You are on page 1of 2

SAN JOSE NATIONAL HIGH SCHOOL

SAN PABLO CITY

Pamagat: Oplan BTS Pa: Batang sa Tawagan Sinusubabayan ang Pagbabasa


Mga KinakailangangGood
mga Tao: Mga mag-aaral mula Suggestions
Practices baitang ika-7-10 ng San Jose National
Agreement High / Date
/ Signature
School (SJNHS) na nangangailangan ng interbensyon/ remidyal sa pagbabasa, mga guro ng SJNHS, at
mga magulang/tagapangalaga ng mga mag-aaral na nangangailangan ng interbensyon sa pagbabasa.
Petsa/Lugar: Tahanan ng mga mag-aaral, Setyembre, 2021 -Mayo, 2022
Mga Panukala/ Nagplano: Jivanee S. Abril at Michelle H. Credo
A. KATUTURAN
Mahalagang maipagpatuloy ng mga mag-aaral ang pagbabasa malayo man sila sa paaralan. Dahil
sa kinakaharap na pagsubok ng kagawaran ng edukasyon, nawala ang personal at aktib na
interaksyon ng guro at mga mag-aaral. Gayun pa man kailangang patuloy na matugunan ang
pangangailangang pang-akademiko ng mga mag-aaral kaya naman mahalaga na patuloy ang
pagbabasa ng mga bata, nasa bahay man sila lalo na sa New Normal kung saan ang pag-aaral ay
isinasagawa sa pamamagitan ng mga modyul na kinakailangan nilang basahin at higit sa lahat ay
unawain. Ang pagbabasa ay isa sa mga kasanayan na siyang kailangan ng tao para mabuhay,
tulad ng isang pagkain ay hindi mabubuhay ang tao kung walang impormasyon. Ito ay proseso ng
pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may-akda sa babasahing kanyang isinulat. Ito ay
bahagi ng komunikasyon. Ito ay haluang pag-unawa ng mga salita at ng diwang nais ipahayag ng
nagsulat. Sa madaling sabi, ang pagbasa ay hindi lamang sumasaklaw sa kakayahang kumilala sa
mga titik, salita at pangungusap at bumubuo sa tekstong binabasa kung di sumasaklaw din sa pag-
unawa sa mensaheng nakapaloob sa teksto sa tulong ng dating kaalaman at karanasan ng
bumabasa. Ang pagbasa ay walang iba kundi ang pag-unawa. Kung hindi naunawaan ang binasa
ay walang naganap na pagbasa.

B. LAYUNIN
Ang layunin ng proyektong ito ay ang mga sumusunod:
1. Matugunan ang pangangailangang pang-akademiko ng mga mag-aaral ng SJNHS na ang
pokus ay sa makrong-kasanayan sa pagbasa sa Filipino,
2. Mapataas ang bilang ng mga mag-aaral ng SJNHS na nakakabasa ng may pag-unawa, at
3. Maibalik ang kasanayan ng pagbabasa sa loob ng tahanan.

C. MGA PAMAMARAAN
1. Unang Bahagi
Setyembre-Oktubre, 2021
Kailangang matukoy ng mga guro sa Filipino ang mga mag-aaral na nangangailangan ng
interbensyon sa pagbabasa. Ito ay gagawin sa pamamagitan ng pagtawag (cellphone calls/
video conferencing calls) ng mga guro sa bawat estudyante na kaniyang hawak.
Ang mga magulang/ tagapangalaga matutukoy na mga mag-aaral na sasailalim sa
interbensyon sa pagbabasa ay kailangang makausap (sa pamamagitan ng liham at tawagan)
ng guro upang ipaalam ang sitwasyon at antas ng pagbabasa ng mag-aaral.
2. Ikalawang Bahagi
Nobyembre- Abril, 2022
Bibigyan ng buwanang BTSpa Kit (weekly reading intervention materials) ang mga mag-
aaral na sasailalim sa interbensyon sa pagbabasa. Ito ay mag-lalaman ng lingguhang
babasahin na naaayon sa kanilang baitang, at mga sasagutan. Ang mga mag-aaral ay
susubaybayan sa tahanan ng kanilang mga kasama sa bahay at buwanan din susubaybayan ng
guro sa Filipino sa pamamagitan ng pagpapabasa sa tawag (cellphone calls/ video
conferencing). Ang mga mag-aaral na sumasailalim sa interbensyon ay buwanang ilalagay sa
alinman sa 3 antas:
A. Hindi nakapagbabasa,
B. Nakapagbabasa ngunit kulang sa pag-unawa sa binasa,
C. Nakapagbabasa ng may pang-unawa sa binasa.
Ang mga mag-aaral na sasailalim sa interbensyon sa pagbasa ay maaaring maitalaga sa
kahit kaninong guro sa Filipino anumang antas. Maaari din boluntaryong sumali ang iba
pang mga kaguruan mula sa ibang asignatura upang tumulong sa pagsubaybay sa
pagpapabasa.
3. Ikatlong Bahagi
Mayo, 2022
Sa wakas na bahagi ng proyekto ay bibigyan ng Pangwakas na Antas ang mga mag-aaral na
sumailalim sa interbensyon sa pagbasa. Bibigyan sila ng sertipiko ng paaralan sa
pagtatagumpay nila sa pagsailalim sa interbensyon.
Inihanda nina: Binigyang Pansin ni:

Jivanee S. Abril Sonny A. Cabael, Ed.D.


Teacher I Head Teacher III
Michelle H. Credo
Teacher I

Pinagtibay ni:

Cristeta S. Uy
Principal III

You might also like