You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino

Baitang 9- Integrity

Inihanda ni:
Joseph Art L. Bucio

Mati National Comprehensive High School


Mangga St, Brgy. Sainz, Mati City, Davao Oriental

I. Layunin

Saloob ng apatnapu’t limang (45) minuto ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a) makikilala ng mga mag-aaral ang kani-kanilang sarili
b) makatamo ng pagkatuto kung paano makitao at;
c) masasalamin ang kwento sa buhay

II. Paksang Aralin

a) Paksa: Maikling Kwento (Elehiya sa Kamatayan ni Kuya)


b) Sanggunian:
c) Kagamitan: Kopyang Papel
d) Kakayahan: Malinang ang Kaisipan, Mahasa sa pagbabasa, Makikilala ang Sarili

III. Pamamaraan

A. Rebyu
a) Panalangin: Bago mag simula ang talakayan kailangan manalangin muna.
b) Pagbati: Batiin ang mga mag-aaral
c) Patakarang Pansilid: Ipapulot ang mga basura at ipaayos ang upuan sa tamang
pagkakahilira.
d) Pagtatala ng Liban: Tawagin isa-isa ang mga mag-aaral upang malaman ang
bilang ng lumiban.
e) Takdang Aralin: Kuliktahin ang tagkdang aralin na ipanagawa noong nakaraang
pagkikita.
f) Pagbabalik Aral: Balikan ang mga nakaraang talakayan

B. Pagganyak

Papangkatin ng Guro ang klase sa limang pangkat at sa loob ng limang minuto ay


gagawa ang mag-aaral ng isang kwento at isasadula ito sa harapan.

C. Talakayan:

1.) Gawain:
a. Diskasyon: Gamit ang ibinigay na kopyang papel babasahin ito ng mga mag-
aaral ng tahimik at walang kahit na anong maririnig.
b. Pamagat ng Gawain: “ Repleksyon Mo, Itala Mo”
Diskripsyon: Ang aktibity ay kung paano makitao, makibagay at paano
magpahalaga ang bawat isa sa mga taong nakapaligi sa kanila, sa saginitong
aktibity masasalamin ng mag-aaral ang kanilang pagkukulang at kamaliang
nagawa sa kapwa.
Pamamaraan: Ang mag-aaral ay bibigyan ng Kopyang Papel at kanila itong
babasahin ng tahimik at pagkatapus ay magkakaroon nila ng replekson at
pipili ang guro ng iilang mag-aaral na magbabahagi sa klase. At sa huli ay
gagawa sila ng sanaynay na iuugnay nila sa kanilang mga nakaraan ang
mabasang akda na ibinigay ng Guro.

2.) Pagsulat ng Repleksyon

Ang bawat mmag-aaral ay susulat ng kanilang repleksyon patungkol sa


akdang binasa at iuugnay nila ito sa kanilang mga nakaraan, ito’y bibigyang
marka sa pamamagitan ng pamantayan.

Pamanatayan:

Tamang gamit ng Salita - 5 puntos


Paraan ng Pagpapaliwanag - 5 puntos
Kabuoan ng Nilalaman - 10 puntos
___________
20 puntos

IV. Pagtatasa

1.) Gumawa ng sariling kwento na nakabatay sa nakaraan gawin sa masining na


pamamaraan.
2.) Gumawa ng sanaysay patungkol sa ibinigay na paksa.

V. Takdang Aralin

1.) Gumawa ng sariling awitin na sumasalamin sa buhay ng tao.

Paalala:

Huwag gumaya o kumuha sa internet, ang hindi sumunod sa panuto ay may karampatang parusa.

You might also like