Professional Documents
Culture Documents
(F8PB-IVa-b-33)
E. Pagpapaganang
Kasanayan
a. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo para
sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
2QAD
ALAMIN (QUIZIZZ)
Susubukin ng mga mag-aaral sagutan ang paunang pagtataya, ito ay upang malaman
ang antas ng kanilang kaalaman hinggil sa paksang tatalakayin.
PANUTO: Subukan nating sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Ito ay ang
paunang pagtataya na magsusukat ng inyong kaalaman hinggil sa bagong paksa.
1. Noong panahong naisulat ang Florante at Laura, ang lagay ng lipunan ay _________.
A. galit C. paghihiganti
B. pananalig D. pagmamahal
4. Matapos maisulat ang Florante at Laura, matagal nang panahon ang nakaraan,
nagdulot ito sa kasalukuyan ng __________.
A. kahirapan C. pagsalamin
B. kasamaan D. pagbalikwas
A. pagsunod sa pamunuan
B. pagpumiglas sa mahihirap
C. pagsang-ayon sa kamalian
D. pagkagalit sa mga Espanyol
Pagpapaunlad TUKLASIN
Aawitin alinman ng guro o ng mag-aaral ang piling bahagi ng mga awiting, “Tatsulok”
at “Nang Dahil sa Pag-ibig”. Magkakaroon ng maikling talakayang hinggil dito.
Pag-unawa sa Binasa
2. Sa iyong palagay, ano o sino ang tinutukoy na, “tatsulok at sila ang nasa tuktok”?
4. Sa awiting Nang Dahil sa Pag-ibig, ano-ano ang magagawa nang dahil sa pag-ibig?
Ang mga awiting ito ay mayroong kaugnayan sa ating tatalakayin ngayong araw.
Malapit ang tema ng dalawang awiting ito sa pagkakalika ng isa sa mga dakilang akda
ng bansang Pilipinas.
Pakikipagpalihan PAGYAMANIN
Bata pa si Kikong Balagtas ay naging utusan na siya ni Donya Trinidad, isang mayaman
at malayong kamag-anak, upang makapag-aral. Sa kabila nito, mahilig na talaga siya sa
kalikasan tulad ng pagmamasid sa mga luntiang kapaligiran, pakikinig sa mga pagaspas
ng mga dahon at awit ng mga ibon. Mahilig din siyang magkumpara ng mga bituin sa
mga alipato at apoy na nagmumula sa pagpapanday ng kaniyang ama, at ang tunog ng
sapatos ng mga kabayo na para sa kaniya ay inihambing niya sa musika.
Sa murang edad, hindi maikaila kay Kiko ang mga pagmamalupit ng mga Espanyol sa
kababayan niyang Pilipino. Hindi siya mapakali sa nararamdaman na may hindi
magandang nangyayari sa kaniyang bayan ngunit ‘di niya ito lubos na maunawaan.
Noong siya ay nag-aaral na sa Colegio de San Juan de Letran, naging guro niya sa
Pilosopiya si Padre Mariano Pilapil. Taong 1812 nang matapos siya sa pag-aaral ng
Batas sa Corones, Kastila, Latin, Pisika, Doctrina Cristiana, Humanidades, Teknolohiya
at Pilosopiya.
Naging makulay ang buhay ni Balagtas noong siya ay magbinata na. Nananaludtod na
ng mga tula ng pananambitan at pagsamo. Dito niya nakilala ang unang nagpatibok sa
kaniyang puso, si Magdalena Ana Ramos. Dito siya humingi ng tulong sa pagsulat at
pagsasaayos ng tula kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na pinakabantog na makata sa
Tondo. At ‘di kalaunan, nahigitan ito ni Francisco sa larangan ng panulaan.
Hanggang sa siya ay natutong umibig nang tunay kay Maria Asuncion Rivera o mas
kilala sa tawag na Celia. Ngunit ang pag-iibigang ito nina Kiko at Celia ang nagbigay ng
gulo sa kaniyang buhay. Siya ay ipinakulong nang walang kasalanan at katarungan ng
kaniyang karibal na Espanyol na si Nanong Kapule. Ito ay may mataas na katungkulan
sa bayan noong panahon ng Kastila. Doon niya naunawaan ang mga nangyayari at
nararamdaman ng kaniyang kababayan. At dahil dito, isinulat niya ang kaniyang tula na
“Florante at Laura”. Ito ang kaniyang obra maestra, na nagsisiwalat sa mga pang-
aabuso at pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Ang tulang ito ay
naglalarawan kung ano ang tunay na nangyayari sa kaniyang bayan, at mga aral sa
pang-araw-araw ng buhay sa katarungan, sa pagmamahal, sa paggalang sa mga
nakakatanda, sa sipag at tiyaga sa disiplina at sa kabayanihan. At dahil sa tanyag na
tula, pinangalanan siyang “Hari ng Makatang Pilipino.” Si Francisco Balagtas ay
namatay noong Pebrero 20, 1862.
Naging inspirasyon ng dalawang bayaning Pilipino, sina Jose Rizal at Apolinario Mabini,
ang Florante at Laura. Laging dala-dala ni Rizal saan man siya makarating ang kaniyang
sipi ng Florante at Laura. Katunayan dito ang ilang linya mula sa Florante at Laura na
mababasa sa Noli Me Tangere at El FIlibusterismo. Samantalang, noong ipatapon si
Apolinario Mabini sa Guam noong 1901, hinamon siya ng isang kapitang Amerikano na
magbigay ng halimbawa ng kadakilaan ng mga Pilipino sa larangan ng panitikan. Kaya
kumuha si Mabini ng papel at isinulat ang buong Florante at Laura. Ang bersiyong ito
ang isinalin naman ni Tarrosa Subido sa Ingles.
V. PAGTATAYA (QUIZZIZ)
1. Noong panahong naisulat ang Florante at Laura, ang lagay ng lipunan ay _________.
A. galit C. paghihiganti
B. pananalig D. pagmamahal
4. Matapos maisulat ang Florante at Laura, matagal nang panahon ang nakaraan,
nagdulot ito sa kasalukuyan ng __________.
A. kahirapan C. pagsalamin
B. kasamaan D. pagbalikwas
A. pagsunod sa pamunuan
B. pagpumiglas sa mahihirap
C. pagsang-ayon sa kamalian
______________________________________________________________________
Inihanda ni:
Jivanee S. Abril
Teacher I
Pinagtibay nina: