Professional Documents
Culture Documents
Banghay-Aralin sa Filipino 7
B. Pagbasa ng akda
Pamamaraan sa Bibigyan ng 5-10 minuto ang mga mag-aaral upang
Pagtalakay at basahin ng tahimik at unawain ang tatalakaying alamat.
Pagkatuto
C. Pagpapaunlad ng Talasalitaan
Ibibigay ng mga mag-aaral ang kahulugan ng bawat piling
salita mula sa itinalakay na akda.
D. Pagtatalakay
Magkakaroon ng interaktibong pagtatalakay ang klase,
Sasagutan ng mga mag-aaral ang mga nakahandang
katanungan na may kaugnayan sa akdang binasa. Dito
masusubok ang kanilang kasanayan sa bawat detalyeng
tinalakay at binasa.
Ikalawang Araw
A. Pagbabalik-aral
Susubukin ng guro ang mga mag-aaral sa pamamagitan
ng pagkakaroon ng maikling pagsusulit tungkol sa itinalakay
na alamat.
B. Paglalapat
Ang mga mag-aaral ay susulat ng isang tula na
nagtataglay ng mga hugot lines na may kinalaman sa mga
aral na natutunan nila sa akda. Ang tulang bubuuin ay dapat
na binubuo ng tatlong saknong.
Ikatlong Araw
A. Pagtatalakay
Magkakaroon ng interaktibong pagtatalakay ang klase
tungkol sa mga ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan
at Panghihikayat.
B. Performance Task
Gagawa ng isang scrapbook ang mga mag-aaral. Ang
scrapbook ay dapat nagtataglay ng mga impormasyong
magagamit sa panghihikayat ng mga tao sa pagbisita sa
lugar na kanilang tinitirhan