Patuloy ang pagtuklas ng karunungan sa iba’t ibang laragan. Kaalinsabay
ng mga pagbabagong ito, inihanda ang ___________________________________________________ upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mag-aaral sa asignaturang Panitikan ng mga Umuuunlad na Bansa (FIL 68).
Maingat itong isinulat upang matamo ang makabagong pananaw sa
mga aralin sa Filipino na naaayon sa mga pagbabago sa ating lipunan at kapaligiran na siya naman magagamit ng mga nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino sa kanilang pagtuturo sa hinaharap.
Nahahati ang modyul na ito sa anim na bahagi:
Kabanata 1 -Pagpapahalaga sa Nobelang Indones Batay sa
Teoryang Naturalismo (Tigre! Tigre!, Ni Mochtar Lubis) Kabanata 2 -Pagpapahalaga sa Nobelang Singaporean Batay sa Teoryang Humanismo (Kung Mangarap Ka Nang Matagal, ni Goh Poh Seng) Kabanata 3 -Pagpapahalaga sa Nobelang Cambodian Batay sa Teoryang Eksistensyalismo (Mabuhay ka Anak Ko!, ni Pin Yathay) Kabanata 4 -Pagpapahalaga sa Nobelang Hapones Batay sa Teoryang Romantisismo (Tatsulok na Daigdig, ni Natsumi Soseki) Kabanata 5 -Pagpapahalaga sa Nobelang Hapones Batay sa Teoryag Feminismo (Lupain ng Taglamig, ni Yasunari Kawabata) Kabanata 6 -Pagpapahalaga sa Nobelang Filipino Batay sa Teoryang Romantisismo (Ang Tondo Man May Langit Din, ni Andres Cristobal Cruz)
Sa tulong ng mga estratehiya at mabisang pamamaraan, nililinnag sa
aklat na ito ang mayamang gamit ng wika at pagbasa ng tekstong angkop sa pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng mga estudyante. Inihahanda rin ang mga estudyante na mapataas ang kanilang kakayahan at kasanayan upang matamo ang kahusayan sa pakikipagtalastasan. Inaasahang maging mabuting batayan ang modyul na ito sa mabisang pakikipag-unawaan, pakikipag-ugnayan, paghahatid at pagtanngap ng mga mensahe na kailangang kailangan sa kanilang pagkatuto.
Mga May-akda Tungkol Saan ang Modyul na Ito?
Ang modyul na ito ay kalipunan ng mga akdang pampanitikan mula sa
Indonesia, Singapore, Cambodia, Hapon at Pilipinas—mga bansa na kung turingan ay umuunlad pa lamang. Ang mga piniling akda mula sa mga ito ang kasasangkapanin ng mga mag-aaral upang mas mapaunlad pa nag kanilang mga kasanayan na kinakailangan sa kanilang akademikong pagganap sa loob at labas ng kanilang klase, partikular ang kanilang kakayahan pangkomunakatibo.
Sa tulong ng mga instrumentong maingat na ginawa ng mga may-akda,
matutugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa kalinangan pa ng kanilang kakayahang pagkomunikatibo sa pamamagitan ng paghasa sa kanilang mga makrong kasanayan.
Naniniwala ang mga may-akda na malaki ang ginagampanan ng mga
akdang pampanitikan upang matulungan ang mga mag-aaral na tumuklas pa ng mga natatagong kasanayan sa kanilang sarili. Higit pa, matutulungan sila upang hindi lang nila magamit ang kanilang mga kasanayan sa kung anong gamit ng mga yaon, kundi matututo rin silang pahalagahan ang mga ito. Dahil ang panitikan ay salamin ng buhay, mahuhubog nila ang kanilang pagkatao upang gamitin sa tama ang kanilang mga kasanayan.
Sa pamamagitan din ng pag-aaral sa iba’t ibang kultura ng mga bansang
nabanggit, magkakaroon ang mga mag-aaral ng matibay na pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba o dibersidad sa mundo. Sa ganitong paraan, nahahasa ang kasanayang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral at nagiging responsabeng mamamayan sa komunidad kung saan sila nabibilang.
Kalakip ng mga aral na ihahatid ng mga akda mula sa umuunlad na
bansa, hangad ng mga may-akda ang patuloy na pag-unlad ng mga mag- aaral sa larangang sangkot ang limang makrong kasanayan sa pamamagitan ng modyul na ito. Pangkalahatang Layunin
Naihahanda ang mga mag-aaral na mapataas ang kanilang kakayahan
at kasanayang pangkomunikatibo at mapaunlad ang antas ng gamit ng limang makrong kasanayan sa pamamagitan ng mapanuring pagsasagawa sa mga interaktibong gawain mula sa mga nobelang nagmula sa mga umuunlad na bansa.
Mga Layunin Pagkatapos ng isang makabuluhang paglalakbay mo sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
a. nababatid ang mga mahahalagang impormasyon mula sa mga
nobela sa pamamagitan ng mapanuring pagbabasa gamit ang mga gabay na tanong;
b. nalilinang ang mga makrong kasanayan sa pamamagitan ng
maayos na pagtugon sa mga aktibiti, pagsasanay at pagtataya sa modyul na ito;
c. nailalapat sa tunay na buhay ang mga aral na natutunan mula
sa akdang binasa sa pamamagitan ng pagbuo ng isang repleksiyon; at
d. napapahalagahan ang kulturang Filipino at ng ibang lahi sa
pamamagitan ng malalimang pangbubulay-bulay sa mga tradisyon at kulturang nabasa sa mga nobela. Paano Mo Gagamitin ang Modyul na Ito?
Patnubay mo sa sariling pagkatuto ang modyul na ito. Kaya upang maging
maayos at maging wasto ang iyong paggamit, kailangan sundin mo ang mga sumusunod na tagubilin:
1. Sagutin mo ang mga pangunahing pagsusulit o ang bahaging
Panimulang Pagtataya sa bawat kabanata . Gabay ang mga ito upang masukat ang lawak ng iyong kakayahan sa paksa.
2. Basahin at unawain mong mabuti ang mga aralin.
3. Gawin at sundin ang mga panuto.
4. Isulat mo ang iyong mga sagot sa hiwalay na malinis o notbuk.
5. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit o ang bahaging Panapos na
Pagtataya. Pagkatapos iwasto ang mga sagot sa tulong ng iyong guro.
6. Ingatan mo ang modyul na ito. Panatilihing walang punit ang bawat
pahina.
7. Maging matapat ka sa pagsagot at pagwasto sa iyong mga gawa.