You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10

IKATLONG MARKAHAN
LEKSYON: KASARIAN AT SEKSUWALIDAD

CECILIA M. DONATO
SHS Teacher Applicant

I. LAYUNIN:
Matapos ang araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan:
 Makabubuo ng islogan na nagsusulong ng paggalang sa karapatan ng bawat
mamamayan sa pagpili ng kasarian at seksuwalidad.
 Mapaghahambing ang katayuan ng kababaihan, lesbians, gays, bisexuals, at
transgender sa iba’t ibang bansa at rehiyon.
 Maisapuso at maisabuhay ang paggalang sa kapwa.
II. PAKSANG ARALIN:
a. Paksa: Kasarian at Seksuwalidad
b. Kagamitan: Mga Larawan, PowerPoint, Batayang Aklat
c. Sanggunian: KAYAMANAN MGA KONTEMPORARYONG ISYU, Eleanor D.
Antonio, pp. 227-231
d. Kasanayan: Pagpapahalaga- naisasapuso at naisasabuhay ang paggalang sa
kapwa
e. Konsepto: Isang mahalagang katangian ng bawat tao ay ang kasarian at
seksuwalidad. Ito ay may epekto sa kaniyang buong pagkatao. Subalit dahil sa
iba’t ibang paniniwala at pananaw, hindi maiiwasang magkaroon ng malulubhang
isyu tungkol dito.

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Pang Araw-araw na Gawain
a. Pambungad na Panalangin
b. Pagtatala ng mga liban sa klase
c. Pagtitiyak ng kalinisan at kaayusan ng silid-aralan
2. Balik-aral:
-Isasaayos ng guro ang mga mag-aaral ng pabilog. siya ay magbibigay ng
isang mahiwagang kahon sa isang mag-aaral. Ang kahon ay naglalaman ng mga
katanungan tungkol sa nakaraang aralin. Sa saliw ng isang tugtugin, ipapasa ang
kahon sa bawat mag aaral at sa paghinto ng tugtog, kung sino ang matapatan ng
mahiwagang kahon ang siyang bubunot ng tanong. Ang bawat tamang sagot ay
may katumbas na premyo. Ang mga katanungang nakapaloob ay ang
sumusunod:
1.
2.
3
4
5.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
-Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa apat na pangkat, bawat pangkat ay
bibigyan ng kahon na naglalaman ng hinati hating larawan. Sa hudyat ng guro
ay una-unahang bubuuin ng bawat pangkat ang mga larawan sa pamamagitan
ng pagsasaayos at pagdidikit nito sa pisara. Ang unang pangkat na makabubuo
ang siyang makatatanggap ng premyo. Upang maipasok ang aralin ang mga
sumusunod na katanungan ibibigay ng guro:
1. Ano ano ang mga larawan na inyong nakikita?
2. Ano ang inyong impresiyon sa mga larawang inyong nakita?
2. Pagtalakay:
2.1 Pre-Activity(learning station)
-Pangkatang Gawain
 hahatiiin ng guro ang mga mag-aaral sa apat na pangkat, ang bawat
pangkat ay nakatalaga sa bawat learning station, sa bawat learning
station ay may mababasa silang spoken poetry tungkol sa LGBT
community.
 pagkatapos basahin ang spoken poetry ay may mga katanungan silang
dapat na sagutin.magbibigay ang guro ng sagutang papel, bawat
learning station ay mayroon silang limang minute para basahin ang
spoken poetry at sagutin ang mga katanungan.
 sa hudyat ng guro ay lilipat sila sa panibagong learning station
hanggang sa madaanan nila ang lahat ng learning station.
2.2 Activity Proper:
Sa patnubay ng guro ay bibigyan ang bawat pangkat ng dalawampung
minuto upang maisagawa ang gawain.
2.3 Post Activity:
Magtatalaga ang bawat pangkat ng isang kinatawan upang iulat ang
kanilang nakalap na impormasyon sa harapan ng kanilang mga kamag-
aral. Sa bahaging ito, tungkulin ng guro na magdagdag ng impormas-
yong hindi nabanggit ng mga mag-aaral sa kanilang pag-uulat. Gamit
ang powerpoint, tatalakayin ng guro ang mga karapatan ng mga
miyembro ng LGBT.
3. Pagpapahalaga
Sa bahaging ito ay lalagumin ng guro ang aralin sa pamamagitan ng pag
sagot ng mga mag-aaral sa mga sumusunod na katanungan:
1.
2
3
4
5
4. Paglalahat:
 Gamit ang dating pangkat, pagagawain ng guro ang mga mag-aaral ng
islogan na nagpapakita o naglalahad ng paggalang sa mga karapatan ng
miyembro ng LGBT Community.
 Gamit ang rubriks ay tatalakayin ng guro ang paraan ng pagmamarka
sa kanilang Gawain.
 Bibigyan lamang sila ng limang minut0 upang tapusin ang nasabing
Gawain.
IV. PAGTATAYA:
Upang matukoy ang pag katuto ng mga mag-aaral sa araling tinalakay,
hayaang silang sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1.
2.
3.
4.
5.
V. TAKDANG ARALIN:
 Gumawa ng isang dokumentaryo na nag sususlong ng pag galang sa
karapatan ng bawat mamamayan sa pag pili ng kasarian at
seksuwalidad.
 Ano ang Reproductive Health Law?

You might also like