You are on page 1of 2

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino

Ika-siyam na Baitang
March 22,,2024
I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang :

a.Nababatid ang mga pangyayari at tema ng kwento.


b.Napahalagahan ang mga pangyayaring naganap sa kwento.
c.Nakapagtatanghal ng sariling katapusan ng kwento.

II. Paksang Aralin

Paksa:”Hashnu, Ang Manghuhugis ng Bato”


Sanggunian:
Kagamitan:Laptop,Larawan,Paper,Marker etc.

III. Pamamaraan

A. .Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagsasaayos ng mga upuan
c. Pagcheck ng atendans
d. Pagbati
e. Pagbabalik aral
Tatawag ang guro ng isang mag-aaral para magbigay ng rebyu sa paksa ng nakaraang talakayan.

B. Pagganyak(Puzzle)

Ang klase ay hahatiin sa dalawang pangkat.Bawat pangkat ay bibigyan ng sobre na kung saan nakapaloob
dito ang nakagupit na larawan.Bubouin ng mga mag-aaral ang nakagupit na larawan at pagkatapos ay
ipapakita sa klase kung ano ang kanilang nabuong larawan.

C. Pagpapakilala sa Aralin

Sasabihin ng guro sa buong klase ang magiging paksa.

D. Pag-alis Sagabal

E. Pagtalakay sa Paksa

Magpapanood ng bidyo ang guro at ito ay kanilang susuriin sa pamamagitan ng inihandang mga
katanungan.
Mga Gabay na Tanong

1.Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?


2.Tungkol saan ang kwento?
3.Bakit namatay ang ama ng pangunahing tauhan sa kwento?
Sa iyong palagay, sa anong panahon nangyari ang maikling kwento?

F. Paglalahat (Ayusin mo ako)

Gamit ang Graphic Organizer ,Aayusin ng mga mag-aaral ang pagkasunod sunod ng mga pangyayari sa
kwento, Mula sa Simula hanggang Wakas.

G. Paglalapat(Q&A

Magtatanong ang guro ng katanungan

1.Sa iyong palagay ano ang simbolo ng bangkang papel sa kwento?


2.Kung ikaw ang batang lalaki, gagayahin mo din ba ang ama sa kwento?
3.Paano napalutang ng may akda ang katuturan ng pamagat kwento?

IV. Ebalwasyon(Show mo)

Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa dalawang pangkat.Ang bawat pangkat ay gagawa ng presentasyon sa
sariling katapusan ng kwento .Pagkatapos ito ay kanilang itatanghal at ipapaliwanag kung bakit iyon ang
kanilang napiling katapusan sa kwento.

V. Kasunduan

Basahin ang Kwento ng Sandaang daang damit at sagutan ang mga sumusunod:

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?


2. Sino ang may akda nito?
3. Ano ang aral na napulot sa kwento?

You might also like