You are on page 1of 15

PAG-AARI NG

HINDI
PAMAHALAAN

IPINAGBIBILI

Department of Education-Region VII


Sudlon, Lahug Central Visayas, Cebu City

Kaligirang Pangkasaysayan ng
Florante at Laura

IKAAPAT NA MARKAHAN– LINGGO 1

SARILING-LINANGAN KIT

IKAAPAT NA MARKAHAN
Panitikan : Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
: Talambuhay ni Fransisco Baltazar
Wika : Antas ng Wika: Di-Pormal (Balbal, Kolokyal,
Banyaga)

Saved from google.com.ph

ARALIN 4.1: PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-IVa-b-33)


 Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa
napakinggang mga pahiwatig sa akda.

ARALIN 4.2: PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-IVa-b-33)

 Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:


- pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito -
pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda : pagsusuri sa epekto ng akda
pagkatapos itong isulat

ARALIN 4.3: WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-IVa-b-35)

 Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may- akda, gamit ang wika ng


kabataan.
PAUNANG PASALITA

Ang Self Learning Kit na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral upang malinang
ang kanilang husay sa pagbasa sa akdang Florante at Laura at mapahalagahan ang
mga impormasyon o pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan na may kaugnayan sa
kalagayan ng ating bansang Pilipinas.

Ang mga gawain dito ay makapagtibay sa kanilang kaalaman at pag-unawa sa


bawat babasahing talakayan. Dito masusukat ang kanilang kakayahan sa pagsagot sa
iba’t ibang kasanayan sa nasabing learning kompetensi na pweding gamitin at i-ugnay sa
mga pang-araw-araw na pamumuhay at sariling karanasan.

Nahahati sa tatlong bahagi ang Self Learning Kit na ito:

A. Anong Nangyari? (Paunang Katanungan) na kung saan ay sasagutin nila nag


tanung na hindi pa nila lubusang nalaman ang learning kompetensi na ito.

B. Ano ang Dapat Malaman? (Matuklsan) na kung saan ibabahagi at ipapaliwanag ang
mga impormasyon sa learning kompetensi na nakapaloob dito.

C. Ano ang Natutunan? (Pagsasanay o Gawain) na kung saan dito masusukat o


malalaman ang kahusayan ng mag-aaral sapagkatuto at pag-unawa sa bawat
paksang nabasa.

Inaasahan ang mga mag-aaral na malinang ang kanilang kakayahan, maging


seryoso sa pag-aaral at magamit ang mga natutunan sa kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay.
LAYUNIN:

 Mapahalagaan ang kaligirang kasaysayan ng Florante at Laura na may


kaugnayan sa mga kaganapan sa ating lipunan.
 Malaman ang talambuhay ni Francisco Baltazar bilang may akda at mabigyang
halaga ang kanyang kontribusyon sa ating bansa.
 Matuklasan ang mga mahahalagang impormasyon sa panahong nasulat ang akda
at malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsagot ng mga pokus na
tanong at gawain

LEARNING COMPETENCY:

 Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa


napakinggang mga pahiwatig sa akda. (F8PN-IVa-b-33)
 Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
- pagtukoy sa kalagayan nglipunan sa panahong nasulat ito -
pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda : pagsusuri sa epekto ng akda
pagkatapos itong isulat. (F8PB-IVa-b-33)
 Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may- akda, gamit ang wika ng kabataan.
(F8WG-IVa-b-35)

ANO ANG NANGYARI?

Magandang araw sa inyong lahat,


ako’y naririto upang kayo ay
gabayan sa inyong pag-aaral, sa
ikaapat na markahan sa Filipino 8.

 Kilala n’yo ba si Francisco


Baltazar? Kung gayon halina’t ating tuklasin at
 Pamilyar ba sa inyo ang
alamin ang mga mahahalagang
Florante at Laura?
kaalaman at impormasyon.

Alam n’yo ba…


Kung may tanyag na Romeo at Juliet na isinulat ni William Shakespeare sa ibang bansa, mayroon
din tayong Florante at Laura sa Pilipinas, na isinulat ni Francisco Balagtas.
Tandaan ang pokus na Tanong:

Pokus na Tanong:
 Bakit isinulat ni Fransisco Baltazar ang Florante at Laura?
 Paano nakatutulong ang di-pormal na antas ng wika sa pag-unawa sa isang
akda?

A K T I B I T I bilang Motibasyon:
AUTHOR CRASH
Buuin ang mga pangalan ng sikat na manunulat sa Pilipinas sa
pamamagitan ng paghanay ng kulom A sa kulom B.

FRANCISCO BAUTISTA

LUALHATI HERNANDEZ

AMADO BALTAZAR

SEVERINO DE JESUS

JOSE CORAZON REGALADO

INIGO REYES

 Pag-uugnay ng gawain sa bagong aralin.


 Pagkilala sa May- Akda (Fransisco Baltazar).
Talambuhay ni Francisco “Balagtas” Baltazar

Isinilang si Francisco Baltazar noong ika 2 ng Abril, 1788 sa


nayon ng Panginay (Balagtas) Bigaa, Bulakan. Ang kanyang mga
magulang ay sina Juan Baltazar at Juana Dela Cruz. Ang
pagmamahalan ng dalawang ito ay nagbunga ng apat na supling, sina
Felipe, Concha, Nicolasa, at Kiko.

Nabibilang lamang sa maralitang angkan ang mag – anak na


Baltazar. Ang kanyang ama ay isang panday at ang kanyang ina ay
isang karaniwang maybahay. Si Kiko ay pumasok sa kumbento ng
kanilang kabayanan sa ilalim ng pamamatnubay ng kura – paroko at ditto
ay natutuhan niya ang Caton, misterio, kartilya at Catecismo.

Ang pandayan ng kanyang ama ay ginagawang tagpuan ng


mga kanayon at dito ay naririnig ni Kiko ang mga usapan at pagtatalo
tungkol sa sakit ng lipunang umiiral noon. Malaki ang nagawa nito sa
kanyang murang isipan. Palibhasa’y may ambisyon sa buhay, inakalang
hindi sapat ang natutuhan sa kanilang bayan kayat umisip ng paraan
kung paano siya makaluluwas ng Maynila upang makapagpatuloy ng
pag – aaral. Ayon sa kanyang ama mayroon silang malayong kamag –
anak na mayaman, na naninirahan sa Tundo at maaari siyang pumasok
dito bilang utusan.

Nagustuhan naman ang paglilingkod ni Kiko sa kanyang amo


kaya pinayagan siyang makapag – aral. Nagpatala siya sa Colegio de
San Jose na noon ay pinamamahalaan ng mga Hesuwitas. Dito’y
natutuhan niya ang Gramatika, Latin at Kastila, Fiska, Geografia at
Doctrina Cristiana. Noong 1812 ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag –
aaral sa Colegio de San Juan de Letran at dito’y natapos niya ang
mga karunungang Teolohiya, Filosofia at Humanidades. Naging guro
niya si Padre Mariano Pilapil, ang may – akda ng Pasyong Mahal.

Naging tanyag si Kiko sa purok ng Tundo, Maynila sapagkat


sumusulat siya ng tula at itinuturing na mahusay na makata. Sa
Gagalangin, Tundo ay nakilala niya ang isang dalagang
nagngangalang Magdalena Ana Ramos at ito’y napagukulan niya ng
paghanga. Noong panahong iyon ay may isang tagaayos ng tula, si Jose
dela Cruz na lalong kilala sa tawag na Huseng Sisiw sapagkat kung
walang dalang sisiw ay hindi niya inaayos at pinag – uukulan ng pansin
ang tulang ipinaaayos ng sinuman. Isang araw ay may dala – dalang tula
si Kiko upang ipaayos kay Huseng Sisiw at sa dahilang walang dalang
sisiw ay hindi ito inayos ni Jose. Umuwi si Kikong masamang –
masama ang loob kayat simula noon ay hindi na siya humingi ng tulong
sa makata ng Tundo.
Noong taong 1853, lumipat siya sa Pandacan at doon niya nakilala si Maria
Asuncion Rivera. Sa kabila ng mga paalaala at payo ng mga kakilala at kaibigan na
magiging mahirap para sa kanya ang pamimintuho sa dalaga sapagkat magiging
karibal niya si Mariano Kapule, isang mayaman at makapangyarihan sa pook na
iyon, subalit winalang – bahala ang mga paalalang ito, Hindi siya tumugot hanggang
hindi nakadaupang – palad si Maria at hindi nga nagtagal at naging magkasintahan
ang dalawa.

Palibhasa’y mayaman ginamit ni Nano ang taginting ng salapi upang


mapabilanggo si Kiko. Nagtagumpay naman ito. Sa loob ng bilangguan ay
nagdadalamhati si Kiko at lalo itong nalubos ng mabalitaan niyang ikinasal na ang
pinag – uukulan niya ng wagas na pag – ibig at si Nano. Maraming nagsasabing sa
loob ng bilangguan niya isinulat ang walang kamatayang Florante at Laura at buong
puso niya itong inihandog kay Selya.

Pagkalabas niya sa bilangguan noong 1838 ay minabuti niyang lumipat sa


ibang tirahan upang di na magunita ang alaala ni Selya kaya ang alok na puwesto sa
Udyong, Bataan ay buong puso niyang tinanggap. Muling tumibok ang kanyang puso
ng makilala niya si Juana Tiambeng, isang anak na mayaman na naging kabiyak
niya. Nagkaroon sila ng labing
– isang supling, limang lalaki at anim na babae sa loob ng labing – siyam
na taong pagsasama nila. Pito ang namatay noong mga bata pa at sa apat na
nabuhay isa lamang ang nagmana kay Balagtas.

Dahil sa may mataas na pinag – aralan si Kiko kaya humawak siya ng mataas
na tungkulin sa Bataan – naging tagapagsalin, tinyente mayor at huwes mayor de
Semantera.
Mainam –inam na sana ang buhay ng mag – anak ngunit nagkaroon na
naman ng isang usapan tungkol sa pagkakaputol niya ng buhok sa isang utusan ng
isang mayamang si Alfarez Lucas. Sa pagkakataong ito, namayani na naman ang
lakas ng salapi laban sa lakas ng katwiran kaya napiit siya sa Bataan at pagkatapos
ay inilipat sa piitan ng Maynila. Nang siyay makalaya, bumalik siya sa Udyong at dito
nagsulat ng awit, komedya at namatnugot sa pagtatanghal ng dulang Moro – moro
na siya niyang ibinuhay sa kanyang pamilya.

Noong ika – 20 ng Pebrero, 1862 si Kiko ay namatay sa Udyong Bataan sa


gulang na 74 na taon.

Sanggunian: http://sulyapsayaman.blogspot.com/2007/10/talambuhay-ni-
francisco-baltazar.html
Pagbasa sa Teksto

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura


Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco “Balagtas” Baltazar noong 1838,
panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Sa panahong ito, mahigpit na
ipinatupad na sensura kaya’t ipinagbawal ang mga babasahin at palabras na tumutuligsa
sa pagmamalabis at kalupitan ng mga Espanyol. Dahil sa pagkontrol ng mga Espanyol,
ang mga aklat na nalimbag sa panahong ito ay karaniwang patungkol sa relihiyon o di
kayaý sa paglalaban ng mga Moro at Kristiyano na tinatawag ding komedya o moro-
moro, gayundin ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika.
Ang relihiyon at ang paglalaban ng mga Moro at Kristiyano ay siya ring temang
ginamit ni balagtas sa kanyang awit bagama’t naiugnay niya ito sa pag-iibigan nina
Florante at Laura. Ito ang dahilan kaya nagtagumpay siyang mailusot ang awit sa
mahigpit na sensura ng mga Espanyol. Gumamit siya ng alegorya kung saan
masasalamin ang mga nakatagong mensahe at simbolong kakikitaan ng pagtuligsa sa
pagmamalabis at kalupitan ng mga Espanyol gayundin ng pailalim na diwa ng
nasyonalismo. Ang mga tauhan at mga pangyayaring nagdulot ng kaawa-awang
kalagayan sa kaharian ng Albanya ay kasasalaminan ng mga naganap na kaliluan,
kalupitan, at kawalang katarungan sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng mga
Espanyol.
Masasalamin din sa akda ang tinutukoy ni Lope K. Santos na “apat na himagsik”
na naghari sa puso at isipan ni Balagtas. (1) ang himagsik laban sa malupit na
pamahalaan; (2) ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya; (3) ang himagsik
laban sa mga maling kaugalian; (4) ang himagsik sa mababang uri ng panitikan. Ang
Florante at Laura ay itinuturing na isang obra-maestra ng panitikang Pilipino at
sinasabing nagbukas ng landas para sa panulaang Tagalog noong ika-19 na dantaon.
Isinulat niya kasi ang kaniyang akda sa wikang Tagalog sa panahong ang karamihan sa
mga Pilipinong manunulat ay nagsisulat sa wikang Espanyol.
Ang awit ay inalay ni Balagtas kay “Selya” o Maria Asuncion Rivera, ang babaeng
minahal niya nang labis at pinagmulan ng kanyang pinakamalaking kabiguan.sinasabing
isinulat niya ito sa loob ng selda kung saan siya nakulong dahil sa maling paratang na
pakana ng mayamang karibal na si Nano Kapule. Ang malabis na sakit, kabiguan,
kaapihan, himagsik, at kawalang katarungang naranasan ni Kiko sa lipunang kanyang
ginagalawan ay siyang nagtulak sa kanya upang likhain ang walang kamatayang
Florante at Laura. Ang awit ang nagsilbing gabay at nagturo sa mga Pilipino ng
maraming bagay. Ito ay naglalaman ng mahahalagang aral sa buhay tulad ng wastong
pagpapalaki sa anak, pagiging mabuting magulang, pagmamahal at pagmamalasakit sa
bayan, pag-iingat laban sa mga taong mapagpanggap o mapagkunwari at makasarili,
gayundin ang pagpapaalaala sa madla na maging maingat sa pagpili ng pinuno sapagkat
napakalaki ng panganib na dulot sa bayan ng pinunong sakim at mapaghangad sa
yaman. Ipinakita rin sa akda ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa maging doon ay
sa may magkakaibang relihiyon tulad ng mga Muslim at Kristiyano.
Binigyang-halaga rin sa akda ang taglay na lakas ng kababaihan sa katauhan
ni Flerida, isang babaeng Muslim na sa halip na sumunod lang sa
makapangyarihang kalalakihan ay piniling tumakas mula sa mapaniil sa Sultan
upang hanapin ang kaniyang kasintahan at siya pang pumutol sa kasamaan ng
buhong na si Adolfo. Ang akda ay gumabay hindi lamang sa mga pangkaraniwang
tao kundi gayundin sa mga bayaning nagmulat sa diwang makabayan ng mga
Pilipino. Sinasabing si Jose Rizal ay nagdala ng kopya ng Florante at Laura habang
siya’y naglalakbay sa Europa at naging inspirasyon niya sa pagsulat ng Noli Me
Tangere. Sinasabi ring maging si Apolinario Mabini ay sumipi sa pamamagitan ng
sarili niyang sulat-kamay ng kopya ng awit habang siya ay nasa Guam noong 1901.
Bagama’t napakatagal nang panahon mula nang isulat ni Balagtas ang awit
ay hindi mapapasubaliang ang mga aral na taglay nitong gumabay sa ating mga
ninuno at mga bayani ay nananatiling makabuluhan, angkop, at makagagabay pa rin
sa mga Pilipino hanggang sa kasalukuyang panahon.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et.al

A N A L I S I S: (F8PN-IVa-b-33)

1. Batay sa binasang teksto, magbigay ng inyong hinuha kung bakit


mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura?
Sagot:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_____________.
2. Ilahad ang kalagayahan ng bansa sa panahong isinulat ang Florante
at Laura?
Sagot:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_____________.
3. Nagkaroon nga kaya ng impluwensya ang Florante at Laura sa mga
nangyaring pag-alsa ng mga Filipino laban sa mga Espanyol? Patunayan sa
pamamagitan ng mga naging aksyon ng mga Filipino noong panahong iyon.
Sagot:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_____________.
4. Ano ang naging layunin ni Francisco Baltazar kung bakit niya isinulat
ang awit na Florante at Laura?
Sagot:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_____________.
ALAM MO BA NA…

ANG FLORANTE AT LAURA


Ang Florante at Laura ay isang obra maestra ni Francisco Baltazar, na
kilala rin bilang Balagtas. Itinuturing ito bilang isa sa mga pinaka-
maimpluwensiyang tulang naisulat sa Pilipinas.
Ang pamagat ng "Florante at Laura" ay isang pagdadaglat ng aktuwal na
pamagat ng tula. Ito ay may titulong Pinagdaanang búhay ni Florante at ni
Laura sa kahariáng Albanya: Kinuhà sa madláng cuadro histórico o
pinturang nagsasabi sa mg̃á nangyari nang unang panahón sa imperyo ng̃
Gresya, at tinulâ ng̃ isáng matuwaín sa bersong Tagálog.
Ang Florante at Laura ay sinasabing resulta ng pagkabigo ni Baltazar sa
pag-ibig matapos mawala sa kaniya ang babaeng kaniyang iniibig nang lubos,
si Maria Asuncion Rivera sa isang mayaman at makapangyarihang lalake na
si Mariano Capule. Si Rivera ay umano ang babaeng tinutukoy ni Baltazar
bilang “Celia” at MAR sa kaniyang tula.
Ang Florante at Laura ay isinulat din upang isalarawan ang sitwasyon ng
bansa sa ilalim ng pamamahala ng mga Kastila. Ipinakikita ng tula na hindi
dapat gamitin ang pagkakaiba ng relihiyon para diskriminahin ang isa’t isa.
Ang Florante at Laura ay itinuturing na awit ngunit patula ang anyo. Ito
ay mayroong 399 na saknong at nakasulat sa isang makatang paraan na
may mga sumusunod na katangian: (1) Mayroong apat na linya bawat
saknong (2)Mayroong 12 pantig bawat linya (3)Ang tugma nito ay AAAA
(4)Mayroong sandaling pagtigil sa ika-anim na pantig (5)Bawat saknong ay
kumpleto at tama sa gramatikong pangungusap (6)Ang bawat saknong ay
puno ng talinghaga.

APLIKASYON (F8PB-IVa-b-33)

A. Suriin ang naging epekto sa iyo ng akda sa pamamagitan ng pagguhit


ng kalagayan ng ating lipunan sa kasalukuyan. Kung ikaw ay magiging si
Balagtas, anong pamagat ng isang akda ang iyong isusulat?
Sagot:

B. Paghambingin ang kalagayan ng lipunan noon at ngayon.

A B
Pilipinas
noong
Panahon ng A&B Pilipinas
Kastila ngayon

Pagsagot sa pokus na tanong:


Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco Baltazar upang isalarawan ang
sitwasyon ng bansang Pilipinas sa ilalim ng malupit na pamamahala ng mga
Kastila.

PAUNLARIN:

A K T I B I T I – Motibasyon

Kung ikaw si G. Balagtas ng makabagong panahon, ano ang iyong


damdamin o saloobin tungkol sa mga kabataan ngayon. Ano ang sasabihin
o magiging payo mo para sa kanila?
(Sagot)__________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
________________________________________.

 Pagbasa ng lunsarang teksto

SA PINAS PA DIN!
May mga Pinoy na kahit na bigyan ng pagkakataon na manirahan sa abroad ay
pinipili pa ring manirahan sa Pilipinas. Itinuturing niyang tahanan kung saan ay nabubuhay
siya nang maligaya at payapa sapagkat para sa kaniya ay wala ng hihigit p asa lupang
tinubuan.
Gabby: Paula totoo bang sa Amerika ka na mag-aaral sa susunod na taon?
Paula : Dehins na yun matutuloy besh. Hindi ko kayang gumora dun para
ipagpalit lang ang Pinas sa Amerika.
Gabby: Trulalu? Super windang pa naman ang ating mga mars.
Akala nila ay lilipad ka na sa US.
Paula : Naku, di ko kering iwan ang mga jologs Kong frendz and
family besh. Isa pa, love ko na din ang Pinas, walang makakapantay s asa ating
bansa pati na din sa mga teachers natin!
Gabby: Idol n talaga kita. Sana ay dumami pa ang mga katulad mo
na di masilaw sa datung at mas win pa din ang Pinas kesa sa
ibang maunlad na bansa. Apir!

ANALISIS

1. Naging mabisa ba ang paggamit ng wika ng manunulat upang


maipahayag ang kanyang damdamin at saloobin?
2. Pansinin ang mga salitang may salungguhit, anong antas ng wika ang
ginamit sa teksto?
3. Mahalaga ba ang paggamit ng pormal na antas ng wika sa pasalita at
pasulat na komunikasyon?

ALAM MO BA…
Mga Salitang Ginagamit Sa Impormal Na Komunikasyon

Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang- araw-araw na


pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan ay kabilang sa mga
impormal na salita.
Pagsagot sa Pokus na Tanong:

Nakatutulong ang paggamit ng WIKANG DI PORMAL sa pag-unawa sa


IBA’T IBANG genre ng panitikan sa pamamagitan ng paggamit ng mga
salitang napapanahon at mga salitang walang KATUMBAS sa wikang
Filipino at akdang pampanitikan.

ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya : AKROSTIK
Bumuo ng konsepto ng araling tinalakay sa pamamagitan ng Akrostik ng salitang
Wika.

W _

I _

K _

A _

A P L I K A S Y O N: (F8WG-IVa-b-35)
A. Maglahad ng sariling damdamin o saloobin sa kalagayan ng Pilipinas sa
kasalukuyan gamit ang mga sumusunod na wika ng kabataan:
a. Gora = ____________________________________________________________
b. ewan = ____________________________________________________________
c. keri = _____________________________________________________________
d. Datung = _______________________________________________________________
e. dutertards/yellowtards = _______________________________________________

B. Tumbasan ng impormal na salita ang mga sumusunod na salita:


a. Tara na! - ______________________
b. Natataranta - ______________________
c. Umalis - ______________________
d. mabagal - ______________________
e. magarbo - ______________________

SYNOPSIS

Ang Self Learning Kit na ito ay tumatalakay sa paglinang ng kamalayan sa kaligirang kasaysayan ng
Florante at Laura ng may-akdang si Francisco Baltazar, gamit ang iba’t ibang Learning Competency nalilinang
ang mahahalagang kaalaman na magagamit sa pag-ugnay ng kaganapan sa ating bansa o lipunan.

Ang mga mag-aaral ay inaasahang masubok ang kakayahan sa pag-unawa at pagsagot sa mga gawain
o pagsasanay at magamit ang mga natutunan sa kanilang pang araw- araw na pamumuhay lalo na sa pagharap
sa reyalidad ng buhay.

Halina at samahan mo kami sa paglalakbay at alamin ang mga pangyayari para lubusang malinang ang
iyong kaalaman bilang mag-aaral, anak at mamamayan sa bansang tinubuan.

May-Akda.IRISH I. BAYOTLANG. Nagtapos sa University of Visayas- Mandaue Campus sa


kursong Bachelor of Secondary Education major in English. Interesado sa asignaturang
Filipino kaya nakakuha na siya ng 30 Units sa MAED-FIL (CAV/CAR) sa Cebu Technological
University. Kasalukuyang nagtuturo sa Paknaan National High School, Paknaan, Mandaue
City bilang guro sa asignaturang Filipino 8 at koordineytor sa departamentong Filipino.

ANSWER KEYS:

(Author Crash)
SAGOT: Francisco Baltazar,
Lualhati Bautista, Amado
Hernandez, Severino Reyes,
Jose Corazon De Jesus, Inigo
Regalado

You might also like