You are on page 1of 10

FIRST UNITED METHODIST CHURCH ECUMENICAL SCHOOL

INC.
BANCAL, GUAGUA, PAMPANGA
TEL. NO. 900-2254

FILIPINO
YUNIT 1: MGA ARAL MULA SA
PANITIKANG MEDITERRANEAN
MODYUL 2: Parabula

Name of student: _____________________________


Prepared by : Ms. Kate P. Batac_____
10
1|Page
Aralin 2
Panitikan : Ang talinghaga tungkol sa Manghahasik
Gamit ng Wika: Paggamit ng mga Pag-ugnay sa
Pagsasalaysay

Panimula
Sa araling ito ikaw ay gagabayan naman ng mga mensaheng matututuhan sa akdang
pampanitikan na umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay – ang parabula.
Sinasabing ito ay natagpuan sa kauna-unahang mga taon sa mundo at nabuhay sa
mayamang wika ng mga taga-Silangan.
Ang salitang ito ay buhat sa salitang Griyego na parabole na nangangahulugang
pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin. Gumagamit ito ng Tayutay na
Pagtutulad at Metapora upang bigyang-diin ang kahulugan. Ang Syria ay isang bansa sa
Timog Kanlurang Asya. Nasa hangganan ng Lebanon, Israel, Jordan, Iraq at Turkey. Sa
Ingles, ang pangalan “Syria” ay dating magkasingkahulugan sa Levant (kilala sa Arabic
bilang al-sham) habang sumasaklaw sa mga modernong estado ang katatagpuan ng ilang
mga sinaunang kaharian at imperyo. (wikipedia.org).
Ang Aralin na ito ay naglalaman ng parabulang pinamagatang “Ang talinghaga tungkol
sa Manghahasik”.
Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay –
pagsisimula, pagdadaloy ng pangyayari at pagwawakas na makatutulong upang
maunawaan mo ang mensaheng nakapaloob dito.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang masasagot mo ang mga pokus na tanong na:
Paano naiiba ang parabula sa ibang akda pampanitikan?
Paano nakatulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay.

Layunin
 Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng
katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal
 Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga
ibinigay na tanong
 Nabibigyang- puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at ekspresyong
ginamit sa akda
 Nahihinuha ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng pinanood na akda gamit
ang mga estratehiyang binuo ng guro at mag-aaral

2|Page
 Naisusulat nang may maayos na paliwanag ang kaugnay na collage na may
kaugnayan sa paksa
 Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula,
pagpapadaloy ng mga pangyayari, pagwawakas

Pagsusuring Pampanitikan

Sagutin ang mga tanong


1.Ano ang ipinakikita ng bawat larawan?

2. Anong makabuluhang mensahe ang hatid ng bawat larawan?

3. Paano makatutulong ang mensaheng nakapaloob sa larawan sa ugali ng isang tao?


Pangatuwiranan ang sagot.

4. Maliban sa sinuring mga larawan, magbigay ng iba pang sitwasyong nagpapamalas


/kakikitaan ng kagandahang-asa

3|Page
Panitikan : Ang talinghaga tungkol sa Manghahasik
Basahin natin

Ang talinghaga tungkol sa Manghahasik


(Mulâ sa Mateo 13:18-23/ Lucas 8:4-8, 11-15)

LINK : http://christiandiscipleschurch.org/content/ang-talinghaga-ng-manghahasik

Tandaan Natin

Ang parabula ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na


karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan? Realistiko ang banghay at ang
mga tauhan ay tao. Ang mga parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap
ng misteryo. - Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

4|Page
Muling Pag-isipan
Suriin ang nilalaman ng binasa na akda sa pagsagot sa sumusunod na mga tanong.

1. Paano naghasik ang mangahahsik ? Paano nagkaiba-iba ang pagtubo ng


mga binhi?

2. Bakit daw gumagamit ng mga talinghaga si Hesus?

3. Bakit nasabi ni Hesus na matigas na ang puso ng mga tao? Sang-ayon ka


ba rito? Ipaliwanag.

4. Ano ang hula ni Propeta Isaias? Paano raw ito nagkatotoo?

5. Paano naging panagpala ang mga taong nakarinig at nakakita kay Hesus?

5|Page
Masusing Gampanan

Magsaliksik ng isang halimbawa ng di biblikla na parabula. Lagumin ito. Sagutin din ang
mga sumusunod na mga tanong .

1.ano ang tema ng nasaliksik na parabula?

2. sino-sino ang mga tauhan dito? Ano ang tagpuan nito?

3. ano ang ginamit na paningin sa pagsulat ng akda? Ipaliwanag

4. ano ang naging bisa ng akda sa iyo? Ipaliwanag.

5. ano-ano ang mga tiyak na bahagi ng parabula na naglalahad ng katotohanan,


kabutihan, at kagandagang –asal ? ipaliwanag.

6. paano mo ilalarawan ang estilo ng may-akda batay sa gamit niya ng mga salita at
ekspresyon?

6|Page
Gamit ng Wika: Paggamit ng mga Pag-ugnay sa
Pagsasalaysay

Talakayin Natin
Isang mahahalagang sangkap ng pagsasalaysay ay ang maingat na paghahanay ng mga
pangyayari. Karaniwan nang ginagamit ng mga manunulat ang tradisyonal na
pagkakasunod-sunod ng simula, gitna at wakas na bahagi ng kuwento.

Subalit may ilan na gumagamit ng ibang balangkas tulad ng gitna, simula, wakas;
wakas , simula, gitna; wakas, gitna, simula.

Anumang ayos ang sinusunod, ang mahalaga ay napananatili ng balangkas ang kabuuan
ng isinasalaysay.

Makatutulong ang paggamit ng mg pang-ugnay sa pagpapanatili ng kaisahan at maayos


na daloy ng mga pangyayari.

Ang mga pang-ugnay na ito ay maghuhudyat sa pasisimula, pagpapadaloy at pagtatapos


ng isang kuwento.

Sa pagsisimula ng kuwento ay maaring gamitin ang mga pang-ugnay nang at bago

Sa pagpapadaloy ng pangyayari maaring gamitin ang mga pang-ugnay na kung, kapag,


dahil,sa, sapagkat, palibhasa, habang, at maging.

Himayin Natin

A. Kuwentung kapupulutan ng magandang aral sa buhay. Gumamit sa pagsasalaysay


ng angkop na mga pang-ugnay sa pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari,
at pagwawakas ng kuwento.

7|Page
Pagtibayin Natin

1. Paano naiiba ang parabula sa ibang akdang pampanitikan?

2. Paano nakatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay?

Pagtataya

Sa Gawa Makikilala
(Mula sa Mateo 7:16-20 33-35)
Walang mabuting punong kahoy na namumunga ng masama
At walang masamang punong kahoy na namumunga ng mabuti.
Nakikilala ang bawat punongkahoy sa pagitan ng kaniyang mga bunga
Sapagkat hindi makapipitas ng igos na puno ng aroma,
At di rin makakapipitas ng ubas sa puno ng dawag
Ang mabuting tao ay nakapagdulot ng mabuti sapagkat
Tigib ng kabutihan ang kaniyang puso
Ang masamang tao ay nakapagdudulot ng masama,
Sapagkat puno ng kasamaan ang kaniyang puso.
Sapagkat kung ano ang bukang bibig siyang nilalaman ng dibdib.
1. Aling bahagi ng parabula ang pinakatotoo para sa iyo? Bakit?

8|Page
2. Ano-ano ang mga bahagi ng parabula na nagtuturo ng kabutihan at
kagandahang asal? Ipaliwanag

II. basahin at unawain ang mga sumusunod na mga tanong. Piliin ang
letra ng tamang sagot.

1. Ano ang tinutukoy sa kaugalian ng tao sa pahayag na ito?


“ang lumalabas mula sa tao ang nagpaparumi sa kanya sa mata ng
Diyos”
a. Pagkatao
b. Mga karanasan
c. Tinatahak na buhay
d. Mga sinasabi at ginagawang masama
2. Ano ang pinatutunayan ni Hesus sa pahayag na ito?
“ang sinumang nagnanais na maging una ay dapat maging huli sa
lahat at maging lingkod sa lahat.
a. Ang nagpapakababa ay itinataas
b. Ang tunay na dakila ay nagpaparaya
c. Inuuna ng mga dakila ang magkapaglingkod
d. Ang dakila sa mata g Diyos ay iyong mga nagpapakumbaba
3. Ano ang ipinaaalala tungkol sa pakikisalamuha sa tao ng pahayag
na ito? “ibigin ninyo ang iyong kaaway at gawan ng mabuti ang
napopoot sa inyo.(Lucas 6:27-36)
a. Maging mabuti tayong halimbawa sa iba
b. Ang tunay na pagmamahal sa kapwa ay walang kondisyon

9|Page
c. Huwag mong gawin sa kapwa ang ayaw mong gawin sa iyo.
d. Suklian mo ng kabutihan kahit kasamaan ang ibinigay sa inyo.

10 | P a g e

You might also like