You are on page 1of 20

8

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Florante at Laura:
Tayutay at Simbolo
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Florante at Laura: Tayutay at Simbolo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anumang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jayson E. Argota


Editor: Phoebe E. Oftana, Randy R. Rudela, Ana Maria Tomasita C. Espejon
Tagasuri: Maria Consuelo C. Jamera, Donna May D. Pinguit, Fe M. Clerigo,
Jocelyn P. Abellano, Noviemar T. Maur
Tagaguhit: Reggy C. Asupre, Rhynan C. Consigna
Tagalapat: Charls Aster E. Ortojan, Reggy C. Asupre
Mga Tagapamahala:
Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Maripaz F. Magno
Josephine Chonie M. Obseñares, Nelia S. Lomocso, Gemna G. Pobe
Evelyn C. Coro

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Caraga Region

Office Address: Learning Resource Management and Development Center (LRMDC)


Teacher Development Center
J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600
Telefax: (085) 342-8207 / (085) 342-5969
E-mail Address: caraga@deped.gov.ph
8
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Florante at Laura: Tayutay at Simbolo

i
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa
kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga
paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may
kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa
sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pagunawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na
matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin
Mariing pinaghandaan ang modyul na ito upang madaragdagan pa ang iyong
mga natutunan para sa asignaturang ito. Matututunan mo dito ang akda tungkol sa Florante at
Laura kung saan, mahihimuha mo ang mga pangyayaring may kinalaman tungkol sa pag-ibig
at kaugnay na sitwasyon ukol sa usaping ito. Maliban dito, gagabayan kang makagamit ng mga
tayutay at ibang simbolismo sa pagpapahayag ng iba’t ibang damdamin. Mga piling saknong
lamang ang iyong matutunghayan sa pag-aaral ng modyul na ito.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang ekspresyon, tayutay, simbolo; at
2. Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin tungkol sa pagkapoot,
pagkatakot at iba pang damdamin.

Subukin

Gawain 1. Unawain mo!


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga saknong na nasa kahon. Ibigay ang
kahulugan ng mga nakasalungguthit na matatalinghagang salita, tayutay, at simbolo.

Saknong Kahulugan
S41
Katiwala ako’t ang iyong kariktan,
kapilas ng langit – anaki’y matibay;
tapat ang puso mo’t di nagunamgunam
na ang paglililo’y nasa kagandahan.
S46
Baluti’t koleto’y di mo papayagang
madampi’t malapat sa aking katawan,
kundi tingnan muna’t baka may kalawang
ay nanganganib kung damit ko’y marumhan.
S60
Wala na Laura’t ikaw na nga lamang
ang makalulunas niring kahirapan;
damhin ng kamay mo ang aking katawan
at bangkay man ako’y muling mabubuhay.
S62
Sa ibang kandunga’y ipinaubaya
ang pusong akin na at ako’y dinaya
buong pag-ibig ko’y ipinanganyaya,
nalimot ang sinta’t sinayang ang luha.
S68
Sa puno ng kahoy ay napayukayok,
ang liig ay supil ng lubid na gapos;
bangkay na mistula’t ang kulay na burok
ng kaniyang mukha’y naging puting lubos.

1
Aralin
Florante at Laura: Tayutay at
3 Simbolo

Ang mga pangyayari na iyong matutunghayan sa akda ay piling saknong lamang. Ibig
sabihin, iilang eksena lamang sa pagitan ng pangunahing tauhan ang mapagtuunan ng pansin.

Balikan

Gawain 2. Linya ko, kilalanin mo!


Panuto: Basahin at suriin ang pangunahing kaisipan ng bawat saknong. Isulat sa patlang ang
mahalagang pangyayaring nakapaloob ditto.
1. O Laura, aking sinta,
ikaw ang dahilan ng aking pagluha.
Ngayong malaki na ang aking dalita,
sadya bang ang hapis ko'y hindi masawata?

Mahalagang pangyayari: ______________________________________________


2. Hindi ba pwedeng kami'y itinadhana?
O sadyang pinagtagpo lamang kami ni Flerida?
Lubos ko namang ginagalang ang aking ama,
Pero bakit si Flerida sa akin ay aagawin pa?
Mahalagang pangyayari: ______________________________________________

3. O Aladin aking iniibig,


sa puso ko'y saya ang lagi mong hatid.
Ako'y sayo at ika'y akin,
iyan ang nakasulat sa mga bituin.
Mahalagang pangyayari: ______________________________________________

4. Mag-iingat ka sana sa iyong mga tatahakin.


Dahil ayokong isang araw ay mawala ka na lamang sa akin.
Mahalagang pangyayari: ______________________________________________

5. Florante... Florante... kawawa ka naman at hulog ka sa aking bitag.


Alam mo pinugutan ko lang naman
ang iyong ama at ang hangal na Hari.
Dahil hindi sila nararapat mamuno dito sa Albanya.
Mahalagang pangyayari: ______________________________________________

2
Tuklasin

Bilang pagpapatuloy sa akdang Florante at Laura, matutunghayan na naman natin ang


iilan sa mga kasunod na kaganapan kung saan nangingibabaw ang kalungkutan, takot at
pangamba sa katauhan ni Florante dahil sa isang hamon na dapat niyang mapagtagumpayan,
ngunit sa kabila ng mga hamong ito ay nagawa pa rin niyang maging masaya. Upang lubos na
maunawaan ang pangyayaring ito, basahin ang mga kasunod na saknong nang may pag-unawa.
Florante at Laura: Luha ng Pagmamahal (saknong 290-304)
290
Tatlong araw nang piniging ng hari
Sa palasyo real na sa yamang bunyi
Ay di nakausap ang punong pighati
At inaasahanag iluluwalhati.
291
Di ko natikman ang lalong hinagpis,
Higit sa dakilang naunang tiniis,
At binulaan ko ang lahat ng sakit
Kung sa kahirapan mula sa pag-ibig.
292
Salamat at sa noong kinabukasan,
Hukbo ko’y lalakad sa Krotonang Bayan,
Sandaling pinalad na nakapanayam
Ang prinsesang bihag niring katauhan.
293
Ipinahahayag ko ng wikang mairog,
Nang buntong-hininga, luha at himutok,
Ang munting sintang ikinalulunod,
Magpahangga ngayon ng buhay kong kapos.
294
Ang pusong matibay ng himalang dikit,
Nahambal sa aking malumbay na hibik;
Dangan ang kanyang katutubong bait
Ay humadlang, disin sinta ko’y nabihis.

295
Nguni’y kung ang oo’y ‘di man binitawan,
Naliwanagan din sintang nadirimlan;
At sa pagpanaw ko ay pinabaunan
Ng may hiyang perlas na sa mata’y nukal.

296
Dumating ang araw ng aking pag-alis,
Sino ang sasayod ng bumugsong sakit?
Dini sa puso ko’y alin ang hinagpis
3
Na hindi nagtimo ng kanyang kalis?

297
May sakit pa kaya lalalo ng tindi
Sa ang sumisinta’y mawalay sa kasi?
Guni-guni lamang ‘di na ang mangyari,
Sukat ikalugmok ng pusong bayani.
298
O nangag-aalay ng mabangong suob
Sa dahilang altar ni Kupidong Diyos
Sa dusa ko’y kayo ang nakakatarok
Noong mangulila sa Laura kong irog!
299
At kund ‘di sa luhang pabaon sa akin,
Namatay na muna bago ko naatim;
Dusang ‘di lumikat hanggang sa dumating,
Sa Bayang Krotonang kubkob ng hilahil.
300
Kuta’y lulugso na sa bayong madalas
Sa mga makinang talagang pangwalat,
Siyang paglusob ko’t ng hukbong akibat,
Ginipit ang digmaang kumubkob sa s’yudad.
301
Dito’y ang masidhing lubhang kamatayan
At Parkas Atropos ay nagdamdam-pagal
Sa paggapas nila’t pagkitil ng buhay
Ng naghihingalong sa dugo’y naglutang.
302
Makita ng piling Heneral Osmalik
Ang aking marahas na pamimiyapis,
Pitong susong hanay na dulo ng kalis,
Hinawi ng tabak nang ako’y masapit.

303
Sa kaliwa’t kanan niyang nangalaglag
Mga soldados kong pawing mararahas;
Humapit sa aking mata’y nagniningas,
Halika, aniya’t kita ang maglamas.

304
Limang oras kaming hindi naghiwalay
Hanggang sa nahapo ang bato ng tapang;
Nagluksa ang langit nang aki’y mapatay
Habag sa gererong mundo’y tinakhan.

4
Gawain 3A. Subukin natin
Panuto: Sagutan ang ilang katanungan na nasa ibaba. Piliin ang letra na may tamang sagot at
isulat ito sa kahiwalay na papel.
1. Sino ang Heneral na nanguna sa pagsakop sa bayan ng Krotona?
A. Adolfo C. Menandro
B. Florante D. Osmalik

2. Sino ang nagsasalaysay sa bahaging ito ng aralin?


A. Adolfo C. Menandro
B. Florante D. Osmalik

3. Matapang na hinarap ni Florante ang mga kalaban kasama ng kanyang hukbo kung
kaya’t sila ay nanalo sa laban. Ano ang salitang maiuugnay sa katangiang ito ni
Florante?
A. artista C. lider ng bayan
B. bayani D. kakampi ng bayan

4. Sino ang taong huling nakausap ni Florante bago pa man sumabak sa laban?
A. Flerida C. Laura
B. Floresca D. Nimfas

5. Mga soldados kong pawing marahas;


Humapit sa aking mata’y nagniningas
Halika, aniya’t kita ang maglamas.
Ano ang nangibabaw na damdamin sa pahayag?
A. inis C. inip
B. galit D. takot

Gawain 3B. Paghalaw ng talasalitaan mga tayutay at mga simbolismo.


1. Nguni’ÿ kung ang oo ay ‘di man binitiwan
Naliwanagan din sintang nadirimlan;
At sa pagpanaw ko ay pinabaunan
Ng may hiyang perlas na sa mataý nukal.

Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?


A. pag-iyak C. pag-alis
B. pagkatuwa D. pagkamatay

2. Dumating ang araw ng aking pag-alis,


Sino ang sasayod ng bumugsong sakit?
Dini sa puso koý alin ang hinagpis
Na hindi nagtino ng kanyang kalis?
Ano ang sinisimbolo ng salitang puso?
A. pagmamahal C. kapayapaan
B. pangungulila D. katahimikan

5
3. May sakit pa kaya lalalo ng tindi
Sa ang sumisintaý mawalay sa kasi?
Guni-guni lamang ‘di na ang nangyari
Sukat ikalugmok ng pusong bayani

Anong halimbawa ng tayutay ang pahayag na nakasalungguhit?


A. pagmamalabis C. pagtutulad
B. pagpapalit- tawag D. pagwawangis

4. Makita ng piling Heneral Osmalik


Ang aking marahas na pamimiyapis
Pitong susong hanay na dulo ng kalis
Hinawi ng tabak nang akoý masapit.

Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?


A. pag-atras C. pagkikipaglaban
B. pagkatukso D. pagkikipagpalitan

5. Nagluksa ang langit nang akiý mapatay


Habag sa gererong mundoý tinakhan.

Ang pahayag ay halimbawa ng anong tayutay?


A. pagmamalabis C. pagtutulad
B. pagpapalit- tawag D. personifikasyon

Suriin

Alam kong matapos mong mabasa ang piling saknong sa tula ay medyo nahihirapan kang
intindihin ang ilang linya sapagkat malalalim ang mga salita o pahayag na ginamit.
Sa pagsusulat ng anumang akda, kinakailangang maging kaakit-akit ito sa mga
mambabasa para mas magkaroon sila ng kawilihan na basahin ang mga ito hanggang dulo. Para
matamo ang pagkakaroon ng kaakit-akit na akda, gumagamit ang ilan ng mga
matatalinghagang paraan ng pagsulat para mas masining ang mga akda. Higit pa rito,
nabibigyan ng kakaibang timpla sa paglalahad ng damdamin o sitwasyon.
Ngayon, pagtuunan natin ng pansin ang pagbibigay kahulugan sa mga matalinghagang
pahayag, simbolo at ilang mga tayutay

Ang Matalinghagang Pahayag- ay ginagamit sa pagkakaroon ng masining na pagpapahayag.


Ito ay may patago o malalim na pagpapakahulugan.
Ang Filipino ay mayaman sa iba’t ibang wika kung kaya’t mas naging kaakit-akit pa
ang paraan ng pagpapahayag.
Halimbawa:
1. Pinagbiyak na bunga- ibig sabihin magkamukha
Ang magkaibigang Lina at Sasa ay parang pinagbiyak na bunga ang mga pagmumukha.

6
2. Ilista sa tubig- ibig sabihin kalimutan na lang
Huwag na nating isipin na masisingil pa natin ang mga nagkautang sa atin dahil sa pandemyang
hatid ng Covid19. Ilista na lamang natin sa tubig ang mga ito.

Simbolismo- ang salitang ito ay nagsasagisag ng isang ordinaryong bagay, pangyayari, tao o
hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan. Maaaring ang mga simbolo ay nanggaling
sa mga karaniwang simbolo na namana sa mga nagdaang iba’t ibang salin-lahi o mga nilikhang
simbolo gaya ng mga nilikhang tauhan, bagay o pangyayari ng mga manunulat upang
maipahayag o maipabatid ang kanilang ideya o hangarin na nais makarating.
Kadalasang ginagamit ang simbolismo sa mga tula. Ginagamit ito ng mga manunulat sa hindi
literal na paraan para ipabatid ang hangarin
halimbawa:
1. pusang itim - malas, may mangyayaring masama o hindi maganda
2. puti - kalinisan o kadalisayan
3. pula-kaguluhan, pakikilaban o katapangan
4. Maria Clara- tipikal na dalagang pilipina o binibining mahinhin
5. itim- kamatayan, kadiliman, kasamaan o maaaring kahirapan
6. kalapati - kapayapaan o pakikiisa
7. pusong itim - masama ang hangarin o hindi mabuting tao
8. ahas- mang-aagaw, hindi mapagkakatiwalaan, traydor o taksil
9. puso- pag-ibig o pagmamahal
10. buwaya - katiwalian o mga masamang gawain
11. linta -sipsip, grabe kung makakapit sa isang tao
12. tinik - sagabal, pagsubok o kahirapan
13. Sisa - wala sa tamang katinuan o kaisipan
14. ilaw - pag-asa
15. Goliath - malaking tao na hindi ginagamit ang utak

Lahat ng mga nabanggit na halimbawa at mga kahulugan nito ay hindi limitado sa mga
nabanggit. Ang mga nakatala ay mga karaniwan o kadalasang nagagamit. Maaaring magamit
pa rin ang mga salitang ito bilang kasing-kahulugan o malapit na termino upang ipabatid ang
nais iparating.

Mga karaniwang uri ng tayutay

Simili o Pagtutulad - Ang pagtutulad ay naghahambing ng dalawang magkaibang bagay,


tao, o pangyayari na ginagamitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kawangis,
kapara, at katulad.
Ang mga mata mo ay tulad ng mga bituin.
Kasingkintab ng diyamante ang iyong mga luha.
Ang iyong labi ay tila rosas sa pula.
Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning.
Ang mga kamay mo ay kasing kinis ng tela.

7
Metapora o Pagwawangis - Naghahambing din ang pagwawangis ngunit hindi ginagamitan
ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kawangis sapagkat ito'y tiyakang paghahambing.
Ang ama ni David ay leon sa bagsik.
Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng kagubatan.
Ang aking mahal ay isang magandang rosas.
Ang aking ina ay tunay na ilaw ng tahanan.
Ang kanilang bahay ay malaking palasyo.
Si Mother Teresa ng Calcuta ay hulog ng langit.

Personifikasyon o Personipikasyon o Pagsasatao - Ang personipikasyon ay pagsasalin ng


talino, gawi, at katangian ng tao sa mga bagay-bagay sa paligid natin.
Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat.
Napangiti ang rosas sa kanyang pagdating.
Tinatawag na ako ng kalikasan.
Matindi ang unos sa paghagulgol ng langit.
Inanyayahan kami ng dagat na maligo.

Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.

O tukso, layuan mo ako!


Pag-ibig, bigyan mo ng kulay ang aking buhay.
Buhos na ulan, aking mundo’y lunuring tuluyan.
Buwan, ika’y saksi sa lahat ng aking paghihirap.

Pagmamalabis o Hayperboli - Ang pagmamalabis ay lubhang nagpapakita ng kalabisan na


imposibleng mangyari sa kalagayan ng tao, bagay, o pangyayari.
Bumaha ng salapi sa kanyang mga kamag-anak nang dumating si Rico mula sa Saudi
Arabia.
Aabutin ka ng bilyun-bilyong taon bago makatapos ng medisina.
Nalulunod na siya sa kanyang luha.
Hanggang tainga ang aking ngiti nang siya’y aking nakilala.
Nadinig sa buong mundo ang lakas ng kanyang sigaw.

8
Paghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay
siyang kahulugan.
Ngumingiyaw ang pusa sa ibabaw ng bubong.
Ang tik-tak ng relo ay nangibabaw.
Ang bang-bang ng baril ay gumising sa aming pamilya kagabi.

Pagpapalit-tawag o Metonymy - Ito'y pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na


magkakaugnay, hindi sa kahambingan kundi sa mga kaugnayan. Ang kahulugan ng meto ay
"pagpapalit o paghalili."
Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa kanyang tagumpay.
Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng pagka-pangulo.
Ang panulat ay mas makapangyahiran kaysa sa espada.

Sinekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuoan


ang binabanggit.
Itinakwil siya ng buong mundo.
Ang klase ay kanyang kinopyahan ng takda.
Ang kongregasyon ay aking kinamayan.

Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho. Pag-uulit ng naunang tunog na
katinig.
Ang kailangan ng bayan ay kapayapaan, kaayusan, katarungan, at kalayaan.
Singsing, sapatos, susi, at sinturon lamang ang kanyang dala.
Ang laman ng kanyang bag ay papel, panulat, at pambura lamang.

Pagyamanin

Gawain 4. Gawin natin!


Panuto: Unawaing mabuti ang bawat saknong at ibigay ang kahulugan ng nakasalungguhit na
matatalinghagang salita, tayutay at simbolo. Isulat ang sagot at gawin sa hiwalay na papel.

Saknong Kahulugan Damdaming


nakapaloob sa
saknong
S106

9
Lumagi ka nawa sa kaligayahan,.
sa harap ng di mo esposong katipan,
at huwag mong datnin yaring kinaratnan,
ng kasing nilimot at pinagliluhan.

S111
Di ko na masabi’t luha ko’y nanatak,
nauumid yaring dilang nangungusap,
puso’y nanlalambot sa malaking habag,
sa kaawa-awang kubkob ng hirap.
S128
Anyong pantay-mata ang lagay ng araw
niyong pagkatungo sa kalulunuran;
iyang pagkataos sa kinalalagyan
nitong nagagapos na kahambal-hambal.

S120
Bayang walang loob, sintang alibugha,
adolfong malupit, Laurang magdaraya,
magdiwang na ngayo’t manulos sa tuwa
at masusunod na sa akin ang nasa.
.

Gawain 5. Pag-ibayuhin pa natin!


Monologo – itoý isang klase ng pagsasadula kung saan iisang tao lamang ang gumaganap na
tauhan. Kadalasan itong napapanood sa mga palabas sa teatro, pelikula at iba pa.
Panuto: Sumulat ng monologo na gumagamit ng 5 (limang) halimbawa ng mga tayutay
tungkol sa pakikipagsapalaran mo sa buhay bilang kabataan.
Monologo:
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

10
Isaisip

Gawain 6: Upang matiyak na mayroon kang natututunan sa akdang itinalakay, kinakailangang


mapunan mo ang mga sumusunod:
1. Sa mg piling saknong ng akda mababatid kong nagpapakita ng katapangan at kabayanihan
si Florante sapagkat:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Masasabi ko na tapat ang pag-iibigan nina Florante at Laura sapagkat:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Parehong gumagamit ng paghahambing ng dalawang tao o bagay, pangyayari at iba pa ang
pagtutulad at metapora ngunit ang tanging pinagkaiba ay:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Mahalagang matututunan natin ang paggamit ng matalinghagang pahayag, mga tayutay,
simbolismo dahil :
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Isagawa

Gawain 7:
Panuto: Pansinin ang mga salita sa loob ng kahon at ibigay ang sinisimbolo o kinakatawan nito.

Mga salita Sinisimbolo o kinakatawan ng


salita
kamao
upuan
langit
sandata
luha

11
Tayahin

Gawain 8. Talinghaga sa tula, e sulat mo!


Panuto: Balikan ang piling saknong ng Florante at Laura na nasa bahagi ng Tuklasin at gawin
ang sumusunod:
A. Magtala ng limang talinghaga o tayutay at ibigay ang kahulugan ng mga ito. Isulat ito
sa kahiwalay na papel.

Saknong # Talinghaga/Tayutay Kahulugan

Karagdagang Gawain

Alam kong sinubukan mong gawin ang mga gawain na inilaan para iyo. Ngayon pagyamanin
pa natin ang iyong kakayahan upang mapaibayo pa ang iyong natututunan sa akda.

Gawain 9. Magagawa pa natin!


Panuto: Gawan ng pangungusap ang bawat litrato sa ibaba batay sa hinihinging uri ng tayutay.
Gawing gabay ang pormat sa ibaba.
Halimbawa:
Litrato: araw
Uri ng tayutay: personifikasyon o pagsasatao
Pangungusap: Waring ngumingiti sa akin ang sinag ng araw.

12
Litrato Uri ng tayutay Pangungusap

Simile o pagtutulad

Anghel

Metapora o pagwawangis

Miss Universe Catriona


Gray

Hyperbole o Pagmamalabis

Dugo

Apostrope o Pagtawag

Pera

Onomatopeya

Aso

13
14
Gawain 1
Magkakaiba-iba ang sagot
sa bata.
Gawain 2.
Magkakaiba-iba ang sagot
Gawain 4. ng bata
Magkakaiba-iba
Gawain 3.A
ang sagot ng bata
1. D
Gawain 5: 2. B
Magkakaiba-iba
3. B
ang sagot ng
4. A
bata. 5. C
Gawain 3B
Gawain 6 - 8:
Magkakaiba-iba 1. c
ang sagot ng
bata. 2. a
3. b
4. c
5. d
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

wwwrenniellegada143. "15 Halimbawa Ng Simbolismo at Kahulugan Nito." Brainly.ph - For


Students. By Students. Accessed April 21, 2021. https://brainly.ph/question/529551.

"Mga Karaniwang Uri at Halimbawa Ng Tayutay." Pinoy Resource. Accessed April 21, 2021.
https://pinoyresource.blogspot.com/2009/03/mga-karaniwang-uri-at-halimbawa-ng.html

"Pangarap at Tagumpay (Kwentong Pakikipagsapalaran)." Plumakabayan. Last modified


November 22, 2015. https://plumakabayan.wordpress.com/2015/11/22/pangarap-at-
tagumpay-kwentong-pakikipagsapalaran/

15
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph


16

You might also like