You are on page 1of 20

PAG-AARI NG

HINDI
PAMAHALAAN

IPINAGBIBILI

Department of Education-Region VII


Sudlon, Lahug Central Visayas, Cebu City

Uri ng Tayutay

IKAAPAT NA MARKAHAN– LINGGO 2

SARILING-LINANGAN KIT

IKAAPAT NA MARKAHAN
Panitikan : PUNO NG SALITA
ANG MAPAIT NA KAPALARANG SINAPIT
PANIBUGHO SA MINAMAHAL
PAGGUNITA SA NAKARAAN

Wika : Tayutay

Paunang Salita
Ang sariling linangang kit na ito ay ginawa para sa inyo. Layunin nitong tulungan ka sa
iyong pag-aaral. Sa araling ito matutunghayan mo ang isang akdang pampanitikan na nagmumula
mismo sa atong bansa, ang isa sa mga obra maestra ni Francisco “Balagtas” Baltazar. Dito mo
matutuklasan ang mga mapapait na karanasan, ang buhay pag-ibig at ang paggunita sa nakaraan
ni Balagtas. Inilalahad sa bawat aralin ang mahahalagang pangyayari at ang mga pangunahing
kaisipan ng bawat araling babasahin.

Sa pamamagitan ng SLK na ito, malilinang mo ang iyong kakayahan at kahusayan sa pag-


unawa at pagsagot sa mga pagsasanay.

LAYUNIN:

 Naiisa-isa ang mga mahahalagang pangyayari mula sa aralin


 Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa
 Nabibigyang-kahulugan ang mga matatalinghagang salita at simbolo na nasa kabanata
 Natutukoy ang mga uri ng tayutay

LEARNING COMPETENCY:

(F8PN-IVc-d-34)PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN

Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin

(F8PB-IVc-d-34 )PAG-UNAWA SA BINASA

Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa

(F8PT-IVc-d-34)PAGLINANG NG TALASALITAAN

Nabibigyang-kahulugan ang : -matatalinghagang ekspresyon , - tayutay , - simbolo

A. Tuklasin
Gawain 1. Larawan ko, Interpretasyon Mo.

Pagmasdan mo ang larawan sa ibaba. Isulat ang iyong damdamin o interpretasyon sa


larawan gamit ang grapikong presentasyon.

PAGLINANG NG TALASALITAAN
Mungkahing Estratehiya : PUNO NG KAHULUGAN

Itambal ang angkop na bahagi ng puno na nagtataglay ng tamang kahulugan ng mga salita
sa saknong ng Florante at Laura.

Febo burok Talunan araw

lugami baluti taksil mala-

Rosas

Lilo malining pananggalang malaman

Pagbasa ng Saknong 1-68


PUNO NG SALITA

1
Sa isang madilim, gubat na mapanglaw,
dawag na matinik ay walang pagitan,
halos naghihirap ang kay Febong silang dumalaw sa loob
ng lubhang masukal.
2
Malalaking kahoy ang ang inihahandog
pawang dalamhati, kahapisa't lungkot;
huni pa ng ibon ay nakalulunos
sa lalong matimpi't nagsasayang loob.
3
Tanang mga baging namimilipit
sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik;
may bulo ang bunga't nagbibigay-sakit
sa kanino pa mang sumagi't malapit.
4
Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy, pinakamaputing
nag-uungos sa dahon;
pawang kulay luksa at nakikiayon
sa nakaliliyong masangsang na amoy.
5
Karamiha'y Cipres at Higerang
kutad na ang lilim niyon ay nakasisindak;
ito'y walang bunga't daho'y malalapad
na nakadidilim sa loob ng gubat.
6
Ang mga hayop pang dito'y gumagala,
karamiha'y Sierpe't Basilisco'y madla,
Hiena't Tigreng ganid na nagsisisila
ng buhay ng tao't daiging kapuwa
7
Ito'y gubat manding sa pinto'y malapit
ng Avernong Reyno ni Plutong masungit;
ang nasasakupang lupa'y dinidilig
ng Ilog Cocitong kamandag ang tubig.
8
Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat,
may punong Higerang daho'y kulay pupas;
dito nagagapos ang kahabag-habag,
isang pinag-usig ng masamang palad.
9
Baguntaong basal na ang anyo't tindig,
kahit natatali-kamay paa't liig,
kundi si Narciso'y tunay na Adonis,
mukhang sumisilang sa gitna ng sakit.
10
Makinis ang balat at anaki'y burok
pilikmata'y kilay-mistulang balantok;
bagong sapong ginto ang kulay ng buhok,
sangkap ng katawa'y pawang magkaayos.

ANG MAPAIT NA KAPALARANG SINAPIT


11
Dangan doo'y walang Oreadas Nimfas,
gubat ng Palasyo ng masidhing Harpias,
nangaawa disi't naakay lumiyag
sa himalang tipon ng karikta'y hirap.
12
Ang abang uyamin ng dalita't sakit-
ang dalawang mata'y bukal ang kaparis;
sa luhang nanakit at tinangis-tangis,
ganito'y damdamin ng may awang dibdib
13
"Mahiganting langit! bangis mo'y nasaan?
ngayo'y naniniig sa pagkagulaylay;
bago'y ang bandila ng lalong kasam-an
sa Reynong Albania'y iwinawagayway.
14
"Sa loob at labas ng bayan ko sawi, kaliluha'y siyang
nangyayaring hari, kagalinga't bait ay nalulugami, ininis
sa hukay ng dusa't pighati.
15
"Ang magandang asal ay ipinupukol sa laot ng dagat na
kutya't linggatong; balang magagaling ay ibinabaon
at inililibing na walang kabaong.
16
"Nguni ay ang lilo't masasamang-loob sa trono ng puri ay
iniluluklok;
at sa balang sukab na may asal-hayop, mabangong
insenso ang isinusuob.
17
"Kaliluha't sama ang ulo'y nagtayo
at ang kabaita'y kimi't nakayuko;
santong katuwira'y lugami at hapo,
ang luha na lamang ang pinatutulo.
18
"At ang balang bibig na binubukalan ng sabing magaling
at katotohanan, agad binibiyak at sinisikangan
ng kalis ng lalong dustang kamatayan.
19
"O, taksil na pita sa yama't mataas!
O, hangad sa puring hanging lumilipas! ikaw ang dahilan
ng kasam-ang lahat at niring nasapit na kahabag-habag!
20
"Sa korona dahil ng Haring Linceo at sa kayamanan ng
Dukeng Ama ko, ang ipinangangahas ng Konde Adolfo
sabugan ng sama ang Albanyang Reyno.
21
"Ang lahat ng ito'y maawaing Langit,
Iyong tinutungha'y ano't natitiis?
mula Ka ng buong katuwira't bait,
pinapayagan Mong ilubog ng lupit.
22
"Makapangyarihang kanan Mo'y ikilos, papamilantikan ang
kalis ng poot;
sa Reynong Albanya'y kusang ibulusok ang Iyong higanti
sa masamang-loob.
23
"Bakit Kalangita'y bingi Ka sa akin, ang tapat kong luhog
ay hindi Mo dinggin?
diyata't sa isang alipusta't iring, sampung tainga mo'y
ipinangunguling?
24
"Datapuwa't sino ang tatarok kaya sa mahal Mong lihim,
Diyos na dakila? walang nangyayari sa balat ng lupa,
di may kagalingang Iyong ninanasa.
25
"Ay! di saan ngayon ako mangangapit! saan ipupukol ang
tinangis-tangis,
kung ayaw na ngayong dinigin ng Langit ang sigaw ng aking
malumbay na boses!

PANIBUGHO SA MINAMAHAL

26
"Kung siya mong ibig na ako'y magdusa,
Langit na mataas, aking mababata;
isagi mo lamang sa puso ni Laura--
ako'y minsan-minsang mapag-alaala."
27
"At dito sa laot ng dusa't hinagpis,
malawak na lubhang aking tinawid,
gunita ni Laura sa naabang ibig,
siya ko na lamang ligaya sa dibdib
29
"Sa pagkagapos ko'y kung gunigunihin,
malamig nang bangkay akong nahihimbing;
na tinatagisan ng sula ko't giliw,
ang pagkabuhay ko'y walang hangga mandin.
30
"Kung apuhapin ko sa sariling isip,
ang suyuan namin ng pili kong ibig;
ang pagluha niya kung ako'y may hapis, nagiging ligaya
yaring madlang sakit.

31
"Nguni, sa aba ko! sawing kapalaran!
ano pang halaga ng gayong suyuan …
kung ang sing-ibig ko'y sa katahimikan
ay humuhilig na sa ibang kandungan?
32
"Sa sinapupunan ni Konde Adolfo,
aking natatanaw si Laurang sinta ko;
kamataya'y nahan ang dating bangis mo,
nang di ko damdamin ang hirap na ito?"
33
Dito hinimatay sa paghihinagpis,
sumuko ang puso sa dahas ng sakit;
ulo'y nalungayngay, luha'y bumalisbis, kinagagapusang
kahoy ay nadilig.

34
Magmula sa yapak hanggang sa ulunan, nalimbag ang
bangis ng kapighatian;
at ang panibugho'y gumamit ng asal
na lalong marahas, lilong kamatayan.
35
Ang kahima't sinong hindi maramdamin,
kung ito'y makita magmamahabagin;
matipid na luha ay paaagusin,
ang nagparusa ma'y pilit hahapisin.
36
Sukay na ang tingnan ang lugaming anyo
nitong sa dalita'y hindi makakibo,
aakayin biglang umiyak ang puso,
kung wala nang luhang sa mata'y itulo.
37
Gaano ang awang bubugso sa dibdib
ng may karamdamang maanyong tumitig,
kung ang panambita't daing ay marinig
nang mahimasmasan ang tipon ng sakit?
38
Halos buong gubat ay nasasabugan ng dinaing-daing
lubhang malumbay, na inuulit pa at isinisigaw
sagot sa malayo niyong alingawngaw.
39
"Ay! Laurang poo'y bakit isinuyo
sa iba ang sintang sa aki'y pangako;
at pinagliluhan ang tapat na puso, pinaggugulan mo
ng luhang tumulo?
40
"Di sinumpaan mo sa harap ng Langit
na di maglililo sa aking pag-ibig?
ipinabigay ko naman yaring dibdib,
wala sa gunita itong masasapit!
PAGGUNITA SA NAKARAAN

41
"Katiwala ako't ang iyong kariktan,
kapilas ng langit anaki'y matibay;
tapat ang puso mo't di nagunamgunam
na ang paglililo'y nasa kagandahan.
42
"Hindi ko akalaing iyong sasayangin
maraming luha mong ginugol sa akin;
taguring madalas na ako ang giliw,
mukha ko ang lunas sa madlang hilahil.
43
"Di kung ako'y utusang manggubat
ng hari mong ama sa alinmang Ciudad,
kung ginagawa mo ang aking sagisag,
dalawa mong mata'y nanalong ng perlas?
44
"Ang aking plumahe kung itinatahi
ang parang korales na iyong daliri, buntunghininga
mo'y nakikiugali
sa kilos ng gintong ipinananahi.
45
"Makailan Laurang sa aki'y iabot,
basa pa ng luha bandang isusuot; ibinibigay mo ay
naghihimutok,
takot masugatan sa pakikihamok.

46
"Baluti't koleto'y di mo papayagang
madampi't malapat sa aking katawan,

kundi tingnan muna't baka may kalawang


ay nanganganib kang damit ko'y marumhan.
47
"Sinisiyasat mo ang tibay at kintab
na kung sayaran man ng taga'y dumulas;
at kung malayo mang iyong minamalas,
sa gitna ng hukbo'y makilala agad.
48
"Pahihiyasan mo ang aking turbante ng perlas, topasyo't
maningning na rubi;
bukod ang magalaw na batong d'yamante,
puno ng ngalan mong isang letrang L.
49
"Hanggang ako'y wala't nakikipaghamok,
nag-aapuhap ka ng pang-aliw-loob;
manalo man ako'y kung bagong nanasok,
nakikita mo na'y may dala pang takot.
50
"Buong panganib mo'y baka nagkasugat, di maniniwala kung
di masiyasat;
at kung magkagurlis nang munti sa balat, hinuhugasan mo
ng luhang nanatak.
51
"Kung ako'y mayroong kahapisang munti, tatanungin mo na
kung ano ang sanhi; hanggang di malining ay idinarampi
sa mga mukha ko ang rubi mong labi.
52
"Hindi ka tutugot kung di matalastas,
kakapitan mo nang mabigyan ng lunas; dadalhin sa hardi't
doon ihahanap
ng ikaaaliw sa mga bulaklak.
53
"Iyong pipitasin ang lalong marikit,
dini sa liig ko'y kusang isasabit;
tuhog na bulaklak sadyang salit-salit,
pag-uupandin mong lumbay ko'y mapaknit.
54
"At kung ang hapis ko'y hindi masawata,
sa pilikmata mo'y dadaloy ang luha;
napasaan ngayon ang gayong aruga,
sa dala kong sakit ay di iapula?

55
"Halina, Laura ko't aking kailangan ngayon,
ang lingap mo nang naunang araw;
ngayon hinihingi ang iyong pagdamay--
ang abang sinta mo'y nasa kamatayan.
56
"At ngayong malaki ang aking dalita
ay di humahanap ng maraming luha;
sukat ang kapatak na makaapula,
kung sa may pagsintang puso mo'y magmula.
57
"Katawan ko ngayo'y siyasatin, ibig,
tingnan ang sugat kong di gawa ng kalis; hugasan ang
dugong nanalong sa gitgit
sa kamay ko, paa't natataling liig.
58
"Halina, irog ko't ang damit ko'y tingnan,
ang hindi mo ibig dumamping kalawang:
kalagin ang lubid at iyong bihisan,
matinding dusa ko'y nang gumaan-gaan.
59
"Ang mga mata mo ay iyong ititig
dini sa anyo kong sadlakan ang sakit, upang di mapigil
ang takbong mabilis
niring abang buhay sa ikapapatid.
60
"Wala na Laura't ikaw na nga lamang
ang makalulunas niring kahirapan;
damhin ng kamay mo ang aking katawan
at bangkay man ako'y muling mabubuhay!
61
"Nguni, sa aba ko! Ay, sa laking hirap!
wala na si Laurang laging tinatawag!
napalayu-layo't di na lumiliyag,
ipinagkanulo ang sinta kong tapat.
62
"Sa abang kandunga'y ipinagbiyaya
ang pusong akin na at ako'y dinaya;
buong pag-ibig ko'y ipinanganyaya,
nilimot ang sinta'y sinayang ang luha.
63
"Alin pa ang hirap na di sa akin
may kamatayan pang di ko daramdamin?
ulila sa ama't inang nag-angkin,
walang kaibiga't nilimot ng giliw.
64
"Dusa sa puri kong kusang siniphayo, palasong may
lasong natirik sa puso;
habag sa ama ko'y tunod na tumimo,
ako'y sinusunog niring panibugho.
65
"Ito'y siyang una sa lahat ng hirap,
pagdaya ni Laura ang kumakamandag;
dini sa buhay ko'y siyang magsasadlak
sa libingang laan ng masamang palad.
66
"O, Konde Adolfo, inilapat mo man sa akin ang hirap ng
sansinubukan,
ang kabangisan mo'y pinasasalamatan,
ang puso ni Laura'y kung di inagaw."
67
Dito naghimutok nang kasindak-sindak
na umalingawngaw sa loob ng gubat;
tinangay ang diwa't karamadamang hawak
ng buntunghininga't luhang lumagaslas.
68
Sa puno ng kahoy na napayukayok;
ang ibig ay supil ng lubid na gapos;
bangkay na mistula't ang kulay ng burok
ng kanyang mukha'y naging puting lubos.

ANALISIS

1. Bakit labis ang paghihinagpis ni Florante? Isa-isahin ang mga


pangyayari/bagay na kanyang ipinagdadalamhati.
2. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Florante, ano ang gagawin mo upang
hindi lubusang maglaho ang iyong pag-asa?

3. Paano mo ilalarawan si Laura bilang isang kasintahan batay sa mga


nagugunita ni Florante patungkol sa kanya?

4. Sa ano-anong pangyayari sa ating kasaysayan maaring iugnay ang gubat na


mapanglaw at ang pagkakatali ni Florante sa puno ng Higera?

Pagbibigay ng input ng guro.

ALAM MO BA NA…

Mababasa sa araling ito ang pag-aalala ni Florante sa pinakamamahal niyang si


Laura na siyang nagbibigay lakas at pag-asa sa kanya. Ngunit ang mga alaalang ito ay
nasasalitan ng selos o panibugho sa pag-iisip na si Laura’y masaya na sa piling ni Adolfo.
Subalit sa muling pagliliwanag ng isipan ay nababatid niyang dakila ang pag-ibig ni Laura
para sa kanya kaya’t hinihingi niya ang pagdamay ng dalaga sa kanyang kalagayan.
Gayunpama’y muli’t muling nagbabalik ang kawalang pag- asang ipinakikita ng pagkayukayok
niya habang nakagapos.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: CONCEPTIC CHART (F8PB-IVc-d-34)

Buuin ang konsepto o ideya ng aralin sa pamamagitan ng pag- uugnay-ugnay ng mga larawan at
mga salita na nasa kahon upang makuha ang kabuuang kaisipan ng aralin.

Problema iwan
APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : I-ADVICE GANDA MO!

Magbigay ng payo sa mga dapat maging gawi ng nakararanas ng mga pagsubok sa buhay.

EBALWASYON

Panuto : Isulat ang letra ng wastong kahulugan ng sumusunod na


simbolong ginamit sa akda. (F8PT-IVc-d-34)
1. Ang balang bibig na pinagmumulan ng katotohanan.
a. ang mga taong mapanira sa kanilang kapwa at nagkukuwento tungkol sa
buhay ng may buhay.
b. Ang mga taong nagsasabi o naglalahad ng katotohanan tungkol sa
pagmamalabis ng mga mananakop.
c. Ang mga Espanyol na naglalahad ng plataporma ng kanilang
pamumuno sa bansa.
d. Ang mga bata na di mapipigilan sa pagsasabi ng totoo.
2. Ang mga syerpe’t basilikong gumagala sa gubat
a. Mananakop na nag-aabang upang makagawa nang masama sa mga
Pilipino.
b. Mababangis na hayop gubat na anumang oras ay handing sumila o pumatay.
c. Sakit o karamdamang maaring dumapo sa sinuman.
d. Kaibigang pinagtitiwalaan na magtataksil sa likuran.

Panuto : Suriin kung alin ang hindi mahalagang pangyayaring nakalahad sa


saknong na binasa. (F8PN-IVc-d-34)

3. Mula sa Kabanata 1- Gubat na Mapanglaw


a. Ang pakikipag-usap ni Florante sa namayapang ina at
pinakamamahal na ama.
b. Labis na sakit at kabiguang dinaranas niya dahil sa kataksilan ni Adolfo.
c. Pagbabalik-tanaw sa mga alaala ng kanyang pagkabata.
d. Nadaramang panibugho ni Florante sa inaakalang kasiyahan nina Adolfo at
Laura.
4. Mula sa Pag-aalay Kay Selya
a. Ang pag-alala ni Balagtas sa masasayang sandaling magkasama sila ng
pinakamamahal niyang si Selya
b. Pagpapakasal nina Balagtas at Selya
c. Paglikha ng walang kamatayang awit bunga ng labis na
kalungkutan dahil sa kabiguan sa pag-ibig
d. Paghahandog ng tula kay MAR
5. Ang pangunahing kaisipan ng saknong na nabasa mula sa Kabanata 1- Gubat na
Mapanglaw ay:

A. Kapag may pinagdaraanang problema ay humingi ng tulong sa nakaalam ng lahat ng


bagay, ang Diyos.
B. Huwag mawalan ng pag-asa kapag hindi na kaya ang pinagdaraanang problema.
C. Lahat ng suliranin ay may solusyon.
D. lahat ng nabanggit

PAUNLARIN:

A K T I B I T I – Motibasyon

Ano na ba ang alam mo?

Bago ka pumunta sa mga gawaing inihanda ko, subukan mo

munang sagutin ang pagsusulit sa ibaba upang masukat ang dati mong

kaalaman sa paksang ating tatalakayin.


Panuto: Tukuyin mo kung anong uri ng tayutay ang mayroon sa bawat pahayag. Piliin mula sa

kahon ang tamang kasagutan.

A.Pagwawangis C. Pagsasatao

B. Pagmamalabis D. Pagtutulad

________1. Amoy basang medyas ang kuwarto natin ngayon!

________2. Gaposte na si Marya ngayon.

________3. Ngumiti sa akin ang araw sa aking pagtingala.

________4. Kumakaway ang mga bulaklak sa hardin.

________5. Pakiramdam ko nililitson ako sa sobrang init.

 Pagbasa ng lunsarang tula


Ang Pintor
(Jerry Gracio)
Gumuhit siya ng ibon
Lumipad ito palayo
Gumuhit siya ng isda,
Lumangoy ito sa hangin.
Gumuhit siya ng bulaklak,
Nagkalat ang halimuyak sa dilim.
Iginuhit niya ang sarili,
At inangkin siya ng kambas.

ANALISIS

1. Ano ang nangyari sa mga iginuhit ng pintor?

2. Maituturing bang nabigyang-buhay ng pintor ang kaniyang larawan?

3. Ano ang nangyari sa pintor sa huling dalawang saknong? Nagbigay-buhay ba siya o nasira ang
kaniyang buhay?

Ano ang Tayutay? (F8PT-IVc-d-34)


Sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita ang tayutay.Hindi ordinaryo ang
pagkakapahayag nito, hindi tuwiran ang kahulugang hatid kaya’t kailangan pang lubos na pag-
isipan upang ganap na maunawaan. Lumikha ito ng mga larawan o imahen at umaakit sa mga
pandama. Malikhain at matulain ang pagkakalahad nito kaya’t naiiba ang bisa sa mga bumabasa
o nakikinig.

Simili o Pagtutulad - di tiyak na Metapora o Pagwawangis - tiyak na


paghahambing ngunit hindi na
paghahambing ng dalawang magkaibang ginagamitan ng pangatnig.
bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang:
Halimbawa: Ang kutis ni Diana ay
tulad ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, porselana sa pagkakinis.
magkasing-, magkasim-.

Halimbawa: Ang kagandahan mo ay tulad  Personipikasyon o Pagtatao -


Ginagamit ito upang bigyang-buhay,
ng isang anghel.
pagtaglayin ng mga katangiang
pantao - talino, gawi, kilos ang mga
Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay bagay na walang buhay sa
lagpalagpasang pagpapasidhi ng pamamagitan ng mga pananalitang
kalabisan o kakulangan ng isang tao, nagsasaad ng kilos .
bagay, pangyayari, kaisipan,
damdamin at iba pang katangian, Halimbawa: Ang mga damo ay
kalagayan o katayuan. sumasayaw.

Halimbawa: Ang pagmamahal ko sa


iyo ay singlayo ng buwan.

Tandaan mo na ang bawat


masining na pagpapahayag ay
may kaakibat na reponsibilidad.
Siguraduhin mo munang akma
ang paglalarawan
sa isang tao, bagay pook o
pangyayari

ABSTRAKSYON

Bumuo ng sariling depenisyon ng salitang TAYUTAY gamit ang estratehiyang

LINEAR CHART.
T

APLIKASYON

Katulad ng pintor sa tula lahat tayo ay may angking talento, kailangan lamang nating suriing

mabuti ang ating mga sarili. Sa pagsusuri ng sarili, mayroon kang matutuklasan. May mga kakayahan

kang hindi dapat itinatago subalit dapat na ibinabahagi . Alam kong marami kang talentong dapat

gamitin. Halika at itala mo ang iyong mga natatanging talento at isulat mo rin kung paano mo ito

ibabahagi at palalaguin.

Mga Talento Ko Gagawin ko mula ngayon


ang mga sumusunod:

1. ___________
1. _______________

2. ___________
2. _______________

3. ___________ 3. _______________

4. __________ 4. _______________
EBALWASYON
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang mga sumusunod na piling saknong at mga
pangungusap.

1. “Makinis ang balat at anaki’y burok,


Pilik-mata’t kilay mistulang balantok.”

2. “Ang tula mo’y bukal ng bait na kapos


Pakikinabangan ng ibig tumarok.”

3. “Nagluksa ang langit ng aking mapatay,


Habag sa gererong sa mundong tinakhan.”

4. “Bininit sa busog ang nakakatulad


Nang kitlin ng aming daong paglalayag.”

5. Si Laura na animo’y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig kay Adolfo.


6. Simbilis ng hangin kung kumalat ang tsismis sa bayan natin.
7. Ang utak ng bata ay espongha na sumisipsip ng impormasyon mula sa kanyang kapaligiran.
8. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
9. Gumuho ang mundo ni Florante nang malaman niyang si Laura ay napasa kamay ni Adolfo.
10. Siya’y langit na di kayang abutin ninuman.
SINOPSIS

Ang Self Learning Kit na ito ay tumatalakay sa mga mapapait na karanasan, ang buhay
pag-ibig at ang paggunita sa nakaraan ni Balagtas. Kabilang na rin dito ang pagkatututo sa iba’t
ibang uri ng tayutay. Gamit ang SLK na ito, nalilinang ng mga mag-aaral ang kakayahan at
kahusayan sa pag-unawa sa bawat aralin ng Florante at Laura at ang pagsagot sa mga
pagsasanay.

Ang mga mag-aaral ay inaasahang masubok ang kakayahan sa pag-unawa at pagsagot


sa mga pagsasanay at magamit ang mga natutunan sa kanilang pang araw- araw na
pamumuhay lalo na sa pagharap sa reyalidad ng buhay

Mga Susing Sagot


Talasalitaan Ebalwasyon Pagganyak Ebalwasyon

1. Pebo-araw 1. B 1. A 1. Pagtutulad 6. Pagtutulad

2. Burok- malarosas 2. A 2. D 2. Pagwawangis 7.Pagwawangis

3. Lugami- talunan 3. D 3. C 3. Pagsasatao 8. Pagsasatao

4. Baluti- pananggalang 4. A 4. C 4. Pagmamalabis 9. Pagmamalabis

5. Lilo-taksil 5. D 5. B 5. Pagwawangis 10. Pagwawangis

6. Malining- malaman

May-Akda. JOCELYN T. YBANEZ. Nagtapos sa University of


Cebu Lapulapu and Mandaue sa kursong Bachelor of Secondary
Education major in Filipino. Kasalukuyang nag-aaral ng Master of Education sa
Cebu Technological University. Kasalukuyang nagtuturo sa Pagsabungan
National High School, Pagsabungan, Mandaue City bilang guro sa asignaturang
Filipino sa ika-walong baitang.

You might also like