You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Edukasyong Pagpapakatao VI

Subject: Edukasyong Pagpapakatao Time: 10:50 – 11:30 am


Grade Level: VI Date: September 26 ,2022
I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag- aaral ay inaasahang:
A.) May sapat na kaalaman sa paglutas ng suliranin at pagtitimbang-timbang ng mga maaring gawin.
B.) Nakakapag-ugnay ng mga karanasan sa pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip
C.) Nakakalahok sa maikling debate tungkol sa pagkakaroon ng mmapanuring pag-iisip s

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Paggamit ng Mapanuring pag-iisip
B. Sanggunian: MELCS, Edukasyon sa Pangkalusugan VI
https://www.youtube.com/watch?v=4JU-LbZPotk
C. Kagamitan: Tv. Laptop, chalkboard
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Bago magsimula ang klase ay magdarasal muna ang mga mag-aaral at magtse-tsek kung sino
ang lumiban sa klase.
B.Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ikaw ba ay may pangarap? Paano mo masasabing ikaw ay may mapanuring pag-iisip sa pagpili
ng iyong pangarap?

2. Pagtalakay

 Ang guro ay magsisimulang magturo ng paksang aralin sa pamamagitan ng pagprisinta


ng Powerpoint presentation.
 Ang guro ay magpapanood ng vidyo gamit ang paksang nakuha sa youtube.
3. Paglalapat
Ang klase ay hahatiin sa 2 grupo upang pagdebatehan ang “ Dapat ng tanggalin ang face mask”
gamit ang natutunan sa pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip.
4. Paglalahat
1. Bilang isang mag-aaral naranasan mo na bang magpasya para sa ikakabuti ng lahat?

2. Ano ang mga hakbang na iyong ginawa sa pagkakaroon ng Mabuti at mapanuring pasya na may
kinalaman sa iyong pamilya?

IV. Pagtataya
Ano ang dapat pasya ang dapat mong gawin kung….
1. Nakitang mong pinagtutulungang awayin ng mga batang kalye ang isang pulubi.
2. May nagtatapon ng basura sa ilog.
3. Pinagtatawanan at inagawan ng saklay ang isang batang pilay.
4. Pinagbubulungan at nilalait ng mga kaklase mo ang bagong lipat ninyong kamag-aral

V. Takdang Aralin
Sa gitna ng matinding problem ana iyong pinagdadaanan bakit kailangan mong maging
mahinahon sa pagkakaroon ng pasya?At sino ang iyong nilalapitan kapag ikaw ay nahihirapan sa
pagpapasya?

Remarks:

Inihanda ni:

MARGIE P. TAGAYUN
Guro

Iniwasto ni:

MYRNA B. ABALOS Ed.D.


Master Teacher II

Sinang-ayunan ni:

JAIDA C. MALONZO
Punong Guro

You might also like