You are on page 1of 32

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Modyul 8:
Florante at Laura
Kawawang Aladin - Dulo ng Salita
(Pagsang-ayon at Pagsalungat)

Self-Learning Module
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 8: Florante at Laura Kawawang Aladin - Dulo ng Salita
(Pagsang-ayon at Pagsalungat)
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Paaralang Pansangay ng Lungsod Gapan


Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rona V. Esmundo
Editor: Everlyn S. Pascual
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Ann C. Ligsay, PhD,
Dulce M. Esteban, Jocelyn M. Mateo
Tagasuri ng Wika: Marie Ann C. Ligsay, PhD Jocelyn S. Pablo,
Bernadeth D. Magat, Everlyn S. Pascual,
Tagasuri ng Disenyo at Balangkas: Emmanuel DG. Castro
Tagaguhit: Marlon D. De Guzman
Tagalapat: Glehn Mark A. Jarlego
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD
Alexander F. Angeles, PhD
Rublita L. San Pedro

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan
Office Address: Don Simeon St., San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telefax: (044) 486-7910
E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph
Alamin

Kumusta ka, mahal kong mag-aaral? Binabati kita dahil sa wakas ay


nasa huling yugto ka na ng araling ito. Handa ka na bang alamin ang mga
kahahantungan ng mga tauhan sa awit na Florante at Laura? Kung ganoon,
inaasahan kong sa pagtatapos ng araling ito ay matagumpay mong
maisasagawa ang sumusunod na kasanayan:

1. nailalapat sa isang radio broadcast ang mga kaalamang natutuhan


sa napanood sa telebisyon na programang nagbabalita (F8PD-IV-j-
38); at
2. naipahahayag ang pansariling paniniwala at pagpapahalaga gamit
ang mga salitang naghahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat (Hal.:
totoo, ngunit) (F8PU-IV-j-40).

Subukin

Nasasabik ka na bang matuklasan ang mga huling pangyayari sa awit


na Florante at Laura na tatalakayin natin sa modyul na ito? Sandali! Subukin
mo munang sagutin ang paunang pagtatayang inihanda ko para sa iyo nang
sa ganoon ay makita ko ang lawak ng iyong kaalaman sa araling ito.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Piliin at


isulat sa hiwalay na papel ang letra ng iyong sagot.
Para sa bilang 1-2

362. “Inihinging-tawad ng luha at daing


ang kaniyang anak na mutya ko’t giliw;
ang sagot ay kundi kusa kong tanggapin
ang pagsinta niya’y di patatawarin.”

363. “Ano’ng gagawin ko sa ganitong bagay?


Ang sinta ko baga’y bayaang mamatay!
Napahinuhod na ako’t nang mabuhay
Ang prinsipeng irog na kahambal-hambal.”

1
1. Ano ang inihahayag ng taludtod na may salungguhit?
A. katotohanan C. pagsalungat
B. opinyon D. pagsang-ayon

2. Sang-ayon ka ba sa ibinigay na kondisyon ni Sultan Ali-Adab bilang


kapalit ng kalayaan ng kaniyang sariling anak?
A. Opo, dahil mapaghihiwalay na ni Sultan Ali-Adab sina Flerida at
Aladin.
B. Opo, dahil mas mabuting umalis na lamang si Aladin sa Persiya
kaysa sa makulong at maparasuhan ng kamatayan.
C. Hindi po, dahil hindi makatuwirang agawan mo ng minamahal
ang iyong sariling anak.
D. Hindi po, dahil masamang tao si Sultan Ali-Adab at hindi siya
nararapat kay Flerida.

Para sa bilang 3-6

Isko: Haring Linceo, hinatulan ng bitay dahil umano sa layunin


nitong pabagsakin ang ekonomiya ng Albanya sa pamamagitan
ng paglalagay ng estangke sa mga kakani’t trigo na siyang
pangunahing ikinabubuhay ng mga Albanyo.

Selly: Naku partner, galit na galit nga ang mamamayan ng Albanya sa


Hari kung kaya’t sila ay nag-rally sa harap ng palasyo real para
igiit na ito ay mamatay na.

Isko: Tama ka riyan, partner, nakapangingilabot ang sigaw ng


mamamayan ng Albanya.

Selly: Isa ngang malaking balita ito ngayong taon, na talaga namang
ikinagulat ng lahat dahil kilala sa mabuting gawi at tapat sa
kaniyang nasasakupan ang Hari.

Isko: Kaya nga, may ilan pa rin siyang mga kapanalig na patuloy na
naniniwala sa kaniya ngunit, mas malakas pa rin ang hiling ng
marami na siya’y pababain na sa trono.

Selly: Totoo, partner, Panginoon na ang bahala, masunod nawa ang


Kaniyang kalooban para sa abang kapalaran ng Hari.

3. Anong salita ang nagpapakita ng pagsang-ayon sa nakasalungguhit na


pahayag?
A. bahala C. para
B. nawa D. totoo

2
4. Anong pananaw ng pagsang-ayon ang ipinahayag ng tagapagbalitang si
Isko nang malaman nito ang naganap na rally sa palasyo?
A. Totoo, partner, Panginoon na ang bahala.
B. Naku, partner, galit na galit nga ang mamamayan ng Albanya
sa Hari.
C. Kaya nga may ilan pa rin siyang mga kapanalig na patuloy na
naniniwala sa kaniya.
D. Tama ka riyan, partner, nakapangingilabot ang sigaw ng
mamamayan ng Albanya.

5. Paano inilahad ng mga tagapagbalita ang kanilang mga paniniwala at


pagpapahalaga sa isyung tinalakay?
A. pagtukoy ng mahahalagang detalye
B. paglalahad ng mga opinyon at pananaw
C. paggamit ng mga makatawag-pansing salita
D. paggamit ng mga salitang may pagsang-ayon at pagsalungat

6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagsalungat?


A. Layunin nitong pabagsakin ang ekonomiya ng Albanya.
B. Kaya’t sila ay nag-rally sa harap ng palasyo real para igiit na ito
ay mamatay na.
C. Ngunit mas malakas pa rin ang hiling ng marami na siya’y
pababain na sa trono.
D. Tama ka riyan, partner, nakapangingilabot ang sigaw ng
mamamayan ng Albanya.

Para sa bilang 7-10

390. “Kapagdating dito ako’y dinadahas


at ibig ilugso ang puri kong ingat;
mana’y isang tunod na kung saan buhat,
pumako sa dibdib ni Adolfong sukab…”

391. Sagot ni Flerida: “Nang dito’y sumapit


ay may napakinggang binibining boses
na pakiramdam ko’y binibigyang-sakit,
nahambal ang aking mahabaging dibdib.

392. “Nang paghanapin ko’y ikaw ang nataos,


pinipilit niyong taong balakiyot;
hindi ko nabata’t bininit sa busog
ang isang palasong sa lilo’y tumapos…”

3
7. Ano ang ipinahahayag ng saknong na may salungguhit?
A. katotohanan C. pagsalungat
B. opinyon D. pagsang-ayon

8. Kung ikaw si Flerida, gagawin mo rin ba ang ginawa niyang pagliligtas


kay Laura?
A. Opo, kasi naaawa ako kay Laura.
B. Opo, kasi hindi ko matitiis na makita ang ganoong pang-aabuso
sa isang babae.
C. Hindi po, kasi baka pareho kaming mapahamak.
D. Hindi po, dahil mapanghihinaan din ako ng loob at hindi na ako
makalalaban.

9. Ano ang maaaring ilapat na isyung panlipunan sa paksa ng saknong


bilang 390 sa isang radio broadcast?
A. korapsiyon C. death penalty
B. cyber bullying D. pang-aabuso sa kababaihan

10. Anong angkop na balita para sa isang radio broadcast ang maaaring
mailapat sa isyung panlipunan sa saknong bilang 390?
A. Adolfo, hinatulan ng death penalty
B. Adolfo, kinasuhan ng cyber bullying
C. Adolfo, kinasuhan ng graft and corruption ng DOJ
D. Adolfo, kinasuhan ng Violence Against Women and Children
(VAWC) ni Laura

Florante at Laura
Aralin
Kawawang Aladin - Dulo
1 ng Salita (Pagsalungat at
Pagsang-ayon)
Nasasabik ka na bang malaman ang huling yugto ng awit ng Florante
at Laura? Makaaalis pa kaya sa mapanglaw na gubat ang bagong magkatoto
na sina Aladin at Florante? Magkikita pa kayang muli ang mga magsing-irog?
Halika’t ipagpatuloy pa ang iyong pagbabasa.

4
Balikan

Bago ka tuluyang tumungo sa katapusan ng awit na ito, nais kong


magbalik-tanaw ka muna sa iyong natutuhan sa nakaraang modyul upang
matiyak ko kung talagang handang-handa ka na sa ating tatalakayin.
Simulan mo na.

Panuto: Pagsunod-sunorin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang kawili-


wiling radio broadcast. Gamitin ang mga letrang A-E sa pagsusunod-sunod,
A kung ito ang pinakunang hakbang hanggang E bilang pinakahuling
hakbang. Gawin ito sa hiwalay na papel.

___1. Magbigay ng pag-uulat sa lagay ng trapiko, at magpasok ng


balitang showbiz na may habang 30 segundo sa ere. Pagkatapos
ng balitang showbiz, magpasok ng patalastas na may 10
segundo.
___2. Magbigay ng pambungad na pagbubukas ng programa sa radyo.
___3. Magbigay ng balita tungkol sa ulat panahon.
___4. Mag-ulat ng balitang isports na may habang 35 segundo.
Pagkatapos na balitang isports, dito na magaganap ang
pagsasara ng billboard.
___5. Magbigay ng balita, at pagkatapos magpasok ng patalastas na
may 10 segundo.

Tuklasin

Mahusay! Binabati kita dahil tunay ngang nauunawaan mo ang iyong


aralin, patunay lamang ito na handa ka nang tuklasin ang mga bagong
kaalaman sa araling ito at alamin pa ang mga susunod pang mangyayari sa
mga tauhan ng awit na Florante at Laura.

5
Panuto: Basahin ang iskrip sa ibaba at sagutin ang mga tanong kaugnay nito.
Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

Ni Rona V. Esmundo

Station ID: Walang kinikilingan, serbisyong may puso sa bawat


Albanyo, ito ang F&L nobenta’y uno singko.

bubukas ng (Pagbubukas ng Billboard)

Voice: Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan ng katotohanan,


sandigan ng bayan, ito ang F&L nobenta’y uno singko.

Isko:
Kasalo ninyo tKasalo ninyo tuwing alas-singko ng umaga.

Selly: Sa mga pinakapinag-uusapan at mahahalagang isyu sa


loob ng reyno ng Albanya.

Voice: Punto por punto, tunay na balitaan ang hatid sa inyo ng


tambalang Isko at Selly, ito ang Balitang Albanya!

Isko: Ang oras natin ngayon ay labindalawang minuto makalipas


ang alas singko ng umaga, araw ng Martes, ika-7 ng Agosto
dalawanlibo at labing-walo; ang oras na ito ay hatid sa inyo
ng “Kopika… ang kapeng para sa masa…masarap na,
presyong abot-kaya pa!”.

Selly: Magandang umaga, Albanya!

Isko: Kami ang inyong kasalo sa maiinit na balita sa Albanya.

Isko at Selly: Ito ang Balitang Albanya!

6
Isko: Para sa mga nagbabagang balita!

Selly: Haring Linceo, hinatulan ng bitay!

Isko: Haring Linceo, hinatulan ng bitay dahil umano sa layunin


nitong pabagsakin ang ekonomiya ng Albanya sa
pamamagitan ng paglalagay ng estangke sa mga kakani’t
trigo na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga
Albanyo.

Selly: Naku, partner, galit na galit nga ang mamamayan ng


Albanya sa Hari kung kaya’t sila ay nag-rally sa harap ng
palasyo real para igiit na ito ay mamatay na.

Isko: Tama ka riyan, partner, nakapangingilabot ang sigaw ng


mamamayan ng Albanya.

Selly: Isa ngang malaking balita ito ngayong taon, na talaga


namang ikinagulat ng lahat dahil kilala sa mabuting gawi
at tapat sa kaniyang nasasakupan ang Hari.

Isko: Kaya nga, may ilan pa rin siyang mga kapanalig na patuloy
na naniniwala sa kaniya ngunit, mas malakas pa rin ang
hiling ng marami na siya’y pababain na sa trono.

Selly: Totoo, partner, Panginoon na ang bahala, masunod nawa


ang Kaniyang kalooban para sa abang kapalaran ng Hari.

(Patalastas 10 segundo)

Para sa magandang simula, always use coolgate…dahil ang ngiti mo ang


nagbibigay-tibay para harapin ang hamon ng buhay.

Isko: Para sa ulat trapiko, narito si Marga …Marga pasok…

Marga: Salamat Isko! Sa kasalukuyan, kung inyong babagtasin


ang kahabaan ng kalye papasok sa kaharian ng Albanya,
patuloy pa rin ang pagsikip ng daloy ng trapiko sa mga
sandaling ito bunsod ng nangyayaring rally ngayon
ngunit sa bandang timog naman ng kaharian ay
makikitang maluwag at tuloy-tuloy ang daloy ng trapiko,
at iyan ang lagay ng trapiko dito. Balik sa inyo, Isko at
Selly.

Selly: Para sa showbiz balita! Laura, nagtangkang


magpakamatay!

Napabalita sa buong kaharian ang tangkang


pagpapatiwakal ni Laura. Ayon sa tagapamahala ng

7
palasyo real, nawalan daw ‘di umano ng pag-asa ang
prinsesa na muli pa silang magkikita ng minamahal
niyang si Florante. Mabuti na lamang at dumating si
Menandro dala ang hukbo nito upang siya ay iligtas,
ngunit tinangay siya ni Adolfo lulan ng isang kabayo
palayo ng palasyo at hanggang sa kasalukuyan, hindi pa
rin matukoy ng mga awtoridad kung nasaan na ang
prinsesa at si Adolfo. Iyan ang showbiz balita ngayon.

(Patalastas 10 segundo)

Lifeguard…proteksyonan ang sarili at ang buong pamilya sa banta ng


COVID-19, use Lifeguard anti-bacterial soap.

Isko: Para naman sa ulat panahon, narito si Ali…Ali pasok!

Ali: Salamat Isko! Para sa ulat panahon, asahang magiging


maganda at maaliwas ang lagay ng panahon sa buong
Albanya ngayong linggo ngunit pagsapit ng weekend,
maaaring magkaroon ng mga panaka-nakang pag-ulan sa
ilang bahagi ng reyno at iyan ang ulat panahon ngayon,
balik sa inyo Isko at Selly.

Selly: At para sa balitang sports narito si Tenor…Tenor Pasok!

Tenor: Salamat Selly! Para sa balitang sports, Florante at


Menandro, nagbibiktorya sa Etolya.

Muling nagwagi sa labanan ang hukbo ni Florante sa


Etolya kung kaya’t sila ngayon ay nagdiriwang ng
kanilang panalo. Ayon kay Florante, hindi naging madali
sa kanila ang naging laban dito, ngunit dahil sa kanilang
determinasyon at pananalig sa isa’t isa at sa Panginoon
ay naiuwi nila ang tagumpay na tiyak na ipagbubunyi ng
buong Albanya. Balik sa inyo, Isko at Selly.

Isko: At dito nagtatapos ang ating limang minutong


balitaktakan.

Selly: Ako si Selly.

Isko: At ako si Isko.

Isko at Selly: At ito ang mga nagbabagang balita na aming


pinakatutukan, ito ang Balitang Albanya!

(Pagsasara ng Billboard)

8
Pag-unawa sa binasa

1. Ano-ano ang mga balitang iyong nabasa?


2. Paano ibinigay ng mga tagapagbalita ang kanilang mga
opinyon/pananaw sa isyung tinalakay?
3. Mahalaga ba ang opinyon/pananaw ng mga nagbabalita sa isyung
kanilang tinalakay sa radyo?
4. Sang-ayon ka bang mahalaga ang balita sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay? Ipaliwanag.
5. Paano nakatutulong sa iyo ang radio broadcast sa pagpapalawig ng
iyong kamalayang panlipunan?

Magaling, isa ka ngang mahusay na mag-aaral, ngayon pa lamang ay


binabati na kita sa tiyak na tagumpay na iyong matatamo pagkatapos ng
araling ito.

Suriin

Narito ang ilang salitang ‘di pamilyar at may kalaliman na ginamit sa


mga saknong na iyong babasahin. Halika’t alamin mo ang mga ito upang
maunawaan mo nang lubos.

Paglinang sa Talasalitaan:

1. karsel – bilangguan
2. Diana – Diyosa ng pangangaso at buwan
3. Houris – magagandang dilag na nananahan sa paraisong kinatha ng
propeta ng mga Moro na si Mahoma
4. Musa – espiritu o diwang pumupukaw sa sagimsim o inspirasyon ng
isang makata o alagad ng isang sining
5. Dulo ng Salita – ipinamagat sa bahagi ng pagwawakas sapagkat ang
pagbubukas ay pinamagatang “Puno ng Salita”

Halika’t iyo nang basahin ang mga kinahantungan nina Florante,


Laura, Aladin, at Flerida sa akda. Nagkaroon kaya sila ng masayang buhay
sa piling ng kanilang mga minamahal? Ating alamin!

9
Kawawang Aladin!

347. “Ang pagkabuhay mo’y yamang natalastas,


tantuin mo naman ngayon ang kausap;
ako ang Aladin sa Persiyang S’yudad,
anak ng balitang Sultang Ali-Adab.”

348. “Sa pagbatis niring mapait na luha,


ang pagkabuhay ko’y sukat mahalata…
Ay, ama ko! Bakit…? Ay, Fleridang tuwa!
katoto’y bayaang ako’y mapayapa.”

349. “Magsama na kitang sa luha’y maagnas,


yamang pinag-isa ng masamang palad;
sa gubat na ito’y hintayin ang wakas
ng pagkabuhay tang nalipos ng hirap.”

350. Hindi na inulit ni Florante naman,


luha ni Aladi’y pinaibayuhan;
tumahan sa gubat na may limang buwan,
nang isang umaga’y naganyak maglibang.

351. Kanilang nilibot ang loob ng gubat,


kahit bahagya na makakitang landas;
dito sinalita ni Alading hayag
ang kaniyang buhay na kahabag-habag.

352. Aniya’y “Sa madlang Gerang dinaanan,


di ako naghirap ng pakikilaban,
para nang bakahin ang pusong matibay
ni Fleridang irog na tinatangisan.”

10
353. “Kung nakikiumpok sa madlang prinsesa’y
si Diana’y sa gitna ng maraming Nimpa;
kaya’t kung tawagin sa Reynong Persiya,
isa sa Houris ng mga Propeta.

354. “Anupa’t pinalad na aking dinaig


sa katiyagaan ang pusong matipid;
at pagkakaisa ng dalawang dibdib,
pagsinta ni ama’y nabuyong gumiit.”

355. “Dito na minulan ang pagpapahirap


sa aki’t ninasang buhay ko’y mautas;
at nang magbiktorya sa Albanyang S’yudad,
pagdating sa Pers’ya’y binilanggo agad.”

356. “At ang ibinuhat na kasalanan ko,


di pa utos niya’y iniwan ang hukbo;
at nang mabalitang reyno’y nabawi mo,
noo’y hinatulang pugutan ng ulo.”

357. “Nang gabing malungkot na kinabukasan,


wakas na tadhanang ako’y pupugutan,
sa karsel ay nasok ang isang heneral,
dala ang patawad na lalong pamatay.”

358. “Tadhanang mahigpit ay malis pagdaka,


huwag mabukasan sa Reyno ng Pers’ya.
sa munting pagsuway buhay ko ang dusa;
sinunod ko’t utos ng hari ko’t ama.”

359. “Ngunit sa puso ko’y matamis pang lubha


na tuloy nakitil ang hiningang aba;
huwag ang may buhay na nagugunita
iba ang may kandong sa langit ko’t tuwa.”

360. “May anim na ngayong taong walang likat


ng nilibut-libot na kasama’y hirap ...”
napatigil dito’t sila’y may namatyag
nagsasalitaan sa loob ng gubat.

11
Hatinggabing Kadiliman

361. Napakinggan nila’y ang ganitong saysay:


“Nang aking matatap na papupugutan
ang abang sinta kong nasa bilangguan,
nagdapa sa yapak ng haring sukaban.”

362. “Inihinging-tawad ng luha at daing


ang kaniyang anak na mutya ko’t giliw;
ang sagot ay kundi kusa kong tanggapin
ang pagsinta niya’y di patatawarin.”

363. “Ano’ng gagawin ko sa ganitong bagay?


ang sinta ko kaya’y bayaang mamatay?
napahinuhod na ako’t nang mabuhay
ang prinsipeng irog na kahambal-hambal.”

364. “Ang di nabalinong matibay kong dibdib


ng suyo ng hari, bala at paghibik,
naglambot na kusa’t humain sa sakit
at nang mailigtas ang buhay ng ibig.”

365. “Sa tuwa ng hari, pinawalan agad


nang dahil ng aking luhang pumapatak;
dapuwa’t tadhanang umalis sa s’yudad
at sa ibang lupa’y kusang mawakawak.”

12
366. “Pumanaw sa Pers’ya ang irog ko’t buhay
na hindi man kami nagkasalitaan;
tingni kung may luha akong ibubukal
na maitutumbas sa dusa kong taglay!”

367. “Nang iginagayak sa loob ng reyno


yaong pagkakasal na kamatayan ko,
aking naakalang magdamit-gerero
at kusang magtanan sa real palasyo.”

368. “Isang hatinggabing kadilima’y lubha,


lihim na naghugos ako sa bintana;
walang kinasama kung hindi ang nasa
matunton ang sinta kung nasaang lupa.”

369. “May ilan nang taon akong naglagalag


na pinapalasyo ang bundok at gubat;
dumating nga rito’t kita’y nailigtas
sa masamang nasa niyong taong sukab…”

370. Salita’y nahinto sa biglang pagdating


ng Duke Florante’t Prinsipe Aladin;
na pagkakilala sa boses ng giliw,
ang gawi ng puso’y di mapigil-pigil.

371. Aling dila kaya ang makasasayod


ng tuwang kinamtam ng magkasing irog?
sa hiya ng sakit sa lupa’y lumubog,
dala ang kaniyang napulpol na tunod.

372. Saang kalangitan napaakyat kaya


ang ating Florante sa tinamong tuwa;
ngayong tumititig sa ligayang mukha
ng kaniyang Laurang ninanasa-nasa?

13
Sa Palaso Ni Flerida

373. Anupa nga’t yaong gubat na malungkot,


sa apat ay naging paraiso’t lugod;
makailang hintong kanilang malimot
na may hininga pang sukat na malagot.

374. Sigabo ng tuwa’y nang dumalang-dalang,


dininig ng tatlo kay Laurang buhay;
nasapit sa reyno mula nang pumanaw
ang sintang nanggubat; ganito ang saysay…

375. “Di lubhang nalaon noong pag-alis mo,


O sintang Florante sa Albanyang Reyno!
narinig sa baya’y isang piping gulo
na umalingawngaw hanggang sa palasyo.”

376. “Ngunit di mangyaring mawatas-watasan


ang bakit at hulo ng bulung-bulungan;
parang isang sakit na di mahulaan
ng medikong pantas ang dahil at saan.”

377. “Di kaginsa-ginsa, palasyo’y nakubkob


ng magulong baya’t baluting soldados;
O, araw na lubhang kakila-kilabot!
araw na sinumpa ng galit ng Diyos!”

378. “Sigawang malakas niyong bayang gulo:


mamatay, mamatay ang Haring Linceo
na nagmunakalang gutumin ang reyno’t
lagyan ng estangke ang kakani’t trigo.”

14
379. “Itoy kay Adolfong kagagawang lahat
at nang magkagulo yaong bayang bulag;
sa ngalan ng hari ay isinambulat
gayong ordeng mula sa dibdib ng sukab.”

380. “Noon di’y hinugot sa tronong luklukan


ang ama kong hari at pinapugutan;
may matuwid bagang makapanlulumay
sa sukab na puso’t nagugulong bayan?”

381. “Sa araw ring yao’y naputlan ng ulo


ang tapat na loob ng mga konseho;
at hindi pumurol ang tabak ng lilo
hanggang may mabait na mahal sa reyno.”

382. “Umakyat sa trono ang kondeng malupit


at pinagbalaan ako nang mahigpit,
na kung di tumanggap sa haing pag-ibig,
dustang kamataya’y aking masasapit.”

383. “Sa pagnanasa kong siya’y magantihan


masulatan kita sa Etolyang Bayan,
pinipilit ang pusong huwag ipalamay
sa lilo ang aking kaayawa’t suklam.”

384. “Limang buwang singkad ang hininging taning,


ang kaniyang sinta’y bago ko tanggapin;
nguni’t ipinasyang tunay sa panimdim
ang mapatiwakal kundi ka dumating.”

385. “Niyari ang sulat at ibinigay ko


sa tapat na lingkod, nang dalhin sa iyo;
di nag-isang buwa’y siyang pagdating mo’t
nahulog sa kamay ni Adolfong lilo.”

386. “Sa takot sa iyo niyong palamara


kung ikaw’y magbalik na may hukbong dala,
nang mag-isang muwi ay pinadalhan ka
ng may selyong sulat at sa haring pirma.”

15
387. “Matanto ko ito’y sa malaking lumbay
gayak na ang puso na magpatiwakal
ay siyang pagdating ni Menandro naman,
kinubkob ng hukbo ang Albanyang Bayan.”

388. “Sa banta ko’y siyang tantong nakatanggap


ng sa iyo’y aking padalang kalatas,
kaya’t nang dumating sa Albanyang S’yudad,
lobong nagugutom ang kahalintulad.”

389. “Nang walang magawa ang Konde Adolfo


ay kusang tumawag ng kapuwa lilo;
dumating ang gabi umalis sa reyno
at ako’y dinalang gapos sa kabayo.”

390. “Kapagdating dito ako’y dinadahas


at ibig ilugso ang puri kong ingat;
mana’y isang tunod na kung saan buhat,
pumako sa dibdib ni Adolfong sukab…”

391. Sagot ni Flerida: “Nang dito’y sumapit


ay may napakinggang binibining boses
na pakiramdam ko’y binibigyang-sakit,
nahambal ang aking mahabaging dibdib.”

392. “Nang paghanapin ko’y ikaw ang nataos,


pinipilit niyong taong balakiyot;
hindi ko nabata’t bininit sa busog
ang isang palasong sa lilo’y tumapos…”

16
Dulo Ng Salita

393. Di pa napapatid itong pangungusap,


si Menandro’y siyang pagdating sa gubat;
dala’y ehersito’t si Adolfo’y hanap,
nakita’y katoto…laking tuwa’t galak!

394. Yaong ehersitong mula sa Etolya,


ang unang nawika sa gayong ligaya:
“Viva si Floranteng Hari sa Albanya…
Mabuhay, mabuhay ang Prinsesa Laura!”

395. Dinala sa reynong ipinagdiriwang


sampu ni Aladi’t ni Fleridang hirang,
Kapuwa tumanggap na mangabinyagan;
magkakasing-sinta’y naraos nakasal.

396. Namatay ang bunying Sultan Ali-Adab,


nuwi si Aladin sa Persiyang S’yudad;
ang Duke Florante sa trono’y naakyat,
sa siping ni Laurang minumutyang liyag.

397. Sa pamamahala nitong bagong hari,


sa kapayapaan ang reyno’y nauwi;
dito nakabangon ang nalulugami
at napasatuwa ang nagpipighati.

17
398. Kaya nga’t nagtaas ng kamay sa langit
Sa pasasalamat sa bayang tangkilik,
Ang hari’t reyna’y walang iniisip
Kundi ang magsabog ng awa sa kabig.

399. Nagkasama silang lubhang mahinusay


Hanggang sa nasapit ang payapang bayan…
Tigil, aking Musa’t kusa kang lumagay
Sa yapak ni Selya’t dalhin yaring Ay! Ay!

Magaling! Isa ka ngang kahanga-hangang mag-aaral at mahusay mong


nabasa ang bawat salita sa saknong. Ngayon naman ay muli mong alamin
ang kahulugan ng radio broadcast at tuklasin ang isa sa mahahalagang
kasanayan sa paglalahad ng sariling paniniwala at pagpapahalaga sa isang
paksa/isyu at ito ay ang paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng
pagsang-ayon at pagsalungat.

Ang radio broadcast ay isang uri ng pamamahayag sa paraang pasalita


na naghahatid ng mga napapanahon at sariwang mga balita tungkol sa
naganap, nagaganap at magaganap pa sa bansa at sa ibang bansa.
Nagbibigay rin ang mga broadcaster ng komentaryong nakatutulong sa
pagpapalawak ng mga kaalaman ng mga tagapakinig. Bukod dito,
nagsasagawa rin sila ng interbyu sa mga taong may kinalaman sa isyung
pinag-uusapan para mapatunayan sa mga tagapakinig ang pagbibigay ng
wastong impormasyon.

Pagsang-ayon at Pagsalungat

Sa pagbibigay ng komentaryo/opinyon/pananaw, gamitin ang mga


salitang nagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat upang maging
maayos at may paggalang sa opinyon ng iba; ang gawaing komunikatibo sa
talakayan, pag-uusap at pagkakaroon ng iba’t ibang interaksyon ay
mahalaga. Narito ang ilang hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat na
magagamit sa paglalahad ng sariling komento o opinyon.

1. Pagsang-ayon 2. Pagsalungat
totoo ngunit
tunay nga… subalit
oo/opo hindi/hindi po
sumasang-ayon ako sa… pero
magkatulad tayo ng paniniwala sa… kaya lang

18
Halimbawa:

Totoong naniniwala ako na walang magulang na makatitiis sa anak,


ngunit hindi ko alam na may ama palang dahil sa sariling kalayawan
ay magagawang ipanganyaya ang dugo ng kaniyang dugo at laman ng
kaniyang laman.

Naibigan mo ba ang naging wakas ng binasa mong awit? Natutuhan


mo na rin ba kung paano ipahayag ang pansariling paniniwala at
pagpapahalaga gamit ang mga salitang naghahayag ng pagsang-ayon at
pagsalungat? Mabuti naman kung ganoon, batid ko nang malinaw na para
sa iyo ang nais ipabatid ng araling ito. Ngayon naman ay hayaan mong
tulungan kitang linangin pa ang kahalagahan at kaugnayan ng akda sa
kasalukuyan sa pamamagitan ng mga gawaing inihanda ko para sa iyo.

Pagyamanin

Gawain 1. Aprub! Disaprub!

Panuto: Ipahayag ang iyong pansariling paniniwala at pagpapahalaga gamit


ang mga salitang naghahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat tungkol sa
mga isyung panlipunang nabanggit sa binasang saknong sa akdang Florante
at Laura. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Isyu/Paksa Pananaw
(Pagsang-ayon/Pagsalungat)
1. Pagsang-ayon ni Aladin na lisanin
ang Persya.
2. Pagpapasiya ni Flerida na tanggapin
ang pag-ibig na inaalok ni Sultan
Ali-Adab kapalit ng buhay at
kalayaan ni Aladin.
3. Nabuong pagkakaibigan nina
Aladin at Florante sa kabila ng
pagiging mortal na magkaaway ng
kanilang sektang kinabibilangan at
pagkakaiba ng paniniwala.

19
4. Planong pagpapatiwakal ni Laura
kung sakaling hindi dumating si
Florante sa Albanya.
5. Pagbibinyag kina Aladin at Flerida
nang maikasal sa Persya kasabay
ng pag-iisang dibdib nina Florante
at Laura

Gawain 2. TV..Radyo..Balitaan

Panuto: Manood sa YouTube o telebisyon ng programang nagbabalita tungkol


sa isyung pang-aabuso sa karapatang pantao na maiuugnay sa saknong
bilang 355 at ilapat sa isang radio broadcast ang mga kaalamang natutuhan
mula rito. Gawin ito sa hiwalay na papel, gamit ang pormat sa ibaba.

News Program sa Telebisyon: ________________________________________


Paksa/Isyu: ________________________________________
Mahahalagang detalye ng balita: ____________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Paglalapat sa radio broadcast

Pangalan ng Istasyon

_________________________________
(umisip ng sariling pangalan)
Station ID: _______________________________________________________________
(Pagbubukas ng Billboard)
Voice: _______________________________________________________________
Anchor 1: _______________________________________________________________
Anchor 2: _______________________________________________________________
(Pagbibigay ng oras at petsa)
Anchor 1: _______________________________________________________________
(Pagbati)
Anchor 2: _______________________________________________________________
Anchor 1: _______________________________________________________________
(Pagbibigay ng balita)
Anchor 2: _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
(Patalastas)
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

20
(Malayang magdagdag ang mga mag-aaral ng linya para sa pagbibigay ng
balita.)

Paalala: Malaya ang gurong pumili ng iba’t ibang pamamaraan o midyum


na angkop sa kakayahan ng mag-aaral sa paghahanap ng mga detalye.

Gawain 3. Balitang Naglalagablab!


Panuto: Ilapat sa radio broadcast ang paksa/isyu tungkol sa saknong bilang
380. Ipakita ang iyong pansariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang
mga salitang nagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat. Gayahin ang
pormat sa hiwalay na papel at isulat dito ang iyong sagot.

Pangalan ng Istasyon

_________________________________

(umisip ng sariling pangalan)

Station ID: _______________________________________________________________


(Pagbubukas ng Billboard)
Voice: _______________________________________________________________
Anchor 1: _______________________________________________________________
Anchor 2: _______________________________________________________________
(Pagbibigay ng oras at petsa)
Anchor 1: _______________________________________________________________
(Pagbati)
Anchor 2: _______________________________________________________________
Anchor 1: _______________________________________________________________
(Pagbibigay ng balita)
Anchor 2: _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
(Pagbibigay-Opinyon o komentaryo ng mga Anchor)
Anchor 1: _______________________________________________________________
Anchor 2: _______________________________________________________________
Anchor 1: _______________________________________________________________
Anchor 2: _______________________________________________________________
Anchor 1: _______________________________________________________________
Anchor 2: _______________________________________________________________
(Patalastas)
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
(Malayang magdagdag ang mga mag-aaral ng linya para sa opinyon.)

21
Isaisip

Mahusay! Talagang pinahahanga mo ako. Ngayon naman, nais kong


malaman ang naging lawak ng iyong kaalaman kaugnay ng araling ito. Huwag
kang mag-alala, alam kong kayang-kaya mo itong gawin. Tara at simulan mo
na.

Aha Moment!...

Panuto: Dugtungan mo ang mga ideyang nasa loob ng kahon upang maging
gabay mo sa pagsagot ng iyong repleksyon tungkol sa iyong natutuhan at
naging karanasan sa paglalakbay sa araling ito. Isulat ang iyong sagot sa
hiwalay na papel.

Aha! … natutuhan ko sa araling ito na


_______________________, at lalo kong naunawaan ang
kahalagahan ng pagbibigay ng ________________________at
________________________ sa paglalahad ng pansariling
paniniwala at pagpapahalaga sa ________________________.

Kaya naman, lalo kong naunawaan ang kahalagahan


ng radio broadcast sa________________________ at bilang mag-
aaral ________________________.

Isagawa

Nagagalak ako at tunay ngang isa kang kahanga-hangang mag-aaral.


Kaya naman, nasisiguro kong mapagtatagumpayan mo ring maisabuhay ang
mga kaalaman at matukoy ang kabuluhan ng araling ito. Halika’t simulan
mo na!

22
Panuto: Manood ng balita sa telebisyon o sa YouTube o kaya naman ay
makinig sa radyo upang makakalap ng mga detalye tungkol sa mga
paksa/isyu sa kasalukuyang panahon na maiuugnay sa paksa ng nabasang
saknong ng awit na Florante at Laura at ilapat ito sa isang radio broadcast.
Ilahad ang iyong sariling paniniwala at pagpapahalaga sa mga isyung ito
gamit ang mga salitang nagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat.
Gamitin ang pormat sa Tayahin bilang gabay mo sa gawaing ito. Gawin ito sa
hiwalay na papel.

Pamantayan sa Pagmamarka ng Iskrip ng Radio Broadcast

Pamantayan Mahusay Mahusay- Paghusayan


husay pa
(5) (3) (2)
Paggamit ng mga Nagtataglay ng Nagtataglay ng Nagtataglay ng
salitang lima o higit pang tatlo hanggang isa hanggang
nagpapahayag ng mga salitang apat na dalawang
pagsang-ayon at nagpapahayag ng salitang salitang
pagsalungat pagsang-ayon at nagpapahayag nagpapahayag
pagsalungat. ng pagsang- ng pagsang-
ayon at ayon at
pagsalungat. pagsalungat.
Nilalaman May malinaw, May malinaw May
matibay at at matibay na kakulangan sa
maayos na pinagmulan ng pinagmulan
pinagmulan ng mga detalye. ng mga
mga detalye. detalye.
Napapanahong Napapanahon at Napapanahon Hindi gaanong
paksa naaakma sa ang paksa ng napapanahon
paksa ng mga balita ang paksa ng
binasang mga subalit hindi mga balita.
saknong ang mga naaakma sa
balita. mga saknong
na binasa.
Presentasyon Maayos at Malinis ngunit May
malinis ang hindi maayos kahirapang
pagkakasulat ng ang unawaain ang
iskrip. pagkakasulat pagkakasulat
ng iskrip. ng iskrip.

Paalala: Malaya ang gurong pumili ng iba’t ibang pamamaraan o midyum


na angkop sa kakayahan ng mag-aaral sa paghahanap ng mga detalye.

23
Tayahin

Binabati kita sa matiyaga mong pagbabasa at pagsagot sa mga


inihanda kong gawain upang linangin ang iyong kaalaman sa araling ito.

Ngayon naman, dumako ka sa pinakatampok sa yugtong ito, upang


matiyak na lubusan mong naunawaan ang aralin.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag at tanong sa bawat


bilang. Piliin at isulat sa hiwalay na papel ang letra ng iyong sagot.

Para sa bilang 1-2

384.“Limang buwang singkad ang hininging taning,


ang kaniyang sinta’y bago ko tanggapin;
nguni’t ipinasyang tunay sa panimdim
ang mapatiwakal kundi ka dumating.”

1. Ano ang inihahayag ng taludtod na may salungguhit?


A. katotohanan C. pagsalungat
B. opinyon D. pagsang-ayon

2. Sang-ayon ka ba sa planong pagpapatiwakal ni Laura huwag lamang


makasal sa taong hindi niya ibig?
A. Opo, dahil alam kong hindi ako magiging masaya kailanman.
B. Opo, dahil mas mabuti pang buhay ko’y mawatas kaysa ang
makasama ang isang taong hindi ko ibig.
C. Hindi po, bagkus ay hahayaan ko na lang kung ano ang ibibigay
sa akin ng kapalaran.
D. Hindi po, dahil naniniwala akong hindi ang pagkuha sa sarili
kong buhay ang solusyon sa anomang suliranin.

24
Para sa bilang 3-7

Selly: Para sa showbiz balita! Laura, nagtangkang magpakamatay!

Napabalita sa buong kaharian ang tangkang pagpapatiwakal ni


Laura. Ayon sa tagapamahala ng palasyo real, nawalan daw ‘di
umano ng pag-asa ang prinsesa na muli pa silang magkikita ng
minamahal niyang si Florante. Mabuti na lamang at dumating si
Menandro dala ang hukbo nito upang siya ay iligtas, ngunit
tinangay siya ni Adolfo lulan ng isang kabayo palayo sa palasyo
at hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin matukoy ng mga
awtoridad kung nasaan na ang prinsesa at si Adolfo. Iyan ang
showbiz balita ngayon.

Isko: Isang nakalulungkot na balita na naman ito. Saan kaya dinala


ni Konde Adolfo ang kaawa-awang prinsesa?

Selly: Naku, partner, sana naman ay walang mangyaring hindi


maganda sa prinsesa kundi, maaaring hindi na matapos ang
kaguluhan dito sa Albanya.

Isko: Totoo, partner, nawa’y matagpuan na nila ang kanilang


kinaroroonan at nang magkaroon na rin ng kalinawan ang lahat
sa mga nangyayari.

Selly: Tama, partner, kahit ako ay naguguluhan na sa mga nangyayari.


Bakit kaya tumakas ang Konde Adolfo nang dumating ang hukbo
ni Florante?

Isko: Ngunit ganoon pa man, partner, huwag muna tayong mag-isip


ng kung ano-ano at maghintay na lamang tayo sa mga susunod
na magaganap.

Selly: Tama, partner, ipagdasal na lamang natin ang kaligtasan ng


prinsesa at bumalik na nawa ang kapayapaan sa Albanya.

3. Anong salita ang nagpapakita ng pagsalungat sa nakasalungguhit na


pahayag?
A. ganoon C. muna
B. kung D. ngunit

25
4. Paano nailahad ng mga tagapagbalita ang kanilang pansariling
paniniwala at pagpapahalaga sa isyung tinalakay?
A. pagtukoy ng mahahalagang detalye
B. paglalahad ng mga opinyon at pananaw
C. paggamit ng mga makatawag-pansing salita
D. paggamit ng mga salitang may pagsang-ayon at pagsalungat

5. Anong pananaw ng pagsalungat ang ipinahayag ng tagapagbalita na si


Isko sa pagdakip ni Adolfo kay Laura?
A. Totoo, partner, nawa’y matagpuan na nila ang kanilang
kinaroroonan.
B. Ngunit tinangay siya ni Adolfo lulan ng isang kabayo palayo sa
palasyo.
C. Tama, partner, ipagdasal na lamang natin ang kaligtasan ng
prinsesa.
D. Ngunit ganoon pa man, partner, huwag muna tayong mag-isip ng
kung ano-ano.

6. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsaaad ng pagsang-ayon?


A. Isang nakalulungkot na balita na naman ito.
B. Naku, partner, sana naman ay walang mangyaring hindi
maganda sa prinsesa.
C. Ngunit ganoon pa man, partner, huwag muna tayong mag-isip ng
kung ano-ano.
D. Totoo, partner, nawa’y matagpuan na nila ang kanilang
kinaroroonan.

Para sa bilang 8-10

376. “Ngunit di mangyaring mawatas-watasan


ang bakit at hulo ng bulung-bulungan;
parang isang sakit na di mahulaan
ng medikong pantas ang dahil at saan.

377. “Di kaginsa-ginsa, palasyo’y nakubkob


ng magulong baya’t baluting soldados;
O, araw na lubhang kakila-kilabot!
araw na sinumpa ng galit ng Diyos!

378.“Sigawang malakas ninyong bayang gulo:


Mamatay, mamatay ang Haring Linceo
na nagmunakalang gutumin ang reyno’t
lagyan ng estangke ang kakani’t trigo.

26
7. Anong salita ang nagpapahayag ng pagsalungat sa saknong na may
salungguhit?
A. bakit C. pantas
B. ngunit D. parang

8. Kung ikaw ang isa sa mamamayan ng Albanya, sang-ayon ka ba sa mga


narinig mong bulung-bulangan hinggil umano sa panukala ni Haring
Linceo na gutumin ang buong reyno?
A. Opo, dahil mas karapat-dapat na manungkulan bilang hari si
Adolfo.
B. Opo, dahil nabalita na ito sa buong Albanya at nararapat lamang
na siya ay pababain na sa kaniyang trono.
C. Hindi po, dahil isa lamang itong bulung-bulungan at walang
matibay na batayan upang ito ay paniwalaan.
D. Hindi po, dahil nasisiguro kong hindi ito magagawa ng hari.

9. Ano ang maaaring ilapat na isyung panlipunan sa paksa ng saknong


bilang 376 sa isang radio broadcast?
A. cyber bullying
B. iligal na droga
C. pandemya bunsod ng COVID-19
D. pagpapalaganap ng maling impormasyon o fake news

10. Ano ang angkop na balita para sa isang radio broadcast ang maaaring
mailapat sa isyung panlipunan sa saknong bilang 378?
A. Mamamayan ng Albanya, sumailalim sa martial law
B. Haring Linceo, dinakip at ikinulong sa kasong graft and
corruption
C. Haring Linceo, iginiit na isa lamang maling balita o fake news
ang lahat ng akusasyon sa kaniya
D. Mamamayan ng Albanya, nag-rally sa harap ng palasyo upang
pababain sa pwesto ang Hari

27
Karagdagang Gawain

Magaling! Ngayon ay nasa huling yugto ka na ng araling ito kaya naman


binabati kita dahil tunay na nagpakita ka ng tiyaga, husay, at kawilihan sa
pagsagot sa mga gawaing inihanda ko para sa iyo. Ngunit may isa pang
gawaing dapat mong tapusin at huwag kang mag-alala dahil alam kong
kayang-kaya mo itong gawin.

Panuto: Humango ng isang balita mula sa napanood na programang


nagbabalita sa telebisyon. Ipahayag ang pansariling pagsang-ayon at
pagsalungat kaugnay sa isyung ito. Kopyahin ang pormat sa ibaba at sagutin
sa hiwalay na papel.

Balitang napanood sa telebisyon: __________________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pansariling pagsang-ayon: _________________________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pansariling pagsalungat: __________________________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

28
29
Subukin Tayahin
Pagyamanin
1. C 1. C
2. D Gawain 1: Aprub! Disaprub! 2. D
3. D 3. D
4. D (maaaring iba-iba ang sagot ng 4. D
5. D mga mag-aaral) 5. D
6. D 6. D
7. B Gawain 2: TV..Radyo Balitaan 7. B
8. A 8. C
(maaaring iba-iba ang sagot ng
9. D 9. D
10. D mga mag-aaral) 10. D
Balikan Gawain 3: Balitang
Naglalagblab
1. C
2. A (maaaring iba-iba ang sagot ng
3. D mga mag-aaral)
4. E
5. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Guimarie, Aida M. 2018. Pinagyamang Wika at Panitikan Batayang


Aklat sa Filipino 8. Vibal Group Inc. 1253 G. Araneta Avenue cor
Maria Clara St., Quezon City: Rex Book Store, Inc.

Monleon, Fernando B. Florante at Laura. Abiva Publishing House, Inc. Abiva


Bldg., 851-881 G. Araneta Ave., 1113 Quezon City

30

You might also like