You are on page 1of 18

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8
Zest for Progress
Z P eal of artnership

Filipino
Ikaapat na Markahan –
Modyul 2 Kaligirang
Pangkasaysayan
ng Florante at Laura

Name of Learner:
Grade & Section:
Name of School:
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Julie Ann L. Ebasan


Elsie V. Malagum, Mary Jill A. Atetio, Thelma P. Opada
Editor:

Tagasuri: Elsie V. Malagum, Mary Jill A. Atetio, Thelma P. Opada

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:

Tagalapat:

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE EPS – LRMDS

Josephine L. Tomboc, EdD


EPS – Filipino
Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap


Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- Ang mag-aaral ay nakabubuo ng
unawa sa isang dakilang akdang makatotohanang radio broadcast na
pampanitikan na mapagkukunan ng naghahambing sa lipunang Pilipino sa
mahahalagang kaisipang magagamit sa panahon ni Balagtas at sa kasalukuyan
paglutas ng ilang suliranin sa lipunang
Pilipino sa kasalukuyan

Gamit ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito
pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda
pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat (F8PB-IVa-b-33)

Kumusta ka na kaibigan? Binabati kita at natapos mo na ang unang modyul sa


ikaapat na markahan. Tiyak kong ang dami mo nang natutunan tungkol sa paghinuha
sa kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura. Dahil dito panibagong aralin na
naman ang ating tatalakayin sa loob ng modyul na ito. Batid ko na handa ka na sa
panibagong paglalakbay na ito, at nasasabik ka na sa pagsagot sa mga gawaing
inihanda ko para sa iyo.

Ang araling ito ay sadyang inihanda sa iyo upang matulungan ka para sa ibayong
paglinang ng iyong kasanayan sa pag-unawa sa iyong binasa at ito ay ang kasanayan
sa pagtiyak ng kaligirang pangkasaysayan ng akda. Upang mapagtagumpayan ang
pagkamit ng ating layunin, inilahad at tinukoy ang kalagayan ng lipunan sa panahong
isunulat o nasulat ang akda, layunin ng pagsulat ng akda, at ang pagsusuri sa epekto
o bisa ng akda pagkatapos itong isulat. Ang mga nabanggit ay ang mga naging
batayan upang natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng Florante at Laura.

PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING


SAGUTANG PAPEL.

3
Aralin Kaligirang Pangkasaysayan ng
1 Florante at Laura

Balikan
Panimulang Pagtataya: Sagutin
mo! Gawain 1:
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat lamang ang titik ng
tamang kasagutan.
1. Saan sinasabing isinulat ni Francisco Baltazar ang kanyang akdang Florante at
Laura?
A. Selda C. Kumbento
B. Palasyo D. Colegio de San Jose

2. Si Francisco Baltazar ay mas kilala sa palayaw na?


A. Apolo B. Felipe C. Juan D. Kiko

3. Sino ang tinutukoy na MAR, na siyang naging inspirasyon ni Baltazar sa pagbuo


ng kanyang akdang Florante at Laura?
A. Marie Anna Roco C. Maria Ana Ramos
B. Magdalena Anna Rosal D. Maria Asuncion Rivera

4. Si Francisco Baltazar ay mas kilala sa palayaw na Kiko. Siya ay tinaguriang

A. Prinsipe ng manunulang Tagalog C. Nobelista


B. Hari ng Balagtasan D. Kilala sa larangan ng musika

5. Saan aunang nagpatula si Fancisco Baltazar?


A. Unibersidad ng Pilipinas C. Colegio de San Juan de Letran
B. Colegio de San Jose D. Ateneo de Manila

Gawain 2 : Ilahad mo!


Panuto: Gamit ang “diamond graphic organizer”, isulat ang kahalagahan ng pag-aaral ng
Florante at Laura. Ilapat ang kasanayan sa paghihinuha.

1. 2.

Kahalagahan ng pag-aaral ng
Florante at Laura

3. 4.

4
Tuklasin
Gawain 3

A. Hula Pic!
Panuto: Hulaan ang mga sumusunod na makikita mula sa larawan na sumasalamin
sa mga pangyayari sa akda.

https://www.bulakenyo.ph/ https://eighthgradeportfolio. https://philhistory.wordpre


francisco-balagtas-the- https://www.scribd.com/d
wordpress.com/2017/06/29 ss.com/2011/10/08/the-
ultimate-filipino-poet/ o c/299927074/Tauhan-
/pag-ibig-nina-florante-at- spanish-colonial-rule/
Ng- Florante-at-Laura
laura/
1.
2. 3. 4.

Mahusay! napagtagumpayan mo ang mga naunang pagsubok. Iyan lamang ang


iilan sa mga mahahalagang detalye mula sa akdang ating tatalakayin sa modyul na
ito. Sa bahaging ito ay kilalanin natin ang makulay na buhay ng may-akda na si
Francisco Baltazar, basahing maigi at sagutin ang Gawain B sa susunod na pahina.
Magsimula tayo!

Alam mo ba?

Talambuhay ni
Francisco “Balagtas” Baltazar

Isinilang si Francisco Baltazar noong ika 2 ng Abril, 1788 sa nayon ng


Panginay Bigaa, Bulacan siya ay tinaguriang Prinsipe ng manunulang Tagalog.
Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Baltazar at Juana Dela Cruz. Ang
pagmamahalan ng dalawang ito ay nagbunga ng apat na supling, sina Felipe,
Concha, Nicolasa, at Kiko. Nabibilang lamang sa maralitang angkan ang mag –
anak na Baltazar. Ang kanyang ama ay isang panday at ang kanyang ina ay isang
karaniwang maybahay. Si Kiko ay pumasok sa kumbento ng kanilang kabayanan
sa ilalim ng pamamatnubay ng kura – paroko at dito ay natutuhan niya ang
Caton, misterio, kartilya at Catecismo. Ang pandayan ng kanyang ama ay
ginagawang tagpuan ng mga kanayon at dito ay naririnig ni Kiko ang mga usapan
at pagtatalo tungkol sa sakit ng lipunang umiiral noon. Malaki ang nagawa nito
sa kanyang murang isipan.

Palibhasa’y may ambisyon sa buhay, inakalang hindi sapat ang


natutuhan sa kanilang bayan kayat umisip ng paraan kung paano siya
makaluluwas ng Maynila upang makapagpatuloy ng pag – aaral. Ayon sa kanyang
ama mayroon silang malayong kamag – anak na mayaman, na naninirahan sa
Tundo at maaari siyang pumasok dito bilang utusan. Nagustuhan naman ang
paglilingkod ni Kiko
sa kanyang amo kaya pinayagan siyang makapag – aral. Nagpatala siya sa Colegio
de San Jose na noon ay pinamamahalaan ng mga Hesuwitas. Dito’y natutuhan
niya ang Gramatika, Latin at Kastila, Fiska, Geografia at Doctrina Cristiana.
Noong 1812 ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag – aaral sa Colegio de San
Juan de Letran at dito’y natapos niya ang mga karunungang Teolohiya, Filosofia
at Humanidades. Naging guro niya si Padre Mariano Pilapil, ang may – akda ng
Pasyong Mahal.

Noong taong 1853, lumipat siya sa Pandacan, Maynila at doon niya


nakilala si Maria Asuncion Rivera. Sa kabila ng mga paalaala at payo ng mga
kakilala at kaibigan na magiging mahirap para sa kanya ang pamimintuho sa
dalaga sapagkat magiging karibal niya si Mariano Kapule, isang mayaman at
makapangyarihan sa pook na iyon, subalit winalang – bahala ang mga paalalang
ito

Hindi siya tumugot hanggang hindi nakadaupang – palad si Maria at


hindi nga nagtagal at naging magkasintahan ang dalawa. Palibhasa’y mayaman
ginamit ni Nano ang taginting ng salapi upang mapabilanggo si Kiko.
Nagtagumpay naman ito. Sa loob ng bilangguan ay nagdadalamhati si Kiko at lalo
itong nalubos ng mabalitaan niyang ikinasal na ang pinag – uukulan niya ng
wagas na pag-ibig at si Nano. Maraming nagsasabing sa loob ng bilangguan niya
isinulat ang walang kamatayang Florante at Laura at buong puso niya itong
inihandog kay Selya.

Pagkalabas niya sa bilangguan noong 1838 ay minabuti niyang lumipat


sa ibang tirahan upang di na magunita ang alaala ni Selya kaya ang alok na
puwesto sa Udyong, Bataan ay buong puso niyang tinanggap. Muling tumibok
ang kanyang puso ng makilala niya si Juana Tiambeng, isang anak na mayaman
na naging kabiyak niya. Nagkaroon sila ng labing – isang supling, limang lalaki
at anim na babae sa loob ng labing – siyam na taong pagsasama nila. Pito ang
namatay noong mga bata pa at sa apat na nabuhay isa lamang ang nagmana kay
Balagtas.

Dahil sa may mataas na pinag-aralan si Kiko kaya humawak siya ng


mataas na tungkulin sa Bataan naging tagapagsalin, tinyente mayor at huwes
mayor de Semantera. Mainam –inam na sana ang buhay ng mag – anak ngunit
nagkaroon na naman ng isang usapan tungkol sa pagkakaputol niya ng buhok sa
isang utusan ng isang mayamang si Alfarez Lucas. Sa pagkakataong ito,
namayani na naman ang lakas ng salapi laban sa lakas ng katwiran kaya napiit
siya sa Bataan at pagkatapos ay inilipat sa piitan ng Maynila. Nang siya’y
makalaya, bumalik siya sa Udyong at dito nagsulat ng awit, komedya at
namatnugot sa pagtatanghal ng dulang Moro – moro na siya niyang ibinuhay sa
kanyang pamilya. Noong ika – 20 ng Pebrero, 1862 si Kiko ay namatay sa Udyong
Bataan sa gulang na 74 na taon.
Sanggunian: http://sulyapsayaman.blogspot.com/2007/10/talambuhay-ni-
franciscobaltazar.html
Gawain B: Trowbak!

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga mahahalagang pangyayari mula sa binasang
Talambuhay ni Francisco Baltazar, ayon sa mga sumusunod na lugar ng
pinagyayarihan.
Bulacan Maynila
Bataan

Mahusay Kaibigan! Batid kong ikaw ay nabighani rin sa talambuhay ni Francisco


“Balagtas” Baltazar. Ngunit bakit nga ba tinatawag siyang Balagtas? Sapagkat si
Francisco Baltazar ang tinaguriang Ama ng Balagtasan at Prinsipe ng Makatang
Tagalog” dahil sa kaniyang obra maestra na Florante at Laura. Itinuturing din
siyang pasimuno ng mga pagbabago sa panitikan sa loob ng pananakop ng mga
Espanyol.

Ngayong batid mo na ang talambuhay ni Francisco Baltazar ay atin naman na


tuklasin at suriin ang Kaligirang Pangkasaysayan ng akdang Florante at Laura! Handa
ka na ba kaibigan? Tara!

Suriin
Gawain 4: Ayusin mo!

Panuto: Ayusin ang mga salita. Gamiting gabay ang mga pantulong na salita upang
mabuo ang tamang sagot.

1. Panahon kung saan naisulat ni Francisco Baltazar ang akdang Florante at Laura.

PNOAHAN GN SKTAAIL - Sagot: _


2. Sumasalamin sa kalagayang panlipunan kung saan mahigpit na ipinagbawal ang
mga babasahin at palabras na tumutuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga
Espanyol.

AERNSSU - Sagot:
3. Ang babaeng hinandugan ni Francisco Baltazar ng kanyang obra maestra.
AESLY - Sagot:
4. Ang naging karibal ni Florante sa kanyang kasintahan na si Laura.

OLDFOA - Sagot:
5. Ginamit na paraan ni Francisco Balagtas upang makalusot ang kanyang akda sa
patakaran ng mga Espanyol. Naglalaman ng nakatagong mensaheng sumasalamin
sa kalagayang panlipunan sa Panahon ng mga Espanyol.

AALYEROG - Sagot:

Gawain 5 : Pag-unawa sa Binasa!

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang tekstong napapatungkol sa Kaligirang Pang-


kasaysayan ng akdang Florante at Laura, at sagutin ang mga katanungan sa
susunod na pahina.
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura

Ang Florante at Laura ay isang awit na binubuo ng 399 na saknong. Ito’y


may 12 pantig sa bawat taludtod at batay sa mga pangyayaring makatotohanan.
Sapagkat maaaring maganap sa tunay na buhay. Maituturing itong isang
Alegorya- isang akda na ang mga tauhan at pangyayari ay sumasagisag sa ibang
bagay. Noong panahon ni Balagtas, mahigpit ang sesura. Walang kalayaan sa
pagsasalita. Wala ring kalayaan sa pananamplataya. Naghahari ang kasamaan at
kalupitan ng mga Kastilang namumuno na walang hangad kundi ang yaman ng
Pilipinas. Sinasabing sa selda isinulat ni Balagtas ang kanyang akda dahil sa
maling paratang na pakana ng mayamang karibal na si Nano Kapule
Ganito ang namamayaning kalagayan ng kanyang panahon na tinutulan ni
Balagatas sa kanyang akda. Ang pagtutol na ito ay tinawag ni Lope K. Santos na
“Apat na mga himagsik” na naghari sa puso at isipan ni Balagtas. Ang mga ito ay
ang (1) pagtutol sa maling pamamahala ng mga namumuno sa isang bayan; (2) sa
maling pagpapalaki ng mga anak; (3) sa maling paniniwala hinggil sa relihiyon at;
(4)kawalan ng kalayaaan sa pagsasalita. Ngunit hindi tuwiran ang pagpapahayag
ng kanyang pagtutol. Ginamit ni Balagtas na tagpuan ang isang bayang Europeo,
ang Albanya. Gumamit siya ng mga hayop katulad ng leon, buwitre, at iba pa. Sa
gayo’y naikubli ng makata ang kanyang tunay na hangaring ibunyag ang
kasamaang sumisikil sa kalayaan sa bawat isa.
May kamalayang panlipunan si Balagtas. Nangangahulugan ito na mulat
siya sa mga nagaganap sa kanyang lipunan, na inihayag niya sa kanyang akda.
Bagama’t hindi siya nagmungkahi ng paraan kung paano babaguhin ang mga
sistemang tinutulan ng kanyang Florante at Laura, ang kanyang akda ay
nakaimpluwensya sa ibang manunulat. Ang Florante at Laura ay naging
inspirasyon ng dalawang bayning Pilipino, sina Jose Rizal at Apolinario Mabini.
Lagging dala-dala ni Rizal saan man siya makarating ang kanyang sipi ng
Florante at Laura. Maaaring nakaimplwensiya ito sa kanya na ipagpatuloy ang
pagtutol sa kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Bukod sa mga nabanggit, ang Florante at Laura ay maitituring na isang
akdang bayan- isang akdang inangkin nan g samabayanang Pilipino sapagkat hitik
ito sa magagandang kaisipan, matulaing paglalarawan at mga aral sa buhay. Higit
sa lahat, ang mga ito’y panghabang panahon. Pinatutunayan sa mga sumusunod na
pahina ng akda ni Balagatas ay may kaugnayan pa hanggang sa kasalukuyang
panahon.

Sanggunian: https://books.google.com.ph/books?
id=K4qakUi4C&printsec=frontcover#v=onepage &q&f=false

1. Ilahad ang kalagayan ng Pilipinas sa panahong naisulat ang Florante at Laura.


A. Maaliwalas at produktibong kalagayan
B. Madilim at masukal na lipunan
C. Madilim at puno ng kalupitan na lipunan
D. Matiwasay at puno ng kasaganaan

2. Ano ang naging pangunahing layunin ni Francisco Baltazar kung bakit niya
isinulat ang awit na Florante at Laura?
A. Maipabatid ang kawalang katarungan sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng
mga Espanyol
B. Maipahiwatig ang kabiguan ng may-akda sa pag-ibig
C. Paggabay sa mabuting pakikitungo
D. Pagpapahalaga sa sariling bayan at minamahal

3. Ang mga sumusunod ay nagpapahayag sa impluwensya ng akdang Florate at Laura


sa Pilipino maliban sa isa:
A. Ito ay naglalaman ng mahahalagang aral sa buhay tulad ng wastong pagpapalaki
sa anak
B. Pagiging mabuting magulang, pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan
C. Pagtulong sa kapwa kahit magkakaibang relihiyon tulad ng mga Muslim at
Kristiyano
D. Pagiging sakim at paghahangad ng yaman sa bayan

4. Paano napagtagumpayang mailusot ni Balagatas ang kanyang akda sa kabila


ng mahigpit na sensura?
A. Gumamit siya ng alegorya sa gayo’y naikubli ng makata ang kanyang tunay na
hangaring ibunyag ang kasamaang sumisikil sa kalayaan sa bawat isa
B. Ang paglalakbay ng mga Moro at Persiyano ay siya ring temang ginamit
ni Balagtas sa kanyang awit
C. Pakikipaglaban ni Balagtas sa mga Espanyol gamit ang dahas
D. Sekretong pagbuo ng organisasyon na pamamaraan ang ginamit ni
Balagtas upang matagumpay ang pagpapalimbag ng kanyang akda.
5. Nagkaroon ba ng impluwensya ang Florante at Laura sa mga nangyaring pag-alsa ng
mga Filipino laban sa mga Espanyol?
A. Oo, sapagkat nagdulot ito ng kasamaan sa mga Pilipino na mag-alsa para sa
kalayaan ng bayan
B. Oo, sapagkat naging daan ito upang mamulat ang mga Pilipino na lumaban
para sa kalayaan ng inang bayan
C. Wala, sapagkat naging alipin pa rin tayo ng mga Espanyol hanggang ngayon
D. Wala, sapagkat walang pinag-aralan ang mga Pilipino sa panahong yaon

Nagustohan mo ba ang kasaysayan ng Florante at Laura? Lage nating intindihin na


isa sa mga dahilan kung bakit isinulat ni “Balagatas” ang Florante at Laura dahil sa
labis na pagdurusa ni Francisco “Balagtas” Baltazar, kaya naisulat niya ang akdang ito
dahil na rin sa sa pag-ibig niya kay Selya. Ang pag-iibigang iyon ang nagbigay ng gulo
sa kanyang buhay. Gayun din ang pananakop ng mga Espanyol. Sa panahong ito,
ipinatupad ng mga Espanyol ang sensura kaya’t ipinagbawal ang mga babasahin at
palabas na tumutuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga Espanyol.

Pagyamanin
Gawain 6: Ilahad mo!
Panuto: Gamit ang grapikong presentasyon, ilahad kung paano nakapagbigay bisa o
epekto ang akdang Florante at Laura sa iba’t- ibang aspeto ng buhay ng mga
Pilipino noong panahon ng mga Espanyol hanggang sa kasalukuyang panahon.
FLORANTE AT LAURA
Akda
Mga Aspeto Mga Epekto

Lipunan

Pamilya

Minamahal

Isaisip
Gawain 7: Ayusin mo!
Panuto: Ayusin at kumpletohin ang mga salitang makikita mula sa kahon upang
mabuo ang konsepto at diwa ng araling ating tinalakay.
Florante at Laura PilipinasTumutuligsa Kastila
Francisco Baltazar pamamahalaMapang-abusong Sitwasyon

Sagot:

Tayahin

Gawain 8: Sagutin mo!


Panuto: Piliin ang wastong sagot ng mga sumusunod na katanungan na
makikita sa susunod na pahina. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang mahigpit na ipinatutupad ng mga Espanyol


sa panahon ng kanilang pananakop?
A. Mahigpit na ipinatupad na sensura kaya’t ipinagbawal ang mga babasahin at
walang kalayaan sa pagsasalita at pananamplataya
B. Mahigpit na pagpapatupad ng Malayang Kalakalan.
C. Mahigpit na pagpapatupad ng pagbuwag at pagbawal ng lahat ng Partidong
Politikal
D. Mahigpit na pagpapatupad ng Reorganisasyon ng Pamahalaan

2. Ano ang temang ginamit ni Francisco Balagtas upang maipalabas ang akda?
A. Politikal C. Relihiyon
B. Himagsik D. Kalikasan

3. Ang mga sumusunod ay naghari sa puso’t isipan ng may-akda at nag-udyok sa


kanya na isulat ang akdang Florante at Laura, maliban sa isa;
A. Himagsik laban sa maling paniniwala hinggil sa relihiyon
B. Himagsik laban sa korapsiyon ng ekonomiya
C. Himagsik laban sa kawalan ng kalayaaan sa pagsasalita
D. Himagsik laban sa maling pamamahala
4. Bakit nakulong si Francisco Baltazar?
A. Dahil sa pag-aalsa ng mga Pilipino sa panahong iyon
B. Dahil sa paratang na pagnanakaw sa simbahan
C. Dahil sa maling paratang na pakana ng mayamang karibal na si Nano Kapule
D. Dahil sa paratang na pagpatay sa Gwardiya sibil

5. Ang mga sumusunod ay mga mahahalagang aral sa buhay na makikita mula sa


akdang Florante at Laura maliban sa isa;
A. Pagmamahal at malasakit sa bayan
B. Pagpapaalala sa madla sa maingat na pagpipili ng pinuno
C. Pagpapahayag sa sariling interes lamang
D. Wastong pagpapalaki sa anak

6. Bakit binigyang-halaga rin sa akda ang taglay na lakas ng kababaihan?


A. Upang bigyan halaga ang boses at papel ng bawat kababaihan sa lipunan
B. Upang hindi masisira ang puri ng bawat kababaihan
C. Upang mangibabaw sa lipunan ang mga kababaihan
D. Upang matuldokan ang diskriminasyon sa kasarian at mabigyan ng
pantay- pantay na karapatan ang bawat isa

7. Bakit maituturing ang Florante at Laura bilang isang isang akdang bayan?
A. Sapagkat hitik ito sa magagandang kaisipan, matulaing paglalarawan at
mga aral sa buhay
B. Sapagkat ito ay tumutuligsa sa mga mapang-aping kastila
C. Sapakat naglalahad ito ng maslimuot na mga pangyayari
D. Sapagkat sinulat ito ni Francisco Baltazar na isang Pilipino.

8. Paano nakaimpluwensya ang akdang Florante at Laura sa ibang manunulat?


A. Naging inspirasyon upang wakasan ang pang-aapi ng mga Espanyol
B. Naging inspirasyon ng dalawang bayaning Pilipino, sina Jose Rizal at
Apolinario Mabini.
C. Naging inspirasyon na sumulat pa ng mga akda tungkol sa bayan
D. Naging inspirasyon ng mga Pilipinong manunulat na sumulat ng mga
akdang tumutuligsa rin sa mga dayuhan hanggang sa kasalukuyan.

9. Bakit sinasabing may kamalayang panlipunan si Balagtas?


A. mulat siya sa mga nagaganap sa kanyang lipunan, sapagkat nakipaglaban siya
sa mga espanyol
B. Sapagkat nailalarawan mula sa kanyang pabula ang mga hayop na ginamit sa
kanyang akda
C. Mulat siya sa mga nagaganap sa kanyang lipunan, na inihayag niya sa
kanyang akda
D. Sapagkat hindi siya nanahimik sa mga nangyayari sa kanyang paligid

10. Paano nakaapekto ang akdang Florante at Laura sa mga Pilipino hanggang sa
kasalukuyan?
A. Naging paraan ito upang maging masama ang mga Pilipino sa mga dayuhan at
makipaglaban sa kanila
B. Naging dahilan ito upang maing makasarili sa at ipahayag ang natatanging
interes lamang
C. Naging paraan ito sa pagkakaroon sa pagsasagawa ng mga alituntunin laban sa
pamahalaan
D. Naging dahilan ito upang imulat tayo sa mga pangyayari sa ating paligid at ang
kahalagahan ang ating karapatan
Mahusay kaibigan! at napagtagumpayan mo ang mga pagsubok. Alam natin
na marami ring mga pagsubok, kabiguan at mga aral na taglay ang akda. Ang
mga aral na taglay nito ang gumabay sa ating mga ninuno at mga bayani sa
pagkamit ng ating kalayaan. Sana ay ikaw rin kaibigan, kahit anong dagok man
ang dumating sa iyong buhay, ay dapat kakayanin at huwag kalimutang
humingi ng tulong sa poong maykapal sapagkat hinding-hindi niya tayo
pababayaan. Ngayon ay tatapusin natin ang aralin na ito sa panghuling gawain.

Karagdagang Gawain
Gawain 9 : Islogan natin yan!
Panuto: Suriin ang naging epekto at mensahe sa iyo ng tekstong iyong binasa sa pama-
magitan ng paglikha ng isang makulay na Islogan sa isang “Short bondpaper”. At
sagutin kung bakit ito ang napili mo?

Islogan

Bakit ito ang napili mong islogan?


Sa paggawa ng iyong gawain, gawing batayan ang rubrik na makikita sa ibaba.

Nanganga- Laan
Napaka Aking
Mahusay Katamtaman ilangan ng
Pamantayan husay g
(4) (3) Pagsasanay Marka
(5) Punto
(2-1)
s
Kabuluhan makabulu May sapat May Hindi 5
ng nilalaman han ang na kakulangan angkop ang
nilalaman kabuluha sa pagbibigay mensahe
na n ang ng mensahe
mensahe mensahe
Organisasyon Naihanay Naihanay May Magulo ang 5
ng nilalaman ng ang mga kalituhan sa paghahanay
maayos nilalaman pag-intindi ng ng mga
ang mga nilalaman nilalaman
nilalaman
Pagkamalikha Labis na Masining Di gaanong Hindi 5
in masining at masining at masining at
at detalyado detalyado ang detalyado
detalyado ang kumbenisyon ang
ang kumbenis ng kulay at kumbenisyo
kumbenis yon ng desinyo ng n ng kulay
yon ng kulay at Islogan at desinyo
kulay at desinyo ng Islogan
desinyo ng Islogan
ng Islogan
Kabuoang Puntos 15

Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian:
“Francisco Balagtas: The best Filipino poet.” Bulakenyo.ph. April 2, 2020.
https://www.bulakenyo.ph/francisco-balagtas-the-ultimate-filipino-
poet/.
“Kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura crossword puzzle.” Accessed December
2020. https://www.proprofsgames.com/ugc/crossword/kahalagahan-ng-pag-aaral-
ng-florante-at-laura/.
“Pre-colonial Philippines: Our unknown history.” Accessed December 2020.
http://precolonialphilippines.blogspot.com/2013/10/10-ginto.html.
Badua, Zenaida. Florante at Laura ni Francisco (Balagtas) Baltazar. Quezon City: Vibal
Publishing House, Inc.
Baltazar, Franciso (Balagtas). “Florante at Laura.” Accessed December
2020. https://books.google.com.ph/books?id=K-
8k4qakUi4C&printsec=frontcover#v=onepage&q&f=false.
Department of Education. Most essential learning competencies in Filipino. Philippines:
Department of Education, 2020.
Martin, Seth. “Pag-ibig nina Florante at Laura.” Last modified June 29, 2017.
https://eighthgradeportfolio.wordpress.com/2017/06/29/pag-ibig-nina-florante-
at-laura/.
Mativo, Rayzhiel. “Tauhan ng Florante at Laura.” Accessed December 2020.
https://www.scribd.com/doc/299927074/Tauhan-Ng-Florante-at-
Laura.
Ponce, Katrina. “Florante at Laura notes.” Accessed December 2020.
https://www.scribd.com/doc/256002513/Florante-at-Laura.
` Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX

Here the Badjaos roam the seas Hardworking people Abound,


Here the Samals live in peace Every valleys and Dale
Here the Tausogs thrive so free Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
With the Yakans in unity Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land

Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer

One night I had a dream. I dreamed that I was I think that I shall never see
walking along the beach with the LORD. A poem lovely as a tree.
In the beach, there were two (2) sets of footprints – A tree whose hungry mouth is priest
one belong to me and the other to the LORD. Against the earth’s sweet flowing breast;
Then, later, after a long walk, I noticed only one
set of footprints. A tree that looks at God all day,
“And I ask the LORD. Why? Why? Why did you And lifts her leafy arms to pray;
A tree that may in Summer
leave me when I am sad and helpless?”
wear A nest of robins in her
And the LORD replied “My son, My son, I have hair;
never left you. There was only one (1) set of
footprints in the sand, because it was then that I Upon whose bosom snow has lain; Who
CARRIED YOU! intimately lives with rain.

Poems are made by fools like


me, But only God can make a
tree.

16

You might also like