You are on page 1of 2

KAO NATIONAL HIGH SCHOOL

Sto. Nino (Kao), Nabunturan, Davao de Oro 8800

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9


Quarter 3, Module 4
Abril 12-14, 2023

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahang:

a. nabibigyang kahulugan ang implasyon


b. nakabubuo ng angkop na hakbang upang ma solusyonan ang problema
sa implasyon
c. nakokompyut ang Inflation Rate

II. Nilalaman

Paksa: Implasyon
Sanggunian: Ikatlong Markahan: Modyul 4
Mga Kagamitan: Powerpoint, Pictures, TV, Laptop

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pagbati ng Guro
3. Balik-Aral

B. Paglinang ng Gawain

* Pagganyak

Sa pagsisimula ng klase, magsasagawa ng paunang gawain ang guro na


pinamagatang “Magkasubukan Tayo!”. Magbibigay ng sitwasyon ang guro
kung saan ang sagot ay naka base sa personal na karanasan sa araw
araw. Tatawag ang guro ng apat o limang mag-aaral upang magbahagi sa
klase ng kanilang mga sagot.

* Pagtuklas

Pagkatapos ng paunang gawain, magkakaroon ulit ng pangalawang


gawain kung saan magpapakita ang Guro ng mga larawan at tatawag sha
ng mga mag aaral upang ibahagi sa klase kung ano ang na oobserbahan
niya sa larawan. Pagkatapos, may mga gabay na tanong na inihanda ang
guro. Ang mga tanong ay: Ano sa tingin ninyo ang koneksyon ng mga
gawain sa paksang tatalakayin? Ano sa tingin ninyo ang ating leksiyon
ngayong hapon?

* Pagpapaliwanag

Sa puntong ito, bago simulan ng guro ang pagpapaliwanag ng paksa, mag


tatanong muli sha sa klase kung ano nga ba ang kahulugan ng implasyon.
Pagkatapos nito, magsisimula na ang guro sa pagtatalakay ng paksa. Ang
diskusyon ay itatalakay sa tanong at sagot na pamamaraan upang may
interaksyon ang Guro at ang mag-aaral.

* Pagpapalawak

Batay sa bagong kaalaman na nakalap ng mga mag-aaral ay


magkakaroon ulit ng pangatlong gawain na pinamagatang “Hakbang mo,
Ipahayag mo!”. Hahatiin sa apat na grupo ang mga mag-aaral. Bawat
pangkat ay bubuo ng mga hakbang upang ma solusyonan ang problema
sa implasyon. Pipili ng isang representaryo ang bawat grupo upang
ipahayag sa klase ang mga hakbang na kanilang nabuo. Pagkatapos nito
ay may mga katanungan na inihanda ang guro para sagutan, ang mga
tanong ay: Gaano kahalaga na magkaroon ng mga hakbang upang
masugpo ang problema sa implasyon? Bilang bahagi ng pagkakaroon ng
implasyon, ano-anong mga kaasalan ang dapat taglayin ng mga Pilipino
upang makatulong na mabawasan ang implasyon?

* Pagtataya

Para sa pagtataya, magbibigay ng indibidwal na gawain ang guro kung


saan kokomyutin ng mga mag aaral ang inflation rate ng mga sitwasyon
na inihanda ng guro. Gagamitin nila ang formula na ibinahagi ng guro sa
diskusyon.

You might also like