You are on page 1of 19

FIRST UNITED METHODIST CHURCH ECUMENICAL

SCHOOL INC. 1
BANCAL, GUAGUA, PAMPANGA
TEL. NO. 900-2254

FILIPINO
YUNIT 1
MGA ARAL MULA SA PANITIKANG
MEDITERRANEAN
MODYUL 1

Pangalan : _____________________________
Inihanda ni : Ms. Kate P. Batac

10
1
Panimula

Ang salitang mediterranean ay nagmula sa salitang Latin mediterraneus, pinagsamang


medius at terna na nangangahulugang gitna at lupa. Sa panahon ng sinaunang Romano,
ang Mediterranean ay pinaniniwalaang gitna ng mundo.

Ang Dagat Mediterranean ay naliligiran ng mga kontinente ng Europe sa hilaga, Asya sa


Silangan at Africa sa timog, at halos napapalilibutan ng kalupaan.

Ang dagat Mediterranean na tinatayang 965 000 kuwadrado milya ay naging


napakahalagang ruta para sa mga mangangalakal at manlalakbay noong unang panahon.
Naging daan din ito ng pagpapalitan ng kalakal at kultura sa pagitan ng mga tao sa
rehiyon.

Sa yunit na ito ibat ibang akda mula sa mga bansa sa baybayin ng Mediterranean ang
iyong mababasa. Ang mga ito ay makatutulong sa iyong pag-unawa at pagpapahalaga sa
mga akdang pampanitikan ng rehiyon.

Sa pamamagitan ng mga akda, ikaw ay makabubuo ng pagsusuri sa alinmang akdang


pampanitikan na Mediterranean . Ito ay iyong ipahahayag sa pamamagitan ng simposyum
na magiging daan naman sa kritikal na pagsusuri sa mga critique na nabuo tungkol sa
akdang pamapanitikan na Mediterranean.

2
Narito Ang mga natataging bahagi ng Modyul

Panimula Ito ay naglalaman ng kabuuang paksang


tatalakayin sa aralin sa pamamagitan ng
mga larawan.

Layunin Ito ay naglalaman kung ano ang kailangan


malaman ng estudyante sa modules na ito.

Pagsusuring Pampanitikan

Pagsusuring Pampanitikan Ito ay panimulang pagsusulit na


magsisilbing panimula pagtatasa odiagnostic
test tungkol sa dating kaalaman ng mga
estudyante.

Tandaan ito ay paglalahad ng mahahalagang konsepto


may kinalaman sa panitikan.

Basahin natin Ito ang akda o tekstong babasahin sa bawat


aralin. Pinili at isinaalang-alang ng mga
awtor ang mga tekstong makikita sa kanon
na bahagi ng kultura at panitikang Pilipino
at angkop sa lebel ng mga estudyante sa
ikasampung baitang.

Talasik Ito ay naglalaman ng mga pagsasanay na


naglalayong paunlarin at palawakin ang

3
bokabularyo o talasalitaan ng mga
estudyante upang higit na maunawaan ang
paksang tinatalakay

Muling Pag-isipan Ito ay binubuo ng mga katanungang tutulong


sa mga estudyante na muling balikan ang
mga impormasyon natutuhan at malinang
ang kritikal na kasaysayan sa pag-aanalisa
ng mga konseptong inilahad sa panitikan.
Napapaloob din sa mga tanong ang
pagsasapraktikal ng mga konsepto natutuhan
sa pang-araw-araw na buhay, sa sarili,
kapuwa, at pamayanan.

Gamit ng Wika

Talakayin natin Ito ay may mas malalim na pagtalakay sa


paksa at mga konsepto may kinalaman sa
gramtika ata kasanayan pangretorika.
Inaasahan na ang mga kasanayan , kaalaman
at pagunawa ay dapat na malinang sa mga
estudyante sa bahaging ito.

Himayin natin Upang higit na maunawaan ang intgrasyon


ng gramatika at panitikan, may mga gawain
at pagsasanay gamit ang pagsulat.

Pagtibayin natin Ito ang bahagi ng pagsagot ng mga


estudyante sa mahahalagang tanong na
inilahad sa unang bahagi ng aralin. Ito ang
magtataya sa kaalaman ng mga estudyante
sa bawat aralin.

Lagumin Ang bahaging ito ang magtataya ng


kakayahan ng mga estudyante sa
paglalagom sa natutuhan sa buong aralin.

4
Panimulang Pagtataya para sa Yunit

A. Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Sa dulog na ito, ang teksto ay tinitingnan bilang isang repleksiyon ng
panahon kung kailan ito isinulat.
a. Historikal
b. Sosyolohikal
c. Pormalistiko
d. Moralistiko.
2. Teksto ang pokus ng dulog na ito.
a. Pormalistiko
b. Moralistiko
c. Humanismo
d. Sosyolohikal
3. Binibigyang diin sa pagsusuring ito ang pag-usbong ng kapitalismo at
ugnayan ng karisma at burukrasya.
a. Humanismo
b. Historikal
c. Sosyolohikal
d. Moralismo
4. Tao ang binibigyang pansin ng dulog na ito
a. Moralistiko
b. Historikal
c. Humanismo
d. Sosyolohikal
5. Ang kilos o asal ng mga tauhan ay binibigyang-pansin sa panunuring
pampanitikan na ito.
a. Humanismo
b. Moralistiko
c. Sosyolohikal
d. Historikal

5
B. Piliin ang angkop na panghalip para sa mga salitang may salungguhit.
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ang mga dating pangulo ng bansa ay naging masigasig sa pagtataguyod
ng kapakanan ng mga mamamayan.
a. Kami
b. Sila
c. Tayo
d. Kayo.
2. Ang aklat para sa mga estudyante ay tungkol sa kasaysayan ng wikang
pambansa.
a. Iyo
b. Inyo
c. Kaniya
d. Kanila
3. Ikaw at ako ay kailangang makipagtulungan sa isasagawang proyekto ng
Sangguniang Kabataan.
a. Kami
b. Tayo
c. Kayo
d. Namin
4. Maganda ang nilalaman ng mga obra ng ibat-ibang manunulat.
a. Nila
b. Niya
c. Kanila
d. Kaniya
5. Ikaw at si Ginoong dela Cruz ay magiging mga kinatawan ng bansa sa
paligsahan.
a. Kami
b. Sila
c. Kayo
d. Tayo

6
Aralin 1

Panitikan: Pyramus and Thisbe

Gawain ng Wika: Aksiyon, Pangyayari, at Karanasan:


Gamit ng Pandiwa

Panimula

Matutunghayan sa araling ito ang pagtatalakay tungkol sa mitolohiya bilang galugod ng


literatura. Tatalakayin din ang pinagmulan, uri, at ilang halimbawa nito. Maging ang mga
pandiwang nagpapahayag ng aksiyon, karanasan, at pangyayari ay tatalakayin din sa
araling ito. Mayroon ding mga pantulong na gawain at pagsasanay na siyang maghahasa
sa sa iyo kung naintindihan mo ang paksa. 

Layunin
 Naipahahayag mahalagang kaisipan sa napakinggan
 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa: sarili,
pamilya, pamayanan, lipunan, at daigdig
 Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito
 Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya
 Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay
 Naisusulat ang sariling mitolohiya batay sa paksa ng akdang binasa
 Nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksiyon, pangyayari at karanasan

7
Pagsusuring Pampanitikan

Dito masusuri ang iyong kaalam sa mga mitolohiyang Pilipino na kinabibilangan ng mga
kuwentong-bayang naglalahad ng tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang
nilalang, at sa mga pagkagunaw ng daigdig noon.

Suriin ang mga larawan.

Mga Diyos at Diyosa

Pagkatapos suriin ang mga larawan Sagutin ang mga tanong

1. Nakikilala mo ba ang mga tauhang nasa larawan? Paano mo sila nakikilala?

2. Paano ipinakikilala sa larawan ang kultura ng mga Pilipino?

8
Babasahin at uunawain ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Mitolohiyang mula sa
Rome upang iyong matuklasan kung paano nakatutulong ang mitolohiya mula sa
Rome sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino?

Tandaan natin

Ang mito ay nagmula sa salitang Griyego na mythos, nangangahulugang Kuwento o


salita. Ito ay matandang kuwentong bayan na karaniwang tungkol sa mga diyos, at
diyosa, bathala o mga anito. Tungkol din ito sa pagkakalikha ng daigdig, pinagmulan ng
mga tao at pagsamba ng mga tao sa kanilang diyos.

Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal. Sa Pilipinas naman, ang mito ay
kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang naglalahad ng tungkol sa mga anito, diyos at
diyosa, mga kakaibang nilalang, at sa mga pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring
matagpuan ang mga mitong ito sa mga kuwentong – bayan at epiko ng mga pangkat-
etniko sa kasalukuyan. Mayaman sa ganitong uri ng panitikan ang mga naninirahan sa
bulubundukin ng Luzon, Visayas, at Mindanao. May kuwento tungkol sa pagkagunaw ng
daigdig ang mga Ifugao. Inilarawan sa kanilang epikong “ Alim” kung paano nagunaw
ang daigdig. Ayon dito, nagkaroon ng malaking pagbaha sa mundo at ang tanging
nakaligtas ay ang magkapatid na sina Bugan (babae), at Wigan (lalaki). Sa kanila
nagmula ang bagong henerasyon ng mga tao sa mundo.

9
Basahin at unawain mo ito upang matuklasan mo kung paano nakatutulong ang
mitolohiya sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino.

Basahin natin

Pyramus and Thisbe


Ni Publius Ovidius Naso also known as  Ovid
Isinalin sa Filipino ni Rowena Cruz Fuertes

Sa isang bayan ng Babylon may magkasintahang Pyramus at Thisbe ang naninirahan


doon, simula pagkabata sila ay magkapitbahay at magkalaro. At ng sila nga ay lumaki
natutunan nilang mahalin ang isat-isa sa romantikong paraan. Ngunit ang kanilang mga
pamilya ay mahigpit na magkaaway kung kaya ang kanilang pag-iibigan ay hindi
pinahintulutan ng mga ito. Kung kaya ang kanilang relasyon ay lihim sa kani-kanilang
magulang. Ang dalawa ay may lihim na tagpuan, ito ay ang pader na nakapagitan sa kani-
kanilang mga bahay.Isang araw ang magkasintahan ay lihim na nag-usap muli kanilang
pinag-usapan ang kanilang sitwasyon. Ang pag-ayaw ng kanilang mga magulang sa
kanilang relasyon ay lubos na nagpapahirap sa kanilang damdamin kung kaya ang dalawa
ay nakabuo ng isang desisyon. Sila ay tatakas upang magkasama, ang kanilang usapan ay
magkikita sila ng sementeryo sa ilalim ng puno ng Mulberry.Sa gabi ng pagkikita
nauunang nakarating doon si Thisbe at kanyang inantay ang pagdating ng kanyang mahal
na si Pyramus.  Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon mayroong dumating na

10
mabangis na babaeng Leon na tigmak pa ng dugo mula sa pagpatay.  Sa sobrang takot ni
Thisbe siya ay mabilis na tumakbo patungo sa pinakamalapit na kweba ngunit nadaglit ng
babaeng Leon ang kanyang belo, dagli itong pinagpupunit ng leon, natigmak ng dugo ang
kanyang belo.Nang makarating si Pyramus sa kanilang tagpuan nakita nito ang belo na
puno ng dugo. Hinanap nito ang kasintahan ngunit hidi niya ito matagpuan. Napuno ng
kalungkutan si Pyramus inisip niya ang kanyang kasintahan ay patay na. Kung kaya
nakabuo ito ng desiyon na magpatiwakal na lamang sa pamamagitan ng pagsaksak sa
sarili. Kanya nga itong ginawa at mga prutas ng Mulberry ay napuno ng kanyang dugo
kung kaya ang prutas ay nag iba ang kulay.Saamantala ng mahimasmasan naman si
Thisbe sa kanyang sinapit dagli siyang lumabas sa kwebang kanyang pinagtataguan
upang bumalik sa tagpuan nila ng kanyang kasintahang si Pyramus, ngunit nakita niya
itong punong-puno ng dugo at wala ng buhay. Napuno ng kalungkutan si Thisbe sa mga
pangyayaring iyon. Pinili din nito na sumunod sa kanintahan nitong si Pyramus. Kanya
nga isinagawa ang pagpapatiwakal. Kanyang hiniling sa Diyos na ang kanilang mga labi
ay pagsamahin at ang kanilang tagpuan sa puno ng Mulberry ay magkaroon ng bungang
maitim kapag ito ay hinog na upang paggunita sa kanilang wagas na pagmamahalan.  

11
Upang higit na maunawaan ang binasang Mitolohiya ay sagutin ang talasik na
naglalayong paunlarin at palwakin ang ang iyong bokabularyo .

Talasik

Tukuyin ang mga salita kung ito ay payak , tambahan, o maylapi. Ipaliwanag ang
kahulugan nito batay sa pagkakayari ng salita. Gamitin din ang salita sa sariling
pangungusap.

1. Mag-isang dibdib

2. Suyuan

3. Hinaing

4. Hitik

5. Makapagpaparam

12
Sa seryeng ito binubuo ng mga katanungan tutulong sa saiyo namuling balikan ang mga
impormasyon na iyong natutuhan sa nabasang panitikan.

Muling Pag-isipan

Sagutin ang sumusunod na tanong .

1. Sino- sino ang mga tauhan sa kuwento? Ilarawan sila.

2. Paano nagbalak ang magsising-irog na magsama nang pangmatagalan?

3. Bakit inakala ni Pyramus na patay na si Thisbe?

4. Paano winakasan ni Thisbe ang kaniyang buhay? Bakit?

5. Sa iyong palagay makatwiran ba ang ginawa ng magsing-irog? Bakit o


bakit hindi?

13
Masusing Gampanan

Direksyon: Batay sa mensaheng iyong nakuha mula sa akda, iugnay ito sa iyong
karanasan, pamilya, lipunan at bansa. Gamitin ang grapikong representasyon sa
pagpapahayag ng iyong kaisipan.

Sarili Pamilya
Mensahe mula sa
akda:

Lipunan Bansa

14
Magaling! Batay sa mga naunang gawain, napaunlad mo ang iyong pag-unawa kung
bakit mahalagang unawain at pahalagahan ang parabula bilang akdang pampanitikan.
Higit na magiging madali ang pagsasalaysay ng mga pangyayari kaugnay ng mensaheng
natutuhan sa binasang akda kung mabisa mong magagamit ang mga pang-ugnay.

Talakayin natin

Aksyon, Pangyayari at Karanasan: Gamit ng Pandiwa

 Ang pandiwa ay ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ng


simuno ng pangungusap. Ito ay maaring kilos o galaw ng tao, hayop, o bagay.

a. Aksyon kapag may aktor o tagaganap ng aksyon o kilos. Mabubuo ang


mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping:-um, mag-, ma-, mang- .
1. Naglakbay siya patungo sa direksyon na ibinigay sa kanya.
2. Tumalima si Pedro sa mga hinihingi ni Cora.
3. Pumarada ang sasakyan sa harapan ng hotel.

a. Pangyayari Ang pandiwa na ginagamit dito ay nagsasaad ng kilos o


kaganapan.
1. Nalunod ang mga tao dahil sa matinding baha.
2. Namatay si Kahel dahil sa nainom niyang lason.
3. Pumasa siya dahil sa pagsali niya sa online review.

b. karanasan ang pandiwa kapag may damdamin. Dahil dito, may nkararanas
ng damdamin na inihuhudyat ng pandiwa. Ito ay maaaring ang karanasan
ay nagpapahayag ng damdamin o emosyon. Ipinapakita ng pandiwang
salita na mayroong nakararanas ng nasabing damdamin o emosyon.

15
1. Tumawa si Bumabakker sa paliwanag ni Bugan.
2. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang
pangyayari.
3. Umiyak ang binata matapos siyang iwan ng kasintahan.

Nauunawaan mo na ang iba’t ibang gamit ng pandiwa bilang aksiyon, karanasan, at


pangyayari. Isagawa mo ang sumusunod na pagsasanay upang mahasa ang iyong
kasanayan kung paano mo mabisang magagamit ang pandiwa

Himayin natin
Balikan ang binasang mga teksto. Hanapin ang lahat ng pandiwang ginagamit dito. Isulat
ang mga ito sa tamang hanay sa sumusunod na mga talahanayan.

Pyramus
Pandiwa bilang aksiyon Pandiwa bilang Pangyayari Pandiwa bilang karanasan

Thisbe
Pandiwa bilang aksiyon Pandiwa bilang Pangyayari Pandiwa bilang karanasan

16
Alam kong naunawaan mong mabuti ang mga tinalakay natin sa araling ito. Handanghanda ka
nang sagutin ang mga mahahalagang tanong sa araling ito.

Pagtibayin natin

Sagutin ang mga mahahalagang tanong.

1. Bakit mahalaga pag-aralan ang mitolohiya ng isang bansa?

2. Paano ginagamit ang pandiwa sa palglalahad ng aksiyon, pangyayari at


karanasan?

17
Lagumin natin

Sumulat ng limang parirala o pangungusap tungkol sa mahalagang konsepto natutuhan


mo sa panitikan at gramatika sa aralin ito.

18
19

You might also like