina Balagtas at Celia maliban
sa isa.
A. ilog Beata C. ilog ng Makati
B. ilog Hilom D. ilog ng Pasig

2. Ito ang damdamin ni Balagtas sa bahaging “Sa Babasa Nito”.


A. masaya C. nangangamba
B. nagpapaalam D. nangungulila

3. Ito ang damdaming namayani sa saknong sa ibaba.

Bakit baga niyaong kami’y maghiwalay


ay di pa nakitil yaring abang buhay? Kung
gunitain ka’y aking kamatayan, sa puso ko
Celia’y di ka mapaparam.
A. kalungkutan C. paghihinagpis
B. kasayahan D. pangungulila

4. Ito ang kaisipang nakapaloob sa saknong sa ibaba.

Lumipas ang araw na lubhang matamis at


walang natira kundi ang pag-ibig--- tapat na
pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip.

A. Wala nang natira sa kanilang pag-iibigan.


B. Dinala niya ang kaniyang pag-ibig sa libingan.
C. Dadalhin niya ang pag-ibig hanggang sa kamatayan.
D. Lumipas ang kaniyang pag-ibig kasabay ng paglipas ng taon.

5. Sa kaniya inialay ni Francisco Balagtas ang damdaming nakapaloob sa Florante at Laura.


A. Maria Ana Ramos C. Magdalena Ana Ramos
B. Maria Asuncion Rivera D. Magdalena Asuncion Rivera
6. Ito ang dahilan kung bakit Celia ang tawag ni Francisco Balagtas kay Maria Asuncion
Rivera.
A. Si Maria Asuncion Rivera ay mahilig sa bulaklak na Celia.
B. Si Maria Asuncion Rivera ay tagasunod ni Sta. Cecilia.
C. Inihalintulad ni Balagtas si Maria Asuncion Rivera kay Sta. Cecilia na patron
ng musika.
D. Inihalintulad ni Balagtas si Maria Asuncion Rivera sa
kagandahan ni Sta. Cecilia.

7. Ito ang pangyayaring nagpapakita na inalala at hindi malilimutan ni Balagtas si Celia


maliban sa isa.
A. Isiniwalat niya na si Celia ay may sagisag na M.A.R
B. Ginugunita niya ang masasaya nilang suyuan sa ilog Beata at Hilom.
C. Kusang inilimbag niya sa kaniyang puso at panimdim ang larawan ni Celia.
D. Binanggit niya na ang kaniyang pag-ibig ay dadalhin niya hanggang
kamatayan.
8. Ang sumusunod ay mga pangunahing kaisipan sa bahaging “Sa Babasa Nito” maliban sa
isa.
A. Huwag babaguhin ang kaniyang sariling berso.
B. Huwag tutulad kay Balagtas sa pagsulat ng awit.
C. Sumangguni sa talababa upang maunawaan ang kahulugan ng mga salitang
may tandang letra.
D. Basahin ang simula hanggang dulo ng awit upang maunawaan ang kabuoang
kuwento at makita ang kagandahan nito.

9. Ang sumusunod ay mahahalagang pangyayari sa bahaging “Kay Celia”


maliban sa isa.
A. Isiniwalat ni Balagtas na si Celia ay si M.A.R.
B. Inalala ni Balagtas ang masasayang suyuan nila ni Celia.
C. Binanggit ni Balagtas na si Celia ang dahilan ng kaniyang pagkakakulong.
D. Inilahad niya na ang kaniyang pag-ibig kay Celia ay babaunin niya hanggang
kamatayan.

10. Ito ang saknong na nagpapahayag ng pangyayaring isiniwalat ni Balagtas na si Celia ay si


Maria Asuncion Rivera.
A. Yaong Celiang laging pinanganganibang
baka makalimot sa pag-iibigan,
ang ikinalubog niyaring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.
B. Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib,
ang suyuan nami’y bakit di lumawig?
Nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa’t langit?
C. Ikaw na bulaklak niyaring dili-dili,
Celiang sagisag mo’y ang M. A. R. (eMe A eRe)
sa Birheng mag-Ina’y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si F. B. (eFe Be).
D. Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw
sa lansanga’t nayong iyong niyapakan,
sa Ilog Beata’t Hilom na mababaw
yaring aking puso’y laging lumiligaw.

B. Pangganyak

Panuto: Basahin at unawain ang liriko ng isang awit ng bandang Soulstitch.


Pagkatapos mabasa, sagutin ang mga gabay na tanong.

Awit Para Kay Raquel


Soulstitch

Lagi kang nagdaraan at laging inaabangan,


Humahanap ng paraan upang abutan sa daan Sa
kaway nagsimula at sa iyo'y natulala Buhay ko'y
binago mo, lahat sila'y tinalo mo.
Simbaha'y laging tagpuan,
Doon laging tinitingnan At
pagkausap sa gabi, Lahat
halos nasasabi.

Ngayon na ba magkakalayo?
Damdamin di maglalaho,
Di man tayo magkita,
Laging mag-ingat ka.
Pagka't minamahal kita.

Pagmamahal dito na ba matatapos?


O heto na nga ba?
Ngayon na nga ba?

Ang panahon na tayo'y magkasama,


Kaibigan lang ba?
Minahal mo rin ba ako?

Pagmamahal dito na ba matatapos?


O heto na nga ba?
Ngayon na nga ba?

Gabay na Tanong:

1. Para kanino ang awit?


2. Magbigay ng tatlong (3) mahahalagang pangyayari mula sa awit.
3. Ano ang damdamin ng may-akdang masasalamin sa mga linya ng awit?
4. Ano ang pangunahing kaisipang nakapaloob dito?
5. Paano nakatutulong ang awit sa pagpapahayag ng damdamin ng isang tao?

C. Paglalahad

Sikat na sikat ang obra maestra ni Francisco Balagtas na Florante at Laura noon pa man
hanggang sa kasalukuyan. Lahat ng mag-aaral ay matatalakay ang obra maestrang ito, na
isang awit. Lingid sa kaalaman ng ilan, ang Florante at Laura ay may tatlong bahagi; ang
pag-aalay, tagubilin, at tulang pasalaysay. Sa una at ikalawang bahagi ng Florante at Laura,
mababasa kung kanino inialay ni Francisco Balagtas ang awit. Para kanino nga kaya ito
isinulat ni Balagtas? Gayon din, naglahad si Balagtas ng kaniyang mga tagubilin para sa mga
babasa nito. Ano-ano kaya ang mga tagubiling ito?

Mahalagang malaman ang damdamin, pangunahing kaisipan at mahahalagang pangyayari sa


mga bahaging ito upang makatulong sa pag- unawa sa mga susunod na nilalaman ng
Florante at Laura.
D. Pagtatalakay

Susuriin at itatalakay ang nilalaman ng una at ikalawang bahagi ng Florante at


Laura.
Kay Celia

1. Kung pagsaulan kong basahin sa isip ang


nakaraang araw ng pag-ibig, may
mahahagilap kayang natititik
liban na kay Celiang namugad sa dibdib?

2. Yaong Celiang laging pinanganganibang


baka makalimot sa pag-iibigan,
ang ikinalubog niyaring kapalaran sa
lubhang malalim na karalitaan.

3. Makaligtaan ko kayang di basahin---


nagdaang panahon ng suyuan namin,
kaniyang pagsintang ginugol sa akin at
pinuhunan kong pagod at hilahil?

4. Lumipas ang araw na lubhang matamis at


walang natira kundi ang pag-ibig--- tapat na
pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip.
5. Ngayong namamanglaw sa pangungulila, ang
ginagawa kong pag-aliw sa dusa: nagdaang
panaho’y inaalala,
sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.

6. Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel,


kusang ilinimbag sa puso’t panimdim, nag-
iisang sanlang naiwan sa akin
at di mananakaw magpahanggang-libing.

7. Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw sa


lansanga’t nayong iyong niyapakan, sa
Ilog Beata’t Hilom na mababaw
yaring aking puso’y laging lumiligaw.

8. Di mamakailang mupo ang panimdim sa


puno ng manggang naraanan natin, sa
nagbiting bunga’y ibig mong pitasin, ang
ulilang sinta’y aking inaaliw.

9. Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik


sa buntunghininga nang ikaw’y may sakit,
himutok ko niyao’y inaaring langit, Paraiso
naman ang may-tulong silid.

10. Liniligawan ko ang iyong larawan sa


Makating Ilog na kinalagian,
binabakas ko rin sa masayang doongan, yapak
ng paa mo sa batong tuntungan.

11. Nagbabalik mandi’t parang hinaharap dito


ang panahong masayang lumipas na kung
maliligo’y sa tubig aagap nang hindi
abutin ng tabsing sa dagat.

12. Parang naririnig ang lagi mong wika:


“tatlong araw na di nagtatanaw-tama” at
sinagot ko ng sabing may tuwa: “sa isa
katao’y marami ang handa”.
13. Ano pa nga’t walang di nasisiyasat ang
pag-iisip ko sa tuwang lumipas; sa
kagugunita luha’y lalagaslas
sabay ang taghoy kong “O, nasawing palad!”

14. Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib, ang


suyuan nami’y bakit di lumawig?
Nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa’t langit?

15. Bakit baga niyaong kami’y maghiwalay ay


di pa nakitil yaring abang buhay? Kung
gunitain ka’y aking kamatayan, sa puso ko
Celia’y di ka mapaparam.

16. Itong di matiis na pagdaralita


nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa, ang
siyang umakay na ako’y tumula, awitin
ang buhay ng isang naaba.

17. Celia’y talastas ko’t malabis na umid, mangmang


ang Musa ko’t malumbay ang tinig, di kinabahagya
kung hindi malait,
palaring dinggin mo ng tainga’t isip.
18. Ito’y unang bukal ng bait kong kutad na
inihahandog sa mahal mong yapak,
tanggapin mo nawa kahit walang lasap---
nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.

19. Kung kasadlakan man ng pula’t pag-ayop


tubo ko’y dakila sa puhunang pagod; kung
binabasa mo’y isa mang himutok ay
alalahanin yaring naghahandog.

20. Masasayang Ninfas sa lawa ng Bai,


Sirenas --- ang tinig ay kawili-wili,
kayo ngayo’y siyang pinipintakasi
ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.

21. Ahon sa dalaga’t pampang na nagligid,


tonohan ng lira yaring abang awit
na nagsasalitang buhay ma’y mapatid
tapat na pagsinta’y hangad na lumawig.

22. Ikaw na bulaklak niyaring dili-dili,


Celiang sagisag mo’y ang M. A. R. (eMe A eRe) sa
Birheng mag-Ina’y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si F. B. (eFe Be).

Sa bahaging “Kay Celia”, inilahad ng may-akda na si Francisco Balagtas na


inialay niya ang awit na Florante at Laura kay Celia (sa ibang libro ang baybay ay
Selya). Isiniwalat sa huling saknong nito na si Celia ay may sagisag na M.A.R.
(eMe-A-eRe ang bigkas noong panahon ng Espanyol na ito ay naisulat) at ito ay
walang iba kung hindi si Maria Asuncion Rivera na kaniyang tunay at pinakainibig.
Ginunita ni Balagtas ang masasayang alaala nila ni Celia. Gayon din, inihayag ni
Balagtas kung gaano niya ito kamahal at hinahanap-hanap sa tuwina.

Tinawag ni Francisco Balagtas si Maria Asuncion Rivera na Celia sapagkat


inihalintulad niya ito kay Sta. Cecilia na patron ng musika dahil sa hilig niya sa
musika at husay sa pagtugtog.

Pagpapabasa ng ikalawang bahagi ng Florante at Laura.


Sa Babasa Nito

1. Salamat sa iyo, O nanasang irog,


kung halagahan mo itong aking pagod; ang
tula ma'y bukal ng bait na kapos,
pakikinabangan ng ibig tumarok.

2. Kung sa biglang tingi'y bubot at masaklap,


palibhasa'y hilaw at mura ang balat,
nguni’t kung namnamin ang sa lamang lasap,
masasarapan din ang babasang pantas.

3. Di ko hinihinging pakamahalin mo,


tawana't dustain ang abang tula ko;
gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo,
ay huwag mo lamang baguhin ang berso.

4. Kung sa pagbasa mo'y may tulang malabo,


bago mo hatulang katkatin at liko, pasuriin
muna ang luwasa't hulo
at makikilalang malinaw at wasto.

5. Ang may tandang letra alin mang talata, di


mo mawatasa't malalim na wika,
ang mata'y itingin sa dakong ibaba, buong
kahuluga'y mapag-uunawa.

6. Hanggang dito ako, O nanasang pantas, sa


kay Sigesmundo'y huwag ding matulad: sa
gayong katamis wikang masasarap
ay sa kababago ng tula'y umalat.
Ipinabatid ni Francisco Balagtas
ang kaniyang ilang mga tagubilin sa
bahaging “Sa Babasa Nito”. Ito ay
inilahad niya sa anim na saknong. Sa
unang saknong, nagpasalamat siya na
may nagnais na bumasa ng kaniyang
awit. Ikalawa, maaaring sa unang tingin
ay hindi mo nanaising basahin ang
kaniyang awit dahil sa itsura at pabalat nito subalit huwag hamakin sapagkat may
maganda itong nilalaman. Ikatlo, pakabilin-bilin niya, na huwag babaguhin ng
sinoman ang mga berso ng kaniyang awit. Ikaapat, basahin ang simula hanggang
dulo ng kaniyang likha upang maunawaan ito nang lubos. Ikalima, tumingin sa
talababa o footnotes upang malaman ang kahulugan ng mga salitang kaniyang
ginamit. At huli, huwag tumulad kay Sigesmundo kung susulat ng awit o tula. Si
Sigesmundo ay isa ring makata ngunit dahil sa kababago ng tula, sa halip na
tumamis, ito ay umalat.

Kapansin-pansin na ang mga salitang ginamit ni Balagtas sa una at ikalawang


bahagi ng Florante at Laura ay malalalim na ginagamit noong kaniyang kapanahunan
at matatalinghaga na may mga nakatagong kahulugan. Ngunit sa kasalukuyang
panahon, ibang-iba na ang wikang ginagamit ng kabataan sa pagpapahayag ng
damdamin. Dito maiuugnay ang kaibahan ng wika noon at wika ngayon. Narito ang
mga salitang ginamit sa binasa at karaniwang ginagamit ng kabataan.

Halimbawa ng wikang ginamit Katumbas sa wika ng kabataan


sa akda
1. Irog 1. jowa, boyfriend/girlfriend
2. natititik 2. naisusulat
3. suyuan 3. ligawan/ nagde-date
4. namamanglaw sa 4. nagda-drama, nag-e-emote
pangungulila
5. tapat na pagsuyong lalagi sa 5. may forever
dibdib, hanggang sa libingan
bangkay ko’y maidlip
Ang “Kay Celia” at “Sa Babasa Nito” ay naglalaman ng maraming kaisipan.
Ngunit ang mga kaisipang ito ay nakatuon o nakasentro sa isang pangunahing
kaisipan.

Ang pangunahing kaisipan ay tumutukoy sa pinakamensaheng nais ipabatid


sa isang akda o teksto ng manunulat, kadalasan itong sinusuportahan ng ilang detalye
upang mas mapalutang ang nais ipahiwatig ng may-akda.

Mahalagang masuri ang pangunahing kaisipan kung ano ang maitutulong nito
sa iyo bilang kabataan, mag-aaral at mamamayang Pilipino upang mas maipakita ang
layunin ng manunulat sa pagsulat ng Florante at Laura at kung bakit ito pinag-
aaralan magpahanggang ngayon.

E. Pagpapayaman

Gawain 1. Puso ng Damdamin

Panuto: Ilahad ang damdamin o saloobin ng may-akda sa sumusunod na


saknong gamit ang wika ng kabataan. Isulat ang tamang sagot sa hiwalay na
papel.

Saknong Damdamin

Kung pagsaulan kong basahin sa isip ang 1.


nakaraang araw ng pag-ibig, may
mahahagilap kayang natititik
liban na kay Celiang namugad sa dibdib?

Yaong Celiang laging pinanganganibang baka 2.


makalimot sa pag-iibigan,
ang ikinalubog niyaring kapalaran sa
lubhang malalim na karalitaan.

Ano pa nga’t walang ‘di nasisiyasat ang 3.


pag-iisip ko sa tuwang lumipas; sa
kagugunita luha’y lalagaslas
sabay ang taghoy kong “O, nasawing palad!”
Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib, 4.
ang suyuan nami’y bakit di lumawig?
Nahan ang panahong isa niyang titig ang
siyang buhay ko, kaluluwa’t langit?

Bakit baga niyaong kami’y maghiwalay 5.


ay di pa nakitil yaring abang buhay?
Kung gunitain ka’y aking kamatayan, sa
puso ko Celia’y di ka mapaparam.

Gawain 2. Mahahalagang Pangyayari

Panuto: Maglahad ng limang (5) mahahalagang pangyayaring napakinggan sa


aralin. Kopyahin ang pormat sa hiwalay na papel at isulat dito ang tamang sagot.

Kay Celia

Mahahalagang Pangyayari:
1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 3. SURIsip

Panuto: Ibigay at suriin ang pangunahing kaisipan ng “Kay Celia” at “Sa


Babasa Nito” gamit ang grapikong pantulong sa ibaba. Gawin ito sa hiwalay
na papel.
1. Kay Celia

Pangunahing Kaisipan:

Bilang kabataan Bilang mag-aaral Bilang Pilipino

2. Sa Babasa Nito

Pangunahing Kaisipan:

Bilang kabataan Bilang mag-aaral Bilang Pilipino


F.Paglalapat

Panuto: Ilahad ang mahahalagang pangyayari sa kabanatang nabasa o napakinggan


at suriin ang pangunahing kaisipan batay sa damdamin o saloobin ng may-akda
gamit ang wika ng kabataan. Gawing gabay ang ibinigay na halimbawa. Kopyahin
ang tsart at gawin ito sa hiwalay na papel.

M a h a la g ang Pangyayari Kaisipan Damdamin


Hali m b a w a :

Ngayong namamanglaw sa pangungulila, ang Ginugunita ni Nagda-


ginagawa kong pag-aliw sa dusa: nagdaang Balagtas ang drama/
panaho’y inaalala, sa iyong masasayang nag-e-
larawa’y ninitang ginhawa. alaala nila ni emote
Celia.
1.

2.

3.

4.

5.
G.Paglalahat

Panuto: Dugtungan ng 2-3 pangungusap ang pahayag upang makabuo ng isang


makabuluhang talata.

Mahalagangmalamanangmahahalagangpangyayari, pangunahing kaisipan at


damdamin o saloobin ng may-akda sa
isang teksto dahil/sapagkat/upang/para _

IV. Pagtataya

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na pahayag. Piliin ang letra ng


tamang sagot at isulat ito sa hiwalay na papel.

1. Ito ang damdamin ni Balagtas sa bahaging “Kay Celia”.


A. nagagalak C. nangangamba
B. nagpapaalam D. nangungulila

2. Sa kaniya inialay ang damdaming nakapaloob sa Florante at Laura ni Francisco


Balagtas.
A. Maria Ana Ramos C. Magdalena Ana Ramos
B. Maria Asuncion Rivera D. Magdalena Asuncion Rivera

3. Ito ang damdaming namayani sa saknong sa ibaba.

Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib,


ang suyuan nami’y bakit di lumawig? Nahan
ang panahong isa niyang titig ang siyang
buhay ko, kaluluwa’t langit?

A. pag-aalala C. pangamba
B. paghihimutok D. pangungulila

4. Ito ang kaisipang nakapaloob sa saknong sa ibaba.

Di ko hinihinging pakamahalin mo, tawana't


dustain ang abang tula ko; gawin ang ibigi't
alpa'y nasa iyo,
ay huwag mo lamang baguhin ang berso.
A. Huwag babaguhin ang berso.
B. Huwag lalapatan ng tugtog o musika.
C. Huwag pakamahalin ang kaniyang likha.
D. Huwag tawanan at dustain ang kaniyang tula.

5. Ito ang pangyayaring nagpapakita na inalala at hindi malilimutan ni Balagtas si


Celia maliban sa isa.
A. Isiniwalat niya na si Celia ay may sagisag na M.A.R.
B. Ginunita niya ang masasaya nilang suyuan sa ilog Beata at Hilom.
C. Kusang inilimbag niya sa kaniyang puso at panimdim ang larawan ni Celia.
D. Binanggit niya na ang kaniyang pag-ibig ay dadalhin niya hanggang
kamatayan.

6. Ang sumusunod ay mga pangunahing kaisipan sa bahaging “Sa Babasa Nito”


maliban sa isa.
A. Huwag babaguhin ang kaniyang sariling berso.
B. Huwag tutulad kay Balagtas sa pagsulat ng awit.
C. Sumangguni sa talababa upang maunawaan ang kahulugan ng mga salitang
may tandang letra.
D. Basahin ang simula hanggang dulo ng awit upang maunawaan ang kabuoang
kuwento at makita ang kagandahan nito.

7. Ang sumusunod ay mahahalagang pangyayari sa bahaging “Kay Celia


maliban sa isa.
A. Isiniwalat ni Balagtas na si Celia ay si M.A.R.
B. Inalala ni Balagtas ang masasayang suyuan nila ni Celia.
C. Binanggit ni Balagtas na si Celia ang dahilan ng kaniyang pagkakakulong.
D. Inilahad niya na ang kaniyang pag-ibig kay Celia ay babaunin niya hanggang
kamatayan.
8. Ito ang pangunahing kaisipan sa bahaging “Kay Celia”.
A. Inialay ni Balagtas ang Florante at Laura sa kaniyang kapuwa Pilipino.
B. Sinuyo ni Balagtas si Celia kaya niya isinulat ang Florante at Laura.
C. Labis-labis ang pagmamahal ni Balagtas kay Celia kaya hindi niya ito malilimutan.
D. Inialay ni Balagtas ang Florante at Laura kay Celia tanda ng kaniyang tapat na pag-
ibig.
9. Ito ang saknong na nagpapakita ng tagubilin ni Balagtas na basahin ang kaniyang likha sa
simula hanggang dulo upang maunawaan ito nang mabuti.
A. Kung sa biglang tingi'y bubot at masaklap,
palibhasa'y hilaw at mura ang balat,
nguni’t kung namnamin ang sa lamang lasap,
masasarapan din ang babasang pantas.
B. Di ko hinihinging pakamahalin mo,
tawana't dustain ang abang tula ko;
gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo,
ay huwag mo lamang baguhin ang berso.
C. Kung sa pagbasa mo'y may tulang malabo,
bago mo hatulang katkatin at liko,
pasuriin muna ang luwasa't hulo
at makikilalang malinaw at wasto.
D. Ang may tandang letra alin mang talata,
di mo mawatasa't malalim na wika,
ang mata'y itingin sa dakong ibaba, buong kahuluga'y
mapag-uunawa.
10.Ito ang saknong na nagpapakita ng tapat na pag-ibig ni Balagtas kay Celia.
A. Yaong Celiang laging pinanganganibang
baka makalimot sa pag-iibigan,
ang ikinalubog niyaring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.
B. Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib,
ang suyuan nami’y bakit di lumawig?
Nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa’t langit?
C. Ikaw na bulaklak niyaring dili-dili,
Celiang sagisag mo’y ang M. A. R. (eMe A eRe)
sa Birheng mag-Ina’y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si F. B. (eFe Be).
D. Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw
sa lansanga’t nayong iyong niyapakan,
sa Ilog Beata’t Hilom na mababaw
yaring aking puso’y laging lumiligaw.
V. Takdang -Aralin

Panuto: Maghanap o magsaliksik ng awit na nagpapakita ng pag-ibig ng sumulat sa kaniyang


minamahal. Isulat ang pamagat ng awit, damdamin, mahahalagang pangyayari at pangunahing
kaisipan. Kopyahin ang pormat sa hiwalay na papel at isulat dito ang sagot.

Pamagat ng Damdamin Mahahalagang Pangunahing


awit Pangyayari Kaisipan

You might also like