You are on page 1of 2

KAO NATIONAL HIGH SCHOOL

Sto. Nino (Kao), Nabunturan, Davao de Oro 8800

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10


Quarter 3, Module 4
Marso 8-9, 2023

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahang:


Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa karapatang
pantao sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan. (AP10MELC-2)

a. nabigbigyang kahulugan ang Karapang Pantao;


b. napapahalagahan ang aktibong pakikilahok ng mamamayan batay sa
kanilang taglay na mga karapatang pantao
c. nakagagawa ng solusyon sa mga suliranin ng iba’t ibang isyu at hamong
panlipunan.

II. Nilalaman

Paksa: Karapatang Pantao


Sanggunian: Ikaapat na Markahan: Modyul 2
Mga Kagamitan: Powerpoint, TV, Laptop

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pagbati ng Guro
3. Balik-Aral

B. Paglinang ng Gawain

* Pagganyak

Sa pagsisimula ng klase, magsasagawa ng paunang gawain ang guro na


pinamagatang “Human Diorama”. Hahatiin sa apat na grupo ang mag-
aaral at uunawain ng bawat grupo ang mabubunot nilang senaryo at
gagawan nila ito ng larawan o estatwa na naglalarawan sa nabunot nilang
palatuntunan. Tatawagin ang bawat pangkat upang ipakita sa harap ng
klase ang nabuong diorama at huhulaan ito ng buong klase. Pipili ng lider
ang bawat grupo upang ipahayag kung ano ang kanilang ipinakita.
* Pagtuklas

Pagkatapos ng bawat pangkat na ilahad ang mga senaryo ay may mga


inihandang gabay na katanungan ang guro. Ang mga tanong ay: Ano ang
koneksyon ng gawain sa ating tatalakaying paksa? Anong paksa ang
binibigyang diin sa mga senaryo? Ano ang ating bagong paksang
tatalakayin?

* Pagpapaliwanag

Sa puntong ito, bago mag simula ang guro sa diskusyon ukol sa


karapatang pantao tatawag sha sa pamamagitan ng pag bunot sa box ng
mga pangalan para bigyang kahulugan ang karapatang pantao.
Pagkatapos ay magsisimula na ang diskusyon ukol sa panibagong paksa.
Hahayaan ng guro na ang mag-aaral ang babasa ang magbibigay ng
maikling pag-intindi sa bawat slides ng tinatalakay para mahikayat ang
ibang mag-aaral na makinig mabuti sa diskusyon.

* Pagpapalawak

Batay sa bagong kaalaman na nakalap ng mga mag-aaral ay


magkakaroon ulit ng pangatlong gawain na pinamagatang “General
Knowledge Quiz”. Kung saan ay may mga katanungan na inihanda ang
guro patungkol sa Philippine History at iba pa, bubunot ang guro ng
pangalan at kung masasagot niya ng mali ang katanungan ay siya ang
sasali sa gawain ukol sa paksang itinalakay pero kung masasagot niya ng
tama ay pipili siya ng kaibigan o kaklase na papalit sa kaniyang puwesto.
Pagkatapos ay may mga gabay na tanong na sasagutan naman ng lahat.
Ang tanong ay: Bilang isang mag-aaral bakit mahalaga na maging aktibo
na makilahok sa ating lipunan batay sa mga karapatang pantao na ating
natamo?
* Pagtataya

Para sa pagtataya, ang mga mag-aaral ay mag-iisip ng mga solusyon sa


limang suliranin na nakapaloob sa screen. Ilalagay nila ito sa malinis na
papel at ipapasa sa guro pagkatapos. May pamantayan o rubrics sa
pagbibigay scores sa mag-aaral.

You might also like