You are on page 1of 11

Learning Plan in Filipino

Philippine Secondary High School K to12 Curriculum for Filipino


1. Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan sa mitolohiya.
2. Nasusuri ang nilalaman, elemento, at kakanyahan, ng binasang sanaysay gamit
ang mga ibinigay na tanong
3. Naibabahagi ang sariling reaksiyon sa ilang mahahalagang ideyang nakapaloob
sa binasang parabula.
4. Naibibigay ang sariling interpretasyon kung bakit ang mga suliranin ay
ipinararanas ng may-akda sa pangunahing tauhan ng epiko.
5. Napatutunayan ang mga nangyayari sa maikling kuwento ay maaaring mangyari
sa tunay na buhay.
6. Nailalarawan ang kultura ng mga tauhan na masasalamin sa ilang kabanata ng
nobela.

Mga Layuning Pampag-aaral


Araw 1: Kasaysayan ng Mitolohiya at Mga Diyos at Diyosa ng Rome
Sa pamamagitan ng pagpapanood ng isang maikling dokumentaryo tungkol sa
Mitolohiyang Rome, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. naiisa-isa ang mga tauhan sa napanood na dokumentaryo;
2. natutukoy ang mga kaakit-akit na katangian ng mga diyos at diyosa na maaari
nilang maisabuhay; at
3. nakasusulat ng sariling mitolohiya batay sa. paksa ng akdang binasa.

Araw 2: Cupid at Psyche at Gamit ng Pandiwa


Sa tulong ng PowerPoint Presentation tungkol sa Cupid at Psyche at gamit ng
pandiwa, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nakapagbibigay ng halimbawa ng gamit ng pandiwa batay sa akdang Cupid at
Psyche;
2. nabibigyang halaga ang tamang gamit ng pandiwa sa pagsusulat ng sariling
pangungusap; at
3. naiguguhit ang sariling paglalarawan sa mga nangyari sa akdang Cupid at Psyche.

Araw 3: Elemento ng Sanaysay at Ang Alegorya ng Yungib


Gamit ang pangkatang brain storming patungkol sa mga elemento ng sanaysay at
ang Alegorya ng hungib, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. naitatala ang mga elemento ng sanaysay batay sa akdang Alegorva ng Yungib;
2. nailalahad ang aral na ipinapahatid ng sanaysay; at
3. nakagagawa ng sariling sanaysay na kinapapalooban ng lahat ng elemento ng
sanaysay.
Araw 4: Ang Ningning at ang Liwanag at Ekspresiyong Ginagamit sa
Pagpapahayag ng Pananaw
Sa pamamagitan ng komics strip tungkol sa Mingning at Liwanag, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
1. natutukoy ang mga salitang nagpapakita ng ekspresyon sa pagpapahayag ng
pananaw mula sa akdang Ningnng at Liwanag;
2. naipahahayag ang mga mahahalagang mensahe na ipinaparating ng akda; at
3. nakaguguhit ng sariling komics strip patungkol sa pangarap na nais matupad.

Araw 5: Ang Tusong Katiwala at Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay


Sa tulong ng pagbabahagian tungkol sa akdang Tiusong Katiwala, ang mga mag-aaral
ay inaasahang:
1. naibibigay ang mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay na nabasa mula sa akda;
2. naibabahagi ang mga aral sa buhay na natutunan sa parabula; at
3. 3. nakasusulat ng slogan na naglalarawan sa parabulang nabasa.

Araw 6: Mensahe ng Butil ng Kape at Mga Ginagamit sa Pagsusunod- sunod ng


mga Pangyayari
Sa tulong ng sabayang pagbigkas tungkol sa akdang Mensahe ng Butil ng Kape, ang
mga mag-aaral ay inaasahang:
1. naibibigay ang mga katangian ng tauhan sa akda;
2. nailalahad ang mga kabutihang asal na napulot sa akda na maaaring maisabuhay;
at
3. nakasusulat ng sariling akda batay sa mga ginagamit sa pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari.

Araw 7: Kasaysayan ng Epiko at Epiko ni Galgamesh


Gamit ang grapikong representasyon na tumutukoy sa kasaysayan ng epiko at Epiko ni
Galgamesh, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. napangangalanan ang mga tauhan sa epiko;
2. nailalahad ang kahalagahan ng pag-alam sa kasaysayan ng epiko sa pag-
papaunlad ng kanilang buhay; at
3. nakabubuo ng malikhaing timeline na naglalarawan sa pag-unlad ng epiko.

Araw 8: Mga Pananda ng Mabisang Paglalahad at Tuwaang


Sa pamamagitan ng PowerPoint Presentation tungkol sa mabisang paglalahad ng
pagiging, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. naibabahagi ang mga pananda ng mabisang paglalahad mula sa akdang Tewaang:
2. nakapagbabahagi ng mga magagandang asal na natutunan sa akda; at
3. nakasusulat ng isang tula na naglalaman ng mga pananda ng mabisang paglalahad.
Araw 9: Ang Kuwintas at Kultura ng France: Kaugalian at Tradisyon
Gamit ang mabisang talakayan ukol sa Ang Kuwintas at kultura ng France, ang
mga mag-aaral ay inaasahang:
1. naibibigay ang mga naging tunggalian sa akdang Ang Kuwintas;
2. natutukoy ang mga kaakit-akit na katangian ng mga tauhan sa maikling kuwentong
napakinggan; at
3. nailalarawan ang kultura ng France sa pamamagitan ng isang pinta.

Araw 10: Anapora at Katapora


Sa pamamagitan ng graphic orgaanizer tungkol sa anaphora at katapora, ang mga mag-
aaral ay inaasahang:
1. nailalahad ang pagkakaiba ng anapora at katapora;
2. naibabahagi ang mahahalagang tungkulin ng anapora at katapora
sa kanilang buhay bilang mga mag-aaral; at
3. nakasusulat ng mga pangungusap na batay sa anapora at katapora.

Araw 11: Ang Kuba ng Notre Dame at Mga Dapat Tandaan sa Pagsusulat ng Nobela
Gamit ang pangkatang pag-uulat tungkol sa Ang Kuba ng Notre Dame at mga dapat
tandaan sa pagsulat ng nobela, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. naiisa-isa ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng nobela;
2. naibabahagi ang kakintalang naiiwan ng akdang Kuba ng Note Dame sa kanila; at
3. naisasadula ang isang pangyayari sa nobela na may pagkakatulad sa tunay na
buhay.

Araw 12: Dekada 70


Sa tulong ng gawaing radio drama ng akdang Dekada 70, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
1. naiisa-isa ang mga tagpuan at tunggalian sa kuwento;
2. naipahahayag ang mga mabubuting katangiang Pilipino masasalamin sa akda; at
3. nakasusulat ng isang pagsusuri tungkol sa nobelang napanood.

Araw 13: Panunood


Sa pamamagitan ng pagpapanuod ng nabuong video, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
1. nasusuri ang nilalaman ng nalikhang obra ng mga mag-aaral;
2. nakapaglalahad ng komento na maaaring positibo at negatibo; at
3. nakapagbibigay ng mungkahi para sa ikabubuti ng proyekto.

Pamamaraan
Ang mga sumusunod ang mga detalye na isasagawa para sa ikatatamo ng mga natukoy
na layunin ng pag-aaral.
Araw 1: Kasaysayan ng Mitolohiya at Mga Diyos at Diyosa ng Rome
1. Ang mga mag-aaral ay manonood ng isang maikling dokumentaryo tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng mitolohiya.
2. Ipapakilala ng guro ang pangunahing paksa na matatalakay at ang mga sub-topics na
nakapaloob dito:
● Kasaysayan ng mitolohiya
● Mga diyos at diyosa ng Rome
● Cupid at Psyche (akdang pampanitikan)
● Gamit ng Pandiwa
3. Ang mga mag-aaral ay magbabahagi ng kanilang mga mahahalagang kaisipan mula
sa kanilang napakinggan.
4. Ipapakita ng guro ang isang powerpoint presentation na tumatalakaysa mga diyos at
diyosa ng Rome.
5. luugnay ng mga mag-aaral ang mga katangian ng mga diyos at diyosa sa kanilang
tunay na buhay at tunay na lipunan.
6. Pipili ang mga mag-aaral ng isang diyos o diyosa at kanila itong bibigyan ng buhay sa
pamamagitan ng monologo.

Araw 2: Cupid at Psyche at Gamit ng Pandiwa


1. Ipakikilala ng guro ang isang akda na pamamagitan ng isang powerpoint presentation.
2. Iisa-isahin ng mga mag-aaral ang mga tauhan ng akda at ang kanilang mga katangian
at mga ginampanan.
3. Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang pangyayari na
naganap sa pangunahing tauhan sa kuwento.
● Ang pagkakakilala niya kay Zephyr
● Ang pakakakilala niya kay Cupid.
● Ang kanyang nagawang kasalanan sa asawa.
● Ang mga naging parusa ni Venus sa kaniya.
4. Ipapaliwanag ang Mga Gamit ng Pandiwa.
● Aksiyon
● Karanasan
● Pangyayari
5. Magbibigay ng halimbawa ang mga mag-aaral batay sa akda.
● Ginawa ni Psyche ang lahat upang maipaglaban ang kaniyang pagmamahal kay
Cupid.
● Labis na nanibugho si Venus sa Kagandahan ni Psyche.
● Patuloy na naglakbay si Psyche at pinilit na makuha ang panig ng mga diyos.
Araw 3: Elemento ng Sanaysay at Ang Alegora ng Yungib
1. Papangkatin ang mga mag-aaral sa lima.
2. Magkakaroon ang mga ito ng pangkatang brain storming tungkol sa mga
mahahalagang kaisipang kanilang nakuha sa sanaysay na Ang Alegorya ng Yungib.
3. Pagkatapos ng sampung minuto ay ibabahagi nila ito sa klase.
4. Magkakaroon ng mas malaliman pang talakayan tungkol sa Alegorya ng Yungib.
5. Ilalahad ng guro ang mga elemento ng sanaysay.
● Tema
● Anyo at Estruktura
● Kaisipan
● Wika at Istilo
● Larawan ng Buhay
● Damdamin
● Himig
6. Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga elemento ng sanaysay sa Alegorya ng hungib
at isusulat ito sa isang buong papel.

Araw 4: Ang Ningning at ang Liwanag at Ekspresiyong Ginagamit sa


Pagpapahayag ng Pananaw
1. Ibabahagi ng guro ang kopya ng komics strip sa mga mag-aaral.
2. Babasahin ng mga mag-aaral ang akda sa loob ng sampung minuto.
3. Tbabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang mga naintindihan sa akda.
4. Magkakaroon ang mga mag-aaral ng isang larong pinamagatang “Lights Camera
Action" kung saan may i-aarte silang ilang bahagi ng akda.
● Liwanag
● Ningning
● Liwanag at Ningning
5. Tatalakayin ang Ekspresiyong Ginagamit sa Pagpapahayag ng Pananaw batay sa
Akdang binasa.
6. Sumulat ng mga halimbawa batay sa akdang natalakay.

Araw 5: Ang Tusong Katiwala at Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay.


1. Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral ng ilang katanungan.
● Naranasan mo na bang magtiwala?
● Naranasan mo na bang maloko matapos magtiwala?
● Matapos. ng lahat ng panlilinlang na ginawa sa iyo, magtitiwala ka pa bang muli?
2. Bibigyang kahulugan ng guro kung ano nga ba ang Parabula.
3. Magbabahagi ang ilang mag-aaral ng mga parabulang kanilang nalalaman.
4. Tatalakayin ng guro ang parabulang ang Tusong Katiwala sa pamamagitan ng
dugtungang pag-kukuwento ng mga mag-aaral.
5. Ipapakilala ang konsepto ng Mga Piling Pang-ugnay Pagsasalaysay
6. Magbibigay ang guro ng mga halimbawa batay sa mga naging pagbabahagi ng mga
mag-aaral.
7. Bubuo ng tig-isang halimbawa ng mga piling pang-ugnay pagsasalaysay ang mga
mag-aaral batay sa akda.

Araw 6: Mensahe ng Butil ng Kape at Mga Ginagamit sa Pagsusunod-sunod ng mga


Pangyayari
1. Maglalahad ang mga mag-aaral ng mga mensahe ng kanilang magulang na kanilang
babaunin habang buhay.
● Mag-aral ng mabuti upang buhay ay mapabuti.
● Maging masipag at matiyaga sa lahat ng pagkakataon.
● Huwag kalimutang 1galang ang iba at huwag maging maramot.
2. Magkakaroon ng isang sabayang pagbigkas ang mag-aaral tungkol sa Mensahe ng
Butil ng Kape.
3. Tatalakayin ang parabula ng guro.
4. Bubuo ng sariling mensahe ang mga mag-aaral at ibabahagi ito sa klase.
● Hindi lahat ng bagay na mahirap abutin ay mahirap talaga, minsan kailangan mo
lang pagtiyagaan.
● Kung nadapa, matutong bumangon. Mahirap kayang manatili sa sahig forever.
5. Ipapaliwanag ang mga Ginagamit sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari.
● At, saka, pati, maliban, bukod sa, tuloy, bunga nito.
6. Muling isasalaysay ng mga mag-aaral ang Mensahe ng Butil ng Kape gamit ang mga
hudyat na pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
7. Ipapaalala ang kanilang pinal na proyekto at kung kalian ito ipapasa at ipapanood.

Araw 7: Kasaysayan ng Epiko at Epiko ni Galgamesh


1. Gamit ang grapikong representasyon, ipaliliwanag nang guro ang kasaysayan ng
epiko.
2. Ilalahad ng guro ang mga tauhan sa Epiko ni Galgamesh.
● Anu
● Ea
● Enkido
● Enlil
● Gilgamesh
3. Ikukwento ng mga mag-aaral ang buod ng Epiko sa pamamagitan ng dugtungang
paglalahad.
4. Itatanghal ng mga mag-aaral ang katangian ng tauhan sa kuwentong kanilang nabunot.

Araw 8: Mga Pananda ng Mabisang Paglalahad at Tuwaang


1. Ipapakilala ang bagong paksa sa pamamagitan ng powerpoint presentation.
2 Babasahin ng limang mag-aaral ang buod ng tuwaang na may damdamin.
3. Tatalakayin ng guro ang mga pananda ng mabisang paglalahad.
● Sa panahon-noon, sumunod, nang, pagkatapos
● Sanhi at bunga-resulta ng, kung gayon, dulot nito, samakatuwid
● Paghahambing-higit pa rito, di tulad ng, sa kabilng dako
● Paliwanag-bilang karagdagan, halimbawa nito, dagdag pa, dito, kabilang dito
4. Tutukuyin ng mag-aaral ang mga pananda ng mabisang paglalahad sa epikong
Tuwaang.

Araw 9: Ang Kuwintas at Kultura ng France: Kaugalian at Tradisyon


1. Magbabahagi ang mga mag-aaral ng kultura ng Pilipinas na kanilang nalalaman.
● CAR- Kanyaw
● Hindi pagkawala ng kanin sa hapag kainan
● Pananalangin bago kumain
● Mainit na pagtanggap
2. Talakayin ang kultura ng France kasama na ang kanilang kaugalian at
tradisyon.
● Wika-French
● Relihiyon- Katoliko
● Male dominated culture
● “chauvinism"
3. Ipanood ang Maikling Kuwentong, Ang Kuwintas.
4. Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga katangian at gampanin ng mga
tauhan sa kuwento.
● Mathilde
● George Ramponneau
● Madam Foresteir
● Asawa ni Mathilde
5. Pangkatin ang klase sa lima at bawat isa ay bigyan ng bahagi ng buod ng kuwento.
6. Ilahad ang buod sa pamamagitan ng malikhaing pagtatanghal ng mgd mag-aaral.

Araw 10: Anapora at Katapora


1. Ipapakilala ng guro ang Anapora at Katapora sa pamamagitan ng isang graphic
organizer.
2. Maglalahad ng sariling halimbawa ang guro.
Karamihan sa mga tao ay ikinakabit ang kulturang Pranses Paris. Ito ang sentro ng moda,
pagluluto, sining at arkitekturd.
Ang France ay una nang tinawag na Rhineland. Noong panahon ng iron age at Roman
era, ito'y tinawag na Gaul.
3. Magbabahagi ang mga mag-aaral ng sarili nilang halimbawa sa Anapora at Katapora
batay sa Ang Kuwintas.
● SIla ay supistikado kung manamit. Mahilig din sila sa masasarap na pagkain at
alak. Ang mga taga-France ay masayahin at mahilig dumalo sa mga kasiyahan.
● Si Mathilde ay supistikadang manumit, siya ay mahilig sa mga kasiyahan.

Araw 11: Ang Kuba ng Notre Dame at Mga Dapat Tandaan sa Pagsusulat ng Nobela
1. Magbabahagi ang mga mag-aaral ng mga dapat tandaan sa pag-aaral.
● Maging masipag
● Huwag liliban sa klase
● Maging matiyaga
● Huwag mahųhuli sa klase
2. luugnay ng guro ang mga naging kasagutan ng mga mag-aaral sa Mga dapat Tandaan
sa Pagsusulat ng Nobela.
● Ang mga tauhan ay kusang gumagalaw at hindi pinapagalaw ng may-akda
● Mga masasaklaw na simulain ng pagsasalaysay
3. Mahahati ang klase sa tatlong pangkat.
4. Ang unang pangkat ay mag-uulat ng mga tauhan, tagpuan at damdamin ng Nobelang
Ang Kuba ng Notre Dame.
5. Ang ikalawang pangkat ay mag-sulat ng buod ng nobela.
6. Ang huli ay ang himig, tono at mga mensaheng nakapaloob sa nobela.

Araw 12: Dekada 70


1. Iparirinig ng guro ang isang radyo drama tungkol sa Dekada "70.
2. Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang pangyayari sa nobela.
● Martial Law/batas militar
● Rallies/ mga welgang naganap
● Pagtira ni Evelyn sa abroad
● Pagbalik ni Alma sa mga masasayang alala ng kanyang pagkabata.
● Salvage Crisis
3. Tatalakayin ang Kuwento sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga mag-aaral sa mga
tauhan.
● Alma
● Jason
● Evelyn
● Bartolome
● Em
● Amanda
● Gani
4. Dugtungang ilalahad ng mga mag-aaral ang buod ng kuwento sa pamamagitan ng
"spin the bottle". Bubuo ng isang malaking bilog ang mga mag-aaral at may i-iikot na bote
sa gitna, kung kanino ito tututok ay siya ang magku-kuwento.
5. Susulat ang mga mag-aaral ng isang maikling kuwento na ang tema ay may
pagkakahawig sa Dekada '70.
6. Itatanghal ito ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng radio drama na may kasamang
sound effects at background music.

Araw 13: Panonood


1. Ipapanood ang mga nalikhang obra ng mga mag-aaral.
2. Magbibigay ang mga tagapanood ng kanilang komento, maaaring positibo at negatibo.
3. Magbibigay ang guro ng kaniyang sariling komento at mungkahi para sa ikabubuti ng
proyekto.

Mga Kasanayang Kinakailangan


● Kasanayan sa pagbasa
● Kasanayan sa pagsasalita
● Kasanayan sa gramatika
● Kasanayan sa pagsulat
● Kasanayan sa pakikinig
● Kasanayan sa panonood

Mga Kinakailangang Teknolohiya


● Camera
● Computer(s)
● Digital Camera
● Internet Connection
● Printer
● Projection System

Mga Kinakailangang Sanggunian


Mga kopya ng akda sa bawat anyo ng panitikan (mitolohiya, parabula, sanaysay, epiko,
maikling kuwento, at nobela)
https:/www.greekmythology.com/
http://www.digitaljournal.com/article/344449
https://www.goodreads.com/book/show/11997959-mediterranean-nights
https:/lwww.slideshare.net/cherryjoybasug/pandiwa

Akomodasyon para Sa mga Mag-aaral na mnay Natatanging Pangangailangan


Mga mag-aaral na nahihirapan sa pagkatuto
● Magbigay ng mga gawain na maaaring makapagpadali sa kanilang pagkatuto.
● Magtuturo batay sa kinalakihan ng bata o batay sa mga gustong-gusto niyang
gawin upang sa ganon ay mas madali siyang makakunckta sa talakayan.

Mga Mag-aaral na Gifted


● Maghanda ng mga pangkatang gawain na maaari silang maging pinuno na
gagabay at tutulong sa iba nilang kamag-aral.

Mga may Kapansanan sa Paningin


● Gumamit ng mga mga dokumentaryong panradyo at mga kuwentong panrandyo.
● Gumamit ng mga librong nakabraile.

Mga may Kapansanan sa Pandinig


● Gumamit ng mga panooring may subtitle.
● Magpatulong sa mga may kaalaman sa sign language

You might also like