You are on page 1of 7

Sosyo - Kultural at Politikal na

Pamumuhay ng mga Pilipino

Alamin

Masayang panimula! Magandang araw mahal kong mag-aaral halina’t pag-


aralan natin ang tungkol sa Sosyo-kultural at Politikal na Pamumuhay ng
mga Pilipino.
Sa modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na kanilang masuri ang
Sosyo-Kultural at Politikal na Pamumuhay ng mga Pilipino(AP5KE-llg-7)

Tuklasin

Gawain 1: Tingnang mabuti ang balangkas.

PILIPINO

Sosyo - Kultural

PANINIWALA
KULTURA

Basahing mabuti ang mga sumusunod na impormasyon upang masasagot mo


ang mga sumusunod na gawain. Bigyang pansin ang mga mahahalagang
impormasyon
Ang Kultura ay ang uri at paraan ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar
na nagpapakita ng kanilang paniniwala, kagamitan, moralidad, batas at kaalaman o
sistema ng edukasyon. Ang kultura ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng
kultura ng mga katutubong tradisyon, kultura ng pangkat etniko, at ng mga unang
mangangalakal at mananakop ng bansa.

Bago pa man dumating ang mga espanyol sa Pilipinas ay taglay na ng mga


sinaunang Pilipino ang isang mayamang kultura sa paraan ng pamumuhay ng tao.
Kabilang dito ang kanilang mga paniniwala, kaugalian, relihiyon, at pagpapahalaga.
Naipamamalas ng sinaunag Pilipino ang Kulturang ito sa kanilang mga kaugalian,
sining, panitikan at paniniwala.

Mga Kaugalian ng Sinaunang Pilipino

Pananamit at Palamuti

Photo by Ada, Edwin Planas on slideshare Photo by  de la Rosa, Fabián. “Filipina” (1869-1937)

Ang mga sinaunang kalakakihang Filipino ay nagsusuot ng pantaas na


damit na tinawag ng kanggan o (kangan). Ang kulay ng kangan ay batay sa
katayuan sa lipunan ng may suot katayuan sa datu. Bahag naman ang kanilang
naging pang-ibabang kasuotan. Binalutan din nila ang kanilang ulo ng putong tulad
ng kangan sinasalamin din ng putong ang katangian ng may suot nito. Halimbawa,
pulang putong ang suot ng mga taong nakapaslang na ng isang tao. Ang mga
nakapaslang naman ng may pitong tao ay nagsusuot ng burdadong putong.

Sa kababaihan, ang pang-itaas na kasuotan ay ang baro at ang pang-ibaba


naman ay ang maluwag na palda na tinawag na saya ng mga Tagalog at
patadyong ng mga Bisaya. Karaniwan din silang nagsusot ng pulao puting tapis sa
baywang.

Mahilig magsuot ng mga palamuti at katawan ang sinaunang kababaihan at


kalalakihang Filipino. Kadalasan ay gawa ito sa ginto. Halimbawa ng mga
palamuting kanilang isinusuot ay ang pomaras - isang alahas na hugis rosas - at
ganbanes - isang uri ng gintong pulseras na isinusuot nila sa braso at binti.
Nagsusuot naman ang mga kababaihan at kalalakihang Bisaya ng hanggang apat
na pares ng gintong hikaw sa tainga. Gayundin, naglalagay sila sa kanilang
katawan ng mga tatto o mga patik na may disenyo at marka sa balat. Sa pagdating
ng mga Espanyol, tinatawag nilang itong pintados ang mga katutubong puno ng
tattoo sa katawan.
Kaugalian sa Pagpapangalan

Karaniwan ang ina ang nagbibigay ng pangalan sa kanyang anak noong


sinaunang panahon sa Pilipinas. Malimit na ang pagpapangalang ito ay batay sa
isang particular na pangyayari tulad ng pangalang “Maliuag” na nangangahulugang
“mahirap na pagluluwal sa sanggol.

Wala silang apelyido, Ang mga magulang ay tinatawag sa pangalan ng


kanilang panganay na anak, halimbawa ang tatay at nanay ni Maliuag ay tinatawag
na “Ama ni Maliuag” at “Ina ni Maliuag.” Nakikita naman ang kaibahan ng pangalan
ng babae sa lalaki sa pamamagitan ng pagdugtong ng katagang “in” sa pangalan.
Halimbawa, ang pangalang “ilog” para sa lalaki ay “iloguin” kung ipapangalan sa
babae.

Kaugalian sa Paglilibing

Inihanda ng mga sinaunag tao ang kanilang yumao para sa kabilang buhay
sa pamamagitan ng paglilinis, paglalangis, at pagbibibihis ng magagandang
kasuotan sa bangkay. Pinababauanan din nila ang yumao ng mga kasangkapan
tulad ng seramika at mga palamuti upang may magamit ang mga ito sa kabilang
buhay.

May dalawang bahagi ang paglilibing ng mga sinaunang Filipino. Una


inililibing nila ang yumao sa lupa kasama ang ilang kasangkapan. Matapos matuyo
ang mga labi ay hinahango ito mula sa libingan at isinisilid sa loob ng banga.

SISTEMA NG PANINIWALA NG SINAUNANG FILIPINO

May sariling Sistema ng paniniwala ang mga sinaunang Filipino bago pa


man sila masakop ng mga dayuhan.

Paniniwala sa mga Espirito at Diyos ng Kalikasan

Naniniwala ang mga sinaunang Filipino na may mga espiritong na


nanahasa sa kanilang kapaligiran. Tinatawag nila itong Anito ng mga Tagalog at
diwata ng mga Bisaya. Pinaniniwalaan din ng mga sinaunang Pilipino na ang mga
bagay sa kalikasan tulad ng araw, bundok,at ilog ay tirahan ng kanilang yumaong
mga ninuno. Ang tawag sa paniniwalang ito ay animismo. Bago sinimulan ng mga
sinaunang Pilipino ang anumang gawain tulad ng pagpapatayo ng tahanan,
pagtatanim, at paglalakbay ay humingi sila ng gabay at pahintulot mula sa espirito
ng kalikasan.
Suriin
Panuto: Kompletuhin ang mga titik ng hinihinging salita sa
bawat bilang.

1. Ang uri at paraan ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar na


nagpapakita ng kanilang paniniwala, kagamitan, moralidad, batas at
kaalaman o sistema ng edukasyon.

K L T R

2. Ang kanilang naging pang-ibabang kasuotan.

B A

3. Ang mga sinaunang kalakakihang Filipino ay nagsusuot ng pantaas na


damit na tinawag na.

A G A N

4. Binalutan din nila ang kanilang ulo ng _____ tulad ng kangan


sinasalamin din ng putong ang katangian ng may suot nito

P T N

5. Ang pang-itaas na kasuotan ay ang baro at ang pang-ibaba naman ay


ang maluwag na palda na tinawag sa Tagalog na?
S Y
6. Ang pang-itaas na kasuotan ay ang baro at ang pang-ibaba naman ay
ang maluwag na palda na tinawag sa Bisaya na?
P T A D N G
7. Isang alahas na hugis rosas.

P M N A
8. Isang uri ng gintong pulseras na isinusuot nila sa braso at binti..
G A B A N S

9. Ang tawag ng mga sinaunang Pilipino sa mga espirtong nanahasa sa


kapaligiran. Ano ang tawag nito sa mga Tagalog?
N I O
10. Ano naman
ang tawag ng mga Bisaya sa mga espiritong na nanahasa sa kanilang paligid?

D W T
Pagyamanin

Gawain 4
Data Retrieval Chart

Punan ang ikalawang hanay ng tsart ng mga datos mula sa aralin. Sa ikatlong
hanay naman. Isulat ang kalagayan ng kultura ng mga Filipino sa kasalukuyan.

Aspeto ng Kultura Kultura ng Pilipino Kulturang Pilipino sa


noong Sinaunang Kasalukuyan
Panahon

1. Pananamit

2. Pagpapangalan

3. Paglilibing

4. Paniniwala at Relihiyon

Isaisip
Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong. Ipaliwanag ang iyong
sagot.

1. Sa iyong sariling opinyon, meron pa ba naniniwala sa Animismo sa


kasalukuyang panahon? Anong paraan maipakikita ang paniniwalang iyon?

2. Gumuhit ng isang kultura ng sinaunang Pilipino at isang kultura ng


kasalukuyang Pilipino at ipaliwang ang kaibahan nito.

Paliwanag:
Isagawa

Panuto: Sagutin ang tanong at ipaliwanag ito.

Bakit mahalaga ang kultura ng Pilipino na mapanatili itong isaisip ng bawat mag-
aaral?

______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

You might also like