You are on page 1of 2

2Banghay Aralin sa Edukasyong Pagpapakatao VI

Subject: Edukasyong Pagpapakatao Time: 10:10 -10:50, 10:50 – 11:30 am


Grade Level: VI Date: October 4,2022
I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag- aaral ay inaasahang:
A.) May sapat na kaalaman sa paglutas ng suliranin at pagtitimbang-timbang ng mga maaring
gawin.
B.) Natututong pumili nang pinakamabuti para sa nakararami.
C.) Nakakagawa ng isang sulatin na may kinalaman sa paggamit ng mapanuring pag-iisip

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Paggamit ng Mapanuring pag-iisip
B. Sanggunian: MELCS, Edukasyon sa Pangkalusugan VI
https://www.youtube.com/watch?v=4JU-LbZPotk
C. Kagamitan: Tv. Laptop, chalkboard
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Bago magsimula ang klase ay magdarasal muna ang mga mag-aaral at magtse-tsek kung sino
ang lumiban sa klase.
B.Panlinang na Gawain
Basahin ang bawat pangungusap suriin kung ito ay nagpapakita ng mapanuring pag iisip . Isulat
ang Oo kung tama at Hindi naman kung ito ay hindi nagpapakita ng mapanuring pag iisip.

1. Si Allen ay naniniwala sa lahat ng sinasabi ng kanilang kapitbahay.


2. Hindi agad naniniwala sa Aling Lourdes sa mga natatanggap niyang text messages.
3. Sinusuring mabuti ni Karen ang lahat ng balita na kanyang napapanood mula sa Facebook.
4. Pinaglalaanan ng panahon ni Cassandra ang panghihikayat sa mga kapitbahay niyang sumali
sa patimpalak kaysa sa gumawa ng gawaing bahay.
5.Ginagampanang mabuti ni Joy ang kanyang tungkulin sa kanilangb eskwelahan

2. Pagtalakay
Ang guro ay magsisimulang magturo ng paksang aralin sa pamamagitan ng pagprisinta ng
Powerpoint presentation.
Ang guro ay magpapanood ng vidyo gamit ang paksang nakuha sa youtube.

3. Paglalapat
Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Ano ang iyong dapat gawin? Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno
1. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong pumili ng iyong kurso, ng hindi kumukunsulta sa
iyong magulang . Ano ito? At bakit?
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na pumili ng isang bagay na iyong gusto. Ano ito at bakit?

4. Paglalahat
1. Bilang isang mag-aaral naranasan mo na bang magpasya para sa ikakabuti ng lahat?
2. Ano ang mga hakbang na iyong ginawa sa pagkakaroon ng Mabuti at matalinong pasya na
may kinalaman sa iyong pamilya?

IV. Pagtataya
Sa isang buong papel gumawa ng isang sulatin na nagpapakita ng matalinong pagpapasya sa
pagpili ng isang kursong gusto mo.
V. Takdang Aralin
Gumawa ng talata tungkol sa kahalagahan ng isang mabuting pagpapasya
Remarks:

In consonance with the month- long celebration, school-based celebration is scheduled October 04,
2022, from 8:00 in the morning to 12:00 noon at BESSC Social Hall. Classes for this day will be delivered
asynchronously.

Inihanda ni:

MARGIE P. TAGAYUN
Guro

Iniwasto ni:

MYRNA B. ABALOS Ed.D.


Master Teacher II

Sinang-ayunan ni:

JAIDA C. MALONZO
Punong Guro

You might also like