You are on page 1of 2

KAO NATIONAL HIGH SCHOOL

Sto. Nino (Kao), Nabunturan, Davao de Oro 8800

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10


Quarter 4, Module 3
May 16-17, 2023

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahang:


a. nabigbigyang kahulugan ang politikal at pansibikong pakikilahok;
b. napapahalagahan ang paglinang ng mga mag-aaral ang konsepto ng
pakikilahok sa mga gawain tulad ng pagboto na siyang makakatulong sa
lipunan;
c. nakagagawa ng sanaysay sa natutunan ukol sa poltikal na pakikilahok.

II. Nilalaman

Paksa: Politikal at Pansibikong Pakikilahok


Sanggunian: Ikaapat na Markahan: Modyul 3
Mga Kagamitan: Powerpoint, TV, Laptop

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pagbati ng Guro
3. Balik-Aral

B. Paglinang ng Gawain

* Pagganyak

Sa pagsisimula ng klase, magsasagawa ng paunang gawain ang guro na


pinamagatang “Wika-Rambulan”. Buuin at ayusin ang pagkakapantig-
pantig ng mga salita upang mabuo ang isang kataga. Para matukoy kung
sino ang sasagot ay magsasagawa ng isang laro ang guro kung saan ang
nasa unahan ay ipapasa ang bola at pag hihinto na ang kanta at kung
sino ang may hawak sa bola ay siya ang bubuo sa salita.

* Pagtuklas

Pagkatapos ng gawain 1, maglalahad ng pamprosesong tanong ang guro


at sa pamamagitan ng pag bunot ng pangalan, ang siyang mabubunot ay
tatayo at sasagotan ang tanong. Ang tanong ay: Batay sa ating unang
gawain, ano ang koneksyon ng mga salita sa ating tatalakaying paksa
ngayong umaga?

* Pagpapaliwanag

Sa puntong ito, bago mag simula ang guro sa diskusyon ukol sa


karapatang pantao tatawag sha sa pamamagitan ng pag bunot sa box ng
mga pangalan para bigyang kahulugan kung ano nga ba ang ibig sabihin
ng pakikilahok sa politika. Pagkatapos ay magsisimula na ang diskusyon
ukol sa panibagong paksa. Hahayaan ng guro na ang mag-aaral ang
babasa ang magbibigay ng maikling pag-intindi sa bawat slides ng
tinatalakay para mahikayat ang ibang mag-aaral na makinig mabuti sa
diskusyon.

* Pagpapalawak

Batay sa bagong kaalaman na nakalap ng mga mag-aaral ay


magkakaroon ng ikalawang gawain na pinamagatang “Act it Out”. Hahatiin
ang mag-aaral sa tatlong pangkat at may mga senaryong ibibigay ang
guro sa bawat grupo na kelangan nilang bigyang buhay, bibigyan sila ng
limang minuto upang maghanda. Pagkatapos ng presentasyon ng bawat
grupo, may mga gabay na katanungan ang guro na inihanda, ang mga
tanong ay: Ano ang natutunan mo sa mga senaryong iyong nasaksihan?
Bakit nga ba mahalaga na makilahok tayong mamamayan sa pampolitikal
at pansibiko?
* Pagtataya

Para sa pagtataya, ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng isang


sanaysay tungkol sa mga natutunan nila sa aralin. Ilalahad ng guro sa
screen ang pamantayan sa pagbibigay ng puntos para sa kanilang mga
obra. Kabuluhan – 15 puntos, Pagkamalikhain – 15 puntos, Kabuuan – 30
puntos.

You might also like